That Same Old Ysabel

IX. ADRIAN

"Tell me, gaano mo kakilala si Ysabel?", Seryosong tanong nang nasa harapan ko. Sa sobrang seryoso ng mukha niya ay hindi ko alam kung malungkot o galit ba itong taong ito.

"What do you mean?", Kunot-noo kong tanong. Anong ibig niyang sabihin? Gaano ko raw kakilala si Ysabel, eh malamang alam ko lahat sa kaniya. Girlfriend ko siya eh... Noon.

At natawa siyang tumingin sa akin. Sabay lapag ng gamit ni Ysabel sa upuan.

"You said awhile ago, kilala mo si Ysabel. So now I'm asking you, gaano mo siya kakilala?", At nag-cross arms siya.

Napakurap-kurap naman ako dahil sa sinabi niya.

Narinig niya ba ang mga sinabi ko kanina? Pati iyong mga sinabi ko? Pati iyong pag-sabi ng I love you at pag-halik sa noo, nakita niya?

"Yes, I heard and see that." Sagot niya at sabay niyang itinaas-baba ang kilay niya at tumawa. Tila ba nang-aasar.

Pero tama ako diba? Umo-o siya? Umo-o siyang narinig niya at nakita niya ang ginawa ko kay Ysabel? Hindi ba parang ang awkward n'on sa kaniya? Ang awkward no'ng makita niyang hinalikan ko sa noo si Ysabel sa harapan niya? Kasi siya ang bagong boyfriend ni Ysabel?

Pero ano bang pakialam ko doon?

"Oh, I forgot to say my name..." And then he raised his hand para makipag-shake hands. "Stanley." Ngiting sabi niya.

Grabe maka-ngiti ang isang 'to. Akala mo walang awkward na pangyayari awhile ago. Diba dapat naiinis siya o magagalit o dapat nga nga suntukin niya na ako ngayon eh dahil sa pag-halik ko sa girlfriend niya? Hindi yong ngini-ngitian ako tapos makikipag-shake hands pa.

Kung gawin ng kung sinong lalaki iyon kay Ysabel ay hindi na makaka-ngiti ulit iyon. Mabuti nga hindi ko nasuntok noon si Caleb dahil sa sobrang close ni Ysabel noon.

"Adrian." Ngiting sabi ko at tinanggap ang pakikipag-kamay niya at kaagad na bumitaw.

"I know you."at tango-tango niyang sabi na ikina-kunot ko naman ulit ng noo.

Kilala niya ako? Paano? Bakit? At saan?

"You love her?", Sabay lapit niya kay Ysabel.

"Oo... Oo naman." Sagot ko agad. At tumawa siya.

Gusto ko siyang makitang mag-selos sa sinagot ko sa tanong niya. Pero bakit imbis na mainis at magalit siya eh tumawa lang siya?

Sira ba ulo niya?

Paano siya nakaka-tawa kung nakita niya na ako itong kasama ni Ysabel kanina at hindi siya? Paano siya nakaka-tawa kung inamin ko ng harap-harapan sa kaniya na mahal ko pa si Ysabel? Na mahal ko pa si Ysabel na ex ko, na girlfriend niya na ngayon?

Tell me, hindi ba siya nagagalit sa akin? Hindi niya ba ako susuntukin? Para naman makapag-handa ako dito.

"Then why did you choose to let her go?", Rinig kong muli kay Stanley.

"Hah?", Tanong ko.

"Why did you choose to let her go?"

Fine, hindi nga siya nagagalit sa mga sagot ko. Pero ako naman itong naiinis. Ako itong nagagalit sa mga tina-tanong ni Stanley.

Sira ba talaga ang ulo niya? Why I chose to let go? Seryoso ba siya sa tinanong niya? Iniinis niya ba ako? Gina-galit?

"Hindi niya ba nasabi sa'yo?", Tanong ko.

"She told me, you let her go."

"Because of the pictures."

"What picture?", Tanong niya.

"Kayong dalawa na nasa isang kuwarto." At natawa siya.

"It's my room." Sabay tango niya. Tama ako inaasar ako nitong lalaking ito.

"Pero mahal mo si Ysabel diba? Bakit mo siya ni-let go agad? Hindi mo ba naisip na baka edited lang ang picture na 'yon?", Tanong na naman niya. At napa-buga ako sa inis.

"What do you want?! Huh?! Why are you telling me this?! Hindi ko alam kung iniinis mo ba ako o ano eh?!", Inis kong sabi sa kaniya. Tama naman ako diba? Nang-iinis siya.

"Hindi kita ini-inis, I was just asking you. Why did you let her go that easily? Kasi si Ysabel, nahihirapan siyang iwan ka. Wala siyang ibang magawa, kundi ang iwan ka. She did that for you." At napatingin na naman ako ng kunot-noo kay Stanley.

What does he mean by that? Iniwan niya ako para sa akin? Ano yon? Baliw ba siya?

"That's why I'm asking you kung gaano mo kakilala si Ysabel." At tiningnan ako mula ulo hanggang paa ni Stanley. "Pero sa nakikita ko... Mukhang hindi mo pa talaga siya kilala."

"Puwede ka ng umalis, ako ng magba-bantay kay Ysabel. Pasensya na sa abala." Dagdag niya pa.

And after that ay hindi na siya nag-salita. Umupo siya sa tabi ng kama ni Ysabel habang nakatingin siya sa natutulog na Ysabel.

Anong nasa isip ngayon ni Stanley?

Ako naman ay naupo sa harap nila. Nanatili akong tahimik. Tahimik ang paligid. Hindi na ulit nag-salita pa or nang-asar pa si Stanley. Naka-titig lang siya doon kay Ysabel at hindi niya na ako pinansin. Nakatingin siya kay Ysabel na akala mo eh silang dalawa lang ang nandito. Na tipong walang ibang tao dito. Tipong walang tao dito sa paligid, bukod sa kanilang dalawa.

Iniisip ko kasi ang sinabi ni Stanley awhile ago.

'That's why I'm asking you kung gaano mo kakilala si Ysabel...'

'Pero sa nakikita ko... Mukhang hindi mo pa talaga siya kilala.'

Tsh. Malamang kilala ko si Ysabel. Naging girlfriend ko siya for 7 months. Matagal din iyon kaya kilala ko si Ysabel.

Eh ano 'tong sinasabi niya na hindi ko pa talaga siya kilala? Kung meron, ano naman? Makaka-apekto ba iyon sa akin? Sa kaniya? Sa relasyon namin noon?

Wait...

Hindi kaya iyong tinu-tukoy ni Stanley ay may kinalaman sa break up namin? Pero ano?

Tsh. Ano ba yan!

Dagdag isipin na naman. Hindi na naman ako mapapa-kali nito. Hindi na naman ako makaka-tulog nito sa pag-iisip kung ano ang tinu-tukoy ni Stanley. Tss. Hindi na nga ako maka-tulog kagabi dahil sa pag-I love you ni Ysabel sa akin habang lasing siya eh. Tapos itong palaisipin na naman ang sinasabi ni Stanley. Ano ba iyon?

Itanong ko na lang kaya kay Stanley?

Tama. Ita-tanong ko kay Stanley. Para mamayang gabi eh makaka-tulog ako ng mahimbing. Nang walang iniisip.

Itatanong ko na sana ito kay Stanley nang bigla naming marinig ang boses ni Ysabel.

"Adrian." Rinig ko mula kay Ysabel.

But why?

Why did she call my name?


Comment