That Same Old People

XXIX. ASH



After lunch ang pasok ko, half day lang kasi ang pasok ko ngayon. Tapos itong nasa tabi ko? Well obviously, nasa kaliwa ko ngayon? Isang abnormal na lalaking kumakain ng dark chocolate. Mula sa byahe ay hindi man lang ako binigyan ng kahit kaunti. Tama na daw ito hinahatid-sundo niya ako sa bahay. Ang unfair lang diba? Akala mo hindi kapamilya eh. Akala mo hindi naki-kain, naki-tulog at naki-tira sa bahay namin para pag-damutan sa kapirasong chocolate na hinihingi ko. Psh. Kahit na in the very first place ay akin naman talaga iyon. Kinuha lang ng abnormal na 'to sa fridge namin.

I get it puwede naman akong bumili n'on at hindi mag-emote dito ng very very hard. Pero kasi sa US pa iyon nabili ni... Ni Daddy.

Na-miss ko tuloy si Daddy bigla.

Alam kong wala na siya pero kamusta na kung nasaan man siya? Nakikita niya kaya kami? Pinagma-masdan? Alam kaya niya na madami akong tanong? Alam din kaya ni Daddy na naguguluhan ako sa mga bagay-bagay? Alam din kaya ni Daddy na may nangyayari sa amin ngayon?

Haays. Sana bigyan ako ng sagot ni Daddy.

Si Kuya Travis? Ayon hindi ko nakausap at kinausap. Paano ba naman kasi umuwing lasing no'ng sabado. Birthday kasi ni Caleb diba? Hindi pa nga makalakad eh. Akay-akay pa ni Stanley at Adrian si Kuya Travis. At may gana pa talaga siyang magpaka-lasing 'no? Muntikan na nga kaming mapatay nong sabado tapos lakas pa ng loob magpaka-lasing. Knock out nga siya eh. Paano na lang kung bumalik yong mga yon edi nakatulog na siya habang-buhay? Kuya Travis talaga, tanda-tanda na, hindi nag-iisip.

Pero before siya inakyat nila Stanley at Adrian n'on ay pinahinto ko na muna sila habang akay-akay si Kuya Travis. Pinic-turan ko kasi muna si Kuya Travis, para may pang-blackmail ako sa kaniya soon. Naka-ilang picture din ako n'on dahil tulog na tulog talaga si Kuya Travis. Not until mainis si Stanley at itanong kung may itatagal pa ba ang ginagawa kong pagkuha ng mga pictures ni Kuya Travis dahil ang bigat-bigat raw. At dahil doon, tinigil ko na ang pag-picture. Ka- bad trip si Stanley eh. Akala mo hindi din binuhat ni Kuya Travis noong nalasing siya eh. Psh. Walang utang na loob. Dapat pala hinayaan ko na lang siya matulog doon sa sahig ng terrace.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay dumiretso ako ng kusina upang mag-timpla ng kape. Wala lang, pampa-tulog. Gabi na din kasi n'on, kaya kailangan ko ng matulog.

Huwag na kayo magtanong. Kape talaga ang pampa-tulog ko. Especially the nescafé creamy latte, it's my favorites though.

At habang tahimik akong nainom ng kape sa kusinang iyon ay nakita ko si Adrian na papasok din ng kusina. Nang makita naman niya ako ay lumapit siya at tinawag ang pangalan ko. Bago pa niya maituloy ang sasabihin niyang iyon ay sinabi kong huwag na muna niya akong kausapin. Huwag na muna kami mag-usap. And with that, umalis ako sa harap niya at nag-tungo sa kuwarto habang dala-dala ko ang tasa kong may kape.

Nakita ko pa na may sadness and pain sa mata niya dahil sa ginawa kong iyon. Pero hindi ko magawang malungkot o masaktan para sa kaniya dahil namumutawi ang galit ko sa kaniya at sa isiping trinaydor niya ako at niloloko all along.

And sunday night ay mabuti na lang at hindi siya nagpunta ng bahay. Good thing dahil kahit anong gawin niya ay hindi ko siya pagbu-buksan. Malamang alam ni Adrian na galit ako sa kaniya. Hindi lang galit. Kundi galit na galit. Na kailangan ko munang magpa-lamig ng ulo.

Nagcha-chat pa din naman siya sa akin. Pero ako itong hindi na muna nag-reply. Di-distansya muna ako sa kaniya hangga't sa malaman ko kung kaninong bahay iyong pinasukan ng limang lalaki. At kung bakit nandoon si Adrian.

Noong linggo naman which is kahapon ay buong araw na wala si Kuya Travis sa bahay. Umuwi na daw siya ng madaling araw at kaninang umaga, nakita kong may pasa siya sa mukha. So saan pa nga ba siya galing? Edi sa underground. Bad trip siguro siya kaya pumunta siya doon.

Kaya I've decided na huwag na lang muna siyang kausapin about sa napag-usapan namin ng mga ka-gang ko noong sabado. Alam kong alam niya na iyon dahil baka tinanong niya na si Adrian at malamang sa malamang may sinagot namang matino si Adrian. Pero ano kayang sinagot ni Adrian? Alam kaya ni Kuya ang bahay na iyon?

Pero kung sinabi na ni Adrian ang lahat kay Kuya Travis posibleng nag-away sila?

Ganoon ba yon?

Haays. Ewan. Tama na muna sa pag-iisip. Mababaliw na ako. Psh.

"Hoy Ysabel." Rinig kong tawag ni Stanley dito sa tabi ko. Naka-park na ang kotse sa parking lot, naka-patay na din ang engine pero walang bumababa. Trip lang eh.

Kunot-noo ko namang tiningnan ang katabi kong abnormal.

"Problema mo?!", Inis kong tanong sa kaniya. Maka-hoy akala mo close kami eh. Ang damot pa.

"Gusto mo chocolate?", Sabay lapit niya sa akin ng dark chocolate niya.

Kanina na nanghihingi ako, hindi niya ako binigyan tapos ngayon. Aba! Ewan. Abnormal talaga.

At narinig ko pang tumawa siya dahil sa ka-abnormalan niya.

"Manahimik ka nga, nag-iisip ako oh."

"Huwag mo nang isipin yon. Nakaraan na yon." I just heaved a sigh. Mabuti pa ang lalaking ito nakaka-kain ng walang iniisip.

Isa pa 'tong abnormal na 'to. Walang sinasagot kapag nagta-tanong ako if ever na may sinabi ba sa kanila si Adrian. At ang abnormal na 'to ang sabi niya lang 'Mahal na mahal ka ni Adrian.'  Oh diba ang layo ng sagot sa tanong ko. At saka alam ko namang mahal na mahal talaga ako ni Adrian, subukan niya lang na hindi. Sisipain ko talaga ang alaga niya.

Ayaw ko namang tanungin mismo si Adrian about doon. Ayaw ko nga siyang kausapin diba. Psh.

Bahala na.

Stanley kasi akala mo walang alam. Kasama naman niya si Adrian. Psh.

Tahimik lang kami ng ilang minuto sa loob ng koyse hanggang sa may sinabi si Stanley.

"Si Adrian ba iyon?", Tanong ni Stanley sabay turo doon sa harap namin na naka-brown shirt, black jeans at isang sneakers.

At si Adrian nga iyon. May ka-text si Adrian habang palinga-linga sa paligid niya. Palinga-linga na tipong may hinahanap.

At sino namang hinahanap ng lalaking iyon?

Maya-maya naglakad siya patungo doon sa likod ng university. At anong gagawin niya doon?

May ka-meet ba siya at doon ang place? Sabagay walang tao doon. Puro matataas na puno lang.

Sinundan ko ng tingin si Adrian.

Kinuha ko ang baril niyang kuwarenta'y-singko. Tiningnan iyon kung may bala and luckily, kompleto ang bala. Kaya nilagay ko iyon sa likod ko. Good thing pala na nag-pantalon ako ngayon. Tinakpan ko iyon ng loose maroon shirt ko. Ibinalik ko naman kay Stanley ang paningin ko. At siya? Lumaki ang mata niya at tumigil sa pag-kain ng chocolate. Parang na-shock siya sa ginagawa ko ngayon.

"And where are you going?", Tanong niya naman.

"Somewhere." Ngiting sabi ko ay bumaba saka sinarado ang pinto ng kotse ni Stanley. At nagsimula akong maglakad para sundan si Adrian doon sa pupuntahan niya.

Sinong ka-meet up niya doon? At bakit of all places doon pa sa mapunong parte ng university ang place nila?

Hindi kaya may gagawin doon si Adrian? Pero ano naman?

I'll stop asking na nga. Susundan ko na si Adrian at baka may malaman pa ako mula sa kaniya nang hindi ko tinatanong.

"What are you planning to do?!", Rinig kong sigaw pa ni Stanley kaya humarap ako sa kaniya.

"Nothing." Sagot ko. Hindi ko alam kung narinig niya ba ang sagot kong iyon o hindi, pero bahala siya doon.

Dire-diretso naman akong naglakad patungo doon sa pupuntahan ni Adrian.

At tama nga ako. Sa likod siya pupunta. Nagtago ako sa isang malaking puno. Sumilip ako at nakita kong nakatalikod si Adrian, palinga-linga pa din ito.

At bumalik naman ako sa pagtatago ko. Baka may makakita pa sa akin dito eh. Edi mabu-bulilyaso ang plano kong pagsunod kay Adrian.

Pero bakit ko nga ba sinundan si Adrian in yhe first place?

Wala lang, feeling ko lang may something dito kaya sumunod ako kay Adrian.

And isa pa.

Baka mapahamak si Adrian.

Tsh. Kahit naman galit o bad trip ako sa kaniya sa mga oras na ito eh nandito pa din ang pagmamahal ko sa kaniya. Mahal ko pa din siya. Nothing can change that. Kahit pa galit ako sa kaniya ngayon.

But let's set aside that love. What's important right now is I need to find answers. At kung tama ba akong traydor nga talaga si Adrian sa amin.

Kung tina-traydor nga ba niya kami. Kung tina-traydor nga ba niya ako. Kung niloloko ba niya ako.

Sumilip muli ako sa puwesto ni Adrian na nakatalikod pa din siya sa akin ngayon.

Napatitig na lamang ako sa kaniya nang makita kong kausap niya iyong mga lalaki.

Iyong mga lalaking na pumasok sa malaking bahay.

Iyong mga lalaking namaril sa bahay ni Caleb noong sabado.

Iyong mga lalaking iyon ay nasa harapan ni Adrian ngayon.

At katawanan niya pa ngayon...

Bumilis ang tibok ng puso ko nang ma-realize ko na tama nga ang naiisip ko pa-tungkol kay Adrian.

Tama nga ako. Tina-traydor kami ni Adrian.

Pero ano itong ginagawa niya ngayon?

Hindi ko alam kung maiiyak ako, malulungkot, o magagalit o kaya naman ay masasaktan sa nalaman ko ngayon. Sa nalaman kong traydor si Adrian sa amin. Pero bakit niya ito ginagawa sa amin? Sa akin? Ipapa-hamak niya ba kami? Ipapa-hamak niya ba ako?

But no. Hindi ko dapat ipakita ang kalungkutan ko ngayon. Lalo pa at nasa malapit lang sila.

Nakita ko pa na isa-isang nakikipag-kamay sila kay Adrian. At lumaki na lamang ang mata ko nang makita ko ang limang lalaki na may tattoo ng pulang Scorpions. At bigla kong naalala ang sinabi ni Lorie sa amin noong sabado. At mukhang totoo nga ang narinig niya doon sa underground.

"Aces are recruiting other gangs."

"And Red Scorpions is their first recruit."

At tila ba na-stuck na lang talaga ako dito sa kinatatayuan ko.

Red Scorpions ay konektado sa Aces ngayon. Ibig sabihin under sila ng Aces. At members ng Scorpions itong nasa harap ko. Nasa harap ko si Adrian ngayon. Posible siyang mapahamak.

Pero bakit nakikipag-kamay si Adrian sa kanila? Anong ibig sabihin?

Hindi kaya konektado si Adrian sa Scorpions? At posibleng tama ang mga members ko na alam ni Adrian ang barilang magaganap kaya siya umalis sa bahay ni Caleb?

At posibleng tina-traydor kami ni Adrian.

Na all along he's a traitor to us. Na all along konektado siya sa Scorpions at Aces. Na baka in the first place, kilala at alam niya na kung ano talaga kami ni Kuya Travis at Stanley.

Wait. Is he spying on us? Is Adrian spying on us? Inutusan ba siya ng Aces? Inutusan ba siya ng Aces para kaibiganin kami nila Kuya Travis? And the fucking worst, maybe they told Adrian that he should fall in love with me. But in the first place, hindi talaga in love sa akin si Adrian. And he is just acting upang tingnan at alamin ang kinikilos namin.

Tsh. Kung saan-saan na talaga napunta ang isip ko. But that's possible right?

Pero bakit ginagawa ito ni Adrian?

I need to talk to Kuya Travis about this matter. But at this hour, I need to face Adrian.

Maya-maya ay nakita kong umalis na ang limang lalaki. Nakatalikod pa din si Adrian.

Dahan-dahan naman akong naglakad patungo sa puwesto niya ma nakatalikod pa din.

May hini-hintay pa ba siya bukod sa limang lalaki?

Kinuha ko ang baril ko at itinutok sa naka-talikod na si Adrian.

Mahirap na at baka may biglang nangyari.

"Anong gusto mong gawin ngayon Adrian?", I asked him and then I pull the trigger.

Humarap naman si Adrian sa akin at nakita ko ang pagka-kunot ng noo niya. Maybe he's at shock knowing na nandito ako kasama niya at baka narinig ko ang pinag-uusapan nila awhile ago.

Malas nga eh. Wala akong narinig na pinag-usapan nila.

Shit.

"Ysabel-"

"Don't fucking call me Ysabel!", Galit kong sabi sa kaniya.

"What are you planning to do huh Adrian?", At narinig ko ang kunot-noo sa mukha niya. Tila ba naguguluhan siya sa tanong ko. Ako naman ay naka-focus lang sa kaniya. Dahil baka malingat lang ako, sa akin na naka-tutok ang baril.

Pero wala akong narinig na sagot mula kay Adrian. At tanging pag-sigaw lang ni Kuya Travis ang narinig ko.

"Ysabel, what are you doing?!", Galit na sigaw ni Kuya Travis sa akin sabay bawi niya ng baril na hawak-hawak ko na naka-tutok kay Adrian. "Ysabel nasa university tayo oh!", Binigay ko naman kay Kuya Travis ang baril at tumingin sa kaniya.

"I'll let you handle this." At tumalikod ako at nakita ko ang Wild Executioners, na gang ni Kuya. Si Levi at Stanley.

"Are you trying to kill Adrian?!", Galit pa ding tanong ni Kuya Travis.

"No. I was just asking him." Casual kong sagot sabay tingin kay Kuya Travis na binibigay ngayon ang baril kay Stanley.

"About what?", At kunot-noo ko naman siyang tiningnan.

"So you don't know anything?", Kunot-noong tanong ko kay Kuya Travis sabay tawa. "Well in case you don't know, konektado si Adrian sa namaril sa bahay ni Caleb." At tumingin ako kay Adrian. At si Adrian naman ngayon ay parang may gustong sabihin pero hindi man lang niya masabi.

At ano naman kaya iyon? Sorry?. Tss. Bullshit.

"And in case you didn't know..." At humarap akong muli kay Kuya Travis. "Adrian si connected to the Scorpions. And you what? Scorpions is connected to Murderous Aces. So now you know." At tumingin ako sa harap ko kung nasaan sila Stanley at Levi.

"So maybe. Adrian is secretly betraying us." At saka ako dahan-dahang naglakad palayo sa kanila.

"Magtiwala na lang tayo kay Adrian." At napahinto ako sa sinabi ni Kuya Travis. Tama ba ang narinig ko? Magtiwala sa traydor na nasa harap namin?

"What?", At natawa ako. "You're seriously saying that?", Pero hindi siya sumagot. "Nasaan na yong Kuya Travis na nagsabing huwag agad magtitiwala pagdating gang world?"

"We need to trust Adrian. You need to trust Adrian." Pag-uulit ni Kuya Travis.

"I'll trust him tapos ano? Anong mangyayari huh?", At wala akong narinig na sagot sa kanilang lahat. "I. Won't. Trust. Again. Alam niyo..." At bumalik ang tingin ko kay Kuya Travis. "Alam mo kung anong nangyari with Samuel before. He betrayed me..." At tumingin ako muli sa kanilang lahat. "He betrayed us!"

"And now you're telling me to trust this guy?", At galit akong tumingin kay Adrian. "You're a fucking traitor. And I will never ever fucking trust you again!", At binalewala ko ang lungkot na nakita ko sa dalawa niyang mata.

At malungkot pa siya ngayon ah? Siya nga itong traydor sa amin eh.

Kahit malungkot siya ngayon, nothing can change the fact that he's still a fucking traitor.

"Ysabel stop!", At natawa akong tumingin kay Kuya Travis na until now ay galit pa din na nakatingin sa akin. "Trust Adrian on this. Kung ayaw mong magtiwala sa kaniya, magtiwala ka sa'kin. May plano ako."

"At ano ang plano mo? Magtiwala kay Adrian? Fine! If that's what you want. But you can't tell me to trust Adrian again. Pareho lang sila ni Samuel. Mga traydor." Sabi ko.

"Ysabel stop. Just trust me on this, okay?", At napatingin ako sa nagsalita. Kay Adrian.

At bigla na naman akong natawa sa sinabi niyang pagkatiwalaan siya. At bakit ko gagawin iyon? Tanga ba ako?

"You know what? You're bullshit." Sabi ko kay Adrian. "And you're bullshit." Sabi ko naman kay Kuya Travis at saka humarap sa mga ka-grupo ni Kuya Travis at kila Levi at Stanley.

"You are all bullshits!", Sigaw ko at umalis na sa harapan nila.

Paano nila nagagawang magtiwala kay Adrian? Kay Adrian na isang traydor?

Anong plano ba ang mayroon si Kuya Travis na dapat naming pagkatiwalaan si Adrian?

Kung ano man ang plano nila...

Sana hindi mapahamak si Adrian.



Comment