That Same Old Confrontation

VII. ASH


Nang mag-ring ang bell ay niligpit ko ang mga gamit ko at saka tumayo. Gusto ko na kasing pumunta sa cafeteria para kumain dahil gutom na ako.

"Ash, mauna ka na sa cafeteria. May dadaanan lang kami ni Raiza." Sabi ni Criza.

"Okay." Sagot ko na lang dahil gutom na gutom na ako.

Hindi kasi ako kumain kanina ng breakfast namin. Tanging kape lang ang ininom ko. Pampa-wala ng hangover. Pero mukhang mas sumakit ang ulo ko ngayon. Must be because I'm hungry at sa pag-iisip ng kung ano-ano kanina.

Pagdating ko sa cafeteria ay inilibot ko ang paningin ko para makita ko if may vacant pa bang table at imbis na vacant table ang makita ko ay isang lalaking akala mo aso kung maka-ngiti.

"Dito ka na umupo!", Sigaw niya kaya lumapit ako at umupo sa tapat niya.

"Anong problema mo?", Bungad kong tanong sa kaniya.

"Ang ganda ng bungad mo ah." Biro niya.

"Nakangiting aso ka kasi." At natawa siya.

"What do you want to order?", At lumaki ang mata ko sa tanong niya.

"Libre mo?", Tanong ko.

"Oo na, para sa mabait kong pinsan." Sagot niya.

"Ayy mabait lang?"

"Bakit maganda ka ba?", At sinamaan siya ng tingin.

"Lumayas ka sa harapan ko, baka masaksak lang kita." Sabi ko. Bad trip na nga ako eh, gutom at masakit ang ulo ko. Tapos aasarin pa ako ng abno na 'to.

"Ito naman hindi mabiro. Oh sige anong gusto ng mabait at maganda kong pinsan? Sabi kasi ni Kuya Travis kanina nag-kape ka lang daw."

"Inaasar niya kasi ako." At natawa siya. "And hangover sucks." At natawa siya.

"Isang kanin, tapos isang order ng Beef Steak, isang Coke, dalawang Burger at isang Orange Juice."

"Ang dami naman, mauubos pera ko niyan."

"Galing na sa'yo na libre mo at isa pa wala akong breakfast remember?"

"Oo na. Yaman-yaman niyo eh. Tapos ako pa manlilibre."

"Thank you. At aba, parang hindi kayo ang may-ari ng school ah." Sabi ko at umalis na siya sa harapan ko. "Samahan mo na din pala ng Baked Mac!", Sigaw ko kaya sinamaan ako ng tingin ni Stanley pero binigyan ko lang siya ng isang pagkatamis-tamis na ngiti. At saka naglakad na siya papunta doon sa counter para mag-order.

Si Stanley talaga napaka-abnormal. Kalalaking tao, abnormal. Akala mo kinulang sa buwan eh. Hindi naman ganiyan ang Mommy at Daddy niya. Tsh. Matanong nga si Tito James at Tita Ryza kung saan nag-mana ng ka-abnormalan ang anak nila.

Oh di kaya... Ampon si Stanley?

Talino ko talaga. Maasar nga iyon mamaya.

Habang naghi-hintay ako ay inilagay ko muna ang air pods sa magka-bilaang tenga at nagpa-tugtog.

So I cross my heart
And I hope to die

Ang tagal ni Stanley. Nagugutom na ako. Sobra. Ang init pa dito.

Nakaka-bad trip lalo.

That I only stay with you one more night
And I know I said in a million times
But I only stay with you one more night

Nang makita ko na siya palapit sa akin ay tinanggal ko na ang air pods ko at nakangiti akong hinintay siyang makaupo sa tapat ko.

"Oh? Ikaw naman ang nakangiting mukhang aso diyan?"

"Wala lang, ang bait mo ngayon."

"Kumain ka na diyan, alam kong gutom lang yan." Sabi niya.

"Ayan lang inorder mo?", Tanong ko.

"Oo. May problema?", Kinunotan ko siya ng noo dahil ang order niya lang para sa kaniya ay isang order ng kanin, adobong baboy at isang orange juice.

Nahiya naman iyong order ko na sobrang dami.

Sorry naman at gutom lang ang Ash Ysabel na leader ng Black Rose.

Susubo na sana ako nang...

"Ash, si Adrian at Criza, nag-aaway sa basketball court!", Sigaw ni Raiza.

"Bakit daw?", Tanong ko.

"Mas mabuti kung pupunta ka doon." Sagot naman ni Raiza.

"Hindi ba puwedeng mamaya na lang? Gutom na gutom na ako eh." Sagot ko naman.

"Hindi puwede."

Tsh. Tumayo na ako sa upuan ko.

"You want me to come with you?", Tanong ni Stanley.

"Kumain ka na lang diyan. I can handle that." Sagot ko at umalis na ako sa harapan niya.

Tangina naman oh. Gutom na gutom na ako eh.

Ano na naman bang ginawa ni Criza at naga-aaway silang dalawa ni Adrian?

Tangina talaga oh...

Walang paawat.

Kasunod ko si Raiza na naglalakad sa hallway papuntang court.

At habang naglalakad kaming dalawa ni Raiza ay nakikita ko na naga-away talaga si Criza at Adrian

Ano naman ang pinaga-aawayan nila? Akala mo mga bata eh.

Mga panira ng lunch.

"What happen?", Kalmadong tanong ko sa kanilang lahat. At humarap naman silang lahat sa akin.

"Ano 'to Ysabel?!", Kunot-noong tanong sa akin ni Adrian.

"Hah? Anong sinasabi mo?", Naguguluhan kong tanong.

Anong sinasabi niya? Eh kakarating ko nga lang eh, tapos ako tatanungin ng ano 'to?

Baliw ba siya?

"Huwag ka ng mag-maang-maangan Ysabel." Sagot ulit ni Adrian at mahahalata mo si boses niya ang galit.

Ano namang ikinaka-galit nito?

Pero dahil hindi ko alam ang sinasabi niya ay kunot-noo ko namang tiningnan si Criza.

"Anong sinasabi niya?", Tanong ko kay Criza.

"Sinabi ko lang naman na ang playboy niya." At humarap siya kay Adrian. "O baka nga cheater ka eh. Wala pang isang buwan kayong break, meron ka na agad!"

"O baka hindi mo mahal si Ash? Kaya mabilis mo siyang pinalitan." Dagdag pa ni Criza.

"Tama na Criza." Sabi ko at mabuti na lang tumahimik siya.

Tsh. Ano ba itong pinagsasabi ni Criza sa kaniya. Saan naman niya napulot ang mga salitang iyon? Ito ba yong tinu-tukoy ni Criza na lagot sa kaniya si Adrian?

"At kina-kampihan niyo pa ang kaibigan niyo ah." At natawa si Adrian.

"Aba oo naman, kaibigan namin 'to eh." Sabi naman ni Raiza.

"Mali kayo ng kinampihan. Hindi niyo ba alam na siya ang nag-loko sa'kin hah? Niloko niya ako doon sa lalaking nangangalang Stanley!", Galit na sabi ni Adrian.

"Mali ka! Stanley is his-" at bago pa sabihin ni Criza kung ano ang totoo ay nag-salita ako at tiningnan ko siya para hindi niya na ipag-patuloy ang kung anumang sasabihin niya.

"Don't tell him Criza." At ibinaling ko ang tingin ko kay Adrian. "Let him think what he wants to think."

"Tama ako diba? Si Stanley ang pinalit mo sa'kin. Kung hindi ko pa kayo nahuli, malamang hindi ko pa alam!", Sigaw sa akin ni Adrian.

At dahil sa pag-sigaw niyang iyon ay tumibok ng mabilis ang puso ko.

Paano niya nagawa yon sa'kin?

Kahit sobra iyong away namin. Never niya akong sinigawan. Ever. Tapos ngayon, sinigawan niya ako. Sinigawan niya ako for the very first time.

Sinigawan niya ako after what I did to him.

Galit siya at sinigawan niya ako when I just did was to protect him.

Pero tama lang 'tong ginagawa ko. This is my plan. Ang magalit siya at makalimutan ako.

Tama. Uma-ayon ang lahat sa plano ko.

Tama lang itong ginawa ni Criza para sa aming dalawa ni Adrian.

Hindi na siya mahihirapan pang kalimutan ako. Dahil ito na ngayon. Galit na siya sa akin. Galit na galit siya sa akin. Kinamu-muhian niya na ako.

"Minahal kita Ysabel, pero ginago mo ko! Ginawa mo kong tanga!", Sigaw na naman niya sa akin. Pangalawang sigaw na natanggap ko mula sa kaniya.

At kahit malapit na bumagsak ang mga luha ko ay pinilit kong hindi bumagsak ang mga iyon. Hindi puwede. Hindi ako puwedeng umiyak sa harap niya. Hindi ko puwedeng ipakita sa kanila na mahina ako ngayon. Lalo na kay Adrian.

Humarap ako kay Adrian.

"You don't know anthing Adrian." Sabi ko.

"At mas lalong wala kang alam sa aming dalawa ni Olivia." At saka lumapit siya doon sa babae na nangangalang Olivia at saka niya hinawakan ang kamay.

Magka-hawak sila ng kamay...

Sa harapan ko pa...

Fine it hurts. It fucking hurts me.

Bago pa man tumulo ang mga luha ko sa harapan nila Adrian at tumalikod na ako.

Maglalakad na sana ako nang biglang dumilim ang paligid ko. Kasabay niyon ay ang lalong pagsakit ng ulo ko kaya napa-hawak ako sa ulo ko.

At naramdaman ko na lang na unti-unti na akong nawawalan ng balanse.

"Ysabel!"

Adrian's voice was the last thing I heard.


Comment