That Same Old Room

XLIX. ASH




Nakaramdam ako ng sobrang pagka-lamig kaya napa-dilat ako ng dahan-dahan upang hilahin ang kumot na naramdaman kong nasa tiyan ko.

Pero ilang minuto lang ang nakalipas ay tila ba lalong lumakas ang lamig dito sa kuwarto. Kaya kahit hindi ko pa masyadong kaya dahil sa sugat at tama ng baril na ginawa ng Violet Claws sa akin ay dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga at inilibot ang paningin ko dito sa loob ng kuwarto.

Antok na antok akong tiningnan ang paligid. At unti-unting lumaki ang dalawang mata ko. Tila ba nawala kaagad ang antok ko nang makita ang kabuoan nitong kuwarto.

Paano ba naman kasi hindi ito ang kuwarto ng ospital. Hindi ganito ang disenyo ng mga kuwarto sa ospital. Hindi white ang pintura ng mga dingding kundi dark blue at may mga abstract painting. Sa ceiling naman ay isamg malaking chandelier na nagsi-silbing ilaw dito sa buong kuwarto. Tapos idagdag mo na rin iyong mga aparador na nasa tapat mg kama. And lastly, itong kama ko ngayon ay hindi lang single bed tulad ng mga nasa hospital kundi isa siyang queen sized bed. Kaya sigurado akong hindi ito ang ospital. And espesyal ko naman kung ospital 'to diba? Halos parang hotel na 'to eh.

Kung hindi ito ospital, kaninong kuwarto ito? Kung wala ako sa ospital ngayon, nasaan ako?

Kaya imbis na bumangon ako dahil papahinaan ko ang aircon ay bumangon ako at mahinang naglakad patungong pinto. Mahina lang akong naglakad dahil hawak-hawak ko ang sugat ko sa tagiliran.

Pero kumabog ang dibdib ko ng ipihit ko ang door knob at napag-alaman kong naka-lock itong pinto. Nakakasigurado na nga ako na wala na ako sa ospital ngayon.

Lumingon naman ako sa aking likuran at nakita ko ang sliding window, malaki naman iyon at kasya ako if ever na tatalon ako. Pero sure ba ako? Sa kalagayan kong 'to tatalon pa ako?

Nagtungo naman ako sa  bandamg bintana saka ito binuksan. At nakita ko na lamang na ang taas dito sa puwesto ko. Baka nga nasa third floor ako ng bahay ng kung sino man. Sa mga oras na ito ay wala akong lakas na tumalon dahil sa mga sugat at sakit kong iniinda ngayon. Isinarado ko na lamang ang bintanang iyon at napa-hingang malalim.

Nasaan ba talaga ako ngayon? Kaninong bahay ba talaga ito? Bakit ako nandito? At ang panghuli, sino ang nagdala sa akin dito? Anong kailangan nila sa akin? Bakit ako dinala dito? May na-ngidnap sa akin?

Teka nga, kidnap bang matatawag ito? Kidnap bang matatawag kung ganito kaganda at kaaliwalas ng paligid? Hindi ba dapat magulo ang mga gamit at mukhang bodega ang paglalagyan ng kinidnap? Bakit dito, ang lively tingnan? Tapos mahahalata mo pang mayaman ang kumuha sa'yo dahil sa malakinh chandelier na nasa gitna.

At teka nga ulit bakit wala rito si Adrian? Bakit wala dito sa tabi ko si Adrian? Bakit wala si Adrian dito sa loob pag-gising ko? Eh diba nga nagsabi ako sa kaniya? Nagsabi ako sa kaniya bago ako sinugod dito sa ER kanina. Nasabi ko nga ba talaga sa kaniya iyon?

Ah basta nagsabi ako sa kaniya. Kaya nasaan siya ngayon. Bakit wala siya dito sa tabi ko? Ay talagang hindi siya pumunta dito? Hindi siya pumunta dahil nakalimutan niya o sadyang ayaw niya lamg akong puntahan? O sadyang pinigilan siya ng girlfriend niyang si Olivia? Psh. So that girl is very important to him now? At sa sobrang importante ng Olivia na 'yon, hindi na ako pinuntahan ng Adrian na 'yon. Tss. Bakit pa nga ba ako umasa na pupunta sa akin ang lalaking iyon? Eh diba nga galit ako sa kaniya? Break na rin kami diba? Tapos ang lakas pa mg loob ko mag-request na sana pag-gising ko ay nandoon siya? Wow Ysabel. Just like wow. Ang kapal naman ng mukha ko kung ganoon?

Pero kasi diba wala na ba siya ni katiting na pagmamahal sa akin? Kahit kaunti? Kahit 5%? O kahit 0.5% man lang?

Pero diba ano ang rason niya sa pagbuhat niya sa akin kanina? Eh nandoon naman si Kuya Travis at hindi siya ang nagbuhat sa akin? Ayaw niya bang buhatin ang bunso at maganda niyang kapatid? Ang sama naman ng kapatid kong 'yon. Ma-gantihan nga 'yon kapag naka-alis ako dito. Isama mo na rin iyong Adrian na iyon. Pa-promise promise pa. May promise-promise pa siyang nalalaman. Hindi niya rin naman pala tutuparin. Ma-konsensya sana siya. Mabaliw din sana siya.

Pero kanina ba iyon o kahapon? Hindi ko kasi alam kung ilang oras na akong tulog. Basta alam kong nangyari iyon, hindi iyon panaginip. Alam kong nangyari talaga iyon.

Naputol ang mga sana ko nang marinig ko ang tila ba pagbubukas ng pinto.

Unang pumasok sa isipan ko si Adrian kaya naglakad ako ng dahan-dahan pabalik ng kama saka nag-takip ng kumot katulad kanina. Pumikit din ako at nagkunwaring natutulog pa rin ako.

"What took you so long to wake up?", narinig ko mula sa boses ng isang babae. Hindi ko matukoy kung kanino iyon. Hindi ko rin siya makita. Kasi nga diba nakapikit ako. Tapos babae na ba si Adrian? Boses babae eh. Maski sa mga ka-grupo ko ay wala ang boses na iyon. Kaya ang tanong nasaan sila. Or should I say sino itong babaeng malapit sa akin. Ayoko namang dumilat. Edi malalaman niyang gising na ako?

"Are you really that tired? Or are you in a coma? Kahapon ka pa natutulog eh." Rinig kong muli mula doon sa babae.

What? Kahapon pa ako natutulog? Papaano nangyari iyon? Eh pagkakaalam ko kanina pa nangyari ang mga iyon? Totoo bang nangyari ang mga pangyayaring iyon kahapon?

"Psh. I'll just tell Samuel about this." Hinintay ko siyang makaalis dito sa loob ng kuwarto. Nang marinig ko naman ang pag-sara ng pinto ay agad-agad akong bumangon at pinihit ang door knob pero naka-lock pa rin.

Shit! Hindi ko man lang naabutang naka-bukas. Kainis naman.

Pero sino iyon? At bakit naka-lock itong pinto?

Kinu-kulong ba nila ako? Bakit naman nila ako ikukulong? Ako na nga itong nabaril ako pa itong ikukulong?

Kaysa magmukmomag dito sa may pinto ay pinahinaan ko na lang ang aircon at nahiga ulit.

Still wondering on what is happening. Still wondering what the fuck is going on.

Maya-maya ay narinig ko na namang bumukas ang pinto. Hindi na ako umasa na si Adrian iyon dahil baka ma-hurt itong puso ko. May sugat na nga ako, tapos masakit pa itong puso ko. Ano 'yon double package? Grabe na 'to ah.

Pumikit na lang ako ulit at nag-kunwaring tulog.

"Ysabel..." At pakiramdam ko ay nanigas ako dito sa kinahihigaan ko dahil sa boses na iyon. Boses iyon ng lalaki. Pamilyar na pamilyar ang boses na iyon sa akin. Well that used to be my favorite voice. Not until after what he did to me. That's the voice I've heard for my entire life. I'm still wishing that I won't hear that voice ever again. But look at now, he's calling my name. He's speaking to me.

"I'm still searching for that gang that did this to you." Rinig kong sabi ulit ni Samuel. And I'm still closing my eyes.

"At kung sino naman iyon. I swear mapapatay ko sila!", medyo galit pang sambit ni Samuel.

"Sabi ko naman sa'yo diba? Na sumama ka sa'kin at hindi ka mapapahamak. Sinabi ko rin naman sa'yo diba? Na hindi ka mapo-protektahan nila Travis? Kahit nila Levi at Stanley? Wala nga silang nagawa nang mapahamak ka eh. Ni hindi man lang nila napigilan ang mga iyon para sana hindi ka na nasaktan pa."

"But look at you now. You're lying in this bed since yesterday. I'm still fucking worried at you until now."

"Sana sumama ka na sa'kin this time Ysabel. Wala akong pakialam kung hindi mo na ako mahal. Basta sumama ka sa'kin. Pagkatiwalaan mo 'ko ulit. Gagawin ko ang lahat, mahalin mo lang ako ulit."

"Mabuti pa iyong Red Scorpions, naba-bantayan ka nila para sa akin. Lalo na si Red. Na sa kaniya ko pa nalaman na napahamak ka. And you know what..." At narinig ko siyang tumawa. At saan naman siya natatawa?

"That Red almost killed your brother. Red shot him. Oh I hope Travis suffer like what he did to me years ago." Sabay tawa niya ulit.

So doon siya natatawa?

Tina-tawanan niya ang pag-baril kay Kuya Travis? At tumatawa siha dahil hini-hiling niyang mag-suffer si Kuya Travis? Ayon ang akala niya. Kalabaliktaran sa hinihiling niya ang nangyari ngayon kay Kuya Travis. Imbis na nasa ospital si Kuya Travis ngayon, ay nandoon siya sa university nakipag-asaran kay Tito James. Iyon ba ang nabaril?

And Red... Binanggit niya ang Red Scorpions. Lalong-lalo na ay binanggit niya si Red. Si Red. Si Adrian. Puring-puri niya si Adrian. Kaya talagang traydor si Adrian. At ano ba talagang rason ni Adrian sa pagta-traydor ni Adrian sa amin?

At anong rason ni Kuya Travis upang pagkatiwalaan si Adrian?

Aalamin ko na sana ang mga rason ni Kuya Travis at Adrian. Pero bigla na rin namang dumating ang Violet Claws. Hindi ko tuloy alam kung ano-ano ang mga rason nila. Edi sana ngayon, hindi na ako mukhang tanga na nag-iisip ng kung ano-ano rito.

"I'll wait 'til you wake up Ysabel. Let's get out of here. Ilalayo kita sa kapahamakan." Saka ko siya narinig na naglakad at sinarado ang pinto.

I heaved a sigh. Tama ba ang narinig ko? Ilalayo niya ako rito? Saan naman niya ako dadalhin? Tingin niya ba sasama ako sa kaniya? But he well not accept a no answer. Kung kina-kailangan niya akong kidnapin para lang sumama sa kaniya, ay tiyak kong gagawin niya.

Kapag nagising ako. Saka kami aalis. Aalis na kami.

Shit. What should I do now?

Somebody help!


Comment