That Same Old Dreams

LXII. ASH

"Kailan tayo babalik ng Maynila?", tanong ko kay Stanley habang nakatingin sa malawak na dagat at naa-amaze sa ganda ng buwan na nagre-repleka sa madilim na dagat. Masarap din sa pakiramdam ang mahihinang alon na tumatama sa mga paa namin ni Stanley. Medyo malamig ang tubig niyon kaya sobrang sarap sa pakiramdam.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na napatingin sa akin si Stanley sabay sindi ng yosi niya. Pero hindi ko siya tiningnan dahil nakatuon pa rin ang aking ayensyon sa madilim at malawak na dagat.

"Kung kailan okay na ang lahat." Sabay buga niya ng usok. Napatingin naman ako sa kaniya at tila ba naghihintay ng sunod niyang sasabihin.

"I want to help Kuya Travis. Hindi lang siya dapat ang nahihirapan." Sabi ko pero biglang natawa si Stanley.

"Sinabi ko rin 'yan kay Kuya Travis. And Adrian too. Pero ang sabi niya ay ilayo ka sa lugar na iyon. That's why we're here. Siya raw ang aayos nito dahil sa kaniya raw nag-umpisa ang lahat." At natawa ako sa sinabi niya sabay balik ang tingin ko sa dagat.

"He's still Kuya Travis that we know." Iiling-iling kong sabi.

"Siguro sa ngayon ay mananahimik muna tayo. Kunwari nasa bakasyon tayo."

"I don't want to be selfish right now, but I want to stay here. I want to be here." Sabay hinga kong malalim.

"Then be selfish, Ysabel."

"But I want to help Kuya Travis." At tiningnan ko siya nang may lungkot sa mata. Siya naman ay nakatingin din sa akin ng malungkot.

Siguro ay nalulungkot din siya dahil naiwan si Kuya Travis sa Maynila. Gusto rin niyang tulungan si Kuya Travis. Pero sadyang sinabi ni Kuya na magpakalayo-layo kami kaya nandito kami sa lugar na ito ngayon.

"Kuya Travis told us that he'll call us if he needs help." At natawa akong tiningnan si Stanley.

"At tingin mo manghihingi ng tulong si Kuya Travis?", tanong ko kaya natawa si Stanley.

"Ayon nga eh." Sabay kaming natawa. Humarap ako kay Stanley at akmang kukunin ang ang yosi na nasa kamay niya pero inilayo niya iyon sa akin. Kaya kaagad na kumunot ang noo ko.

Aba't pati ba naman sa yosi ay pagdadamutan niya ako? Sa chocolates nga ay pinagdadamutan niya na ako? Pati ba naman sa yosi? Napakadamot naman ng pinsan kong ito! Psh. Akala mo talaga hindi nakikaik ng chocolates ko. Lecheng Stanley.

"Pati ba naman sa yosi, pagdadamutan mo 'ko?", kunwaring inis kong tanong kay Stanley kaya natawa siya.

"Pinagbawalan ka ni Adrian mag-yosi." Sabi niya sabay ihip sa yosi at buga ng usok.

"Idadamay mo pa si Adrian dito, madamot ka lang talaga. Pinagdadamot mo na nga 'yong chocolates mo, pati ba naman yosi? Psh." At saka ko siya inirapan at nag-cross arms. Nagkunwaring naiinis. Pero hindi na yata ako magku-kunwaring naiinis dahil tinawanan lang ako ng pinsan kong abnormal.

"Wala ka bang nararamdaman sa katawan mo?", at napahinto ako sa pagkainis ko dahil sa tinanong niyang iyon.

Ano namang nararamdaman ko sa katawan ko? Bukod sa kaunting sakit ng tagiliran ko at doon sa ano ko. Doon sa ano ko. Alam niyo na 'yon.

"Sinasabi mo?", taka kong tanong. Ano ba 'yong tinutukoy niya?

"Mga pagbabago, wala?", inirapan ko lang siya dahil wala naman akong masasagot sa out of nowhere niyang tanong. Hindi ko siya maintindihan kung ano ang tinutukoy niya eh.

These past few days kasi ay nakahiligan ko na ang white chocolates. Pero dahil sa walang nagtitinda dito ng white chocolates like toblerone eh ang binili na lang ni Adrian ay chubby na white. Which is good naman iyon. Nag-effort siya para sa gusto kong kainin. At bukod doon, wala ng pagbabago. Kung pagbabago pa bang matatawag iyon.

"Ewan ko sa'yo, diyan ka na nga." Sabay talikod ko sa kaniya. Pero nauntog ako sa isang malaking dibdib na ang bango-bango. Ang tigas pa ng dibdib na iyon na akala mo isa siyang pader. At kung pader talaga iyon ay tiyak, magkakaroon ako ng bukol.

"Sige dude, alis na muna ako. Ang init ng ulo sa'kin ng girlfriend mo." Kaagad kong tiningnan si Stanley ng sobrang sama. Siya naman ay natawa lang saka umalis sa puwesto namin.

Sino ba naman kasing hindi iinit ang ulo kung pagdadamutan ka diba? Parang isang ihip lang eh. Ang damot-damot. Psh.

"Oh, huwag na kunot ang noo. Papangit ka niyan." Lumipat naman ang sama ng tingin ko sa nakangiting Adrian ngayon. Pati ba naman siya aasarin ako? Sabagay palagi silang magkasama ni Stanley. Malamang sa malamang ay nahawa na siya sa ka-abnormalan ni Stanley.

"Ang damot niya kasi." Sabay harap ko sa dagat. Nasa likod ko naman si Adrian ngayon.

"Bakit? Ano ba hinihingi mo sa kaniya?", tanong ni Adrian sabay patong niya ng ulo sa aking kanang balikat. Iniligay rin niya ang dalawang kamay sa aking tiyan. In short niyayakap niya ako mula sa likuran.

Hindi ko naman mapigilang hindi mapangiti dahil sa ginawang iyon ni Adrian. Talagang nakakagaan iyon ng kalooban ko. Totoo nga iyong sinabi nila na kahit anong galit mo, kapag niyakap ka ng taong mahal mo ay kusang mawawala ang galit mo. Mapapalitan ng ngiti ang kaninang nakasimangot mong mukha.

"Yosi." At kaagad tinanggal ni Adrian ang ulo niya sa balikat ko kaya napatingin ako sa kaniya. Kaya ayon, nakita ko ang kunot na kunot niyang noo.

Ano namang ikinagulat niya doon? Eh alam naman niya na naninigarilyo ako? Nakita niya pa nga akong naninigarilyo sa parking lot habang kausap namin sila Levi eh. Napansin ko pa na nakatingin siya sa akin noon. Tapos ang sama pa ng tingin niya kay Stanley ng mga panahong iyon.

Akala niya ba ay hindi ko nakita ang mga tingin niyang iyon?

"Hindi ka na puwede mag-yosi. Kababae mong tao, nagyo-yosi ka." Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Aba! Lalaki lang ba ang puwede mag-yosi?", tanong ko at bumalik sa harap ang tingin ko sa madilim na dagat.

"Nakakasama sa kalusugan ang yosi, Ysabel." At saka pinatong muli ang ulo niya sa balikat ko.

"I know. But sometimes, I just wanna smoke." Sagot ko. "At alam mo ba? Lung cancer ang ikinamatay ni Daddy." Sabay tawa ko. Kung noon ay naiyak pa ako nang malaman ko kung ano ang sakit ni Daddy. Pero ngayon ay natawa lang ako.

Sino ba naman kasing tanga ang magyo-yosi knowing na ito rin ang dahilan ng pagkakaroon ng sakit ni Daddy? And worst, kinamatay niya?

"Lung cancer?!", gulat na tanong ni Adrian. "Tapos nagyo-yosi ka pa rin?!"

"Wala lang, naaalala ko lang si Daddy sa yosi, favorite niya kasi 'yon." At natawa ako.

Who would have thought na may sakit na pala si Daddy pero still ay naninigarilyo pa rin siya?

Pero siguro ay gusto niya nang gawin ang bagay na iyon dahil darating din sa point na hindi niya na magagawa iyon.

"But promise me, Ysabel. You won't smoke anymore." Rinig kong sabi niya kaya napatigil ako.

Siya pa lang kasi amg unang tao na pumigil sa aking manigarilyo. Except sa family ko ah. Talagang si Adrian lang ang nagsabi niyon sa akin. Maski iyong ex ko ay hindi sinabi sa akin iyon. Maski si Samuel ay hindi ko narinig sa kaniya na tumigil na ako sa pagyo-yosi.

Is it sweet to heat those words?

"Ysabel, sagot." Nanatili akong tahimik dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niyang iyon.

Medyo nakasanayan ko na rin kasi ang mag-yosi kaya siguro ay mahirap kung bigla kong ititigil ang bagay na iyon. Sa underground ay halos lahat ng gangsters ay nagyo-yosi. Nakaka-iinggit iyon, kaya mahirap labanan. Pero para kay Adrian gagawin ko.

"Sige ka, kapag di ka huminto mag-yosi. Magyo-yosi na rin ako." Napatingin naman ako sa kaniya ng sobrang sama.

Pinagsasabi nitong magyo-yosi siya? Baka nga ay unang ihip niya ay maubo na siya eh.

"Oo na. I'll quit smoking for you." Blangkong sagot ko kaya ngumiti siya.

"Talaga?", ngiting tanong niya.

"Yeah." Gusto ko ring ngumiti pero ayoko na isipin niya na kinikilig ako sa kaniya. Bahala siya.

Mamaya nga ay pagsasabihan ko si Stanley na tumigil nang mag-yosi dahil nakakasama sa kalusugan iyon. Kung ayaw niya, edi wag.

Napatingin naman ako sa kalangitan at nakita ko na ang daming mga bituin kaya hindi ko na talaga mapigilan ang mapangiti.

Kapag talaga ay may nakikita akong bituin ay napapangiti na lang ako. Call it weird pero naiisip ko kasi na si Daddy ang bituin na iyon. Bituin na palaging nakatingin, nagmamasid at gumagabay sa amin. Umalis man siya sa amin, kapag tumitingin ako sa mga bituin ay pakiramdam ko nasa tabi lang namin siya. Nasa tabi ko lang siya.

"Daddy's there." Nasabi ko na lang.

"Where?", gulat namang tanong ni Adrian.

"Up there. In the stars." Ngiting sagot ko.

"So does that mean, nakikita niya tayo ngayon?", tanong muli ni Adrian kaya natawa ako.

Akala ko ay kokontra siya sa sinabi ko. Pero hindi pala. Talagang sinabayan niya ako. Or maybe naniniwala rin siya na ang mga namamatay na tao ay nagiging bituin sa langit.

"Tanggap niya kaya ako para sa'yo, Ysabel?", biglang tanong ni Adrian kaya natawa na naman muli ako.

"Oo naman. Bakit naman hindi?", tanong ko dahil bakit naman hindi siya tatanggapin ni Daddy diba? Mahal na mahal ako ni Adrian eh.

"Wala lang. Hindi ko man lang siya nakausap as your boyfriend ang Daddy mo."

"Okay lang 'yon, don't worry. Kung gusto mo, kausapin mo siya ngayon." At inilibot ko ang paningin sa mga bituin. "Kung nasaan man siya ngayon, alam kong nakikinig siya." Ngiting sabi ko.

"Ahm Hi Tito, pasensya na po at ngayon lang po ako nakapag-pakilala sa inyo. Nakipag-break po kasi ang anak niyo sa akin noon kaya nagkalayo kaming dalawa. Nagkaroon po ng misunderstandings. Misunderstandings lang po, pero kung saan-saan na po umabot. Pero kahit ganoon man po ang nangyari, nahanap rin naman po namin ang daan pabalik sa isa't-isa." At unti-unting nag-form ang labi ko ng ngiti.

"At Tito, pinapangako ko po, po-protektahan ko po si Ysabel. Mamahalin ko po siya palagi. Hindi ko po siya iiwan kahit na anong mangyari. Kasi mahal na mahal ko po siya."

Kung nasaan man si Daddy ngayon ay alam kong masaya siyang nagmamasid sa akin ngayon dahil kay Adrian na patuloy akong minamahal. Na nasa tamang lalaki ako. Na tulad nilang dalawa ni Kuya Travis ay po-protektahan ako at all causes.

"Mahal din kita." Nasabi ko na lang bigla kaya lalong humigpit ang yakap ni Adrian sa aking bewang.

"Alam mo Ysabel, gusto ko ng ganitong buhay. 'Yong simpleng buhay lang. Kahit maliit, okay lang. Basta kasama kita. At sa maliit na bahay na iyon, doon tayo bubuo ng pamilya."

"Pamilya agad? Hindi ba puwedeng tayo na lang muna ang mag-enjoy?", pagbibiro ko sa kaniya.

"Paanong enjoy?", at nakita ko ang pilyo niyang ngiti.

"'Yong tayong dalawa lang." Sagot ko kaya lumaki ang ngiti niya kaya natawa ako.

"Alam mo napapansin ko nitong mga nakaraang araw, nagpapahiwatig ka." Kumunot naman ang noo ko.

"Hah?"

"Nagpapahiwatig ka na gawin natin ulit 'yon." At natawa ako sa sinabi niya kaya humarap ako sa kaniya.

Hinalikan ko naman ang labi niya. Sunod-sunod na mga halik na alam kong magpapainit sa kaniya. At alam kong magpapainit rin sa loob ko.

Nang maramdaman ko na hinawakan niya ang puwet ko ay bumitaw ako sa mga labi niya at nginitian siya ng sobrang laki. Ngiti na alam kong alam niya na ang sagot ko.

"Paano kung oo?", ngiting tanong ko kaya napapangiti na rin siya.

"Edi... Alam mo na." At natawa ako sa isinagot niya.

"Adrian! Ysabel! Kakain na tayo! Halina kayo!", rinig kong sabi ni Tita Teresa mula sa di kalayuan.

"Pilitin mo muna ako." Sabay takbo ko palayo sa kaniya. Siya naman itong humabol sa akin. But sorry for him, ang bagal niyang tumakbo ayon tuloy hindi niya ako nahabol.

Kalalaking tao, ang bagal. Siguro ay maliit ang hakbang niya. Matangkad naman siya, dapat nga ay malalaki ang hakbang niya eh.

Pagdating namin sa hapag-kainan na nandito sa labas ng bahay na inayos nila Lacey kanina ay umupo na ako sa tabi ni Tita Teresa. Tumabi rin naman sa akin si Adrian na hanggang ngayon ay ang laki ng ngiti. Hindi man lang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya after namin tumakbo. Hindi ba siya hiningal sa pagtakbo namin? Siguro nga ay hindi talaga siya tao. Baka sa aming dalawa, siya ang alien.

Hindi ko siya pinansin dahil bigla akong nakaramdam ng hiya. Ang lakas ng loob kong mang-asar tapos mahihiya lang din pala ako?

Eh kasi naman, gusto ko sana siyang sabayan sa paggalaw. Pero kasi baka sumakit na naman doon sa loob ko. Sasakit pa ba iyon sa pangalawang pagkakataon? May mapupunit pa rin ba sa loob kahit may napunit na noong una?

Psh. Nasa harap ako ng mga pagkain ngayon at hindi ito ang tamang oras para isipin ang mga bagay na iyon. Siguro mamaya sa kuwarto, isipin ko 'yan. O kaya naman i-search ko sa cellphone ni Adrian. Wala kasi akong cellphone.

"Ysabel, favorite mo oh." Napabalikwas ako nang marinig ko ang sinabi ni Adrian. Napatingin naman ako sa nilalagay niya sa plato kong may kanin at nakita ko ang chicken curry. Napangiti naman ako doon dahil talagang paborito ko iyon.

Pero biglang nawala ang ngiti kong iyon nang maamoy ko ang amoy niyon at pakiramdam ko ay hindi ko gusto ang amoy.

"Teka, Adrian. Ayoko niyan. Hindi ko gusto ang amoy." Sambit ko kay Adrian.

"Hah? Eh diba paborito mo 'to?", takang tanong ni Adrian.

"Yeah, I know. Pero kasi-", hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla akong maduwal.

Hindi ko alam kung paano at bakit nangyayari iyon pero something in me na parang nasusuka.

Kaya dali-dali akong pumunta sa lababo at hinayaan ang sarili ko na sumuka or naduduwal. Or whatever called that thing.

Sumunod naman sa akin si Adrian at hinahawakan ang aking likuran.

"Okay lang ba ang pakiramdam mo Ysabel?", tanong niya pero hindi ko siya masagot dahil nasusuka pa rin ako. At tila ba umiikot ang loob ng tiyan ko. Puwede ba 'yon?

Ano naman kayang nangyayari sa akin ngayon?

"I don't know. Naamoy ko lang 'yong chicken curry biglang nag-iba ang timpla ng tiyan ko." Sagot ko at humarap sa kaniya. "I want to eat white chocolates, please?", tanong ko kay Adrian na parang nalulungkot.

Gustong-gusto kong kumain ng white chocolates ngayon.

"Don't be sad. Kukuha ako." Tumango ako at nagtungo si Adrian sa may freezer at bumalik sa akin nang may dala-dala nang white toblerone kaya ngumiti ako.

Pakiramdam ko kasi ay nagutom ako bigla. Kung kanina ay masuka-suka ako, ngayon naman ay gusto ko na agad kainin ang hawak na chocolate ni Adrian. Naglalaway na ako.

"Kay Stanley 'to eh." Malungkot kong sabi.

"Hindi ah. Binili 'yan ni Stanley sa'yo kasi napapansin niya na gusto mong kumain ng mga white chocolates."

"Talaga?", ngiting tanong ko.

"Oo kaya huwag mo na awayin si Stanley."

"Okay." Ngiting sagot ko. "Ayokong kumain ng kanin, Adrian. Gusto ko ito lang."

"No, Ysabel. Dapat kumain ka pa rin ng kanin. Kanin muna bago 'tong chocolates."

Pero ewan ko ba sa mga mata ko at bigla na lang nagtutubig. Hindi ko alam kung napuwing lang ba ako o sadyang naiiyak ako dahil ayaw ako payagan ni Adrian na ito na lang ang kainin ko.

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko dahil ayaw akong payagan ni Adrian. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak dahil lang sa bagay na ito. Ngayon lang ito nangyari sa akin. Ang pag-iyak sa maliit na bagay.

Pakiramdam ko ay may nangyayari sa katawan ko na hindi ko alam kung ano.

"Shit! Sige na, sige na. Hindi na kanin kakainin mo. Itong chocolates na. Huwag ka lang umiyak." At kaagad nagbago ang ekspresyon ng mukha ko. Kung kanina ay umiiyak na ako, ngayon naman ay malaki na naman ang ngiti ko.

Hindi ko na tuloy maintindihan ang sarili ko. Nababaliw na ba ako? Nababaliw na ba ako dahil lang sa chocolates?

"Tahan na, okay? I love you." Sabay punas ni Adrian ng luha ko at hinalikan ang noo ko.

"Mahal din kita." Ngiti kong sagot kaya napangiti siya.

Magka-hawak kamay kaming lumabas ng bahay ni Adrian at silang tatlo or should I say apat kasama na si King ay nakatingin sa aming dalawa ni Adrian.

Pero hindi ko na lang sila pinansin.

"Iba na yan dude." Rinig ko pang sabi ni Stanley kaya napatingin ako kay Adrian na napangiti.

Anong iba na? Na baliw na ako?

Pero hindi ko na lang sila pinansin ulit. Nakatuon lang ang atensyon ko sa pagkain ng white toblerone na akala mo ngayon ko lang nakain sa tanang buhay ko.

Bakit ba? Eh sa ito ang gusto kong kainin eh. Wala na silang magagawa doon.

Comment