That Same Old Song

XXI. ASH


Kaninang umaga ay nagising na lang akong sa kama ko nang nasa harap kong nakaupo si Stanley. Na nakatitig sa akin. Nagulat nga ako nang magising akong nasa harap ko na siya. Tapos ang creepy pa dahil doon sa ginawa niya. Hindi ko alam kung trip niya ba yon o na-stroke siya o kaya naman na-starstruck siya sa ganda ko.

Naku, kung hindi ko lang siya pinsan, masasabi kong stalker iyon at manyak. Pagmasdan daw ba habang tulog? Sinong matinong tao ang gagawa n'on diba? Pero dahil si Stanley iyon na isang abnormal, eh pag-pasensyahan ko na. Magpa-palibre na lang ako doon sa susunod.

Tinanonh ko siya kung anong oras pa siya nandoon na nakaupo sa harap ng kama ko. At  alam niyo ang sabi? Madaling araw pa daw siyang nandoon sa puwesto niya. Wala naman siyang sinabi kung anong oras, basta madaling araw na siyang nandoon.

Nag-isip tuloy ako kung anong oras umuwi si Adrian kanina. O baka naman nagkita sila bago ako magising kaya nandito na si Stanley sa kuwarto ko.

Nag-tanong si Stanley sa pag-iisip ko kanina. Lutang daw kasi akong nakatingin sa kaniya. Aba! Kakagising ko lang eh, lutang talaga. Mabuti nga siya, fresh na ng makaharap ko siya. Hindi ko tuloy siya maasar. Pero ayon nga, sinabi ko sa kaniya na okay na kami ni Adrian at kami na ulit, noong isang gabi pa. Pati na iyong magiging set up namin sa university once na magkita kami doon.

At hindi na siya nagulat doon sa kinuwento ko. Alam niya raw na ganoon ang mangyayari sa aming dalawa ni Adrian. Sadyang pinatagal lang daw gawin iyon ni Adrian. At ngayon ginawa na daw ni Adrian, nag-lakas na raw ng loob.

Saludo na daw siya kay Adrian sa pagiging tanga nito.

Pinag-tripan pa nga si Adrian.

At dahil maaga pa kanina ay tinanong ko siya kung bakit niya naisipan na doon tumambay sa kuwarto ko. And the worst? Tingnan ako habang tulog. Puwede naman kasing gisingin na lang ako, hindi yong titingnan ako habang tulog. Diba?

At ayon sa kaniya ay pumunta sa US ang parents niya. Tumango na lang ako dahil nasa US din sila Mommy eh. May emergency daw kasi kaya right after sa Japan, tumungo agad sa US.

Paano yong honeymoon nila Mommy and Daddy? Natuloy kaya yon?

At dahil mga maids lang ang kasama ni Stanley doon sa bahay nila ay pumunta siya dito sa bahay namin. Welcome naman siya dito sa amin kaya anytime ay puwede siyang pumunta dito. Para mam-buwesit, mang-inis, kumain at matulog. Oh diba, may pangalawang bahay ang mokong.

At dahil sa mahaba-haban naming pagku-kuwentuhan. Hindi ko namalayan na 8:30 AM na pala ng umaga. Tapos 8 ang first class ko ngayong araw. Hindi man lang sinabi ni Stanley na 8:30 na. Kung hindi pa sumi-sinag ang araw sa balat ko, hindi ko pa malalaman. Puro chismis kasi itong si Stanley, ka-aga aga eh.

Kaya ayon, nagma-madali tuloy akong maligo at mag-ayos. Imbis na kumain pa ako ng breakfast eh pinama-dali ko na lang si Manang na gawan ako ng tatlong sandwich at isang bottled water.

Natatawa pa nga si Stanley nang makita niya ang ginagawa kong pagmamadali. Kung hindi lang ako nagma-madali baka sinapuk ko na ang lalaking iyon.

Mabuti nga at dala niya ang kotse niya. Minsan kasi ay wala siyang dala. Minsan nga, ay sa akin pa siya sumasabay. Akala mo naman eh, nagbi-bigay ng pang-gas. Pero noon yon, wala na akong kotse eh. Diba nga binigay ko na kay Levi. And until now ay hindi pa ako nakakabili. Pinag-iisipan ko pa kasi kung kotse ba ang bibilhin ko o motor.

Parang mas may thrill kasi kapag motor ang gamit kaysa sa kotse.

Habang nagda-drive si Stanley patungo doon sa university ay minadali kong ubusin ang tatlong egg sandwich. Tapos itong si Stanley, hindi ko alam kung bakit siya natatawa sa akin tapos ang bagal pa magpa-takbo. Alam niya nga na late na ako tapos ang bagal-bagal pa magpa-takbo.

Gusto niya yata makarating ako sa university, 10 AM. Wala ba siyang pasok ngayon? At parang chill lang siyang nagda-drive?

Kaya habang inis na inis ako sa kaniya, siya naman itong tawa ng tawa. Akala mo baliw eh.

I wonder kung anong tinawa-tawa niya diyan. Natatawa siguro siya dahil mala-late na ako.

He keeps on saying,'kung alam mo lang.' Nang tanungin ko naman siya kung anong ibig niyang sabihin eh tumawa lang siya lalo.

Kung hindi lang ako late ngayon, sinipa ko na siya palabas nitong kotse niya. Kanina pa.

Hindi ko na siya kinulit nang kinulit dahil sooner or later ay malalaman ko din naman iyon. Ako pa ba. At kapag nalaman ko talaga iyon, masasapak ko na siya.

Maya-maya ay dumating kami sa university ay kaagad akong bumaba.

"Wait." Lumingon naman ako kay Stanley sa pag-tawag niya sa akin. Lumabas siya ng kotse niya ay kinuha ang wallet niya sa bulsa niya. May kinuha siya sa loob n'on at binigay iyon sa akin.

At kumunot na lang ang noo ko nang makita ko kung ano iyon.

"What am I gonna do with this dollar?", Inis kong tanong kay Stanley. Binigay lang naman niya sa akin ay isang 100 dollar. "Kahit nga ata i-libre ko kayo ni Criza ng lunch, hindi ako susuklian eh. Baka nga hindi 'to tanggapin eh." Dagdag ko pang sabi.

"Edi ipapalit mo." Bored namang sagot ni Stanley sabay sindi doon sa yosi niya.

"Eh bakit hindi mo ginawa kanina?!", Inis ko namang tanong. Hindi man lang ginawa kanina. Tiningnan lang ako habang tulog.

"Wala lang." Sabay ihip niya sa yosi niya.

"Ewan ko sa'yo Stanley. Diyan ka na nga!", Saka ako tumalikod kay Stanley.

And with any seconds, may bumaba sa isang kotse at nakita kong bumaba ang isang espesyal na lakaki para sa akin.

Kaya iyong pagka-kunot ng noo ko kay Stanley ay nawala na lang bigla at napalitan ng isang ngiti. Ngumiti naman siya kaya turn ko na ang umalis sa parking lot dahil late na late na talaga ako.

Stanley kasi puro chismis, hindi ko tuloy mapapasukan ang first subject ko. Favorite subject ko pa naman iyon. Psh.

Nag-madali akong naglakad patungo sa building namin pero dahil late na nga ako at hindi na ako makaka-abot sa first subject ko ay chill na lang akong umakyat sa hagdan patungong room.

"Oh Ash." Napatingin naman ako sa tumawag sa akin.

"Oo late na ako." Sabi ko saka huminto sa harap nila Criza at Raiza.

"Hah?", Kunot-noong tanong naman ni Raiza.

"Si Stanley kasi, umagang-umaga nakipag-chismisan agad." Sagot kong muli kaya natawa silang dalawa. "Oh sige, tara na." At tumingin ako sa phone ko para tingnan kung anong oras na.

And shoot! 10 AM na. In any minute magi-start na ang second subject.

"Tara na. Mali-late na tayo sa second subject." Sabi ko at imbis na maglakad na sila ay tiningnan lang nila ako. "Bakit? May problema ba?", Tanong ko sa kanila.

"Wala naman." Sagot ni Raiza.

"Eh anong problema?", Tanong ko ulit.

Don't tell me magcu-cut sila ng class? Mondy na monday oh, pagcu-cut agad ang naiisip nilang gawin.

"Hindi ba nasabi ni Stanley sa'yo?", At kunot-noo naman akong napatingin kay Criza.

"Ang alin?", Kunot-noong tanong ko.

Ano namang hindi nasabi sa akin ni Stanley?

"Na walang pasok ngayon dahil try out sa iba't-ibang sports." At naningkit ang mga mata ko sa nalaman ko mula kay Raiza.

Stanley talaga na iyon, masasapuk ko na. Kaya pala nakipag-chismisan sa akin pag-gising ko. Tapos hindi man lang niya ako pinigilan sa kakamdali, hindi tuloy ako nakakain ng breakfast. Hindi man lang sinabi ni Stanley sa akin na wala palang pasok.

Piste!

Kaya pala ang bagal niya magpa-takbo ng koyse kanina, ayon pala walang pasok. Tapos hindi man lang niya sinabi sa akin iyon.

Leche talaga!

Mukha siguro akong tanga sa harap niya kanina kaka-madali.

At doon unti-unting rume-histro ang pang-aasar na ngiti ni Stanley. And that face, makaka-tikim talaga siya ng batok, sapuk at sipa ni Mikey kapag nagkita kami mamaya.

"Halika na." Sabay hila naman sa braso ko ni Raiza.

"At saan naman tayo pupunta?", Tanong ko habang pababa ng hagdan.

"Sa basketball court. Manonood ng mga magta-try out." Sambit ni Criza.

"At bakit tayo manonood? Anong pakialam natin sa kanila?", Taka kong tanong.

"Ano ka ba?! Nandoon kaya ang boyfriend mo, at saka si Kuya Travis mo. At saka kayo lang ang magkapatid na hindi nagsa-sabay pumasok." At natawa ako sa sinabing iyon ni Criza.

Alam na din pala nila na kami na ulit ni Adrian. At ayon sobrang saya nila nang malaman iyon, hindi na daw ako magpapaka-emo sa harap nila. Aba't kailan ko ginawa sa kanila iyon? Diba wala pa?

Sinabi ko na lang din sa kanila na kapag may nangyaring masama kay Adrian oh idamay siya ng kabilang gang, eh pasensyahan na lang talaga. Subukan lang talaga Nila.

"At saka nag-back out raw ang team manager nila Kuya Travis kaya ikaw daw ang papalit. Kaya kanina ka pa hinahanap ni Kuya Travis." At napahinto ako sa paglalakad kaya napahinto din sila.

"Manager ka diyan. Bakit? Nasa PBA ba sila para magkaroon ng Manager?", Tanong ko naman pabalik.

Hanep ah. Varsity player lang dito sa university. Kailangan pa ng manager. May pa-manager pa. Astig.

"Magkano ba ang sahod?", Tanong ko naman at nagkibit-balikat lang silang dalawa.

Magkano kaya ang sahod n'on? Mukhang magandang idea iyon eh. Pero dahil hindi ko naman alam ang trabaho ng pagiging manager, huwag na lang.

Si Kuya Travis na lang kaya? Busses Ad naman ang course niya, kaya malamang sa malamang alam niya iyon.

At bakit ako pa ang gusto niyang gawing manager?

Nagpa-tuloy na lang kami sa paglalakad patungo sa basketball court. Madaming tao sa court pero not to the point na masikip ay mahirap nang gumalaw. Malaki kasi ang basketball court dito sa university kaya sakto lang ito. Sa left side iyong mga magta-try out sa cheerleading, while sa right side naman iyong try out ng basketball.

Iyong basketball girls naman ay nasa field, kasama iyong iba pang sports. Mas malaki kasi doon kaysa dito sa court.

Nakita ko pa si Levi na ngingiting-ngiting lumapit sa akin.

"Hi Manager." Ngiting sabi niya.

"Manager ka diyan." At natawa siya.

"May ipapabili ka ba? Bibili kasi ako ng makakain."

At tila ba nag-liwanag ang mukha ko sa sinabing iyon ni Levi. Nahalata niya siguro na gutom na ako. Kasalanan kasi iyon ni Stanley eh.

"Jollibee lang, kahit ano." Sagot ko.

Tumango naman siya at saka umalis.

Good mood ang isang iyon ah. Samantalang ako dito, inis na inis.

Ganoon ba ang turing nila sa Manager? Nililibre ng pagkain?

Naku, mukhang tatanggapin ko na yata ang offer ng pagiging Manager ah.

Sabagay gutom pa din ako kahit naubos ko na iyong tatlong egg sandwich sa kotse ni Stanley kanina.

Speaking of Stanley, nasaan kaya iyon? Umuwi na kaya siya? Knowing na alam niyang walang pasok ngayon? Sayang hindi ko tuloy siya masisipa, masasapok at mababatukan. Okay lang, sabihin ko na lang kay Manang Pasing na huwag pakainin ng dinner si Stanley tapos favorite dish niya ang ipa-paluto ko kay Manang.

Talino mo talaga Ysabel.

Napatingin naman ako kay Criza na tipong ang saya-saya habang kausap si Henry.

Ewan ko din ba kay Criza kung bakit no'ng nag-break kami ni Adrian ay hindi na din sila nag-usap ni Henry. But now, I see that they're okay. At masaya ako doon.

Naka-upo ako doon sa isang monoblock chair at nakapangalong-baba sa mesa.

Anong gagawin ko dito ngayon? Wala akong makausap.

Inilibot ko ang paningin ko dito sa loob ng court. Mga lalaki na naka-pila sa gilid ko which is kaliwa ko para mag-try out sa basketball. Bakit pala hindi pa sila nagi-start? Ang haba na tuloy ng pila kahit 10 AM pa lang.

Pero baka hini-hintay ng iba dito para mag-try out ay si Kuya Travis. Nasaan ba ang isang iyon? Hindi ba niya alam na hini-hintay siya ng mga magta-try out? Saan ba nag-gala ang isang iyon? Pa-VIP eh. Siya itong team captain eh, tapos siya itong wala

Hindi ko din mahanap si Coach. Isa pa yon. Wala pa din. Nasaan ba ang mga iyon? Tsh.

Pero alam niyo, unang kita ko pa lang noon kay Coach noong first year college ako ay nabighani na ako sa kaniya. Wow, nabighani talaga? Sige, crush na lang. Guwapo kasi ni Coach noon, well hanggang ngayon, guwapo pa din naman siya. Mabuti nga at ako ang ina-ssign ni Kuya Travis na mag-dala ng baon niya sa tuwing practice nila noon eh. Hindi naman ako nainis dahil sa pina-pagawa niya sa akin noon dahil may advantage ako doon. Advantage na palagi kong makikita si Coach. Pero si tadhana, pinag-tripan ako. Kapag ako kasi ang magha-hatid ng pagkain kay Kuya, tiyempong wala naman si Coach. Amp. Kaya ayon, imbis na si Kuya Travis ang kumakain ng pagkain na dala ko para sa kaniya, ako na lang ang kumakain niyon dahil sa inis.

Nadagdagan pa ang inis na iyon dahil sa pang-iinis ni Adrian na ang sweet ko raw na girlfriend ni Kuya Travis.

Aba kung magiging boyfriend ko lang din ang katulad ni Kuya Travis ay mas pipiliin ko na lang na maging single habang buhay.

Alam niyo kung bakit? Baka kasi kapag nagkaroon kami ng away ay hamunin ko lang siya ng away sa underground battle.

Doon nag-start ang love story namin ni Adrian. Second year na ako na kami n'on at sila Kuya Travis naman ay Third year na.

Mula sa pang-iinis hanggang isang araw ay maririnig ko na lang kay Adrian na gusto niya ako at gusto niya akong ligawan. Napahinto pa ako n'on sa panonood ng practice nila Levi. Narinig pa ni Kuya Travis ang sinabing iyon ni Adrian. Pero ang akala kong pipigilan iyon ni Kuya Travis. Ay sinabi pa niya na ang pangit daw ng taste ni Adrian sa babae. Nanununtok daw kapag naiinis.

Siraan ba naman daw ang kapatid sa manliligaw?

Pinigilan nga si Adrian, ang kasi ang pangit ng description sa akin. Parang ang sama talaga ng ugali ko n'on. Pero mabuti na lang at matigas ang ulo ni Adrian, niligawan pa din ako. After many many months, sinagot ko na din. Mabait kasi si Adrian, maalaga, mapagmahal at siyempre guwapo. Idagdag mo pa na matalino din. Complete package na siya kung gamit lang siya.

Napatingin naman ako sa harap at nandoon ang mostly girls na naka-pila sa try out para sa cheerleading. At nakita ko din si Olivia na nakangiti ng malaki. Na akala mo eh nag-wagi siya. Nakangiti siya habang ina-assist ang mga gustong mag-try out. Officer siguro siya ng cheerleading team mula pa no'ng second year. Wala naman kasi siya dito no'ng first year kami.

I mean hindi siya dito nag-aral ng first year, nag-transger lang siya dito no'ng second year.

Same with Stanley, sa kanila naman itong university pero hindi niya pinili ang school na ito na pasukan. Tapos tingnan mo ngayon, bigla-biglang nag-transfer. Kung hindi ba naman siraulo eh.

But back to the topic, nakangiti pa ding ina-assist ni Olivia iyong mga gustong mag-try out. Hindi ba suma-sakit ang panga niya kakangiti?

She's wearing a khaki trouser at isang khaki na crop top na may naka-sulat na malibu nights at isang white rubber shoes. Naka-tirintas into two naman ang buhok niya.

Maya-maya ay napatingin siya sa puwesto ko. Hindi ko alam kung ako ba ang tini-tinginan niya o iyong nasa likod ko.

There's something off about her.

At kung ano iyon, hindi ko alam. Nafi-feel ko lang na may mali sa kaniya. Hindi dahil sa close sila ni Adrian. It's just that may something off sa kaniya. Hindi ko lang matukoy kung ano.

Umiwas siya ng tingin, ako naman ay kinuha ang cellphone ko sa medium sized kong sling bag. Ito lang amg dala ko kapag puma-pasok sa university. Kaunti lang kasi ang dala ko. So what's the point kapag mag-dala ako ng malaking bag diba? At saka kung may libro man akong dala, may locker naman para pag-lagyan ko ng mga iyon.

"Stanley? What are you doing here?", Gulat kong tanong dahil nakita ko siyang nandito sa court. Kasama niya si Kuya Travis at si Adrian na nakatingin sa akin na kaagad ko namang iniwas ang tingin ko dahil bumilis ang tibok ng puso ko. Tipong lalabas na ang puso ko at tutungo kay Adrian at yayakap sa kaniya.

Ano ba itong naiisip ko? Malayo sa katotohanan.

"Tss. Just ask your brother." At mukha pa siyang inis sa pag-sagot na iki-natawa naman ni Kuya Travis. Ano naman kaya ang ginawa niya kay Stanley?

"Magta-try out siya sa basketball." At gulat akong napatayo sa kinau-upuan ko. At natawa na din. Si Stanley? Magta-try out sa basketball? Bakit? Bago yon ah.

Hindi naman kasi mahilig sa basketball si Stanley. Ang hilig niya ay makipag-rambulan. Chos. Favorite niyang sports entertainment ay wrestling. Kaya malamang sa malamang kung may pa-try out sa wrestling ay alam kong mauuna doon si Stanley.

Lumapit naman ako sa harap ni Stanley para asarin siya bilang ganti sa paggawa niyang tanga sa akin kanina.

"Ikaw? Huh... Bago yata yon?", Pang-aasar ko pa para mainis siya lalo.

"Eh ikaw? Bakit ka nandito? Magta-try out sa cheerleading?", At nawala ang ngiti ko sa tinanong ni Stanley.

Diba siya itong iniinis ko? Bakit parang ako naman itong naiinis?

Mukha ba akong magta-try out sa cheerleading?

"In your dreams. Gagawin daw kasi akong Manager ng team sabi raw ni Travis Jake Jimenez." At tiningnan ko ng masama si Kuya Travis. Nawala naman ang ngiti ni Kuya at umalis, nag-punta doon sa mga magta-try out.

"Adrian!", At napatingin naman kami sa babaeng nag-banggit sa pangalan ni Adrian.

"Olivia." Ay nakita kong ngumiti si Adrian, pilit nga lang.

"Bakit hindi ka na nagre-reply sa text ko?", Sabay pout naman ni Olivia na akala mo naman ikaka-cute niya iyon. Nag-mukha lang siyang baboy sa ginawa niyang pag-haba ng nguso.

"Ah... Eh... Busy lang." Sagot naman ni Adrian.

Tama at totoo naman ang sinabi ni Adrian.

Busy siya... Busy sa akin. Kung sa umaga hanggang hapon ay magka-text kami, sa gabi naman ay magkasama kami dahil pumu-punta siya kahit hindi niya sinasabi na pupuntahan niya ako. Ang sweet diba, kaya wala ng panahon si Adrian para mag-reply pa sa text sa nagpapa-cute na si Olivia na nasa harapan namin ngayon.

"Oh... I see. I should get going." Sabi ni Olivia na nakangiti na naman. What's with her at lagi siyang nakangiti?

"Sige." Sabi naman ni Adrian.

Unti-unting sumama ang tingin ko sa ginawa ni Olivia. Alam niyo kung ano ang ginawa niya? Hinawakan niya ang kanang pisngi ni Adrian nang dahan-dahan.

Aba! What's her right to touch Adrian? Ako lang dapat ang gumagawa ng ganiyan kay Adrian dahil ako ang girlfriend niya. Tapos itong babaeng ito, maka-haplos sa boyfriend ko akala mo sa kaniya si Adrian. Akala ko ba magkaibigan lang sila? Pero ano ito?

Aish... Naiinis ako. Hindi! Nagagalit ako. Nakaka-galit iyonh ginagawa niya kay Adrian.

Ay nakita ko pang napatingin si Adrian sa puwesto ko at nakita niya ang sama ng tingin ko sa ginawa sa kaniya ni Olivia.

"Bye Adrian." Ngiting sabi pa ni Olivia kahit hindi ko naman nakikita ang mukha niya saka umalis.

Isa pa 'to si Adrian, hindi man lang tinanggal ang kamay ni Olivia sa pisngi niya. Aba't gusto din ng mokong. Tapos nakita pa ni Adrian na ganoon ang itsura ko. Baka isipin niya na nagse-selos ako. Totoo naman.

Sino ba naman kasing hindi magse-selosndoon kapag ganoon ang ginawa sa boyfriend mo diba? Psh.

Kung dragon lang ako, kanina ko pa sila binugahan ng apoy. Eh kaso tao lang ako, kaya mamamaril na lang ako.

"Ash!", Napatingin naman ako sa tumawag sa akin na may dala-dalang Jollibee meal.

My savior! Kaya napangiti ako.

"Levi!", Sabi ko naman at lumapit ako sa kaniya.

Madami kasi siyang bitbit kaya tutulungan ko siya. Isa pa ay nagutom ako nang makita ko ang gravy.

Delicious much.

Nakita ko pa sa peripheral vision ko na tumingin sa akin si Adrian pero hindi ko na muna siya pinansin dahil baka mabaril ko lang siya dahil sa pag-gusto niya ng haplos ni Olivia sa pisngi niya.

Pero mabuti na lang at makakain na ako. Thanks to Levi.


ADRIAN


Take away your things and go
You can't take back what you said

7:30 PM na nang matapos ang try out sa university. Ang dami ba namang nag-try out kanina eh. Halos lahat yata ng course at year level ay nag-try out sa basketball kaya ito, gabi na ng matapos. Kaya nang matapos iyon ay nagkaya-yaan na mag-bar. At siyempre majority ang may gusto, kaya nag-punta kaagad dito sa bar. Dito sa bar na pinuntahan namin nila Caleb a month ago. At no'ng makita at narinig kong kumanta si Ysabel sa mini-stage dito sa bar. Pero ngayon naman ay walang kuma-kanta sa mini-stage. Tanging music lang sa speaker at disco ball at ang mga tao na nagsa-sayawan sa gitna.

I know, I've heard it all before at least a million times
I'm not one to forget, you know

Napatingin naman ako sa may bar counter at nandoon si Ysabel at Levi, naka-upo habang may hawak-hawak na bote na may lamang Gin. Nag-uusap sila habang nagta-tawanan. Ano naman kayang pinag-uusapan nila at tawang-tawa silang dalawa?

I don't believe, I don't believe it
You left in peace, leaves me in pieces

Samantalang ako naman ay nandito sa mesa. Nandito din sila Kuya Travis, Sila Caleb. At itong katabi kong si Olivia, kasama ng mga kaibigan niyang nandoon sa dance floor. Kasama sila Stanley, Criza at Henry.

Napatingin sa puwesto ko si Ysabel, nagka-tinginan kami saglit at siya ang unang umiwas ng tingin dahil tumingin siya sa katabi kong si Olivia na masayang nagku-kuwento about cheerleading tru out kanina na wala naman akong naintidihan maski na isa.

Too hard to breathe
I'm on my knees right now, 'ow

Buong araw ng try out ay hindi man lang ako pinansin ni Ysabel. Understood naman na iyon ang set up naming dalawa. Pero kahit man lang friendly gesture na simpleng ngiti o hi, hindi niya gawin sa akin. Diba?! Magka-tabi nga kami kanina sa mesa doon sa basketball court pero nakapangalong-baba lang ay mukha pa siyang attracted sa mga magta-try out. Aba hindi ata tama yon. Hindi niya ba alam na boyfriend niya itong katabi niya at kung sino-sino iyong tini-tingnan niya?

Nakakapang-selos kaya yon.

Kung nakakamatay lang ang tingin ko kanina, siguro ay naka-bulagta na iyong mga gustong mag-try out. Paano ba naman kasi kapag nakikipag-usap kay Ysabel kulang na lang mapunit na ang mukha kaka-ngiti eh. Ito namang si Ysabel ay ngingiti din pabalik. Hindi ba niya naisip na baka mag-selos itong katabi niya na boyfriend niya? Psh.

I'm so sick of that same old love
That shit it tears me up

Lalapitan ko sana iyon si Ysabel no'ng makarating kami dito sa bar para kausapin dahil hindi na namin kailangang gawin ang set up namin dahil wala na kami doon sa university. Pero nang lalapitan ko na sana siya, ay may humila naman sa kaliwang braso ko. Nang tingnan ko naman iyon ay si Olivia pa.

Nagulat ako nang makita ko siyang narito. Anong ginagawa niya ba naman dito diba? Hindi naman siya player ng basketball kaya anong ginagawa niya dito?

Napag-alaman kong sinama pala ni Caleb iyong kaibigan ni Olivia na si Clara na nililigawan niya ngayon, at siyempre kaibigan ni Clara iyon, ay sinama niya iyong dalawa. Si Thea at Olivia.

Kaya hanggang ngayon au nakaupo ako dito sa mesa kasama sila ay nagma-maktol ako dito sa loob-loob ko.

Kakausapin ko na kasi sana si Ysabel tapos biglang nandito na si Olivia sa tabi ko. Kainis naman oh.

I'm so sick of that same old love
My body's had enough oh, oh, oh

"Sayaw tayo Adrian." Ngiting sabi ni Olivia.

"Kayo na lang. Masakit na ang ulo ko eh." Sagot ko naman kahir hindi totoong masakit ang ulo ko.

That same old love oh, oh, oh
That same old love

Uminom ulit ako sa baso ko ng vodka at tumingin sa puwesto nila Ysabel at Levi na may kausap nang dalawang lalaki, iyong nakita ko sa university na ka-tawanan nila Stanley.

Maya-maya tumayo silang dalawa ay nag-lakad patungong dance floor at nag-simulang sumayaw.

Kanina nagpapa-cute sa mga lalaking nagta-try out, ngayon naman nakikipag-sayawan sa iba?

Ano bang gusto mong gawin Ysabel? Dapat ako yang kasayawan mo eh.

I'm so sick of that same old love
Feels like I've blown apart

"Tara sayaw tayo." Sabi ko kay Olivia sabay tingin sa kaniya.

"Akala ko masakit ang ulo mo?", Takang tanong ni Olivia.

"Hindi na." At saka ako tumayo at hinawakan ang kamay ni Olivia patungo sa dance floor. Nakita ko pang napatingin si Ysabel sa kamay naming magka-hawak na kaagad niya iyong iniwas at nakipag-tawanan ulit kay Levi. Habit niya na yata ang pag-tawa ngayon?

Pum-westo kami malapit sa kanila. Well naka-puwesto lang din naman sila sa pinag-puwestuhan ng mga kaibigan namin.

Magka-harapan kami ni Ysabel ng puwesto. Pero ayon siya suma-sayaw. Nagka-banggaan pa sila ni Stanley na may kasayawang babae. Siguro nandito din sa bar iyon, hindi ko kasi kilala iyon eh. At nag-tawanan silang dalawa dahil doon.

I'm so sick of that same old love
That kinda breaks your heart oh, oh, oh

Nakita ko pang may binulong si Ysabel kay Levi at nag-tawanan sila ulit. Maya-maya ay nagpalit sila ng puwesto, naka-talikod na si Ysabel at naka-harap na si Levi sa akin ngayon.

Nakita pa ako ni Levi na nakatingin sa puwesto nila. Pero si Levi ay tumawa lang. Tapos ang sunod niyang ginawa na nagpa-kunot ng noo ko ay hinawakan niya ang bewang ni Ysabel.

Aba! Bakit niya hinahawakan ang bewang ni Ysabel? Hindi puwede iyon. Tapos itong si Ysabel naman ay hindi tinanggal ang kamay ni Levi doon sa bewang niya. And instead, nagtawanan pa sila habang kume-kembot.

At talagang gusto niya pa ah?

"Hey Adrian, what's wrong?", Takang tanong ni Olivia.

"Hindi ko na talaga matiis." Nasabi ko na lang.

"Ang alin?", Rinig ko pang tanong ni Olivia pero hindi ko na sinagot at unalis na ako sa harap niya at nag-simulang maglakad patungo sa puwesto nila Ysabel.

Hindi ko na matiis ang pagseselos ko.

Hinawakan ko sa kamay si Ysabel at hinila palabas ng bar.

That same old love oh, oh, oh

Hindi ko narinig na nag-salit si Ysabel. Sadyang nagpa-hila lang siya sa akin.

Nag-tungo kami sa parking lot at isinandal ko siya sa kotse ko. Ki-norner ko naman siya ng dalawang braso ko para hindi siya maka-takas o maka-alis mula sa akin.

Nang tingnan ko naman ang mukha niya ay ang laki ng ngiti niya.

Problema nito?

May nakakatuwa ba na dapat niyang ikangiti?


Comment