That Same Old Student

I. ASH



Pasukan na ulit, first day ngayon. Kaya ito ako sa kotse, napapabuntong-hininga kung bababa ba ako sa kotse ko o ipapaandar at uuwi sa bahay at hihilata.

Wala akong gana ngayon. Until now ay wala akong gana dahil doon sa nangyari no'ng friday. Noong nahuli ni Adrian na kayakap ko si Stanley. At no'ng mag-break kami.

I get it. 7 months pa lang kami in the relationship at wala akong karapatang mag-emote ng ganito. But you know what? It hurts like hell now. It fucking hurts. It's like a dagger into your heart. At kahit pa ang reason ng paghihiwalay namin ay mapo-protektahan ko siya ay masakit pa din na mula sa kaniya ay break na kami.

Pumayag akong mag-break kami para mapro-tektahan ko siya. Habang maaga pa, dapat pinu-putol ko na ang koneksyon naming dalawa. Habang hindi pa nila alam na espesyal siyang tao sa akin.

I rolled my eyes nang makita ako ng ibang estudyante. What's wrong with them? Ngayon lang ba sila nakakita ng isang baliw na katulad ko? Tss.

Sinuot ko ang air pods ko at pin-lay ang music na alam kong magpapa-kalma ng utak ko.

He ain't fly though, he don't even drive though
(That's why you're calling my phone, and won't leave me alone
He ain't even fly though, you ain't gonna lie though
(That's why you're calling my phone

Kinuha ko ang bag ko at isinukbit sa balikat at saka bumaba. At nagsimulang maglakad sa hallway.

And you're wanting me to get, get, get it
Beat, beat, beat it, beat, beat, beat it

Actually tamad na tamad akong naglalakad ngayon sa hallway. Habang naglalakad nga ako eh bagsak na bagsak ang dalawang balikat ko. Hindi naman nakakalungkot ang paglalakad dito sa hallway pero ito ako, akala mo lantang-gulay.

You wanting me to beat, beat, beat it
Beat, beat, beat it, beat, beat, beat it
Not a problem, baby

And then napadaan ako sa tapat ng bulletin board. And something in me says na dapat tingnan ko iyon kaya tumingin ako. At kahit nagulat ako, ay hindi ko pinahalata dahil nakatingin siya sa akin. At no'ng makita ko siya ay agad siyang bumitaw sa pagkaka-akbay niya doon sa babae.

Beat, beat, beat it, beat, beat, beat it
You wanting me to beat, beat, beat it
Beat, beat, beat it, beat, beat, beat it, beat, beat

Oh yeah? He's with a girl agad? It's been two days since our break up tapos he's with another girl agad? Ampota. Nakakagigil ah. Wala man lang ba sa kaniya yong 7 months naming pinag-samahan? Oo, hindi years yon pero it's months. Fucking 7 months tapos within two days ay may kaakbayan siyang bago?

At sino naman iyon? Saan niya napulot? Saan niya nakilala? Maganda ba siya? Mas maganda ba siya to the point na mayroon agad siyang bagong girlfriend?

I've been out here looking for a girl like you
So already settled down and loyal your dude

At kahit hindi ko pa man nakikita ang mukha no'ng babae ay iju-judge ko na na panget siya at mas maganda ako. Duh.

Iyang pinalit ni Adrian ay walang katapat sa akin. Sa isang Ash Ysabel. Walang-wala iyan sa akin.

(You got your eyes on me, and girl, he got his eyes on you)
(My eyes are on his money and it's nothing he can do)

Pero sino bang niloloko ko? Kung ako pa din ang mas better doon sa bago niyang girlfriend, eh siya naman itong pinili ni Adrian. Siya na itong bagong girlfriend ni Adrian. At dapat hindi ko na siya guluhin. Hindi ko na sila guguluhin.

Mas okay na na may bago siyang girlfriend, at nakikita ko namang masaya siya doon. Kaysa sa akin na any minute ay guluhin siya ng mga nakaka-away namin sa underground battle.

Pero sino itong girl na kasama niya ngayon? Alam ba niyang galing lang sa break up si Adrian? Ano siya magiging rebound?

You've been out here looking for a guy like me
And I ain't never settled down, just loyal to my team

Tatalikod na sana ako para umuwi dahil parang bini-bigyan na ako ng tadhana ng sign para umuwi. Kaya uuwi na ako.

(You got your eyes on me, and girl, I got my eyes on green)
(Your nigga he so bummy, need to a boost your self-esteem)

Pero napatingin sa akin iyong babae na naka-kunot noo.

Problema nito?

Black ang buhok niya na lagpas hanggang balikat. At pansin kong tawa ng tawa iyon doon sa kausap niya. Bukod sa buhok niya at sa labi na color violet eh, wala na akong masabi doon sa girl.

Ayon ang pinalit sa akin ni Adrian? Sure ba siya?

Tss. Ayoko na lang mag-talk.

Ayoko ma-stress. Ayoko dagdagan ang stress ko ngayong araw. Kaya tumalikod ako at...

"What the fuck?!?", Nasabi ko bigla dahil nasa likod ko si Stanley.

"Ang aga-aga nagmumura ka diyan." Kunwari niya pang sabi.

"Psh. Pati ba naman ikaw?"

"Anong ako?", Naguguluhan niyang tanong.

"What are you doing?", Tanong ko.

"New student?", I just rolled my eyes at umalis sa harap niya. Umalis ng school.

New student my ass...



Comment