That Same Old Celebration

XXVI. ASH

Welcome to my house
Baby take control now

Rinig ko ang isang party song na pin-lay ni Caleb sa dalawang malaking speaker nila.

Nandito kami sa bahay nila dahil birthday niya ngayon. Mabuti nga at tumama ng sabado ang date ng birthday niya. Dahil kung hindi, tiyak matutulog na lang kami sa kaniya-kaniya naming bahay. Sa kadahilanang nag-puyat kaming lahat. As in kaming lahat sa pagre-review dahil Prelims namin. Actually Prelims namin kahapon at nakaraos naman kami. Grade conscious kasi ako. Ayokong makaka-kuha ng o makakita ng dos o tres sa grades ko. Kaya kahit prelims pa lang ay ayusin ko na. Sinabihan ko pa si Adrian na mag-review siya dahil kapag mababa ang score niya sa exam ay hindi ko siya kakausapin. Mabuti naman at nakinig siya. Alam ko din naman na mahirap ang course na kinu-kuha niya kaya todo review. Well lahat naman ng course mahirap.

We can even slow down
We don't have to go out

Kaya mabuti na lang talaga ngayon ang birthday celebration ni Caleb dahil parang celebration ito na naraos namin ang Prelims. Hindi pa namin alam ang scores, maybe next week, malalaman na namin. And lastly, birthday na ni Caleb. 18th birthday ni Caleb to be exact. Tumanda na naman siya ng isang taon. Matanda na siya.

Napatingin ako kila Adrian na masayang inaayos ang mesa upang lagyan ng mga pagkain na niluto namin kanina.

Nagluto lang naman kami ng kaunti pero kasya sa aming invited. Yong iba kasi sa foods dito ay binili na namin para mag-kasya sa aming mga kaibigan niya. Yong basketball team, sila Criza at Stanley, yong Clara wala dito, kasi may family outing daw. Mabuti na iyon para wala din si Olivia.

Sayang lang at wala ang parents niya. Which is yong Mommy at Ate niya, nasa Bicol daw kasi ang mga ito dahil namatay daw ang Lola ni Caleb. Actually namatay iyong Lola ni Caleb before pa mag-start ang Prelims. Hindi ko nga alam kung papaanoong nakapag-focus pa si Caleb sa exams niya kahapon. Pero susunod daw siya doon kinabusakan.

Samantalang ang Daddy naman niya ay wala nang pakialam sa kanila. Hiwalay na daw kasi ang parents nito, at may iba nang pamilya. Nakaka-lungkot lang ang pangyayaring iyon. Pero dahil malakas si Caleb, hindi niya na pinakita na nalungkot siya doon, matagal naman na daw kasing nangyari iyon, kaya dapat mag-move on na. Hindi ko alam kung talagang move on na siya o malungkot pa din ba o may sama pa din ng loob sa Daddy niya.

"Ysabel, ikaw na." Napatingin naman ako sa tumawag sa akin. Si Stanley na nasa harap ko. Nasa gilid ko naman si Kuya Travis. "Ikaw na." Dagdag niya pa. Naglalaro kasi kami ng Tong-its dito sa living area nila Caleb, dito sa coffee table. Mga nakaupo kami doong tatlo habang naghi-hintay kaming tawagin upang kumain na.

Oh shoot ako na nga pala. Masyado nang lumayo ang isip ko.

Bumunot ako doon sa gitnang baraha at nakita kong 6 na spade iyon. Kaya ibinaba ko iyon. After naman niyon ay si Stanley na ang bumunot. Nasa kaniya ang last bunot.

Welcome to my house
Play the music too loud
We don't have to go out

Ilan kaya ang baraha nila? Sino kayang mananalo sa amin?

2 si Kuya Travis, 9 si Stanley at ako ay 10.

Amp natalo pa nga. Natalo na naman ako? Pangalawang beses na iyon ah. Pero okay lang iyon. Tatlong beses naman natalo si Kuya Travis at Stanley kaya it's okay.

Dahil ako ang natalo, ibig sabihin ako magba-balasa ng mga baraha.

Habang nagba-balasa ako ng mga baraha ay napatingin ako kay Kuya Travis.

Napangiti na lang ako nang makita kong medyo okay na si Kuya Travis. Hindi na siya mukhang malungkot after what happened month ago.

Isa-isa kong binigay ang mga baraha sa kanila.

Welcome to my house
Welcome to my house

It's been a month since Daddy died. At sa loob ng isang buwan na iyon we're still coping up the pain that have left. Noong mga unang linggo ay mahirap talagang tanggapin ang nangyari. Pero nitong nakaraan lang ay medyo nakaka-lagpas na sa lungkot at sakit. Tuloy lang dapat ang buhay sabi ni Mommy. After a week ng burol ni Daddy ay inayos niya ang kuwarto nila Daddy at doon niya nilagay sa tapat ng kama nila ang jar na naglalaman ng ashes ni Daddy. And that time, hindi na maga ang mga mata ni Mommy. Kina-kausap pa nga ni Mommy si Daddy habang inaayos ang kuwarto niya.

Naisip ko tuloy na nandoon lang si Daddy sa bahay namin. Na mapayapang natutulog sa kuwarto nila Mommy.

After gawin ni Mommy iyon ay kaagad na lumipad pa-US si Mommy. May mga naiwan daw kasi na mga papers si Daddy na kailangan asikasuhin. Kaya nag-paalam n'on si Mommy sa amin ni Kuya Travis na huwag na kaming maging malungkot at umiyak. Ituloy na lang daw namin ang buhay namin. And lastly, huwag kami gumawa ng kabulastagan. Natawa naman kami n'on at nangako na magbe-behave kami habang wala siya.

Nangako naman si Mommy tatawag siya kapag hindi siya busy. At uuwi kapag natapos na ang gagawin niya roon.

Tumawag nga si Mommy last week, at alam niyo ang sabi...

'Travis kausapin mo nga diyan si Tita Ryza mo at Tito James, sabihin mo pa-graduatin ka na agad para ikaw na ang mag-manage ng negosyo natin diyan sa Pilipinas.'

Nasagot na lang ni Kuya Travis ay 'Try ko po silang kausapin' sabay tawa. I was like, puwede ba yon? I-advance ang graduation?

Patapos na kami sa paglalaro ng lunapit si Adrian sa tabi ko at naupo.

"Malapit na kayo matapos? Kakantahan na natin si Caleb."

"Opo, malapit na." Sagot ko naman nang hindi nakatingin kay Adrian dahil naka-focus ako sa baraha ko.

Maya-maya, biglang hinawakan ni Adran ang baba ko at pinaharap sa kaniya. Magta-tanong pa sana ako ng bakit pero bigla na lang niya akong halikan.

Aba't problema nito? Nangha-halik bigla?

Pero gusto ko naman ang ginawa niyang iyon, gusto ko din naman iyon kaya wala na siyang narinig pang complain sa akin.

After ng ginawa ni Adrian na iyon ay nag-ngitian kami.

"Kuya Travis oh, si Ysabel ang landi na naman." Napatingin naman agad ako kay Stanley. Sinamaan ko siya ng tingin, sabihan ba namang malandi daw ang pinsan niya. Masama bang magka-moment ang pinsan niya?

"Alam na ni Ysabel ang tama at mali Stanley." Sabi ni Kuya Travis sabay baba niya ng 2 hearts niyang baraha.

Binelatan ko si Stanley bilang pang-asar. At ang mokong, binelatan din ako.

"Alam mo Stanley, bakit hindi mo na lang hanapin iyong kasayawan mo sa bar no'ng nakaraan? Para naman hindi ka naiinggit sa amin ni Adrian."

At natawa siya sa sinabi kong yon. Anong nakakatawa doon? Seryoso ako sa idea ko na yon ah. Tapos tatawanan niya lang. Hindi karapat-dapat yon ah. Masipa nga mamaya si Stanley.

"Hindi ko ugaling mag-hanap ng babae. Dapat babae ang mag-hanap sa'kin." Mayabang na sabi niya. Kumunot naman ang noo ko doon sa sinabi niya

"That's the spirit." Masayang sabi naman ni Kuya Travis at nag-fist pump pa silang tatlo kasama si Adrian. Tapos nag-tawanan pa silang tatlo.

Pagdating talaga sa babae, magkasundong-magkasundo ang mga ito. At saka anong nakakatawa doon? Diba dapat si Stanley ang maghanap ng magiging girlfriend niya? Hindi iyong babae pa ang maghahanap sa kaniya? Ang kapal naman ng mukha niya kapag ganoon?

"Ang kapal naman ng mukha mong ikaw ang hahanapin?", Kunot-noong tanong ko sa katapat kong si Stanley.

Guwapo ba siya? Well, guwapo naman talaga siya. Dahil mana siya kay Tito James. Pero nasobrahan naman yata siya sa ka-guwapuhan niya to the point na ang taas na ng tingin niya sa sarili niya? Para siya pa ang hahanapin, nahiya naman sa kaniya si Johnny Depp sa kaniya...

"Kilala mo ba ang babaeng iyon? Sino ba iyon at masabi kong huwag na siyang mag-pakita sa iyo." Kunwaring inis kong sabi sa kaniya. At ang ginawa niya? Iyong favorite niyang gawin. Ang ngumiting aso.

He smirk and with that I know he has a plan.

"Lacey Guillermo..." At nagka-tinginan kaming dalawa ni Kuya Travis at sabay tingin kay Stanley na nakangiting aso pa din. Si Adrian naman ay napatingin na lang din kay Stanley. Hindi niya kasi alam ang kuwento na iyon, hindi ko pa nasasabi sa kaniya. At saka bakit ko naman sasabihin iyon sa kaniya eh hindi naman na iyon kasali sa kuwento namin eh.

All eyes on Stanley now tipong nasa isang hot seat siya. At naghi-hintay kami ng sunod niyang sasabihin pero ang sinabi niya lang ay...

"Tong-its." At tumingin siya sa aming tatlo.

"Kung kailan hindi ko na siya hinanap, saka naman siya nag-pakita. Kaya siya naman ngayon ang mag-hanap." Ngiting sabi ni Stanley saka siya tumayo at umalis sa puwesto namin. Kaming dalawa naman ni Kuya Travis ay naiwan kaming mga nakanganga.

Did he just said that?

Nagkita sila ni Lacey? Nagkita na sila ni Lacey? And the worst part pa eh, sa bar pa sila nagka-tagpo. Pero bakit hindi sinabi ni Stanley iyon sa amin?

Pero bakit hindi ko din nakita si Lacey sa bar na iyon? Masyado ba akong focus n'on sa pang-iinis kay Adrian dahil iniinis niya ako dahil kasama niya si Olivia?

That smirk...

Anong pina-plano niyang gawin?

Hindi ko na inalam kung sino ang panalo sa aming dalawa ni Kuya Travis dahil kaagad na akong tumayo at tiningnan si Stanley. Nakikipag-tawanan na siya doon kila Levi at Ethan.

Anong pina-plano ming gawin ngayon Stanley?

"Sino si Lacey?", Tanong naman ni Adrian. Napatingin naman ako sa kaniya. Curiousity ang nakikita ko sa pagmu-mukha niya kaya natawa ako.

"High school sweet heart niya." Sagot ko at tila ba naguluhan siya.

"High school sweet heart?", Kunot-noo niyang tanong.

"Girlfriend niyang bigla siyang iniwan." Sagot ko.

"Maganda?", At sinamaan ko siya ng tingin. "Joke lang 'to naman." At natawa siya sabay akbay sa akin. "I love you." Bulong sa akin ni Adrian. Humarap ako kay Adrian. At dahil mas matangkad siya sa akin ay tinaas ko ang ulo ko ng very light at inilapit ang ulo ko at kaagad na binigyan siya ng mabilisang halik sa kaniyang labi. Bago pa maka-react si Adrian ay tumakbo na ako palayo sa kaniya.

"Magnanakaw!", Rinig kong sigaw ni Adrian kaya natawa na lang ako. Napatingin naman sa amin iyong mga kaibigan namin. Tila iniisip kung sino ang magnanakaw.

Ilang seconds din silang naging tahimik n'on bago nagbalik sa kaniya-kaniya nilang ginagawa.

Natawa tuloy ulit ako nang maalala kong sumigaw siya ng magnanakaw.

Sa lahat ng puwede kasing isigaw magnanakaw pa ang napili niyang sabihin.

"Happy birthday to you, happy birthday to you." Kanta naming lahat para kay Caleb. Si Henry naman ay binigay iyong double layer cake. Customized cake iyon na pinagha-hatian nilang bayaran kasama si Ethan, William at Adrian.

Kakaiba nga sa paningin ko ang icing ng cake na iyon. Kulay violet tapos sa gilid-gilid ay pink icing na naka-palibot sa buong cake. Tapos sa taas naman ay picture ng Mobile Legends character na sila Fanny at Selena. Tapos natawa pa si Caleb ng makita niya iyong cake niyang iyon, tipong excited siyang kainin ang cake na iyon. Akala mo bata eh.

Hindi ko tuloy alam kung sino ang nag-isip na yan ang ipagawa nilang cake o baka naman napag-tripan lang nila Henry ang ganoong design.

"Blow your cake tol." Sabi naman ni William after niya pumikit para kuno mag-wish. Hinipan naman niya iyon at nag-palakpakan kami.

Kompleto kami dito, puwera na lang doon sa Clara na nililigawan niya. Dahil ayon nga, family outing nito. Goods na iyon dahil baka pag-buhulin ko na talaga sila Olivia at Adrian. Si Adrian pa naman hindi marunong umiwas kapag nandiyan si Olivia. Nakakapang-init tuloy ng dugo silang dalawa.

"Thank you guys ah. I really appreciate it. Imbis na maging malungkot ako ngayon, napasaya niyo ko. Napasaya niyo ko ng sobra. Wala man sila Mommy at Ate, nandito naman kayo para sa akin. Kayo pa ang nag-handa para sa akin, binili man o niluto. Kaya maraming salamat." Napangiti naman ako sa sinabing iyon ni Caleb. Deserve naman niya itong pa-birthday namin sa kaniya dahil naging mabuti siyang kaibigan. Especially to Adrian. Kahit no'ng second year lang kami nagka-kilala dahil sa pagiging varsity player ng basketball, at pagiging kaibigan na ni Kuya Travis ay naging mabuti siyang kaibigan. At siya din iyong tipo ng kaibigan na one call away.

"Tol wag ka umiyak, mahal ang gatas sa panahon ngayon." Sabi naman ni Ethan kaya natawa kami. Si Caleb naman ay nagku-kunwaring nagpu-punas ng luha na lalo naman naming iki-natawa.

Maya-maya may sumiko sa tagiliran ko. At nakita kong si Adrian iyon. Paano siya napunta dito? Eh awhile ago nasa tabi lang siya ni Caleb ah?

"Napunta ka diyan? Diba nandoon ka kay Caleb?", Tanong ko sa kaniya.

"Kaya nga ako napunta dito kasi nakita kong nakatingin ka sa kaniya." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Anong sinasabi niya?

"Oh eh ano naman." Sabay iwas ko ng tingin.

"Wala lang baka crush mo na siya." At napatingin ako sa kaniya nang may kunot-noo pa din.

"Ako? Magiging crush si Caleb? Huwag na ui. Hindi naman siya kasing-guwapo ni Johnny Depp."

Pinag-iisip nito ni Adrian. Ang lawak ng imagination niya ah. Kung ano-ano naiisip eh. Kanina magnanakaw, ngayon naman baka crush ko raw si Caleb. Seryoso ba siya doon? Nag-iisip pa ba siya ng tama? Hindi ba siya nandidiri sa sinabi niya? Magiging crush ko ang kaibigan niya? Kadiri lang ah.

"Akala ko sasabihin mo hindi ko kasing-guwapo." At saka siya umalis sa harap ko. Lumabas siya ng bahay nila Caleb.

Kumunot na lang ang noo ko sa ginawa niyang iyon. Nag-walk out lang dahil siya dahil doon? Guwapo din naman siya ah, but not to the point na kasing-guwapo ni Johnny Depp 'no. Chos.

Pero dahil lang talaga doon nag-walk out siya? Meron ba siya ngayon? Hindi ko na lang pinansin iyon. Baka kulang lang sa pagmamahal iyon, mahalin ko na lang siya later.

"Hindi ko na kayo iisa-isahin, nakaka-bakla mang sabihin pero mahal ko kayo lahat." At saka niya itinaas iyong baso niya na may lamang cocktail. Itinaas naman namin iyon lahat at uminom.

Pagkatapos kong ubusin iyong cocktail ay inilapag ko ang basl sa mesa.

"Ysabel oh, kumuha ka na dito. Alam kong favorite mo 'to." Rinig kong sabi ni Caleb sabay turo niya doon sa cake. Doon sa cute niyang violet cake.

"Ayoko ng ube." Sabi ko. Diba kapag violet, ube flavor iyon?

"Hindi 'to ube. Chocolate 'to, chocolate daw kasi ang gusto ni Adrian para kumain ka." At natawa ako sa sagot niya.

"Weh?", Tanong ko pabalik na lalo niyang iki-natawa kaya natawa ako.

I-base ba naman daw sa akin ang cake? Birthday cake iyon ni Caleb tapos favorite flavor ko ang nilagay. Tsk. Tsk. Unfair iyon kay Caleb. Baka hindi niya pa tuloy gusto ang chocolate.

"Oo nga, kaya kumuha ka na dito. Huwag ka na mahiya." At natawa ako sa sinabi niya.

"Sige lang." Sabi ko.

Oh diba, sa sobrang friendship namin, alam niya na ang favorite flavor ko sa cake ay chocolate.

Pero talaga naman oh. Bakit hindi pa buma-balik si Adrian dito sa loob? Nasaan na babang lalaking iyon?

Nasobrahan ba siya sa pagka-bad trip dahil lang doon sa sinabi ko?

Guwapo naman siya ah. Pero dahil lalaki lang ang ulo n'on hindi ko na sasabihin iyon sa kaniya.

Maya-maya napansin kong may humintong isang black van. Bukas kasi ang mga bintana dito, kaya kita ang mga nasa labas. Kaya yon, baka sa kapit-bahayang iyon.

Pinag-masdan ko sila lalo hanggang may bumabang mga lalaki. 5 mens to be exact. Mga naka-suot ng itim. May itim rin na naka-takip sa ulo nila kaya hindi makita kung ano ang mga itsura nila.

Pero lumaki na lang ang mata ko nang i-harap nila  ang kamay nila na nasa likod at iti-naas iyon na may hawak-hawak na baril at iti-nutok ito sa amin.

"Shit!", At napatingin silang lahat sa akin. "Dapat!", Malakas na sigaw ko kaya alam kong narinig nila iyong lahat. Walang tanong-tanong ay dumapa kaming lahat.

And without any seconds nagpa-ulan ng putok ng baril iyong limang lalaki dito sa bahay ni Caleb.

Samu't-saring ingay ang naririnig namin dito sa loob. Pagka-basag ng bintana, ng mga kubyertos, ng ibang mga appliances. Natamaan din ang ibang mga pagkain na naka-hain sa mesa. Nakita ko pang ang cake ay natamaan kaya nasira iyon.

Oh! Not the cake.

Nang tumigil ang putokan ay bumangon ako agad at magla-lakad na sana palabas nang hawakan ni Kuya Travis ang pulsohan ko.

"Wag ka ngang tumayo, mamaya magpa-putok sila ulit, matamaan ka." Bulyaw niya sa akin.

Pero hindi ko pinansin ang sinabing iyon ni Kuya Travis at inilibot ang paningin ko.

"Nasaan si Adrian?!", Pero wala akong nakitang Adrian. "Shit!", Nasabi ko na lang dahil sa galit at sa kaba.

"Sino yon?!", Galit na tanong ni Caleb sabay tayo niya at tumingin sa harapan namin at nakita naming paalis na iyong black van. Pero dahil walang nakaka-alam kung sino ang mga iyon ay walang sumagot. Ni isa man sa amin nila Stanley, Levi at Kuya Travis.

"Baka may kaaway ka Caleb? O baka naman kaaway ng pamilya niyo?", Tanong naman ni Henry.

"Hindi ko alam." Sagot naman ni Caleb pero.

"You have your gun in your car, right?", Tanong ko kay Stanley. "I'll borrow you car."

"No Ysabel, mapapahamak ka." Sabi naman ni Kuya Travis.

"I don't care Kuya. Baka kinuha nila si Adrian." Sagot ko. Bumalik ang tingin ko kay Stanley at hinagis niya ang susi ng kotse, kaagad ko namang sinalo iyon at naglakad na patungong pinto upang lumabas.

"Ysabel huwag!", Sigaw ni Kuya Travis. "Huwag ka magpa-dalos-dalos Ysabel!"

"Wala akong pakialam Kuya. Baka dinamay na nila Si Adrian." Sabay hawak ko sa door knob at binuksan iyon. At nakita ko ang mga tao na nakiki-usyoso kung ano ang nangyari dito. Hindi ba obvious na binaril ang bahay nila Caleb?

"Hindi ako babalik hangga't hindi ko kasama si Adrian." Sabi ko at lumabas na ng bahay nila Caleb.

Dali-dali akong nag-drive para sundan iyong black van na iyon. Nakita ko naman sila agad at agad na sinundan. Habang nagda-drive ako ay wala akong nakitang Adrian sa sidewalk. Kaya nasisiguro kong kinuha siya nila.

Dinamay nila si Adrian. Shit. Pati ba naman si Adrian na walang kaalam-alam dito ida-damay nila?

Tsh. Dinamay na nila si Adrian, kaya alam kong may mangyayaring away na naman one of these days.

Walang kinalaman si Adrian dito pero dinamay nila. Malalagot talaga sila sa akin kapag may ginawa silang masama kay Adrian.

Shit. Tama siya.

Bumalik na nga talaga siya. Sila...

Pero bakit nila ida-damay si Adrian? Hindi naman nila kilala si Adrian ah?

Hindi kaya may nagsabi sa mga iyon? Pero sino? Sino ang traydor na iyon?

Huminto ako sa hindi kalayuan na pinag-hintuan ng black van. Isa-isang nagsiba-baan iyong mga sakay ng van. Nag-tanggal ng takip sa mukha. Wala doon si Adrian. At hindi pamilyar sa akin ang mga mukhang iyon.

Nagta-tatawanan pa silang nag-uusap. Ngayon hindi na sila makakatawa.

Wala doon si Adrian.

Kaya nasaan siya?

Where the hell is he?

Pumasok iyong limang lalaki sa isang malaking bahay. Mansion na nga yatang matatawag iyon. I've never been here before. Kaya hindi iyon pamilyar sa akin.

Kinuha ko ang baril ni Stanley sa tabi ko at bumaba. Hawak-hawak ko ang baril na iyon habang naglalakad. Pumasok ako sa bukas na gate at agad na tumungo sa puting pintuan.

Pipihitin ko na sana iyon nang makita kong may pumihit niyon mula sa loob.

Nakaramdam ako ng kaba pero dapat hindi nila iyon makita at maramdaman. Namutawi ang galit ko lalo pa at gusto kong maka-siguro na sila ang may pakana nito. Na sila ang nag-utos sa pamamaril sa bahay ni Caleb.

Nilagay ko naman sa harap ko ang baril at iti-nutok sa kung sino man iyon.

At tila ba nanlamig ako sa kinatatayuan ko nang makita at malaman ko kung sino iyong nasa harapan ko ngayon.

Isang nakangiting Adrian ang nasa harap ko.

Pero nang makita niya ako sa harapan niya ay unti-unting nawala ang ngiti niya at napalitan ng gulat.

"Paanong... Bakit ka nandito?" Mahinang sabi ko habang pini-pigilan ang mga naiisip ko pa-tungkol kay Adrian.



It's my birthday today, so here's the update!

Stanley and Lacey's story is already posted. Titled Break Your Heart. I hope you can check it out too. Thank you very much!

So yeah. See you in the next update !

God Bless and stay safe everyone

🌹 TheGirlLovesRed 🌹

Comment