That Same Old Battle

XI. ASH



Habang nagda-drive patungo sa kung saan si Stanley ay tahimik lang ang atmosphere.

Tama lang dahil naiinis ako hanggang ngayon dahil sa pagpapa-tugtog niya kanina ng sad song habang nage-emote ako.

It's not cool dude.

Mabuti na lang at hindi ako naiyak dahil sa ginawa ko. Dahil kung naiyak ako? Tiyak aasarin lang ako nitong si Stanley. Kapag naman ganoon ang ginawa niya. Malalasap niya ang ang sipa ni Mikey katulad doon sa Tokyo Revengers. Subukan lang niya.

"Where do you want to eat?", Napatingin naman ako kay Stanley at bumalik ang tingin sa harap.

"Kahit saan." Sagot ko na lamang. Kasabay niyon ay ang pag-tunog ng tiyan ko.

Nakalimutan kong gutom ako dahil sa lungkot, sakit at siyempre sa inis.

Tss. Nakakahiya kay Stanley.

"Kunwari hindi ko narinig yon." Rinig kong sabi niya kaya natawa ako. "Tumawa ka na, ibig sabihin hindi ka na puwedeng malungkot." At huminga ako ng malalim.

"Magiging okay din ang lahat Ysabel." At tumango ako.

"Sana nga Stanley... Dahil ang hirap niyang i-let go." Sagot ko.

"That's life. Mahal mo eh." And I smile at that thought.

Mahal ko eh...

Dumaan kami ni Stanley sa Jollibee drive thru. At umorder siya na para sa tatlong tao. At nang tanungin ko siya eh sa akin lang daw ito. Nagulat naman ako dahil ang dami niyang i-norder. Na tipong tatlong tao nga ang mabubusog. Pero sa akin lang daw ito.

Bakit? Bibitayin na ba ako mamaya?

This is what I like about Stanley. Abnormal man, caring naman siya. And he always on my side. Always. Just like ngayon, siya itong kasama kong nagwo-worry dahil hindi pa ako kumakain mula pa kaninang umaga. At no'ng makikipag-break ako kay Adrian. Hindi man niya sabihin na nagwo-worry siya, alam ko at nakikita ko iyon sa ginagawa niya. Tulad na lang nang siya ang mag-suggest na makipag-break na ako kay Adrian, na kaagad ko namang sinunod para protektahan si Adrian.

And look where are we now. Galit sa amin si Adrian after what we did.

"Hindi ka kasi kumain sa bahay kanina." Rinig kong sabi niya pero hindi siya pinansin dahil busy ako sa pag-kain ng fried chicken.

"At siguro kaya ka nahimatay dahil sa gutom." Rinig kong sabi niya ulit. "Bakit ba hindi ka kumain kanina?", Tanong niyang muli, uminom na muna ako ng i-norder niyang coke pag-tapos ay sumagot.

"May iniisip kasi ako." Sagot ko.

"Ano namang iniisip mo?", At tumigil ako sa pag-nguya.

"Iniisip ko kasi kung totoong nandoon si Adrian sa party kagabi." Sagot ko.

"Nasa party siya kagabi?", Gulat na tanong niya.

"Hindi ko nga alam eh. Right after ng pag-lalaro natin, bumaba na ako. Para magpa-tulong kay Kuya Travis na buhatin kayo at ilipat sa guest room." At humarap ako sa kaniya. "Kasi yong mga pinsan ko, tinu-logan ako." At natawa siya. "At nang makababa ako ay nakita ko si Kuya Travis, ayon nga with Adrian. Hindi niya pa siguro alam na break na kami. At no'ng makalapit ako sa kanila, Kuya Travis make me say hi to Adrian. And after that, ang tanging naalala ko lang ay yong sinabi kong mahal ko si Adrian."

"At kaninang umaga, tinanong ko si Kuya Travis kung nasa party ba kagabi si Adrian. At alam mo ang sabi? Nami-miss ko lang daw si Adrian kaya ganoon. Tss. Hindi ko tuloy alam kung totoo ang pangyayaring iyon o dala lang ng kalasingan. Tapos may hangover pa." Dagdag ko.

"But you know what?", At tumingin ako sa kaniya. "I feel it is real." Dagdag ko.

"Uso mag-tanong kay Adrian, Ysabel." Sagot niya na ikina-kunot ko ng noo.

"After ng sinabi kong layuan niya na ako, ako naman ang lalapit sa kaniya para itanong lang yon? Siraulo ba ako?", At natawa kaming dalawa.

"Ang mahalaga, iyong ngayon." At bumalik na ako sa pag-kain. This time naman ay sundae naman ang nilalantakan ko.

Ang sarap lang talaga nito. Always be my favorite.

"Where do you want to go?", Tanong niya. At nag-isip ako kung saan nga ba kami pupunta. Ayaw ko pang umuwi sa bahay namin dahil wala namang gagawin sa bahay. Boring lang kaya.

"Sa underground tayo. Kailangan kong ilabas itong nararamdaman ko ngayon." Sabi ko.

"Wish granted." At saka siya lumiko para pumuntang underground.

Kailangan kong ilabas ang nararamdaman kong sakit ngayon. Baka bukas din naman ay okay na ako.

Sana...

Pag-dating namin sa underground ay pinatay ni Stanley ang engine at nagpapa-kiramdaman kami kung sino ang unang magsa-salita sa amin kaya inunahan ko na.

"May yosi ka?", Tanong ko.

"Yeah." At inabot niya sa akin ang isang kaha ng Marlboro Black at isang lighter. Saka naunang lumabas at sinindihan ang yosi.

Bumaba naman si Stanley, kumuha ng yosi at sabay na bumuga ng usok. Tahimik lang kami doon until makita naming akay-akay si Chris, leader ng Rebel Shadow ng mga ka-gang niya. May sugat kasi siya sa tiyan. No... Hindi lang siya basta sugat. Isa siyang saksak ng kutsilyo sa may tiyan niya. Daing siya ng daing dahil sa sakit, dahil doon sa pagkaka-saksak niya.

Natalo siguro siya sa underground bottle kaya siya may saksak. Ano kayang pinang-pusta niya?

Nang matapos akong mag-yosi ay binitawan ko iyon at saka tinapakan.

"Okay ka na? Let's go." Sabi ko.

"I should be asking you that." At natawa ako.

"I'm okay, let's go." Kagaya ng ginawa ko sa yosi awhile ago ay ginawa rin niya. Saka kami pumasok sa loob.

Mabuti at wala iyong nag-bantay last week. Dahil masu-suntok lang siya ni Stanley at masusuntok ko lang din siya dahil sa lungkot at galit na nararamdaman ko ngayon.

At nakita namin doon sa loob ng cage ang dalawang lalaki na nag-aaway doon. Pero dahil mga bagong mukha sila sa akin ay hindi ko sila kilala. Siguro kasi ay mga bago? O baka matagal na din sila dito pero hindi lang ako palaging pumu-punta. Si Stanley at kuya Travis lang kasi ang palaging pumu-punta dito. Last week nga lang ay nadagdagan na naman ang sports car niya. Sana all diba.

Pero ngayon, hindi ko kailangan ng kapalit. Gusto ko lang mailabas itong lungkot at sakit na nararamdamanbko ngayon.

Bumaba ako doon, sumunod naman si Stanley. At nakita namin doon na nanonood si Tito Angelo na ang pagkaka-alam ko ay kaibigan ni Mommy. Lumapit ako sa kaniya.

"Sinong free ngayon?", Tanong ko at napatingin sa akin si Tito Angelo.

"Para saan?", Tanong niya.

"Para labanan ko."

"Alam ba ni Travis yan?", Tanong niya na naman.

"Hindi." Sagot ko.

"Edi bawal."

"Anong bawal? Tss." At saka ako bumaba at pumasok doon sa cage, kakatapos lang kasi ng battle between of those gang leaders kaya puwede na akong pumasok.

"Ash, hindi puwede!", Sigaw ni Tito Angelo pero nginitian ko lang siya, napatingin naman ako kay Stanley na nakangiti at naka-thumbs up ang mga kamay.

At inilibot ko ang paningin sa naka-palibot na upuan dito sa cage. At nakita ko siyang nakatinging nakangiti sa akin kaya napangiti na din ako. Tumango ako at saka siya bumaba at pumasok dito sa cage at humarap sa akin.

"For 7 months, ngayon lang ulit kita makikita dito sa loob ng cage." At natawa ako.

"For a change maybe." At natawa ako.

Tama siya, sa loob ng pitong buwan at hindi na ako nakipag-laban dito sa underground. Pumu-punta lang ako dito kapag wala akong magawa, or boring o kaya naman ay may laban si Stanley o iba kong ka-members. For support I guess. Siguro din kasi ay madalas kaming mag-kasama ni Adrian kaya hindi ako umaalis kung saan-saan. Para din, wala siyang mahalata kung saan ako pumu-punta. Siyempre para din ay hindi niya malaman kung ano talaga ako.

Pero dahil break na kami ni Adrian ay dito na ako dumiretso after sa school o kaya naman ay dito na ako tatambay. Para hindi ko na siya makita pa.

"At sino namang gusto mong kalabanin?", Tanong niyang muli.

"Hindi ko alam eh." At tiningnan ko siya. "Pero dahil ikaw 'tong kaharap ko ngayon... Ikaw na lang." At ngumiti siya.

"That's why I like you Ash." At natawa ako.

"Everyone likes me." At natawa ako at siya.

"So what do you wanna bet?", Tanong niya na nagpa-ngiti sa akin.

Ano nga bang ipu-pusta ko?

"Yong bago kong BMW." At tila ba namangha siya sa sinabi ko. "Kung... Mananalo ka, mapapa-sa'yo yon." At nakita kong nagulat si Stanley at Tito Angelo. "Pero kung ako ang mananalo... You and your team will be mine." At lumawak ang ngiti niya.

"Well then, alam ko na kung anong dapat kong gawin."

"Dapat lang." Sabi ko at saka tumingin muli kay Stanley na nakangiti na sa akin. He even mouthed 'good luck'. Akala niya siguro hindi ko kaya iyong leader ng Snake Blade. Tss. Hindi naman porket hindi ako nakipag-laban eh mahina na ako. Tingnan lang natin.

Nag-handa na si Levi, leader ng Snake Blade na nasa harapan ko. Umayos siya ng puwesto kaya nakita ko ang Snake tattoo niya sa may likod ng kaliwang wrist niya na naka-paikot ang snake doon sa blade. That symbolize there gang.

And that gave me an idea.

"Fight!", Sigaw ng ka-grupo ni Levi na ang pagkaka-alam ko ay si Arvin.

Unti-unting nawala ang mga ngiti ko at napalitan ito ng seryoso. Ganoon din ang ginawa ni Levi. Aba dapat lang na manalo siya dahil kung hindi, ako na ang magiging leader nila.

Akmang susuntukin na ako ni Levi nang ilagan ko iyon at saka sinuntok ko siya sa tiyan ng sunod-sunod. Napa-daing pa siya doon pero hindi ko pinansin at nagpa-tuloy lang sa pag-suntok sa tiyan. Sinipa ko ang tuhod niya kaya napa-atras siya sa akin.

Umu-ubo siya doon nang lumapit ako. Napatingin naman ako sa kaniya at napatingin siya sa akin. Kinuyom ang mga kamay at sinuntok siya sa pisngi. Nang makita ko ang dugo niya sa labi ay sinuntok ko pa din siya ng pagkalakas-lakas kaya this time napahiga siya sa sahig. At saka umubo ng dugo.

Sa lakas ko ba namang sumuntok. Lumapit ako sa kaniya at saka i-pinatong ang isang paa ko sa dibdib niya.

"So Levi, what do we say?", Pang-aasar ko kay Levi na daing ng daing pa din.

"White flag." Sagot niya sabay taas ng kanan niyang kamay na ang ibig niyang sabihin ay sumu-suko na siya.

Nakangiti naman akong tinanggal ang paa ko sa dibdib niya at inilahad ang kamay ko sa kaniya. Kunot-noong tumingin naman siya sa akin. Pero lumawak lang ang ngiti ko.

Sino ba naman kasing hindi magtataka eh sinuntok ko siya ng sunod-sunod tapos tutulungan siyang tunayo? Parang gago lang?

"Come on. I won't do anything." Ngumiti siya at saka tinanggap ang kamay ko at tinulungan siyang tumayo. At akay-akay ko siya habang palabas doon sa cage. Pag-labas namin ay sinalubong kami ng mga ka-grupo niyang si Arvin at Sonny.

"About what you said earlier-"

"Nah, I was just kidding. Sayang naman ang tattoo mo kung mapapa-sa'min kayo." At natawa siya. "But here you can keep it. Nasa university ang kotse, hanapin mo na lang." Dagdag ko.

"But I have a car." Sagot naman niya kaagad.

"Then burn it." Sabi ko.

Iyong kotse ko kasi na iyon ay iyon ang madalas na ginagamit namin ni Adrian sa tuwing gagala kami. It has many memories na dapat ko nang kalimutan.

"You didn't change." At napatingin ako sa sinabi ni Levi. "Like a rose, you're beautiful. But at the same time, you have thorns." At natawa ako. "But you can't call a rose without a thorns." At saka sila umalis.

Lumapit naman si Stanley.

"So, where do you wanna go next?", Tanong niya.

"Somewhere... I have an idea." Sagot ko.

"Is it a good thing or a bad thing?"

"I don't know " at natawa kaming dalawa. "For a change."sagot ko at humarap naman ako kay Tito Angelo na nakangiti na ngayon sa akin. "Sa susunod ulit Tito." At saka kami umalis doon sa underground.

For now, I want a change...


Comment