That Same Old Hideout

LIII. ADRIAN


"Ang tagal mo naman asikasuhin 'yon." Natawa naman ako sa binungad sa akin ni Stanley pagkababa ko ng kotse ko.

Nag-fist pump kaming dalawa at natatawa siyang humarap sa akin. Mukha ba akong clown para tawanan niya?

"Problema mo?", tska kong tanong sa kaniya dahil hindi naman ako mukhang clown pero natatawa siyang nakatingin sa akin.

"Hindi mo pa nakita mukha mo sa salamin 'no?", natatawa pa rin siya.

Kumunot na naman itong noo sa sinagot niya sa akin. Humarap naman ako sa side mirror ng kotse ko at hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa sarili ko.

Diba nga ay hinalikan ako ni Olivia kanina sa tapat ng bahay nila? Aba't ang tanga ko naman dahil hindi ko natingnan ang labi ko at pisnging hinalikan ni Olivia kanina. May lipstick ba naman sa labi ko at pisngi dahil sa lipstick sa labi ni Olivia.

Bakit ba kasi hindi ko man lang tiningnan ang guwapo kong mukha kanina? Nahihirapan tuloy si Stanley pigilan ang tawa niya ngayon sa harapan ko. Nagmukha tuloy akong clown sa harap niya.

Dali-dali kong binura iyon dahil hindi ako natutuwa dito. Lalo pa at hindi ito galing kay Ysabel. Aba! Kung galing lang ito kay Ysabel hinding-hindi ko na ito buburahin pa. Pero dahil hindi galing ito kay Ysabel, siyempre buburahin ko na.

Isang nakakadiring pangyayari iyong kanina.

"Huwag ka na magpigil ng tawa diyan." Sabi ko at napahawak na lang ako sa batok ko dahil binuhos na talaga ni Stanley ang tawa niya.

Grabe! Totoong kaibigan talaga ang isang ito. Hindi man lang siya nag-dalawang isip na huwag tumawa. Hindi man lang din siya tumangging tumawa. Talagang pinakita niya na natatawa siya sa akin. Talagang pinakita niya na katawa-tawa ako sa mga oras na ito.

"Ito na titigil na." Natatawa pa ring sabi ni Stanley. "Mukha ka kasing nakipag-lips to lips sa aso." At tumawa na naman siya lalo.

Nauna na kasi si Caleb sa hideout nila Kuya Travis. Kaya alam kong nasabi na ni Caleb ang nangyari kanina. Kaya siguro tumawag na sa akin si Stanley na pinamamadali na akong magpunta sa hideout. Kaya siguro pinamadali ako ni Stanley para pagtawanan lang dito.

Ito namang hideout nila ay medyo malayo sa underground. Not totally malayo, siguro mga 2 kilometers ang layo mula sa underground.

Pero sige tumawa lang siya hangga't gusto niya.

Alam mo Adrian, kung nandito lang si Ysabel hindi lang siya ang masasaktan. Pati ikaw." At natawa ako sa sinabi niya. "Pero mas LT talaga si Olivia. Sinundan ka ba naman. Malakas na tama n'on sa'yo." Kaya nagtawanan na naman kaming dalawa ni Stanley habang pumapasok sa hideout nila Kuya Travis.

Actually bahay ito. Medyo kalakihang bahay ito. Pero kaunti lang ang gamit kaya hindi mo matutukoy kung ano ba talaga ang nakatira. Alikabok ba o tao. Puwede rin namang hayop. Ang gulo-gulo kasi dito sa loob.

"Kaninong bahay 'to?", tanong ko dahil sino pa bang tao ang titira sa ganitong bahay na sira-sira at gulo-gulo na. Na tipong kaunting hangin na lang ay masisita na ang bahay na ito. Hindi man lang ito nagawang ipaayos ng kung sino mang may-ari nitong bahay.

"Kay Levi." Sagot ni Stanley kaya taka ko siyang tiningnan.

"Sa kaniya? Hindi man lang niya pinaayos 'to?"

"Pinasadya 'to ni Levi para maging hideout namin noon hanggang ngayon at sa mga susunod pa. Para walang mag-iisip na may nakatira rito." Sabay tango ko. Nakangiti namang humarap sa akin si Stanley. Ngiting akala mo may gagawin siyang masama. Ngiti na hindi mo magugustuhan ang gagawin niya.

"Dito namin dinadala ang mga may atraso sa amin. Hindi puwedeng sa bahay dahil magugulat ang mga nakatira. Hahaha."

"Dito namin dinadala ang mga may atraso sa amin. Dito namin sila gina-gantihan." Nang marinig ko ang sinabing iyon ni Stanley ay tila ba kumabog ang dibdib ko. Idagdag mo na rin ang paglunok ko bigla.

Tila ba napagtanto ko na parang mali na nagpunta ako rito ngayon. Tila rin mali na sumali ako sa mga gangs. At lalong-lalo na, parang hindi ko kilala itong nasa harapan ko ngayon. Tila ba hindi ko kilala itong Stabley na nasa harapan ko ngayon. Well all of them. Kahit si Ysabel ay parang hindi ko pa kilala. Tila ba hindi ko talaga sila kilala lahat dahil sa narinig ko mula kay Stanley.

Tila ba naiisip ko na masasama silang tao. Na nananakit sila ng tao. Hindi ko maiwasan na hindi isipin na baka masasamang tao silang lahat. Hindi ko maiwasang hindi isipin kung paano nga ba manakit ng tao si Ysabel.

Natutuwa ba siya kapag nakikuta niyang nasasaktan ang ibang tao? Silang lahat, natutuwa ba sila kapag nagagantihan nila ang mga may atraso sa kanila?

Pina-pakinggan ba nila ang mga pagmama-kaawa ng mga tao sa kanila?

"Oh? Bigla kang natahimik diyan?", sabay tawa niya. Ako naman ay napatingin sa kaniya. Iyong tingin na hindi makapaniwala ganoon.

"Ah wala. Hindi lang siguro ako sanay sa ganiyang usapan." Sabi ko sabay kunwaring natatawa.

Lumapit naman si Stanley sa akin at inakbayan ako.

"Alam mo Adrian, sa ganitong buhay masanay ka na. We're living in a cruel world. Hindi porket gumawa ka ng mabuting bagay, mabuting bagay din ang ibabalik sa'yo. Walang mahinang gangster. Dahil kung magiging mahina ka, palagi kang agrabyado."

He has a point. Hindi lahat ng bagay ay tatanawing malaking utang na loob kaya huwag kang pakampanti. Bilog ang mundo, may pagkakataon na puwede kang traydorin ng mga taong tinulungan mo.

"Sa ganitong mundo, hindi mo kailangan makaramdam palagi ng awa. Dahil kung naaawa ka, pagdating sa huli, ikaw ang kaaawaan." At saka naman siya humarap sa akin saka nagpakita ng isang totoong ngiti.

"And to tell you the truth, after what happened to Ysabel years ago she exactly said. You don't have to use your heart always. Sometimes you have to ignore what the heart wants for you to listen to your mind. And when you follow your mind. You won't get hurt. But sometimes you get hurt too even if you ignore your feelings. What do we expect? Life's like this. Life's unfair."

"Sa sobrang unfair ng mundo, kung sino pa 'yong nakakagawa ng mabuti, siya pa ang napapahamak. That's why it's better to get revenge. They actually deserve it. They fucking deserve it."

"We're not the bad persons here. Gusto lang namin gantihan ang mga may atraso sa amin."

Buong akala ko ay childish itong si Stanley. Pero nagkamali ako. Para bang hindi ko pa kilala si Stanley. Parang hindi ko pa sila kilalang lahat.

Dahil din sa mga katagang nabanggit ni Stanley ay nakita ko ang galit sa dalawang mata niya. Sa sobrang galit niya ay makikita mo sa kaniya na ginago talaga siya ng mundong ito. Hindi ko siya masisisi. Hindi ko sila masisisi kung bakit naging mga gago sila ngayon. Dahil sa una ay ginago sila ng panahon. They did what's good for other people, but in the end they had been betrayed. They had been betrayed by someone that they used to be called loved ones."

"Tita Sabrina told us na alam kong tumatak sa aming lahat. Kapag pinairal mo ang puso mo, talo ka. And I guess it's a fact."

Mommy ni Ysabel ang nagsabi niyon. Does that mean may nangyari rin sa kaniyang sobrang sama noon na dumating sa point na nasabi niya iyon? Na matatalo ka kapag pinairal mo ang puso mo?

Pero para sa akin, tingin ko ay hindi ka talo kapag pinairal mo ang puso mo. Tingin ko ay panalo ka pa dahil sa huli, alam kong mananalo pa rin ang pag-ibig. But who am I to say this? Magkaiba kami ng naging takbo ng buhay.

"Aish. Halika na nga. Kung ano-ano na amg mga sinasabi ko." Ginulo niya ang buhok pagkatapos ay inakbayan niya ako ulit at nagtungo kami sa hagdan na pababa. Bumaba kami at nakita ko roon sila Kuya Travis, Levi, sila Caleb. At ang mga miyembro nila. Mga miyembro ng Black Rose. Pero medyo kulang dahil wala si Criza. Wala rin sa grupo ko si Henry. Baka may date ang dalawang iyon.

"Anong balita Kuya Travis?", panimulang tanong ko. "Nasaan si Ysabel?", dugtong ko.

This is what is all about right? It's all about Ysabel?

At seryosong napatingin sa akin si Kuya Travis.

"Hindi umalis si Ysabel sa ospital. May kumuha sa kaniya." Sagot ni Kuya Travis.

"At sino naman ang kumuha kay Ysabel samantalang tayo lang naman ang nakakaalam?", tanong ko pabalik kay Kuya Travis.

"Tinanong ko ang front desk ng ospital. At isang babae at isang lalaki raw ang kumuha kay Ysabel."

"Lalaki at babae? Walang mga pangalan?", tanong naman ni Stanley.

"Request daw ng mga kumuha kay Ysabel na huwag sabihin ang pangalan."

"So it's either ang Murderous Aces ang kumuha o ang Violet Claws."

At natahimik kaming lahat at nag-iisip kung alin sa dalawang grupo ang kumuha kay Ysabel sa ospital. Puwedeng Murderous Aces ang kumuha kay Ysabel dahil matagal na gustong kunin ni Samuel si Ysabel. But at the same time, puwedeng Violet Claws din ang kumuha kay Ysabel upang makaganti rito lalo."

Nasa ospital na si Ysabel. Naligo sa sariling dugo si Ysabel. Hindi pa ba sapat ang mga iyon? Hindi pa ba sapat na unconscious na si Ysabel para gantihan pa nila ito?

"Kumuha na kayo ng tubig. Kailangan na natin silang gisingin." Sabi ni Kuya Travis. Nagtaka naman ako kung bakit tubig pa ang kailangan nilang ipang-gising eh puwede namang gisingin na lang. Bakit may pa-tubig pa?

Habang naghihintay kami ng tubig ay nilibot ko naman ang paningin ko dito sa hideout nilang ito. Nasa basement kaning lahat. Malaki ang espasyo dito sa loob. Kung sa itaas ay sira-sira na ang mga gamit, dito naman ay kakaunti lang ang mga gamit. Maliwanag dito sa loob dahil sa malaking ilaw sa gitna kaya kitang-kita ko ang mga kahon. Medyo may kalakihang kahon na naka-puwesto sa unahan namin. Maraming kahon iyon. Ngunit hindi ko alam kung ano ang mga laman.

At nakita ko ang mga lalaking nakaupo sa aming likuran. Nakatakip ang mga mata nila. Nakagapos din sila at nasa likuran ang mga iyon. Wala rin silang malay. Siguro'y mga tulog ang mga ito. Hindi ko makita ang mga mukha nila kaya hindi ko alam kung sino itong mga ito. Gaya nga ng sinabi ni Stanley kanina ay baka ang mga ito ay may mga atraso sa kanila.

Dumating ang mga miyembro ni Kuya Travis ng may mga dalang balde na naglalaman ng tubig. At saka binuhos ang iyon sa isang natutulog na lalaki. Nasa sampo yata ang mga lalaking ito, pero isa lang ang binuhusan nila ng tubig. Siguro ay dito sila mas galit na galit.

"Gising na tulog mantika. Masyado nang napasarap mga tulog niyo." Sabay tapik ng pisngi ng pangtalong lalaki ni Stanley.

Stanley talaga ang lakas mang-asar.

"Tangina! Sino bang nambubuhos diyan ng tubig?!", rinig naming sigaw ng lalaking tinapik ang pisngi ni Stanley.

"Hoy huwag ka ngang maingay. Ang ingay-ingay mo! Kalalaking tao. Tss." Pang-aasar na naman ni Stanley kaya iyong lalaki ay sumigaw na naman dahil sa galit.

"Puta! Sino ka ba!", galit na sigaw ng lalaki kay Stanley pero aba itong lalaking 'to tinawanan lang.

Tinanggal naman ni Stanley ang takip sa mukha no'ng lalaki at nakangiting asong tiningnan siya ni Stanley.

"Kilala mo na ba ako?", nakangiting asong tanong ni Stanley doon sa lalaki at lumaki ang mga mata niya. Animo'y nagulat siya nang makita niya na nasa harapan niya si Stanley ngayon. Lumaki naman ang mata niya lalo niya dahil sa gulat nang ilibot niya ang mata niya at nakita niya kami na nasa harapan niya.

Napako ang tingin n'ong lalaki sa akin. Tila ba inaaalala niya kung saan niya ako nakita. Tila ba pamilyar ako sa kaniya. Pamilyar nga rin ang mukha niya sa akin eh. Hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita. Basta pamilyar talaga ang mukha niya sa akin.

"Red! Red! Ikaw ba 'yan? Tulungan mo 'kong makawala dito!", sigaw ng lalaki.

Oh I remember! Isa siya sa mga gang leaders na kasabi ng Murderous Aces. Mga leaders yata itong mga nakaupo sa harap namin na ngayon ay natutulog pa rin.

Nakangiti naman akong tiningnan ni Kuya Travis kaya ngumiti na lang din ako pabalik.

"Red! Hoy! Ano ba! Pakawalan mo 'ko dito!", sigaw muli ng lalaki sa akin kaya tumayo si Stanley at sinuntok niya ang lalaking iyon. Nakita naming pumutok iyong labi no'ng lalaki at napapapikit pa ito dahil sa suntok na natamo niya mula kay Stanley.

"Huwag mo ng pansinin si Red." Sabi ni Stanley at iyong lalaki naman ay sinaman ako ng tingin. Siguro ay iniisip niya na kakampi ako nila Kuya Travis.

Iniisip niya na siguro na traydor ako sa grupo nila.

"Traydor ka Red! Trayodr ka! Malalagot ka kapag nalaman 'to ni Aries!"

"Sinabi ng huwag mong pansinin si Red eh!", saka sinuntok na naman ni Stanley sa kabilang pisngi.

"At ikaw! Kapag nakawala ako dito ay ikaw ang una kong papatayin!", sigaw naman niya kay Stanley. But what do we expect kay Stanley? Tinawanan lang niya ito. Tawa ni Stanley na akala mo nang-aasar.

"Oh really? Go on I'm waiting." Pang-aasar ni Stanley doon sa lalaki kaya dinuraan niya ang mukha ni Stanley. At dahil sa ginawang iyon ng lalaki kay Stanley ay nakita naming nawala ang ngiti ni Stanley at napalitan ng may galit sa mukha.

Seryoso ang mukha ni Stanley. Makikita mo ang galit sa mukha ni Stanley ngayon. Sa katunayan ay ngayon ko lang nakita ang seryoso at galit na mukha ni Stanley. Nasanay ako na palaging childish at puro pang-aasar si Stanley. Pero ngayon ay seryoso ang mukha niya. Para bang hindi si Stanley iyong nasa harap ko ngayon. Kundi isang gangster. Kundi isang leader ng Dark Wolf.

And maybe they we're right. Don't mess with the ones with the innocent smile. Because you don't know, they are the devils that's been hiding from that innocent faces.

And I guess it's Stanley right now.

Bubunot na sana si Stanley ng baril sa likuran niya pero pinigilan siya ni Kuya Travis.

"Huwag muna Stanley. Kailangan pa natin mg impormasyon."

"Magtu-tuos tayo pagkatapos nito!"

Si Kuya Travis naman ay lumapit doon sa lalaki. Umalis kasi si Stanley.

"Ngayon, magsasalita ka o hindi ka makaka-score?", tanong ni Kuya Travis.

"Ano 'ko tanga? Bakit ako magsasalita? Sino ka ba?! At anong score pinagsasabi mong tanga ka diyan?!", sigaw na naman n'ong lalaki. Hindi ko alam kung bakit hindi pa siya napapaos dahil kanina pa siya sumisigaw.

"Kylie, ikaw na ang bahala dito." Saka umalis si Kuya Travis.

Napatingin naman ako kay Kylie na dahan-dahang naglalakad papunta doon sa lalaki habang hinuhubad ang long sleeve niya. Dahan-dahan niyang tina-tanggal ang butones ng long sleeve niya habang dahan-dahang lumalapit sa lalaki.

Si Kylie naman ay nakalugay ang buhok. Basa rin ito na animo'y bagong ligo siya. Sa laki ng long sleeve na suot-suot niya ngayon ay nagmukha itong dress sa kaniya.

I can't deny anything. But she's beautiful in that. Nakikita rin namin ang curves niya. Kaya alam kong hindi ito matitiis ng lalaki. May nakapagsabi na ba sa inyo na ang kahinaan ng lalaki ay babae? Well now you know.

"Ginagawa ba 'yan ni Ysabel noon?", bulong ko sa katabi kong si Stanley na nagpupunas ngayon ng basang mukha gamit ang towel.

"Depende kung ayaw magsalita no'ng gang na iyon." Sabay tawa niya. Ako naman ay napalunok na lang.

Ayaw ko kasing mainis dahil ginagawa rin pala ito ni Ysabel. Maisip ko pa lang na makikita ng ibang lalaki ang katawan ni Ysabel ay siguradong masusuntok ko na.

Tsh. Bakit hindi ko alam na ginagawa ni Ysabel 'to?

Ano bang tawag dito sa ginagawa ni Kyline? Nangla-landi? Tama lang ba iyon? O mali ako? Ayy basta kung ano man ang tawag doon bahala na kayo. Pero itong ginagawa ni Kyline, iba. Kasi diba sa mga palabas sa TV ay tino-torture nila para magsalita? Dito naman ay nilalandi. Ganito ba sa gang world?

"Hi Kai, kamusta?", tanong ni Kyline. Actually hindi siya tanong. Tanong siya pero may halong seduction? Ayon. Ganoon ang ginagawa ni Kyline sa lalaki ngayon.

Iyong lalaki naman ay tila ba nawala ang galit niya at napalitan ng ngiti at tumingin kay Kyline.

"Can I ask you a question?", may pang-aakit pa ring tanong ni Kyline.

"Oo ba. Kahit ano basta alam mo na ang kapalit." Pilyong sagot naman ng lalaki.

"Sure Kai basta ikaw. But first, you have to answer my question." At saka umupo si Kyline sa kandungan ni Kai. Kai pala ang pangalan n'on. Akala ko Kai as in okay.

Napa-face palm naman ako ng wala sa oras dahil nakita ko ang ginawa ni Kyline. Hindi ko kasi maiwasang hindi isipin na ginawa rin 'to ni Ysabel. Psh. Nabu-buwesit ako ng wala sa oras eh.

"Sure. Anong tanong mo, Kyline?"

"I was just thinking kung anong plano niyo ng Murderous Aces?", habang hina-haplos niya ang mukha ni Kai.

"Plano?", at natawa 'yong Kai.

"Oo, plano."

"Simple lang naman 'yong plano."

"So anong plano?"

"Ayon, gustong patayin ni Aries si Travis. At kapag namatay na si Travie, siyempre isasama niya yong mga kaibigan niya. Para sa huli, magkita-kita sila sa impyerno." Nakita ko naman si Kuya Travis na nagalit sa narinig mula kay Kai. Kung hindi lang siya hinawakan ng kagrupo niya ay baka nasuntok niya na si Kai.

"Pagtapos n'on ay hahanapin ni Aries si Emma." At tumango si si Kyline.

"Pero bago lahat 'yon, kukunin na muna ni Samuel si Ash para hindi na siya madamay. Magpapakalayo-layo sila. After that, gang war na."

"Pero dahil nakuha na ni Samuel si Ash, maybe in just a span of days, magsisimula na ang gang war." Dagdag ni Kai.

So si Samuel pala talaga ang kumuha kay Ysabel? Shit! Kailangan ko na siyang puntahan ngayon bago pa man siya mapahamak sa kamay ni Samuel!

"Si Ash? Na kay Samuel na?", tanong pa ni Kyline.

"Oo. Samuel's just waiting Ash to wake up saka sila aalis. Sa katunayan ay ngayong gabi sila aalis." Sagot ni Kai kaya galit na lumapit si Kuya Travis sa kaniya. Umalis naman sa pagkakaupo sa kandungan ni Kai si Kyline. Si Kuya Travis naman hinawakan ang kuwelyo ni Kai.

"Nasaan ang Aces ngayon?", galit na tanong ni Kuya Travis pero tumawa lang si Kai.

"Ang tanga mo naman Travis. Hanggang ngayon ba ay hindi mo alam kung nasaan sila Aries?", sabay tawa ni Kai.

"Kapag may nangyaring masama kay Emma at Ash, malalagot kayong lahat sa'kin!"

"Sa'yo? Tss. Mahina kang nilalang Travis. Huwag ka ng umasa na matatalo mo si Aries." Saka humarap si Kai sa akin. "At ikaw? Mamamatay ka sa pangta-traydor mo!"

"Si Kyline?! Nasaan na hinihiling ko?!", saka naman lumayo si Kuya Travis habang nagpi-pilit ng galit. Lumapit naman si Kyline kay Kai.

At ang ginawa ni Kyline ay sinuntok niya ang mukha ni Kai.

Hindi ko tuloy mapigilang hindi maawa kay Kai. Puro na siya suntok. Mabuti na lang ay okay pa ang mukha niya. May pasa nga lang.

"Ulol! Manigas ka diyan!", sigaw ni Kyline sabay sarado na ng mga butones ng long sleeve niya.

"Hi guys! Kamusta?", napatingin naman kaming lahat kay Criza habang pababa siya ng hagdan kasama si Henry. Si Henry naman ay may buhat-buhat na babae sa kaniyang balikat na akala mo isang sako ng bigas.

"Ayon, sinabi ni Kai na papatayin daw tayong lahat ng Aces?", casual na sagot ni Kyline.

"Ows? Totoo?", at natawa naman si Criza.

Sa reaksyin naman ni Criza na nakita ko ay para bang hindi man lang siya natakot. Well, mga gangster naman kasi sila. Mga walang kinatatakutan. Na kahit si Kamatayan ay hindi na nila kinatatakutan. Tinatawanan lang.

"Si Ara na ba 'yan?", tanong ni Raiza.

"Yeah. Mabuti at kasama ko itong si Henry at siya ang nagbuhat."

Inilagay naman ni Henry iyong Ara sa upuan ay tinalian ito ni Criza. Dahil tulog si Ara, binuhusan siya ng tubig ni Daniella. Kaya kita naming lahat ang pagkagulat sa mukha niya.

"Shit!", bulyaw ni Ara.

"Shut up Ara." Sabi ni Criza.

"Oh? Ikaw lang pala Criza. How's Ash? Is she still alive?", pang-aasar na tanong ni Ara.

Base on her tone and on her question. Nalaman ko na na siya iyong tinutukoy nilang Violet Claws. Siya iyong leader ng Violet Claws. And lastly siya iyong halos pumatay na kay Ysabel sa labas ng university.

"Hindi ka yata na-inform na masamang damo si Ash." Sagot naman ni Nel.

Ara just rolled her eyes.

"Tsh. Dapat ay sa ulo ko na lang siya binaril para tapos na."

"Well you're stupid Ara. She's still at gagantihan ka niya." At natawa si Ara sa sinabi ni Lorie.

Humarap naman sa akin si Kuya Travis kaya napatingin ako sa kaniya.

"Adrian-"

"I'll go to Samuel Kuya Travis. I'll get Ysabel. Hindi ako babalik hangga't hindi ko kasama si Ysabel. Ibabalik ko dito si Ysabel." Putol ko sa kung ano mang sasabihin ni Kuya Travis. Alam ko rin naman na iyon ang gusto ni Kuya Travis na gawin ko dahil ako lang nakakalabas-masok sa grupo ni Samuel at Aries.

"Thank you Adrian. But be careful. Dapat wala kang sugat. Maski galos, dapat ay wala. Dahil kung magka-ganoon man, sobra-sobrang magagalit si Ysabel." At natawa ako. "But kidding aside, mag-iingat ka Adrian. Isama mo si Stanley." Sabi ni Kuya Travis.

"Talaga? Exciting 'yan." At nag-apir silang dalawa ni Kuya Travis at Stanley. Masaya pa si Stanley na may away?

"At kapag nakuha niyo na si Ysabel, huwag kayong dumiretso sa bahay. Lumayo muna kayo sa lugar na 'to. Kahit saan basta malayo rito. Saka na kayo bunalik kapag okay na dito. Magpapadala na lang ako ng pera pang-gastos niyo." At tumango kaming dalawa ni Stanley.

"Ako ang aayos nito dahil sa'kin nag-umpisa ang lahat. Ayoko kayong madamay sa gulong 'to."

"But we're family here Kuya Travis. Away mo, away na rin namin." Sabi ni Stanley.

"I agree with Stanley, Kuya Travis. Sama-sama tayo dito. Away natin itong lahat." Dagdag ko.

"I know. Pero tatawag na lang ako kapag ko na ng tulong." At saka kami nag-fist pump tatlo. "Sige na mauna na kayo bago pa man dalhin ni Samuel ang kapatid ko sa kung saan man." Nagpaalam kaming dalawa ni Stanley sa lahat at paakyat na kami sa hagdan nang may marinig kaming ingay mula sa itaas nitong basement. Dahil doon ay natigilan kaming lahat at natahimik.

Shit! Baka nasundan nila kami!

Sinilip naman ni Stanley ang pinto at nakita ko ang gulat sa mukha niya nang humarap siya sa amin.

"Shit! They're here! Nasundan tayo!", sigaw nuta kaya hinila niya ako pabalik sa basement. Sila Kuya Travis naman, sila Levi at ang Dark Wolf ay isa-isang kumuha ng baril sa mga kahon. So baril pala ang laman ng mga kahon na iyon. Samantalang ang Black Rose naman ay nilagyan ng duck tape ang mga bibig nila upang hindi na makapag-ingay at binalik ang takip sa mukha at nagtungo sa kahon upang kumuha ng baril. Puwesto na sila at naghanda na. Ako naman ay binigyan ng baril ni Kuya Travis.

"Hindi ka puwedeng makita nila Adrian. Kaya kung maaari, sa likod ka lang. Samahan mo siya Stanley." At tumango si Stanley.

Kaming lahat naman ay pumwesto na habang hinihintay naming magpunta rito iyong mga kalaban.

Samantalang ako naman nakaramdam ng kaba. Tinatanong ang sarili kung paano ako umabot sa ganitong sitwasyon.


Sa update na ito ay medyo naguguluhan pa ako. Siguro kasi ay maingay dito sa amin dahil kabilaan amg tugtogan dahil pista dito sa amin.

At pasensya na dahil hindi sunod-sunod ang update ko. Busy eh. Actually sem break na namin mula no'ng 21 hanggang 4. Sa Monday ay pasukan na ulit namin kaya baka minsanan na lang ulit ang update.

But anyways, next chapter will be Ash's POV. Baka matagalan pa ang update ng next chapter dahil busy and hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa sa POV ni Ash. Kaya paki-abangan na lang po!

Again! Sa mga nalilito pa rin. Si Ash at Ysabel ay iisa lang po.


🌹 TheGirlLovesRed 🌹

Comment