That Same Old Blood

XXXVII. ASH



"Murderous Aces are back." Sabi ko sa katabi kong si Cedric habang nandito sa upuan na nasa harap ng cage at nanonood sa nag-aaway.

Nanonood ako dito sa upuan habang humi-hithit ng sigarilyo. Habang katabi si Cedric, iyong naka-away ni Kuya dati na natalo niya, kaya na kay Kuya ang mga baril niya.

"Are you sure?", Kunot-noong napatingin sa akin si Cedric.

"Mukha ba akong nagbibiro?", Tanong ko naman sa kaniya pabalik at siya naman ay natawa. Binuga ko naman ang usok sabay tingin sa cage.

Si Criza iyong nakikipag-away kasama si Nel at Daniella. May hawak-hawak na kutsilyo si Daniella habang nakangiti. Nakangiting demoyo, parang ganoon.

Katulad ko gusto niya ding maglabas ng galit. Dahil sa nalaman niyang member si Henry ng Scorpions. Kaya din nagagalit siya dahil sa pagta-traydor na iyon ni Henry.

Galit din naman ako pero ito ako, nandito sa upuan na nakatayo habang nagyo-yosi. At habang kausap si Cedric.

Ayoko kasing munang gumalaw-galaw sa cage, baka makapatay lang ako dahil sa nararamdaman ko ngayon. Dahil sa nararamdaman kong galit. Dahil sa nararamdaman kong pagkamuhi. Dahil sa nararamdaman kong sakit. At dahil sa nararamdaman kong lungkot.

Maybe susunod ako doon sa kanila maya-maya. Magyo-yosi lang ako habang pinapa-kalma ang sarili ko.

Ayoko munang gumawa ng katangahan ngayon.

While yong iba naman ay nasa labas ng cage at naghihintay ng turn para pumasok sa cage para makipag-laban. Ewan ko ba sa kanila kung bakit ayaw pa nila pumasok sa loob eh malaki naman ang cage sa gitna. Pero hayaan na sila, gusto nila iyon eh.

"Nagulat lang ako." Sagot naman ni Cedric kaya tiningnan ko naman siya nang may kunot-noo sa mukha.

"Mukha bang nakakagulat ang sinabi ko?", Sungit kong tanong sabay tawa naman niya.

"Oo. Matagal na panahon silang nawala eh. Akala ko nga hindi na sila babalik eh." At nangiti naman ako sa sinabi niyang iyon.

Tama siya, sino nga bang mag-aakala na babalik pa sila after ng nangyari? Akala ko okay na ang lahat ng umalis at manahimik ang Murderous Aces. Although alam naman namin na babalik talaga sila. Perl hindi sa ganitong busy na kami sa kaniya-kaniyang buhay.

"So maybe there's another gang war?", rinig kong tanong niyang muli. Umihip muna ako sa yosi ko at saka ito tinapon sa baba at inapakan ito. Ibinuga ko naman ang usok saka sumagot.

"I don't know." Sabay cross arms ko.

"Alam na ba ni Kuya Travis yan?"

"Maybe."

"Maybe?"

"Hindi kami nag-uusap ngayon ni Kuya Travis." Tumingin naman siya sa akin pero nakatingin lang ako sa harap ko na kaaway ni Criza ang isang member ng Violet Claws.

"Bago yata yan ah?"

"Hindi naman. Sadyang kumampi lang siya sa mga traydor."

"Anong ibig mong sabihin?", At tumingin ako sa kaniya.

"Kuma-kampi siya sa Scorpions ngayon." Sagot ko.

"Scorpions? Bagong gang yon eh." Kunot-noo ko siyang tiningnan.

"You know Scorpions?", Kunot-noong tanong ko.

"Oo." At natawa siya. "In fact nandito sila last week kasama ni Levi. Nakipag-laban sila sa ibang gang."

Last week? Ibig sabihin pagtapos ng pangyayaring pamamaril sa bahay ni Caleb ay dumiretso sila dito? Nakipag-laban? Ibig sabihin ba n'on nandito sila Henry last week kasama sila Adrian? Kamusta naman kaya ang laban nila? Is they okay? Nanalo kaya sila?

Pero bakit walang nasabi sa akin na ganoon si Adrian? Pero bakit naman niya kasi sasabihin iyon sa akin kung galit ako sa kaniya?

At totoong gangster nga sila? Kahit hindi ko pa alam na gangster talaga si Adrian ay ganoon na din siya diba? Hindi malabong hindi siya kasali sa gang dahil nasa grupo iyong mga kaibigan niya.

Bakit ba kasi sa Scorpions pa siya nasali? Puwede namang sa iba na lang eh. Kay Levi, kay Stanley o kaya naman kay Kuya Travis. Bakit of all gangs, sa Scorpions pa nila naisipang sumali?

Pero napapaisip din akong alam kaya nila na konektado ang Scorpions sa Aces bago sila sumali sa gang na yon? O alam nila at sumali pa din sila? Alam kaya nila na mortal na magkaaway ang Gangs ni Aries at Kuya Travis?

Pero sino ang leader ng Red Scorpions?

"Nakilala mo ba sila?", Tanong ko.

"Ahh oo. Mukhang mabait naman. Diba mga bago? Akala ko mahihina, ayon pala hayop makipag-laban. Next time nga yayayain ko yon."

"Marunong silang makipag-laban? Akala ko ba bago lang sila?", Balik kong tanong.

"Oo marunong silang makipag-laban. Parang matagal na nga sila sa pagiging gangster eh."

"Matagal na? Nagpunta na ba sila dito noon pa?"

"Unang beses ko pa lang sila nakita n'on eh."

"Eh yong leader nila kilala mo?"

"Leader? I think hindi nila kasama yon nang magpunta sila dito."

"Hindi kasama?"

"Sabi ni Levi, Red ang pangalan ng leader nila. Eh wala namang Red ang pangalan doon sa nagpunta dito." At tumango ako.

Red? Red ang pangalan ng leader nila? Red Scorpions? Kaya naging Red Scorpions ang pangalan ng gang nila.

Mukhang kilala ko na ang leader ng Scorpions ah.

Maybe he is my next target. Napangiti tuloy ako dito sa kinatatayuan ko ngayong alam ko na kung sino ang leader ng Red Scorpions.

"Maybe there's another gang war between Aries and Travis."

"I don't care. Dapat na din nilang magharap dahil pareho silang galit." At natawa kaming dalawa.

"But Ash." At tumingin ako kay Cedric dahil sa sinabi niya.

"What?", Tanong ko.

"Be with me and I will help you to that gang war."

"What do you mean?", Kunot-noo kong tanong.

"Be my girlfriend and I will help you to win that gang war."

"And why would you think that I'll do that?"

"You know Murderous Aces right? Hindi sila tinawag na basta Aces lang. Marami silang kakampi ngayon."

"I know. And that Red Scorpions are their allies."

"What?!", Gulat niyang tanong.

"Well fuck yeah. Huwag ka ng magtanong kung paano nangyari yon kasi hindi ko din alam paano nangyari yon."

"Pero Ash be my girlfriend."

"At bakit mo ba ako pinipilit?", Tanong ko at nagawa kaming dalawa.

"Marami kaming mga armas na puwede niyong magamit."

"Pag-iisipan ko." At nginitian niya ako.

Napangiti ako dahil sunod-sunod na nasuntok ni Criza ang babaeng kalaban niya kaya napahiga ito sa sahig. Tumingin naman siya sa puwesto ko at saka ngumiti. Ngiting wagi iyon. Ngiti iyon ng satisfaction na nailalabas niya na ang galit niya sa pakikipag-away.

Pero kaagad na nawala ang ngiti ko nang makita ko ang leader ng Violet Claws sa likod ni Criza. Bago pa ako makasigaw na nasa likod ni Criza ang leader ng Violet Claws ay unti-unting nawala ang mga ngiti ni Criza kasabay niyon ay ang dahan-dahang paglingon ni Criza sa likod upang tingnan niya kung sino iyon.

At nang makalingon naman siya sa likod ay nakita kong madaming dugo ang nasa likod ng tagiliran niya. White shirt kasi ang suot-suot niya ngayon kaya makikita mo at malalaman mo na may sugat siya sa likod niya. Pero hindi lang siya sugat dahil ang daming dugo sa white shirt niya. Nakita ko ding may hawak-hawak na kutsilyo ang leader ng Violet Claws na may dugo na nakangiti.

Pagkalingon naman ni Criza ay isang nakangiting Ara, leader ng Violet Claws ang nakita niya. Bago pa makaganti si Criza ng suntok ay kaagad na sinaksak ulit ni Ara si Criza sa tiyan kaya napasuka si Criza ng dugo. Pagtapos niyon ay sinipa ni Ara si Criza sa dibdib kaya natanggal ang kutsilyo na nakasaksak sa tiyan. Si Criza naman ay napahiga dahil sa sipang iyon na ginawa ni Ara.

Shit! Hindi ba kami kilala ni Ara at ganiyan na lang ginawa niya kay Criza?

Fuck!

Kumabog ang dibdib ko nang makita ang ginawa ni Ara kay Criza. Bago pa ako mag-isip ng kung ano-ano ay patakbo akong bumaba at tumungo sa loob ng cage.

"What the fuck did you do?!", Sigaw kong tanong kay Ara kaya lumingon siya sa puwesto ko. At nginitian ako.

"Totoo nga ang balita, nagbalik na din dito ang leader ng Black Rose." Ngiting sabi niya kaya nangiti din ako.

"Why? Did you miss me?", Mapanghamon kong tanong sa kaniya.

At nawala ang ngiti niya at hinagis ang kutsilyo na ginamit niya kay Criza sa puwesto ko.

"Fight me." At ngumiti siyang tumingin sa akin. At saka pumasok sila Cathy, Tony at Raiza dito sa loob ng cage para kunin ang mga nasugatan. Hindi lang basta sugat kundi saksak na.

Napatingin ako sa mga nakahiga ngayon sa Black Rose at tanging kaming apat lang nila Cathy ang nakatayo ngayon. Ang iba ay iniinda ang mga saksak na natamo mula sa Violet Claws.

"Kunin niyo sila. Dalhin niyo na agad sila sa kotse. Susunod agad ako pagtapos ko dito." Sabi ko at kaagad naman silang tumango. Kinuha naman nila agad ang mga kagrupo namin at agad na lumabas dito sa cage.

Pagtapos niyon ay tumingin ako pabalik kay Ara.

"Sorry I don't do knives." Sabi ko at nawala ang ngiti niya. Ako naman ay ngumiti dahil sa mukha niyang dismayado ngayon.

Hindi ko naman kasi talaga gusto ang mga kutsilyo. Masyado kasing madugo iyon at masyadong masakit.

But I prefer guns. Kahit anong baril basta baril. Pero ang mas gusto kong baril ay nagkakasya sa likuran ko kapag isinisiksik ko sa pantalon.

Ngayon pala, nakapantalon ako. Di bale na kung mukha akong lumpia ngayon, alangan namang mag-dress ako ngayon edi nakita ang suot-suot kong cycling ngayon.

"Then what do you prefer then? A hand fight?", Ngiting tanong naman ni Ara sa akin pero nagkibit-balikat lang ako.

Minsan kapag wala naman ako sa mood o kaya naman ay nagmamadali ako tulad ngayon ay hindi ko na ginagawa ang hand fight. Pampa-tagal lang kasi iyon. Lalo pa at ngayon ay hinihintay ako nila Raiza sa kotse.

Kapag pinatagal ko pa ngayon habang kaharap ko si Ara ay baka maubusan na sila ng dugo.

At kasalanan ko iyon kapag nangyari sa kanila yon.

Unti-unting naglakad si Ara papunta sa puwesto ko samantalang ako naman ay tini-tingnan ang ginagawa niya. Habang naglalakad siya papunta sa puwesto ko ay may humawak sa balikat ko kaya humarap ako sa likuran ko at nakita ko ang isang babae na nakangiti sa akin.

Bago pa ako makapag-salita ay naramdaman ko na lang na humapdi ang gilid ng tiyan ko. Kaagad ko namang hinawakan iyon dahil ang hapdi talaga.

At nang tingnan ko ang kamay ko ay nakita kong may dugo ang mga iyon kaya napalaki ang mata ko. Tumingin naman muli ako sa kaniya at kaagad na sinuntok ang mukha niya kaya napalayo siya sa akin. At kung minamalas ka nga naman ay pagkaharap ko ay nasa harap ko na si Ara. Aambaan niya na sana ako ng isa pang saksak sa tiyan nang maglakad ako paatras sa harap niya sabay bunot ng baril sa likuran ko. Sabay hawak sa tiyan kong umaagos pa din ang dugo.

"Oh. So you prefer guns?", At natawa siya. "Go ahead shoot me. Kung kaya mo." Hamon niya pang sabi.

Akala niya ba hindi ko kaya na barilin siya? Psh. I'm the leader of Black Rose at nasa Highest Rank ako. At hindi ako puwedeng yabangan ng kung sino-sino lang na Gangs dito sa underground.

I smiled and I pulled the trigger. And I pointed it in her left legs. And then I shoot it. Napangiti naman ako nang makita kong lumuhod ang isa niyang paa. Pero hindi pa ako satisfied doon kaya pati ang kanan niyang hita ay binaril ko din. Kaya ito siya ngayon, nakaluhod sa harapan ko at naririnig kong napapamura siya dahil sa sakit ng ginawa kong pagbaril sa kaniya.

"Look at me Ara." At ngumiti ako ng nang-aasar nang tumingin siya sa akin at napapapikit pa. Sabay baba ng baril. "Matuto kang lumuhod sa mas nakakataas sa'yo."

"I will kill you!", Sigaw niya at natawa lang ako.

"Then fucking kill me now!", Hamon ko sa kaniya at natawa ako nang makita kong pinipilit niyang tumayo pero napapadaing siya sa sakit kaya hindi niya na pinilit pang tumayo.

Nakita ko naman sa gilid ko na papalapit na sa akin iyong babaeng sumuntok sa akin kanina kaya agad-agad na itinutok ko ang baril ko sa kaniya at agad na binaril ang balikat niya kaya napahinto siya.

Don't worry hindi na siya mamamatay sa baril sa balikat.

Ako naman ay dali-dali akong lumabas sa cage at  lumabas sa underground. Nakita ko pa ngang nginitian ako ni Cedric pero dahil nagmamadali na ako ay nginitian ko na lang din siya pabalik.

Pagdating ko sa labas ng underground ay nakita ko agad ang kotse ni Raiza. Kaagad kong binuksan at nakita kong lumaki ang mata niya nang makita na hawak-hawak ko ang tiyan ko sa gilid na madami ng dugo.

"What the fuck happend there?!", Gulat na tanong ni Raiza sabay paandar ko ng engine at kaagad na umalis sa underground.

"Ang yabang pala ng leader nilang iyon. Psh." Sabi ko habang nagda-drive. At narinig kong tumawa si Raiza.

"Oo. Tagal ka ng hinahanap n'on."

"Tss." Nasabi ko na lang dahil natatawa ako sa sinapit ng Ara na iyon.

Ang yabang kasi eh. Yayabangan niya ako, wala naman pala siyang ipagma-mayabang. Psh.


Comment