That Same Old Night

XIX. ASH



Nang matapos ang breakfast slash lunch namin nila Daddy ay nag-paalam sila na aalis muna. At nang tanungin namin sila ni Kuya Travis ay ang isinagot lang ay magdi-date sila. Kaya pala bihis na bihis sila nang makababa ako.

Tapos nagulat na lang kami ni Kuya nang makita kong may hila-hila silang dalawang maleta.

Akala ko ba date lang? Tapos may maletang dala. Ano yon, diretso tanan? Choos.

Nang tanungin naman ni Kuya Travis kung saan talaga sila pupunta ay sa Japan daw.

Angas ah. Sa Japan pa magdi-date.

Tinanong ko naman kung anong gagawin nila doon sa Japan bukod doon sa date kuno nila and oh well sa business.

At lumaki na lang ang mata ko nang marinig ko ang isinagot ni Daddy.

"Magha-honey moon, dahil napagisip-isip namin ng Mommy niyo na gumawa ng baby number 3." Oh diba dapat hindi ko na tinanong.

At saka ang tatanda na nila ngayon pa nila naisip ang pag-gawa ng baby number 3. Naalog din ba ang ulo nila kagaya kay Kuya Travis?

"Eh Dad, puwede namang dito niyo na lang gawin yong baby number 3 ah." Pangga-gatong pa ni Kuya Travis.

"Baka marinig niyo eh. Maingay pa naman itong Mommy niyo." At hinampas tuloy siya ni Mommy kaya natawa si Daddy. Natawa naman doon si Kuya Travis.

Samantalang ako ay hindi ko ma-digest ang mga narinig mula sa pamilya ko.

Iyon ba talaga ang pamilya ko? Parang ampon lang ako.

Mga siraulo eh. Ako lang yata ang hindi.

After ng nakaka-diring pangyayaring iyon ay umalis na sila Mommy at Daddy. Nandidiri pa nga akong halikan sila sa pisngi after ng mga narinig ko mula sa kanila.

Oh well kung hindi din naman dahil sa bagay na iyon ay hindi kami mabubuo ni Kuya Travis. Pero kailangan bang sabihin iyon? Diba?

Nag-tungo ako sa kuwarto para maligo dahil naiinitan na ako. Nakita ki pa na suot-suot ko iyong kuwintas na ibinigay ni Adrian kagabi kaya napangiti na lang ako habang naliligo.

Pag-tapos kong maligo ay nag-bihis ako at hinanap ang chocolate na sinasabi ni Daddy na nilagay niya sa kuwarto ko. Pero kahit kapirasong chocolate ay wala akong mahanap kundi itong maliit na black box.

Kunot-noong binuksan ko naman iyon at napangiti na lamang ako ulit dahil isa iyong bracelet. Gold bracelet iyon na may nakalagay na gitna na Ysabel. Siyempre agad ko namang isinuot iyon. Ang ganda nga eh.

Sure naman ako na kay Daddy galing iyon dahil wala ito kagabi kaya hindi ito galing kay Adrian.

Si Daddy talaga nag-abala pa. Hindi man lang niya sinabi na binilhan niya ako ng bracelet. Hindi tuloy ako nakapag-thank you sa kaniya bago sila umalis. Pag-balik na lang siguro nila from Japan.

Pero dahil gusto ko na kumain ng chocolate ay bumaba ako at tumungo doon sa kusina. Wala kasi sa kuwarto ko ang mga chocolates kaya malamang nasa refrigerator iyon.

At nang marating ko ang tapat ng refrigerator ay binuksan ko agad ang itaas na bahagi at tila ba nag-heart ang mata ko dahil ang daming chocolates.

My lovesss...

Kumuha ako n'ong white Toblerone at saka isinara ang pinto ng refrigerator.

At nagulat na lamang ako ako na may isang abnormal na lalaki na naka-tayo doon.

"Lagi mo na lang akong ginu-gulat Stanley." Sabi ko at natawa siya. "Ano nga palang ginagawa mo dito? Akala ko may tina-tapos kang paper works?"

"Tapos na. Tinapos ko na kanina. Tinawagan kasi ako ni Kuya Travis, tingnan daw natin iyong nakuha niyang baril." At napatingin ako sa kaniya.

Oo nga pala. Nakalimutan ko na iyon.

"Let's go." Ngiting sabi ko at nag-tungo kami sa basement dito sa bahay.

Nang makarating kami ni Stanley doon ay nakita ko si Kuya Travis at nag-fist pump silang dalawa. Nakita ko pa na may bracelet na suot-suot ni Kuya Travis. Just like mine ang design, at Travis ang nakalagay niyon sa may gitna.

Ako naman ay tiningnan ang mga baril na nandito sa taas ng mesa. Tatlong malalaking box na may lamang mga pistol, rifle at sniper.

Ang galangi talaga no'ng Cedric na iyon.

What if sinagot ko iyon noong high school kami?

Nanligaw kasi iyon sa akin noong high school kami pero basted siya sa akin. Hindi ko kasi siya type at ang yabang pa, pero may maipag-mamayabang naman talaga siya. Guwapo, medyo mabait, mayaman pero wala eh. Hindi ko talaga type.

Pero what if hindi ko siya bi-nasted noon? At naging kami? Masaya kaya kami? Pero alam kong hindi din kami magta-tagal niyon, dahil bukod sa mayabang siya, papalit-palit ng babae iyon every week. At ayokong mapa-bilang sa mga babaeng iyon.

Ako naman ay umupo sa gilid nila Stanley at Kuya Travis habang kuma-kain ng pinaka-mamahal kong white Toblerone.



🖤 🖤 🖤

Pag-dating ko sa kuwarto ay nag-half bath muna ako para masarap ang tulog. Kakatapos lang ng dinner namin kaya nandito na ako sa kuwarto.

Hindi naman ako pagod pero gusto ko lang humilata sa kama ko hanggang sa antukin at maka-tulog.

Dito na din kumain ng dinner si Stanley at pag-tapos niyon ay umuwi na siya. Nasa kabilang barangay lang naman sila nakatira. Malapit lang and besides maaga pa kaya pumayag na si Kuya Travis na umuwi na siya.

Kaya nang maka-alis siya ay nag-tungo na kami sa kaniya-kaniya naming kuwarto ni Kuya Travis. Pero bago ako nag-tungo sa kuwarto ay siyenpre kumuha muna ako ng chocolates at ng tubig dahil naisip kong manood sa laptop ng bagong netflix series after ko mag-half bath.

After ko mag-bihis ay inayos ko na ang kama ko nang marinig kong may kumatok na naman sa bintana.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

He's here again...

Nakangiti ako at kaagad na tumungo doon sa bintana. Binuksan ko iyon at nakita kong nakangiti siya habang nakatingin sa akin.

Nakangiti akong yumakap sa kaniya ng mahigpit.

"Easy lang. Na-miss mo naman agad ako." At narinig ko siyang tumawa pero hindi ko iyon pinansin at nanatiling naka-yakap lang sa kaniya. Naramdaman ko pang hinalikan niya ang ulo ko at niyakap ako pabalik.

Sinarado naman ni Adrian ang bintana at sabay na nahiga sa kama. Mabuti na lang at hindi ko pa naihahanda ang laptop dahil nawala na sa plano ko ang manood kundi yumakap dito sa katabi ko sa higaan.

"Bakit hindi mo sinabi na pupunta ka dito?", Tanong ko habang naka-yakap sa kaniya.

"Wala lang, I just wanted to surprise you." At napangiti ako sa isinagot ni Adrian.

"So how's the day of my love?", Tanong niya.

"Wala lang. Ikaw?", Tanong ko pabalik.

"Ako? Ito iniisip ka buong araw."

"Grabe naman sa buong araw." Natatawa kong sabi.

"Oo seryoso. Iniisip kita buong araw."

"Sus..." At may bigla akong naalala. "May itatanong pala ako."

"Ano yon?", Tanong naman niya.

Tama bang itanong ko sa kaniya yon? Paano kung magalit siya? Pero diba girlfriend niya ako... Ulit? So I have the rights to ask him that.

"Okay naman na tayo diba? I mean tayo na ulit diba?", Tanong ko.

"Oo naman. Bakit?", Tanong niya ulit.

"Paano iyong girlfriend mo? Paano si Olivia?", Mahinang tanong ko pero alam kong narinig niya iyon dahil natawa siya.

Saang parte ng pagta-tanong ko ang nakakatawa doon?

"Olivia's not my girlfriend?", At kunot-noo ko siyang tiningnan.

"Hah?", Naguguluhan kong tanong.

"She's not my girlfriend."

"Pero diba sabi mo?", At kunot-noo siyang napatingin sa akin.

"At kailan ko sinabi?"

"No'ng nagka-sagutan kayo ni Criza doon sa basketball court."

"Pero wala akong sinabi na girlfriend ko yon." At kunot-noo akong napaiwas ng tingin sa kaniya.

"Wala ba? Pero magkasama kayo palagi? Ka-akbay mo siya no'ng first-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang takpan niya ang labi ko ng mga labi niya.

"Nagse-selos ang Ysabel ko." Pang-aasar ni Adrian pero dahil ma-pride ako hindi ko inamin na oh well nagse-selos ako doon sa Olivia na iyon.

"Hindi ah. In your dreams." Sagot ko.

"Okay lang naman na umamin ka. Hindi naman kita tatawanan." Natatawa niyang sabi.

Ayan ba ang hindi tatawa? Natatawa na nga siya oh. Sinong niloko niya? Kaya ayon, sinamaan ko siya ng tingin kaya napa-tahimik siya. At naging seryoso ang mukha nito.

"Ysabel, she's not my girlfriend, okay? She's just a friend."

"Friend daw tapos ka-akbay? Tss." Inis kong sabi at tumalikod kay Adrian.

Naiinis ako sa kaniya. Hindi ko alam kung kay Adrian o kay Olivia. Basta sa kaniya.

May kaibigan bang magka-akbyan?

"Ayan ba ang hindi nagse-selos?", Pang-aasar pa ni Adrian at kahit hindi ko siya tingnan ay natatawa siya.

"Hindi! Mukha ba akong nagse-selos? Pag-buhulin ko pa bituka niyong dalawa eh." Sagot ko.

"Ayan ba ang hindi nagse-selos? Nagagalit? Pero bakit ka ba nagagalit?", Aba't nag-tanong pa.

Nang-aasar talaga siya.

"Ang pangit mo kasi!", Inis kong sabi.

Pangit? Bakit at paano naging pangit si Adrian. Guwapo niya kaya. Psh.

Guwapo pa din siya kahit naiinis ako sa kaniya ngayon.

"Pangit na kung pangit, mahal mo naman." At napangiti ako sa sinabi niya. Pero hindi ko iyon pinakita sa kaniya

"Ewan ko sa'yo! Umuwi ka na nga!"

"Halika nga dito." At hinila niya ako kaya naka-yakap siya mula sa likod ko.

"Kaibigan lang yon si Olivia, Ysabel. Huwag kang mag-alala. Alam mo namanh mahal na mahal kita eh. Kaya nga nandito ako kagabi eh. Kasi hindi ko na matiis-"

"Matiis ang alin?", Putol ko sa sasabihin niya.

"Hindi ko na matiis na magka-hiwalay tayo. Kaya nandito ako kagabi kasi hindi ko na din kaya na wala ka... Nagmama-kaawa ako sa'yo kagabi diba? Na okay lang kahit pag-sabayin mo kami ni Stanley, basta ba akin ka pa din."

Unti-unting nawala ang inis ko sa mga sinabi niya. Iyong inis kong napalitan ng pag-lambot ng puso ay pagka-tuwa.

Humarap ako sa kaniya na nakangiti.

"Tapos nalaman mo na pinsan ko si Stanley. In the first place, hindi kita niloko Adrian."

"Alam ko... At hindi rin kita lolokohin Ysabel pangako." And we kissed after that.

Nagka-tinginan kami at nagka-tawanan.

"Kaya iyong Olivia? Hanggang kaibigan lang iyon."

"I love you." Dagdag pa ni Adrian.

"I love you too." And he kissed my forehead.

Magka-yakap lang kami doon hanggang sa maka-tulog na lamang akong may ngiti sa labi.

At alam kong ganoon din siya...



Comment