That Same Old Life

II. ASH


"Code name?"

"Thorns." Sagot ko doon sa nag-tanong sa amin ni Stanley. Samantalang si Stanley ay kunot-noong nakatingin sa lalaking nag-tanong sa amin.

"Hindi mo ba kami kilala?", Tanong ni Stanley.

"Hindi. Sino ba kayo?", Mayabang namang tanong no'ng lalaki.

Napa-cross arms na lang ako dahil kahit wala pa kami sa loob ay mukhang mapapa-away na itong si Stanley.

"Stanley let's go." Sabi ko sabay hawak sa balikat ni Stanley pero hinarang ako ng lalaki.

"Hindi ka pa puwedeng pumasok dahil itong kasama mo..." At saka bumalik ang tingin niya kay Stanley. "Makatingin sa'kin ang yabang eh." At saka tumawa si Stanley.

"Tama nga ako, hindi mo kami kilala." Pang-aasar ni Stanley.

And the next thing Stanley did... Sinuntok niya iyong lalaki at saka ako hinila sa braso at patakbong pumasok sa loob. At yong lalaki, pabangon pa lang. Siyempre, para habulin kami.

Si Stanley talaga, malayong-malayo kay Tito James.

Nang makarating kami sa loob ay hinagl na hingal kami habang nagtatawanan. Sa ginawa ba namang iyon ni Stanley ay nakakatawa talaga.

"Ang layo mo talaga kay Tito James." Sabi ko at napatingin siya sa akin.

"Oo naman. I'm the better version of him." At natawa ako sa sinagot niya.

"Ows? Eh mas guwapo pa nga si Tito kaysa sa'yo eh." At kunot-noo niya akong tiningnan.

"Do you have a crush on my father?", Kunot-noo niyang tanong.

"Hoy, ano ka ba? Pinagsasabi mo diyan? Alam mo naman kung sino ang gusto ko." At napatingin ako sa mga tao dito sa loob na naghihiyawan dahil may nag-aaway doon sa cage na nasa gitna.

At kung nagtataka kayo kung bakit walang pumi-pigil dahil sa nag-aaway, eh nasa underground kami ngayon. Nasa underground battle yong mga lalaking nag-aaway sa gitna. They're both leaders of the gang. May pustahan pa ang away na iyon. At yong pustahan dito? Pinaka-mababa na siguro yong kotse. Last month ay pinam-pusta ni Stanley iyong kabibili niyang kotse, pero dahil magaling siya, iyong kotse niya, nadagdagan pa ng kotse, sports car pa. Oh pak!

"That Adrian guy."

"Well fuck yeah."

"Hindi ka pa din nakaka-move on?", Tanong niya na ikina-kunot ng noo ko.

"Malamang hindi. That was happened week ago." And then I rolled my eyes.

"Pero kung mahal ka niya, hindi siya papayag sa sinabi mo." At natawa ako habang nakatingin doon sa nag-aaway na sabay naglabas ng balisong.

Baka nagkainisan na talaga silang dalawa. And they want to end their rivalry.

"Siya ang unang nakipag-break." Sabay cross arms ko.

"Oh? Bakit daw?"

"Someone send him a picture of you and me na nasa kuwarto mo." At tumingin ako sa kaniya. "He thinks that I cheated on him." Dagdag ko nang may lungkot sa boses.

Hindi ko man lang nasabi ang totoong rason ko para mag-break kami. Ni hindi ko man lang nasabi or napa-kilala sa kaniya si Stanley. But I guess it's okay now. Malayo siya sa akin. Malayo siya sa pinasok kong mundo. Malayo siyang malaman ang totoong ako. Malayo siya sa kapahamakan na dulot ko.

"I send it to him." Kunot-noo akong napatingin sa kaniya.

"And why did you do that?"

"Dahil alam kong hindi mo siya iiwanan Ysabel." At nakita ko ang pagka-seryoso sa mukha niya. And when me by my second name na seryoso ang mukha niya, alam kong seryoso at totoo ang sinasabi niya.

"You're right." Sabay tango ko at tumingin sa harap. "But I guess love is always sacrifice."

"You do really love him, huh?"

"Very much."

"I guess we have that same old love like Mom and the other guy he talks about that he loves so much before."

"Other guy?"

"Yeah, she never mentioned his name. And that is his great love."

"At paano mo naman nasabi na same kayo ni Tita Sabrina?"

"Well... There's this one guy raw na naging boyfriend ni Mommy, nag-break din daw sila because of some cheating issues, pero behind that reason, she was just protecting that guy because Mom's a gangster way back. And maybe they didn't end up being together 'cause Dad came into the picture."

At tumango-tango si Stanley.

"And you're not mad at your Mom for telling that he loved another guy."

"Bakit naman ako maggaalit? Nakaka-tuwa nga eh, may heart to heart talk kami ni Mommy. At saka isa pa, it's all in the past. At nakikita ko naman na mahal na mahal ni Mom and Dad ang isa't-isa." Explain ko.

Pero tama si Stanley. Sino yong lalaking tinu-tukoy ni Mommy? Posible kayang mas mahal mi Mommy ang lalaking iyon kaysa kay Dad? Pero sino naman kaya iyon?

"Nandiyan na pala mga ka-grupo ko. Magla-laban na kami sa kabilang gang."

"Okay, good luck with that. Libre mo 'ko after."

"Sige ba." Ngiting sabi niya at lumabas.

Well yeah, this is my life. Stanley's life and mine.

So...

Welcome to my world...


So may mga familiar names. Like James and Sabrina, and many more in upcoming chapters. It is from New Romantics.

Pero puwede naman nang hindi basahin ang New Romantics bago basahin ang story na ito. Dahil in this story, ay mga anak na nila Sabrina, James and especially David.

So sana suportahan niyo din po ito kagaya ng New Romantics.

And sa update naman eh, hindi ko maipa-pangakong every week ang update dahil minsan eh busy.

Ayon lang... Thank you and God bless.

See you in the next chapter.

🌹TheGirlLovesRed 🌹

Comment