That Same Old Plan

XLIII. ADRIAN



Habang ginagawa ko ang ilan sa mga activities namin ay biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na pinansin kung sino amg caller. Sadyang kinuha ko lang ang cellphone ko upang sagutin dahil na-aalibadbaran ako sa tunog. Ang ingay eh.

"Hello." Sabi ko sabay lapit ng cellphone ko sa aking tenga habang ina-analyze ang mga sagot ko sa isang subject dahil baka ay mali.

(Adrian...) At napatigil ako sa pagtingin sa papel ko nang marinig ko ang boses ng isang lalaki. At sa boses niyang iyon ay nahalata kong seryoso siya sa mga oras na ito.

"Yes?", tanong ko naman.

(Are you busy tonight?)

"Not really. Why?"

(Call the Scorpions, we have to tell you something.)

"Okay." Sagot ko at kaagad niyang pinatay.

Marami pa yata siyang gagawin kaya mukha siyang nagmamadali sa tawag.

Ano raw? Ano naman ang sasabihin niya sa amin? Ano ang sasabihin niya para tawagan ko ang lahat ng Scorpions? Importante ba ang sasabihin niya para tawagan ko lahat? May seryoso bang pag-uusapan? Kung meron, para saan? At tungkol saan? Dapat na ba akong kabahan sa sinabi niyang iyon?

Dahil sa pang-huli kong naisip na tanong ay nakaramdam ako ng kaunting kaba.

Paano nga kaya kung tungkol na sa mga Gangs ang pag-uusapan namin mamaya? Paano kung napagdesisyunan na nilang umpisahan na ang gang war? Tiyak kong madugo ang kalalabasan nito. Pero hindi pa ba nag-uumpisa ang gang war kung sinaksak nila ang grupo ni Ysabel?

Galit ang buong Aces sa Executioners. Samantalang ang Executioners ay mas galit dahil sa gulong nagawa noon ng mga Aces lalo na kay Kuya Travis. Isama mo pa grupo ni Ysabel na may galit din sa Aces. Kung bakit ay hindi ko alam. Hindi ko na kasi naitanong kay Kuya Travis dahil sa tuwing binabanggit niya ang kung sino man sa Aces ay galit na galit talaga siya. Tipong sobrang sama talaga at hindi na mapapatawad ang ginawa ng mga Aces sa kanilang dalawa ni Kuya Travis at Ysabel.

Lalo na iyong kay Ysabel kung bakit siya galit na galit sa Aces. Kay Samuel to be exact. Gustohin ko mang malaman kung bakit ay parang hindi ko kayang malaman dahil baka ako pa ang umunang gumanti sa mga Aces.

Pero mas gugustuhin ko na lang na dumating ang araw na magharap-harap kaming lahat at magulat na lang ang mga Aces na kakampi pala ako ng mga Wild Executioners. Na all along ang Red Scorpions ay kasapi ng Wild Executioners. They will all feel betrayed. Just like what Kuya Travis, they deserve that. Dahil noong una raw ay trinaydor ni Aries si Kuya Travis. Kung bakit siya trinaydor ni Aries, hindi ko alam.

Inilapag ko ang cellphone at saka ini-off iyon at binalik ang paningin sa mga papel na hawak-hawak ko.

Medyo kanina pa kasi sumasakit itong ulo ko dahil pakiramdam ko ay mali ang computations ko. Mula umaga ay ito na ang ginawa ko. Hinatiran na nga lang ako ni Daddy ng breakfast kanina eh. Pati na rin pala ng lunch ay hinatid niya rito sa kuwarto ko. Thanks to Daddy dahil mas pipiliin ko pang matapos ito kaysa kumain ako.

And it's also a good thing na kumain na rin ako dahil baka hindi ko pa nasisimulan ang activity kong puro computations ay sumakit na agad ang ulo ko. At imbis na gawin itong activity ay matutulog na lang ako dahil sa sakit ng ulo.

Nang mapagtanto kong medyo tama na ang computations ko ay inilapag ko na ito sa study table at pinagsama-sama sa mga dadalhin ko bukas papasok. Oo medyo tama lang din ang comment ko sa gawa kong computations kasi hindi ako sure. Titingnan ko na lang bukas ang mga gawa nila Stanley at Caleb kung pareho ba kami. Kung magkaiba man ay bahala na kung sino ang tama at mali.

Napabuntong-hininga naman ako saka kinuha ang cellphone ko at sumandal sa upuan. At nakita kong 5:30 PM na pala. Grabe naman. Ang bilis ng oras. Ni hindi man lang ako nakababa mula kaninang umaga dito sa kuwarto ko. Ganoon ba talaga kahirap ang computations at parang inabot na ako ng hapon? Hapo ba o gabi na? Psh.

Tumayo ako at kinontact si Caleb. At ang mokong, pinatayan ba naman ako. Dahil pinatayan niya ako ay si William na lang ang sunod kong tinawagan. Pero isa din pala siyang pinatay ang tawag ko. Aba!

Sunod ko namang tinawagan si Ethan. Pero ewan ko ba sa mga 'to. 'Yong dalawa ay pinatayan ako. Ito namang si Ethan ay hindi sinasagot. Ring lang ng ring.

Magkakasama yata ang mga iyon eh. At hindi man lang ako sinabihan kung saan pupunta. At bakit naman nila sasabihin sa akin aber? Boyfriend ba nila ako? Kadiri lang.

Pero nasaan nga ba ang mga iyon at hindi sinasagot ang tawag ko? Busy ba sa computations o sa ibang bagay? Psh. Kung kailan may sasabihin ako sa kanila eh.

Hinanap ko naman ang pangalan ni Henry sa contacts ko at saka di-nial kaagad. This is my only hope para masabi ko na kailangang magpunta ng mga Scorpions sa bahay ni Aries para sa sasabihin niya.

At tila ba nawala ang kunot-noo ko ng marinig kong mag-hello si Henry mula sa kabilang linya. Idagdag mo pa ang pag-hinga ko ng maluwag dahil sa pagsagot niya. Sa wakas ay may sumagot na sa tawag ko. Sa ibang Scorpions kasi ay wala akong contacts. Sorry naman kung hindi ko nahingi ang mga number nila. Malay ko bang kailangan pala ang mga iyon. Siguro mamaya hihingiin ko na lang iyon.

"Where are you?", tanong ko.

(Ikaw ang nasaan?) Kumunot naman ang noo ko dahil sa tanong na iyon ni Henry.

"Hah?", kunot-noong tanong ko.

(Ikaw nasaan ka?)

"Am I supposed to say in my house?", patanong kong sagot sa tanong ni Henry.

(Bakit nandiyan ka? Diba dapat nandito ka kila Stanley? Ikaw lang ang kulang dito.) Rinig kong tanong ulit ni Henry.

"At ano naman ang ginagawa niyo diyan?", tanong ko ulit dahil hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi niya.

(Naggo-group study) at dahil sa sinagot sa akin ni Henry ay bigla akong natawa. Kaya pala hindi sinasagot ang tawag ko ng mga mokong.

"Group study? Seryoso ka ba diyan Henry?", natatawa kong tanong.

(Aba at tumatawa ka pa diyan. Oo totoo iyon. Bakit may sagot ka na ba doon sa activity?)

"Oo, ako pa ba?", mayabang kong sagot kahit na hindi ako sure kung tama ba o mali ang isinagot ko.

(Ang yabang mo naman. Pero tama ba yang nga sagot mo?) At nawala ang tawa ko. Lalo tuloy akong nag-iisip kung tama ba talaga ang mga sagot ko.

(Oh sige na patayin ko na ang tawag. Istorbo ka eh.) Pagbibiro niya pa pero bago pa man niya patayin ang tawag ay sinabi ko na ang pakay ko  kaya ako tumawag sa kaniya at inistorbo kuno ang group study nila. Sinabi ko na rin na siya na ang tumawag sa ibang Scorpions.

As if namang group study talaga ang ginawa nilang lahat sa mga oras na ito. Pero puwede rin, bukas na kasi ipapasa ang mga iyon.

Inilapag ko naman ulit ang cellphone ko sa study table at saka napatingin ako sa litraro naming dalawa ni Ysabel. Litrato iyon na kuha ni Ethan sa kaniyang cellphone. It's our first monthsary that time. Pareho kaming nakangiti ni Ysabel n'on. Nakayakap ang braso niya sa bewan ko samantalang naka-akbay naman ako sa kaniya.

Kinuha ko naman ang picture frame kung saan ang litratong iyon at hinawakan ang mukha ni Ysabel.

"Sobrang miss na kita." Sabi ko. "Hintayin mo 'ko, I'll come back. I still love you the most." At saka ako biglang nagpangiti. Ibinalik ko naman sa puwesto iyong picture frame na may litrato naming dalawa ni Ysabel.

"Sana hindi ka na galit sa'kin sa susunod." Natawa naman ako sa sinabi kong iyon. Kung kausapin ko kasi ang litrato ni Ysabel ay akala mo nandito talaga siya sa harap ko.

Pero kung nasa harap ko talaga siya ngayon ay yayakapin ko talaga siya ng sobrang higpit na tipong hindi na siya makawala pa sa akin. Hindi naman talaga siya makakawala pa sa akin dahil hindi ko talaga siya papakawalan kahit na anong mangyari. At kung sino man ang susubok na agawin siya sa akin ay matitikman nila ang bagsik ng isang Adrian Red Morales.

Sobrang miss ko na kasi talaga si Ysabel. Ilang linggo at araw na ba ang nagdaan mula ng nag-break kami ni Ysabel? Psh kahit pa ilang araw o linggo pa iyon ay pakiramdam ko ay taon na ang lumipas. Pakiramdam ko'y sobrang tagal na akong nawalay sa kaniya. Sa taong mahal ko.

Kahit pa nagkikita naman kami palagi sa university o sa bahay nila ay parang ang layo niya sa akin. Ang layo-layo ng loob niya sa akin. So close yet so far ika nga ng iba. Kung kakausapin niya man ako ay galit siya. Hindi na lang ako nagsasalita pabalik dahil baka masabi ko lang sa kaniya ay patawarin niya ako sa kung ano mang nagawa kong mali sa kaniya. Sasabihin ko sa kaniya ang lahat upang mawala na ang galit niya sa akin. At magmama-kaawa na balikan na niya ako. Na mahalin niya ako ulit sa kabila ng pagkakamali ko doon sa library. Kung hindi niya siguro kami nakita ni Olivia ay hindi siya makikipag-hiwalay sa akin.

I'm not saying that na mas maganda na nag-break kami ni Ysabel but for Olivia it's a good thing. Nakahalata kasi si Olivia na nag-uusap na naman kami ni Ysabel. Hindi lang basta usap kundi kami ulit. Baka kapag nalaman iyon ni Olivia ay layuan niya ako at magsabi siya kay Aries na kuya niya na iniwan ko na siya. Tiyak ako ang susunod na lalaki ang nakaratay sa ospital at naga-agaw buhay. Pangalawa ay ayokong masira ang deal namin ni Kuya Travis. Gusto kong umayos sa amin ang tadhana para after this gang war ay balik na kami sa tahimik naming mga buhay.

Ayoko ring madamay na si Ysabel sa kaguluhan dahil ayoko nang magkita pa silang dalawa ulit. Bakit? Dahil tulad nga ng sabi ni Kuya Travis ay sa susunod na magkita pa silang dalawa ay it's either mapatay ni Ysabel si Samuel o kaya naman ay may gawin ulit na masama si Samuel kay Ysabel. And if that happens, I will kill him myself.

Hindi ko rin ikakaila na naiisip kong baka kapag nagkita ulit si Samuel at Ysabel  ay bumalik ang pagmamahal nilang dalawa sa isa't-isa. May possibility na bumalik ang kanilang pagmamahalan. And I can't afford to see that. Kaya as much as possible, hindi sila puwedeng magkitang dalawa. Never again.

"What took you so long?", kunwaring inis na sabi ko sa kanila Caleb na kakarating lang at parang mga hilo pa.

Ano yan? Group study na may halong inuman o inuman na may group study? Kung alinman sa dalawa ay nakakatampi dahil hindi man lang nila ako pinilit na sumama sa kanila.

Stanley texted me. Ini-invite niya ako sa bahay nila para gawin ang activity, magkaklase kami remember? Pero late ko na nabasa eh. Kung kailan tapos na ang tawag namin kanina ni Henry ay doon ko lang nakita ang text ni Stanley.

Masyado kasi siguro akong naka-focus doon sa computations kaya hindi ko napansin ang text ni Stanley. Pero bakit naman kasi siya nag-text? Puwede namang tumawag na lang diba? Ang yaman-yaman nila eh. Tapos nagti-tipid sa load. Stanley talaga. Psh.

Pero sa kotse ay batak siya sa gastos. Paiba-iba ba naman ng kotse kada linggo. Tss. Tss. Saan niya kaya nakukuha ang mga iyon? Makakuha nga rin. Sasabihin ko kay Mommy na ibili niya ako ng bagong kotse tutal naman ay pinapadalhan niya ako buwan-buwan ng pera. Akala niya siguro ay masisiyahan na ako ng dahil sa perang pinapadala niya. Mabuti pa nga si Daddy na kahit busy siya ay nagagawan niya pa rin ng paraan na bisitahin ako dito sa bahay. Eh si Mommy? Wala. Nandoon sa US. Busy sa lalaki niya. Psh.

But enough of my family. It's all about the gang right now.

"Nahilo ba kayo sa computations o sa ibang bagay?", kunwaring tanong ko pa kahit namang alam ko na ang sagot.

"Isa lang naman Adrian." Nakapikit na sagot ni William. Kaya natawa ako sa sagot niya.

"Isang case lang naman." Sambit naman ni Ethan na sabay siko agad ni Henry. Kaya natatawa akong iiling-iling sa kanila.

Nagtungo naman kaming lima sa loob at nakita ko si Aries at Samuel na nakangiti sa akin.

"Mabuti naman at nandito na kayo." Ngiting sabi ni Aries sa amin na agad ko namang tinanguan.

"Nasaan pala ang ibang Scorpions?", biglang tanong naman ni Samuel.

"They're dead." At tiningnan namin siyang may kunot ang noo.

"I... I mean their battery is dead." At natawa si Samuel.

"Akala ko naman kung ano na."

"So Adrian, you already saw Travis." Baling naman sa akin ni Aries.

"Yeah." Sabay tango ko.

"That's why pupunta kami sa university niyo." At napatingin kaming lima kay Aries dahil sa sinabi niyang iyon.

"At anong gagawin niyo doon?", biglang tanong naman ni Caleb. At natawang tumingin sa akin si Aries.

"We will tell Travis na simula na ng gang war." At nagkatinginan kaming lima. "I don't want to wait anymore. At kating-kati na itong kamay ko na patayin siya." At saka niya kinuha ang silencer at nakangiti siyang inabot iyon sa akin. "After we talk, babarilin mo siya bilang tanda ng gang war."

Dahan-dahan akong tumango sa utos na iyon ni Aries.

He want me to shoot Kuya Travis. I need to tell Kuya Travis about this. Dahil mukhang hindi mo kakayaning barilin si Kuya Travis. Hindi makakaya ng konsensya ko ang bumaril ng tao. Isa pa, paano kung makita iyon ni Ysabel? Paano kung makita ni Ysabel na binaril ko ang kuya niya? Ngayon nga ay galit na galit na siya sa aki eh. What more kapag nakita niya ang gagawin kong pagbaril kay Kuya Travis. Baka mawala na ako sa mundo kapag nalaman ni Ysabel ang ginawa ko sa kapatid niya.

I ned to tell this kind of plan to Kuya Travis para maiwasan kong gawin ang bagay na ito sa kaniya.

"At gusto kong hindi malaman iyon ni Ysabel kaya ilalayo niyo siya as much as possible." At napatingin naman ako kay Samuel. Well not just me, kaming lima ay napatinhin sa kaniya. "Ayong madamay si Ysabel dito." Dagdag ni Samuel.

"You're still into her?", sabay tawa ni Aries.

"Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kaniya." At natawa siya. "At gagawin ko sa kaniya ang lahat para pabalikin niya ako sa buhay niya. At hanggang ngayon ay pinagsisihan ko ang nagawa ko sa kaniya noon. I was just desperate that time na baka iwan niya ako kapag nalaman niyang Aces ako... It was just a game in the first place, but I found myself loving her."

"It's love dude." Sabay tapik ni Aries sa kaliwang balikat ni Samuel. Natutuwa sila sa isiping iyon.

Pero ako itong naiinis. Tiba ba nagtitimpi ng galit. And at the same time rin ay iniisip kung ano nga ba ang ginawa niya kay Ysabel para marinig naming pito kung paano niya pinagsisihan ang nagawa niya noon kay Ysabel.

Ano nga bang nagawa niya at nasabi niyang desperado siya noon?

Pagtapos ng usapang iyon ay kaagad na umalis na kami. Gusto pa nila na magtagal kami sa kanila pero idinahilan ko na may gagawin pa kamung activity sa ibang subjects. Pumayag din naman kaagad sila.

"So that's their plan huh?", sabay tawa ni Kuya Travis. "Do it Adrian." Napa-hah naman ako sa sinabing iyon ni Kuya Travis.

"What do you mean?", kunot-noong tanong ko.

"Do it to me Adrian. Shoot me." Magsasalita na sana ako nang mag-salita siya ulit.

"But I'll wear a bulletproof vest, sakit kaya mabaril." Saka siya umupo sa sofa at ininom ang wine na nasa baso niya.

Natawa naman ako dahil akala ko magpapa-baril talaga siya sa akin dahil lang sa sinabi ni Aries.

"But let's make sure na hindi ito malalaman ng Black Rose. Especially Ysabel."



Comment