That Same Old Letters

XXXII. ASH



N

andito ako sa hallway na nakatangang nakatayo sa harap ng bukas kong locker. Iniisip kong kanino galing ang mga hawak-hawak kong maliliit na sobre na iba't-iba ang mga kulay.

May itim, may pula at may puti.

Hindi ko pa nabubuksan ang mga iyon pero alam kong mga card ang laman niyon. Sa labas ng card ay wala man lang pangalan kung kanino galing.

Tanging isang itim na rosas at isang itim na spade na may isang malaking letter A lang ang nasa likuran niyon.

It symbolizes my gang and their gang...

Pero bakit niya ako papadalhan ng sobre? Magpapakita na ba siya ulit sa akin? Magpapakita na ba sila sa amin? At ano nang susunod na gawin nila?

Wait, is the gang war are already started?

Nang mamaril ang limang lalaki na iyon sa bahay ni Caleb na birthday pa talaga niya ay ibig sabihin ba n'on ay umpisa na ng gang war?

Kahit alam ko naman na magi-start na iyon any moment by now, bakit hindi man lang sila nagpasabi diba?

Well yeah right, they're gangsters. Walang may alam kung kailan sila babalik. Walang alam kung kailan sila gagawa ng move. Pero bakit naman kasi ngayon pa? No! It should be bakit pa sila bumalik? Hindi pa ba sapat iyong mapapatay na ni Kuya Travis ang leader nila kung hindi lang pinigilan ni Stanley si Kuya?

I know they're gangster too na kapag naagrabyado ang leader nila, tiyak reresbak sila. Hindi pa ba sapat iyong malapit na ngang mapatay ni Kuya Travis ang leader nila? Hindi ba sila you know, natatakot? Hindi ba nila naisip na baka magaya din sila doon sa leader nila? Hindi ba sila takot mamatay?

The last time I saw Aces' leader ay no'ng nagkaroon ng gang war at muntikan nang mamatay iyon. Si Kuya Travis pa mismo ang naghatid sa ospital n'on.

He is he's bestfriend afterall.

Huling balita namin doon ay dinala siya sa States para doon magpa-gamot. Grabe naman kasi ang ginawa doon ni Kuya Travis dahil sa galit niya.

Pero hindi ko din naman masisisi si Kuya Travis sa ginawa ng kaibigan niya sa girlfriend niya. Akala mo walang kapatid na babae para gawan ng kahayupan si Ate Emma.

At alam kong hanggang ngayon ay hindi pa nakakalimutan iyon ni Kuya Travis. Na hanggang ngayon ay alam kong may galit pa si Kuya Travis sa kaniya. Na kahit kailan ay hindi mapapatawad ni Kuya Travis ang ginawa niyang iyon.

But back to reality tayo, puwede ko naman sigurong buksan ang mga ito ano? Aba! Kung hindi puwede bakit pa ito pinadala. So I decided na unang buksan ang pulang sobre.

Isang card iyon na pula din at may nakasulat na Aphrodite's beauty was so great that roses sprang up wherever she walked.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa nabasa kong iyon. At bakit naman nadamay dito si Aphrodite? Kung sino man ang nagsulat nito, lawak ng isip ah. Nadamay pa si Aphrodite, eh nananahimik yong tao.

Kinuha ko din naman puti at kaagad na binuksan at meron ding itong puting card na may nakasulat namang Love and a red rose can't be hid.

Oh dito naman sa pangawala may pa-love pa? At saka may pa-red rose pang nalalaman. Aba! Bakit red rose iyon? Eh black rose ang pangalan ng gang namin eh. Nagkamali ba ng pasok iyong tao dito sa locker ko? Ang tanga naman n'on. Baka hindi pala sa'kin ito tapos binubuklat ko.

At sinong tanga naman ang naglagay nito dito? Alam kong galing ito sa Aces pero bakit sa akin binigay to? Sa akin nga ba? O nagkamali ng bigay dahil hindi kami red rose. Tsh. Masyado nang common ang red rose 'no. Kaya nga naisip kong black rose na lang ang pangalan ng gang namin dahil trip ko din naman ang rose, well lahat kami na nasa gang ay trip ang rose. Ayon nga lang, ang gusto namin ay black.

Kung saan makakahanap ng black? Hindi ko alam. Hindi ko din alam kung totoo ba iyon o hindi. Basta gusto ko lang ng black rose.

Pero sino nga ba ang red rose? May iba pa bang rose bukod sa amin? Psh gaya-gaya ah.

Bago pa ako mag-isip ng kung ano-ano ulit ay binuksan ko na din ang huling sobre na kulay itim. Katulad sa dalawang nauna eh may card ulit na itim sa loob. Dali-dali ko namang kinuha ko iyon at kaagad na binasa.

The fragrance of a rose brings a smile to my face.

Napahinto na lamang ako at napatitig sa itim na card na hawak-hawak ko. Sa Aces nga galing ang mga sobre.

At nasisiguro kong kay Samuel ito galing.

Pero bakit naman siya magbibigay sa akin ng sobre? At ngayon pa? Tama nga talaga siya, bumalik na sila. Pero kasama kaya doon si Aries? Ang leader ng Murderous Aces? Okay na kaya siya? Ano na kaya itsura niya ngayon?

Ano na kaya itsura ni Samuel?

But wait, galing sa Aces ang mga ito diba? Ibig sabihin may nag-aaral dito na kabilang sa Aces? O kaya naman ay may nakapasok dito sa university na mula sa Aces?

At naalala ko si Adrian. Nakita ko siya noong isang araw na nakikipag-kamay sa mga may Scorpions na tattoo. The Scorpions are connected to the Aces. At alam kong konektado din si Adrian sa Aces at Scorpions.

So ibig bang sabihin niyan ay isa sa limang lalaki ang naglagay nito sa locker ko? O baka naman si Adrian? Inutusan siya ni Samuel na ilagay ito sa locker ko?

Teka, nagkita na sila Adrian at Samuel? Nagkausap na din? Anong sinabi ni Samuel kay Adrian? Sinabi niya ba ang nangyari sa amin noon?

Alam na kaya ni Adrian iyon? Alam niya na kaya ang lahat?

Pero hindi iyon ang problema ko ngayon. Kailangan ko silang mahanap ngayon upang harapin na sila. Upang wala ng ibang mapahamak pa sa away na iyon.

Dahil baka this time, hindi ko na palalagpasin pang buhay si Samuel.

Malaking sugat ang binigay at iniwan sa akin ni Samuel. At alam kong kahit may gawin mang masama ako sa kaniya ay hindi iyon magiging sapat sa ginawa niya sa akin noon.

There are scars that cannot be forgotten.

At isa ang ginawa niyang iyon na hindi ko malilimutan.

Hindi niya ako nirespeto bilang babae. Niloko niya ako. Sinaktan niya ako. At lalong-lalo na, trinaydor niya ako. Trinaydor niya kami ni Kuya Travis.

Muntikan na ding mamatay si Kuya Travis n'on nang dahil kay Samuel, mabuti na lang at nakasunod agad sa amin si Stanley at Levi, dahil kung hindi malamang sa araw na ito wala na si Kuya Travis.

And that makes me want to kill him.

Hindi na dapat pa ako naawa sa kaniya noon. Hindi ko na dapat pang pinakinggan ang mga sinabi niya sa akin noon.

Wala sanang ganito ngayon. Wala sigurong mangyayaring ganito ngayon. Wala sigurong magaganap na barilan noonh birthday ni Caleb. Wala sigurong break up na magaganap sa pagitan namin ni Adrian noong isang araw. Hindi din siguro ako mababaliw kakaisip kung nasaan sila nagtatago ngayon. Hindi siguro ako mababaliw kakaisip kung anong gagawin naming plano.

And lastly, hindi mauulit ang pangta-traydor ng isang tao sa amin.

Aish. Hindi na dapat alalahanin ang nakaraaan ngayon. Ang importante ngayon ay kailangan kong hanapin si Adrian upang tanungin kung saan nagtatago si Samuel at Aries.

Unahan na namin sila bago pa sila may gawin na sobra pa sa sobra.

Kung ano man ang plano ni Kuya Travis sa pagtitiwala kay Adrian. Wala na akong pakialam. Bahala na siya.

May kaniya-kaniya kaming laban ngayon.

Ibinalik ko ang mga sobre sa loob ng locker ko at at nilagay ang bag ko saka sinarado iyon. 3 PM na kasi ngayon at tapos na ang klase ko sa araw na ito. Tatambay na lang muna ako sa Gazebo nitong university dahil wala pang text si Stanley para makauwi na kami. Remember wala pa akong kotse? Kaya sa kaniya ako sumasabay. Total naman ay sa bahay pa din siya umuuwi kaya hindi na sayang sa gas.

Parang ayaw ko na ngang bumili ng kotse dahil nakakatamad nang mag-drive. Mas maganda pa iyong hatid-sundo ka. Oh diba, princess treatment.

Maglalakad na sana ako pababa ay narinig kong tumunog iyong cellphone ko hudyat na may tumatawag sa cellphone ko. Dali-dali ko namang kinuha iyon sa bulsa ng cardigan kong suot-suot. Naka-sleeveless dress kasi ako ngayon at ayoko naman magmukhang revealing itong suot ko lalo pa at nasa university ako. Diba nga kasi medyo ayaw ko na mag-pantalon o trousers dahil mukha pala akong lumpia doon. Buti na lang nakita ko iyon kay Lacey dahil kung hindi, aba nag-mukha akong lumpiang naglalakadd sa hallway nitong university.

So ayon nga, nakita kong may tumatawag nga, pero unknown number naman. Kaya hindi ko alam kung sino ito. Wala naman akong pinagbigyan ng number ko bukod kila Criza and the others. Kaya sino itong unknown number na tumatawag sa akin ngayon?

Ayaw ko sanang sagutin iyon pero something in me na dapat kong sagutin iyon. Tapos ewan ko ba, makita ko lang ang number niyon ay para ba akong kinabahan.

Bago pa ako makaramdam ng kakaiba na wala naman akong isasagot ay sinagot ko na iyon.

At tila ba nanigas ako sa harap ng locker ko nang marinig ang boses na iyon. Ang pamilyar na boses na iyon. Kailan nga ba ang huli niyang tawag sa amin?

(Akala ko hindi mo na sasagutin eh) at narinig ko siyang tumawa.

"What the fuck do you want this time?"

(Easy Ash. Hindi ako nakikipag-away sa'yo.)

"Then tell me, why did you call me?"

(I just call to say that I miss you so much.)

At turn ko namang tumawa dahil sa sinabi niyang iyon.

"Well sad to say, I don't miss you."

(I know. After what I did to you, you won't miss me.)

"Mabuti naman alam mo."

(You're hurting me Ash.)

"Serves you right pero kulang pa yan." At narinig kong tumawa na naman siya. "Did you just called me to tell me that you miss me?", Kunot-noo kong tanong kahit naman hindi niya makikita ang mukha ko.

(No...) Sagot naman niya kaagad.

"Then what?"

(I just called to say that did you like my presents for you?) At natawa ako.

"So I was right? Sa'yo nga galing yon. But sad to say, hindi ko gusto iyon."

(Oh, my bad. Hayaan mo sa susunod yong magugustuhan mo na ang ipapadala ko.)

"Talaga lang ah."

(Oo naman. Lalo pa at nakikita kita ngayon.) At biglang nawala ang tawa ko at napalitan ng kunot-noo.

"Nakikita mo 'ko ngayon?", Taka kong tanong sabay linga dito sa hallway kung nandito ba siya na nakatayo. Pero wala siya. "Where are you?", Seryosong sabi ko.

(Oo naman. You're standing in the locker. You're wearing a nude sleeveless dress with a cardigan on it. Pero much better kung wala kang suot na cardigan, makikita ko ang ka-sexyhan mo ngayon. And that makes me want you more.) Rinig kong sabi niya at tila ba kinabahan na lamang ako dahil nagsasabi nga siya ng totoo. Nakikita niya nga ako ngayon.

Does that mean nasa university nga siya? Nasa university siya ngayon? Pumunta siya sa university para ibigay ang tatlong sobre na iyon? And that means hindi niya inutusan si Adrian? Wala siyang inutusan sa isa man sa Scorpions..

"Where the hell are you?", Tanong ko naman pero narinig ko lang na tumawa siya.

(Excited ka na bang makita ako? Saglit lang papa-guwapo ako.) At kahit nagjo-joke pa siya sa oras na ito ay hindi na ako natawa. Seryoso ako ngayon. Nasaan siya?

"Anong koneksyon mo kay Adrian huh Samuel? At dinamay mo pa talaga siya?", Bigla ko na lang naitanong dahil sa galit. At dahil sa pag-iisip na of all people bakit si Adrian pa ang napili nilang maging ispiya sa amin.

(Wait Adrian? And who the hell is Adrian?) At tila ba inis siya sa akin dahil sa pagtatanong ko.

"Huwag ka nang mag-maangan pa Samuel! Alam kong konektado sa inyo si Adrian!", At bigla na lang akong napasigaw dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon. Napatingin pa sa akin ang mga tao dito sa hallway, pero wala na akong pakialam doon.

I need to know kung bakit si Adrian pa ang napili nilang gamitin para maging ispiya sa amin. Si Adrian pa ang ginamit nila upang tryadorin kami.

(Stop Ash. I don't even know who the fuck is that guy. Maybe your boyfriend? Huwag kang mag-alala kapag nalaman ko kung sino iyon, hindi mo na makikita ang lalaking iyon.)

What the? Eh hindi ba nga konektado si Adrian sa kanila? Ano't hindi ang sinasabi ni Samuel?

"Don't even lay a finger on him Samuel! Malaman ko lang na ginalaw mo siya, hindi na ako mag-iisip pang patayin ka!"

(You're hurting me again Ash. But don't worry, in the mean time, sa kaniya ka na lang muna. At kapag nanalo kami, babalik ka sa'kin.)

At natawa ako dahil sa sinabi niya. "And what made you think na babalik ako sa'yo? I will never ever do that!", At bumalik na naman sa galit ang pagmumukha ko.

(Don't worry, ikaw mismo ang babalik sa akin.) At kahit hindi ko siya nakikita ngayon alam kong nakangiti siya.

"Tss. In your fucking dreams."

(At saka pala, tapos na akong magpa-guwapo. You can see me now...) At inilibot ko naman ulit ang paningin ko dito sa hallway pero wala talaga siya.

Wait, nasa malayo ba siya ngayon?

(Wala ako sa hallway Ash.)

"Then where the hell are you?!", Pasigaw ko namang tanong ulit sa kaniya.

(Nasa Parking Lot. I'm standing here with my car.) Rinig kong sabi niya kaya napatigin ako sa harap ko. Dumungaw ako dito sa gilid ng hallway. Katapat kasi ng building namin ang parking lot pero medyo malayo iyon. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng parking lot. Pero dahil malaki ang parking lot ng university na iyon ay medyo nahirapan akong hanapin ang lalaking iyon.

Where the fuck are you Samuel?!?

At napansin ko na lang ang isang lalaki na nakataas ang isang kamay na may hawak na cellphone na nakatayo sa harap ng kotse.

And there he is. He has a smile now. Hindi pang-aasar o ano. Basta isang totoong ngiti.

At ang lakas naman ng loob niyang ngumiti sa akin ngayon? Ang lakas ng loob niyang ngumiti pagkatapos ng mga nangyari sa amin noon. Ang lakas ng loob niyang ngumiti pagkatapos ng ginawa niya sa akin noon.

He's wearing all back. Black shoes, black pants, black polo. At sa polong iyon ay hindi naka-butones sa bandang dibdib niya kaya kitang-kita ang tattoo niyang itim na spade na may letter A sa gitna. Hindi ko itatangging guwapo siya sa paningin ko ngayon.

Sa pagkaka-tinginan naming dalawa niyon ay pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang nandito sa paligid. Tila ba walang taong naglalakad sa harapan namin.

It has been two years since I had seen him. At tila ba walang nagbago sa kaniya. Ganoon pa din ang mukha niya, ang ngiti niya, ang inosente niyang mukha. Tila ba wala siyang ginawang masama sa akin noon. Tila ba hindi niya ako sinaktan noon.

(Tama sila. Minsan ang pag-ibig nagiging imposible, lalo pa at langit ka at lupa ako... I miss you and I still love you Ash.) At nakita kong ngumiti ang mukha niyang iyon. Isang ngiti na nagpa-tibok noon sa puso ko. (Nothing change at you. You're still beautiful.)

But things change now. I don't love him anymore. At hindi na mangyayaring mamahalin ko siya ulit.

(Runaway with me Ash. At hindi ka madadamay sa away namin ng Kuya mo.) Rinig ko pang tanong sa kaniya pero hindi ako nakasagot.

Iniisip niya bang iiwan ko sila Kuya Travis para sa kaniya? Iniisip niya bang tatraydorin ko si Kuya? Iniisip niya bang kaya kong traydorin sila Kuya?

Puwes hindi! Kahit ganoon ang Kuya ko hindi ko kayang gawin iyon kay Kuya Travis. Kahit inaasar niya ako palagi. Kahit pinapainit niya lagi ang dugo ko. Kahit binubuwesit niya ako bago pumasok dito sa university. Kahit galit ako sa kaniya ngayon dahil sa pagtitiwala kay Adrian. Hindi ko kayang trumaydor sa kanilang lahat. They've been good to me for a long time kaya wala akong balak na gawin sa kanila ang bagay na iyon.

(Don't worry Ash, hindi kita mamadaliin. I'll give you time to think... And I'm sorry for what happen years ago. Pinagsisihan ko na iyon sa mahabang panahon.)

At nanatili lang akong nakatingin sa kaniya nang hindi sumasagot.

(I love you. I always love you. It will be always you no matter what.) Dagdag niya pa pero tila ba wala na ang paglambot ng puso ko para sa kaniya dahil sa mga sinabi niya.

Napangiti ako ng mapait sa mga sinabi niyang iyon.

Tila ba ang paglambot ng puso ko ay napalitan ng galit sa kaniya ngayon. Kaya kahit ano pang sabihin niya sa akin ngayon ay wala na sa akin.

Mahal niya ako? Pero bakit niya ako sinaktan? Bakit niya ako niloko? Bakit niya ako trinaydor?

(So maybe, see you soon?) And I saw he smirk. Hindi na iyong totoong ngiti. Kundi ngiting pang-aasar. (I'll hang up now. I'll go now My Ysabel. Goodbye.)

Pero bago pa man niya maibaba ang cellphone niya ay nag-salita ako.

"Wait. Wait me there. I'll go there." And then I hang up. At saka tiningnan siyang muli at nakita ko siyang ngumiti. Dali-dali naman akong bumaba. Tumakbo na ako dito sa hallway hanggang sa hagdan ay bumaba na ako. Hawak-hawak ko pa ang cellphone ko dahil baka kapag sa cardigan ko nilagay eh mahulog. Sayang

Pinag-tinginan na nga ako ng mga estudyante dito eh, pero bahala na. Kailangan kong maabutan ang si Samuel dahil kailangan ko siyang makausap at paaminin kung anong koneksyon nila ni Adrian.

Bakit ba kasi nasa third floor ang room namin? Ang tagal ko tuloy makababa. Psh. May nakakabanggaan pa akong mga estudyante pero sa susunod na ako magso-sorry sa kanila. Talagang may importante lang akong gawin sa ngayon.

Nang makababa ako sa building namin ay nakita kong nakatayo pa din si Samuel sa kotse niya. Pero dahil medyo malayo pa ang parking lot at puwesto niya ay kailangan kong magmadali patungo sa kaniya. Kahit hingal na hingal na ako ay isina-walang bahala ko iyon para lang maabutan si Samuel.

Tatakbo na sana ako nang may humawak naman sa braso ko. Kaya kunot-noo naman akong napatingin sa kanan ko at kumunot na lamang lalo ang noo ko sa taong humila sa braso ko.

"Bitawan mo nga ako!", Inis kong sabi sa kaniya.

"Eh paano kung ayoko? Tutukuan mo ko ng baril? Sige subukan mo at nang makita ka ng mga estudyante dito." Ngiting hamon niya sa akin pero iniwas ko lang ang tingin sa kaniya at tumingin sa puwesto ni Samuel. Nakasakay na siya ngayon sa asul niyang kotse habang nakatingin sa puwesto ko. Ngumiti pa siya bago niya pinaandar ang kotse niya at lumabas ng university.

Inis naman akong tumingin dito sa lalaking nasa kanan ko. Malakas kong hinila ang braso ko kaya napabitaw siya sa akin. Nawala naman ang ngiti niya at napalitan ng gulat sa mukha niya.

"Ano bang problema mo?!", Inis kong sigaw sa kaniya.

"Ikaw. Ikaw ang problema ko." Sabay duro niya sa akin. Napa-cross arms lang ako sa sinabi niya.

"Oh eh bakit ako?", Taas-kilay kong tanong sa kaniya.

"Ang ganda mo kasi." Sabay ngiti niya at taas ng kamay niya para hawakan ang mga pisngi ko.

Pero dahil ginulo niya ang dapat kong gawin ngayon ay hindi ako natuwa sa pagkakasabi niyang maganda ako. Maganda ako, alam ko yon. Matagal na. Pero wala ako sa mood ngumiti ngayon knowing na kung hindi dahil sa kaniya, kausap ko na sana ngayon si Samuel at baka nasapak ko na din doon sa parking lot.

Epal kasi itong lalaking ito. Kahit naman good-looking siya kaya kong lagyan ng black eye ang mukha niya ngayon.

"Don't touch me!", Sabay layo ng mukha ko sa kaniya.

"Aba! Hindi ako tina-tanggihan ng mga babae ah. Kaya-", hindi na siya natapos magsalita dahil tinuhod ko siya sa kaniyang alaga kaya napahawak siya doon habang nakapikit dahil sakit na sakit siya. Napayuko pa siya doon habang hawak-hawak niya yong alaga niya.

Aba! Hindi man lang lang siya nahiyang hawakan iyon ngayon? Nasa matao kaming lugar ngayon oh. Tapos hawak-hawak niya yan?

Sobrang sakit ba talaga? Naku, sorry naman. Pero dahil ma-pride ako, hindi ako magso-sorry sa lalaking ito.

Pumantay naman ako sa kaniya at tiningnan siya.

"Well ako na yong unang babae na tatanggi sa'yo. The next time na guluhin mo pa ako, hindi lang yan ang aabutin mo. Okay?", Ngiting sabi ko pero wala akong narinig na sagot. Nakapikit pa din kasi siya habang iniinda ang sakit. Masakit ba talaga ang ginawa kong yon? Naku, sorry talaga.

Hinawakan ko ang kaliwang pisngi niya kaya napadilat siya at napatingin sa akin.

"Next time, huwag mo kong gagaguhin ah. Hindi mo kilala." Ngiting sabi ko at tumayo na at naglakad palayo sa kaniya at tumungo sa building nila Stanley. Kailangan ko siyang makausap.

Pero bago ko gawin iyon ay bumalik ako sa locker ko at kinuha ang tatlong sobre na bigay ni Samuel. Ipapakita ko kasi ito sa kanila.

Psh. Ka-badtrip ang lalaking iyon talaga. Kung hindi dahil sa kaniya, edi sana naabutan ko si Samuel sa parking lot. Epal naman kasi ang lalaking iyon. Ka-badtrip talaga.

Ayy shit. Kaklase pala ni Stanley ang lalaking iyon pero hindi ko natanong kung nasaan siya. Aish. Ano ba yan! Pero kasi nasa labas na yong lalaking iyon eh. Ibig sabihin ba dismissal na nila Stanley? Napatingin naman ako sa cellphone ko pero walang text ni Stanley kaya ibig sabihin hindi pa tapos ang klase nila. Pero bakit nasa labas ang lalaking iyon? Nagcu-cutting ba yon? Bakit rin nasa building namin siya?

Psh. Ka-badtrip ang lalaking iyon talaga. Kung hindi dahil sa kaniya, edi sana naabutan ko si Samuel sa parking lot. Epal naman kasi ang lalaking iyon. Ka-badtrip talaga.

Siya iyong lalaking kumausap sa akin nang magpunta ako sa room nila Adrian at siya iyong nasa pinto at nang-asar sa akin.

Matanong nga kay Stanley kung sino ang lalaking iyon. Tiyak masarap pag-tripan ang lalaking iyon.

Good-looking siya pero dahil badtrip ako ngayon sa ginawa niya. Tama lang ang nangyaring iyon sa kaniya.

Maybe next time kapag nagkita ulit kami. Hindi lang iyon ang abutin niya sa akin.



Comment