That Same Old Love

LXV. ADRIAN



Malamig ang simoy ng hangin ang nararamdaman ko nang makarating kami sa resort nila Tito Maclen na kaibigan ni Daddy dito sa Pangasinan. Dito kasi napag-pasyahan ni Daddy na i-celebrate ang pasko at ang New Year. Okay lang naman sa akin dahil ito pala ang probinsya ni Daddy at ni Mommy. Dito ang probinsya nila pero ngayon ko lang napuntahan. Okay lang naman sa akin pero medyo malungkot dahil hindi ko kasama si Ysabel ngayong pasko at sa pagbabago ng taon. Ito sana ang first time namin i-celebrate ang dalawang okasyon nang magkasama. Pero okay lang, mabilis lang naman lumipas ang araw at magkakasama naman kami ulit.

Napaupo ako sa isang cottage na tinuro ni Daddy dito sa resort dahil ayoko namang tumayo lang dito sa resort. Edi nagmukha akong tanga doon diba. Isa pa nilagay ko din ang dala-dala kong bag sa upuan. Nakita ko pa na may mga bag din ang nandito sa cottage. Hindi ko lang alam kung kanino ito. Napabuntong-hininga ako dahil medyo napagod ako sa byahe. Ayon nga eh, hindi ko alam kung bakit ako napagod eh ang driver naman ni Daddy ang nag-drive.

Pero magtatanong pa ba ako kung alam kong bakit ako parang pagod na pagod. Namimiss ko kasi si Ysabel. I know, I know. Lagi ko na lang siyang namimiss. Well ano bang magagawa ko? Eh namimiss ko ang taong mahal ko. I told Ysabel na sumama siya rito sa Pangasinan dahil kilala naman na siya ni Daddy. Pero hindi siya sumama, dahil may pupuntahan daw ang family nila. Doon daw ise-celebrate ang pasko at New Year. Hindi ko naman magawang magtampo sa kaniya dahil 2 weeks pa lang ang nakakalipas mula nang makauwi si Tita Sabrina rito sa Pilipinas. At alam kong namimiss ni Ysabel ang Mommy niya.

So where do I start explaining things?

Nang maihatid ko si Ysabel sa ospital ay hinihiling ko na sana ay walang nangyaring masama kay Ysabel. Hindi ko kasi alam kung bakit dinudugo siya. Iyong dugo na sobrang dami. Sobrang pag-alala ang nararamdaman ko n'on. Kaya kahit ang sakit ng katawan ko ay agad-agad na nilapitan ko ang nakahiga at nanginginig na si Ysabel. Binuhat at dinala sa kotse na itinuro sa akin ni Kuya Travis. Nagulat pa ako dahil nasa kotse sila Jasmine at Kyline. Hindi raw sila puwede makipagbasag-ulo dahil magkakaroon sila ng galos. Hindi raw puwede iyon dahil lalaban pa sila sa pageant ng university.

Nang madala naman namin si Ysabel sa ospital ay sinabi sa amin ng Doktor na kung hindi pa namin nadala kaagad si Ysabel ay tiyak na mauubusan talaga ng dugo si Ysabel. Paano ba naman hindi madadala agad eh ang bilis ng harurot ni Kyline. Mukhang nasa race siya sa sobrang bilis ng takbo ng kotse. Mukhang ako ay magkakaroon ng heart attack. Pero wala na akong pakialam kung magkakaroon pa ako ng heart attack basta dala ko kaagad si Ysabel sa ospital bago pa may mangyaring masama sa kaniya.

No'ng lumabas naman ang Doktor ay napag-alaman naming tatlo na nagalaw ang tiyan ni Ysabel kaya nagdudugo siya. Magtatanong pa sana ako kung bakit pero agad-agad na sinabi ng Doktor na may laman ng bata ang tiyan ni Ysabel.

Hindi na ako nagulat doon dahil alam na naming dalawa ang magiging consequences ng actions naming dalawa. Na dahil sa isang pangyayari ay nagawa namin iyong dalawa. Wala naman akong pinagsisisihan doon. Handa ako sa nakaatang na responsibilidad dahil ako ang may kasalanan. Hindi ako nakapag-pigil ng sarili ko. Hindi ko napigilan ang init ng aking katawan.

Pero ang ikinabigla ko ay iyong sinabi ng Doktor na kaya pala dinudugo si Ysabel ay nalaglag ang magiging baby namin. At kung hindi pa namin naipadala si Ysabel sa ospital ay baka si Ysabel ay sumunod din.

Namutawi sa akin ang galit. Galit sa Murderous Aces dahil sila ang may kasalanan sa pagkawala mg magiging baby namin. At kahit gantihan ko pa ng sobra-sobra ang Murderous Aces ay hindi rin niyon mapapantayan ang galit na nararamdaman ko. Dapat din silang mamatay katulad ng ginawa nila sa anak ko.

Nang makapasok ako sa hospital room ni Ysabel ay blanko ang ekspresyon ng mukha niya ang nakita. Hindi ko alam kung galit ba siya o malungkot pagtapos ng nangyari sa amin.

Does she already know?

"Ysabel-"

"She killed our baby..." Pumiyok pang sabi ni Ysabel. Kasabay niyon ang pagpatak ng kaniyang luha sa kanan niyang mata.

She's hurting right now.

Katulad ko ay nasaktan din siya sa nangyari. Pero alam kong sa mga oras na ito ay mas nasasaktan siya dahil sa loob ng ilang linggo ay iisa silang katauhan. Palagi silang magkasama at hindi malabong hindi sila maging malapit sa isa't-isa.

"I'm sorry Adrian..." At napatingin siya sa akin at nagsunod-sunod na ang mga luha niyang bumagsak. Hinawakan ko naman ang kamay niya at dahan-dahang pinisil iyon. For her to know na nandito ako para sa kaniya kahit ano pa ang mangyari. "I lost the baby..." Kaagad ko namang pinunasan ang mga luha niya dahil ayoko siyang makita na umiiyak. Nasasaktan din ako sa tuwing umiiyak siya.

"It's my fault. I'm so sorry, Adrian."

"Shh. It's not your fault, okay? Maybe it's not the right time to have a baby." After what I said ay unti-unting pumikit ang mata niya. Yakap-yakap niya ako. Katabi ko kasi siya. Gusto niya akong makatabi habang natutulog siya. Hindi ko nga alam kung papaano kami nagkasyang dalawa doon eh.

Nang nakalabas kami sa ospital ay nagpasalamat at nagpaalam na kami kila Tita Teresa at Tito Japeth. Bumalik na kami sa Maynila. Walang pahinga-pahinga ay nagtungo kami sa hideout. Nasabi kasi ni Levi na nasa hideout sila Olivia at Samuel. Nakarating kami sa hideout na mga nakatali ang dalawang kamay nila. Katulad sa mga ginawa nila sa amin nila Stanley doon sa probinsya ni Lacey.

Nakita ko silang dalawa na pawang walang mga galos sa mukha. Para bang iniingatan silang dalawa nila Kuya Travis. Tila ba nire-reserve sila sa pagbabalik ni Ysabel. Nakita ko naman ang mala-demonyong ngiti ni Ysabel nang makita silang dalawa.

"You want to punch him?", rinig kong tanong ni Ysabel sa akin.

"Tingin ko ay hindi na. Ikaw na ang gumanti." At hindi makapaniwalang tiningnan ako ni Ysabel. Napakunot naman ako ng noo dahil doon.

"No! Kailangan mong gumanti dahil sa ginawa nila sa'yo doon."

"But Ysabel-"

"Use this." At saka niya inabot sa akin ang isang knuckle at umupo sa aking likuran. "Go on Adrian. I'll be watching."

Bumalik ang tingin ko sa aking harapan kung saan nakaupo si Olivia at Samuel. Silang dalawa na nakangiti sa akin. Ngiti na parang nang-aasar. Hindi ko mawari kung bakit pa sila nakakangiti o nakakatawa eh nakatali naman na silang dalawa. At base sa pagkakatali ay hindi talaga nila matatanggal iyon para makawala silang dalawa.

"You can't do that, Adrian. Masyado kang mahina." Pang-aasar na sabi ni Samuel.

"So true." Sabay tawa ni Olivia.

"Mahina na nga, traydor pa." Sabay dura niya sa harapan ko.

"Pumapayag ka na ganiyanin ka Adrian?", rinig ko pang sabi ni Ysabel.

"Makinig ka sa syota ko, Adrian!", sabay tawa ni Samuel kaya napatingin ako sa kaniya. Dahil sa sinabi niyang iyon ay uminit ang ulo ko.

Syota? Ginawa naman niyang taga-kanto itong si Ysabel. Psh. Syota? Ang badoy. At hindi mangyayaring magiging syota niya si Ysabel dahil babangasan ko na siya sa mukha.

Tama si Ysabel, gantihan ko sila. Gantihan ko sila sa kanilang ginawa kay Ysabel at sa akin, isama mo na rin si Stanley. At lalong-lalo na sa baby namin ni Ysabel. Kung hindi lang dahil sa kanila ay hindi sana mapapahamak si Ysabel at iyong magiging baby namin.

Tulad nga ng sabi ni Ysabel. Kailangan mong gumanti upang hindi nila maisip na mahina ka. Kailangan mobg gumanti dahil sa huli ay ikaw lang ang agrabyado.

Naalala ko rin ang ginawang pambababoy ni Samuel kay Ysabel noon kaya unti-unting nakaramdam ako ng galit. Gagantihan ko si Samuel hindi para sa akin, kundi para kay Ysabel.

This is all I've been wanting from the start. Kaya ako sumali sa gang ay upang maiganti si Ysabel. At ngayong nandito na ako sa harap ni Samuel ay hindi na ako tatanggi. Gagantihan ko na siya.

Isinuot ko ang knuckle at saka lumapit kay Samuel. Sinuntok ko siya kaya napadaing siya sa sakit. Patuloy ko siyang sinuntok hanggang sa makita ko siyang napaubo ng dugo. Gustohin ko mang tumigil sa pagsuntok sa kaniya ah hindi ko magawa. Para bang ang katawan ko ay gusto ko pa siyang suntukin. Gusto ko pa siyang gantihan. Nararamdaman mo at parang may bumubulong sa akin na tama lang ito. Na deserve ni Samuel ang mga suntok ko.

"Stop Adrian! Maawa ka kay Samuel!", rinig kong pagmamakaawa ni Olivia kaya napatigil ako sa pagsuntok. Napatingin naman ako sa mukha ni Samuel at hindi ko na mapagtanto kung mukha pa ba ang mayroon si Samuel o hindi na. Dahil ngayon ko lang napansin na puro pasa na ang mukha niya. Putok ang labi at puno na ng dugo ang mukha niya.

Lumapit naman si Ysabel at saka ko nakita ang hawak niyang isang baril. Itinaas niya iyong baril at itinutok sa ulo ni Olivia.

"Awa? Samuel doesn't know that word."

"Ysabel huwag. Dapat silang mabulok sa kulungan."

"That doesn't satisfy me." Sagot ni Ysabel sabay hampas ng baril sa ulo ni Olivia kaya umagos ang dugo mula sa ulo kasabay niyon ay ang pagkawala ng malay niya. Ganoon din ang ginawa niya kay Samuel. Hinampas niya rin ng baril sa ulo si Samuel. Maraming beses pa nga iyong hampas na ginawa niya kay Samuel kumpara kay Olivia. Kaya hingal na hingal si Ysabel nang matapos niyang hampasin ng baril si Samuel. Napatingin naman ako kay Samuel at muntikan na akong masuka sa sobrang dami ng dugo sa kaniyang mukha. Nakapikit siya, siguro ay masakit talaga ang sunod sunod na hampas na ginawa ni Ysabel. Hindi ko na rin mawari ang mukha niya niya dahil basag na talaga ang mukha nito at sobrang dami ng dugo.

Umiwas agad ako ng tingin dahil mukhang masusuka talaga ako dahil nakita ko ang mukha ni Samuel na iyon. Hindi siya kaya ng sikmura ko. Nakaramdam ako ng awa sa kaniya dahil doon. Pero alam kong tama lang sa kaniya iyon dahil sa ginawa niya kay Ysabel.

Napatingin din ako kay Ysabel at nakita ko ang isang ngiti. Ngiti na tama lang ang ginawa niya kay Samuel. At dahil sa ngiti niyang iyon ay doon ko lamang napagtanto na parang ang samang tao ni Ysabel. Na tipong nakakaya niyang manakit ng tao. Hindi lang manakit, kundi ang pumatay ng tao. Na hindi lang siya basta-basta gangster na puro yabang. Kundi isa siyang gangster na kayang pumatay kapag inagrabyado.

Pagtapos ng ganoong pangyayari ay hinawakan ni Ysabel ang kamay ko at nakita ko ang ngiti niya. Iba na ang ngiti niya ngayon kumpara kanina. Iyong ngiti niya kasi ngayon ay parang sinasabi niya sa akin na okay na. Huminga naman ako ng malalim dahil mabuti naman at okay na. Kung hindi pa ito okay. I mean kung hindi pa okay itong ginawa niya kay Samuel ay hindi ko na alam kung ano ang okay.

Magkahawak kamay kaming lumabas sa hideout. Pagkatapos ay tumango si Ysabel sa apat na lalaki bago pumasok sa hideout.

"Dito naman Stanley. Ayusin mo ah." Bumalik sa kasalukuyan ang aking pag-iisip nang may marinig akong boses babae. Pamilyar na boses na isang babae. Sobrang pamilyar na tipong matutukoy ko kung kanino ang boses na iyon. Kay Ysabel.

Hinanap ko ang boses na iyon at nakita ko sa aking likuran ang babaeng nakatalikod sa akin at akala mo ay isang modelo kung makatindig. Siguro nga ay nagpapa-picture siya kay Stanley. Paano ko nalaman eh si Stanley lang naman ang palagi niyang kasama bukod sa mga ka-gang niya.

Kinusot ko pang muli ang mata ko dahil baka hindi talaga si Ysabel ang babaeng nakatalikod sa harapan ko. Pero sa boses pa lang na narinig ko kanina ay alam ko na siya iyon. Lalo pa iyong nakita ko ang likurang bahagi ng katawan ni Ysabel.

She's wearing a white long sleeve na nakatupi hanggang siko ang manggas. At dahil sa long sleeve na iyon ay nagmu-mukhang dress dahil ang laki. Dahil sa suot niyang iyon ay napangiti ako. Ang sexy ba naman niya kasi sa suot niya ngayon. Tumayo na ako at naglakad patungo sa puwesto nila.

Nagulat pa si Stanley nang makuta niya ako. Pero itinaas ko ang kaliwang kamay ko na nagsasabing huwag siyang maingay. Natawa naman siya saka nagsalita.

"Okay. 1, 2, 3..." Sabay ngiti ko sa tabi ni Ysabel.



🖤 🖤 🖤


ASH


"Siguraduhin mong maganda ah." Sabi ko kay Stanley. Natatawa naman siyang lumapit sa akin habang nakatingin sa DSLR niya.

Ito na naman ang abnormal kong pinsan. Tumatawa eh wala namang nakakatawa. Pero baka natatawa siya ay dahil may mukha akong tanga na nakuha siya kaya natatawa siya ngayon. Leche siya! Akala niya ba nakakatawa siya?

Ibinigay naman ni Stanley ang DSLR niya.

"Madami 'yan. Pumili ka na lang. Puntahan ko lang sila Lacey, nandiyan na raw eh." Sabi niya sabay walk out.

Kinuha ko naman ang DSLR at tiningnan ko ang mga picture na nakuha niya sa akin mula pa kanina. Baka may mukha akong tanga doon kaya siya natatawa.

Pero kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang lalakinh nasa tabi ko sa picture na kinuha ni Stanley. Muntikan ko na ring mabitawan ang camera ni Stanley nang tingnan ko ang kaliwa ko at nakita ko ang matangkad na lalaki na nakaharapa sa akin at malaki ang ngiti. Walang ano-ano at niyakap ko siya. Niyakap na akala mo ay hindi kami nagkita noong isang araw. Bakit ba? Eh gusto ko sigang kayakap ang isang ito eh.

"Miss na miss mo 'ko ah." Sabay tawa ko kaya niyakap niya rin ako.

Wala naman kasi akong masagot sa sinabi niyang iyon. Hindi naman kasi tanong iyon. Saka kahit hindi  iya na sabihin iyon ay miss na miss ko talaga siya. Ganoon talaga siguro kapag mahal na mahal mo ang isang tao. Mamimiss mo ang isang tao kahit ilang araw lang kayong hindi nagkita.

"Teka Ysabel, anong ginagawa mo dito?", saka ako humiwalay ng yakap kay Adrian.

"Sabi ni Mommy, dito raw kami magpa-pasko ag bagong taon." Sagot ko. Hindi ko alam kung nasaang lugar kami dinala ni Mommy basta ang alam ko, resort ito na pinuntahan daw nila noong kabataan nila. As Mommy said, ito ang huling lugar na napuntahan nilang magkakaibigan bago magkahiwa-hiwalay to pursue their dreams.

"Talaga?", gulat na tanong ni Adrian.

"Oo?", naguguluhan ko ring tanong dahil sa tinanong ni Adrian. Walang sagot-sagot ay niyakap niya ako at tila ba ang saya-saya niya sa sinagot ko.

"Hoy! Anong nangyayari sa'yo?", kunot-noo kong tanong sa kaniya.

"Let's just say that we were going to celebrate Christmas and New Year together." At niyakap na naman akong muli ni Adrian. This time ay masaya akong niyakap siya pabalik dahil sa narinig ko.

We were going to celebrate Christmas and New Year together for the first time. Sasalubongin namin ang panibagong taon nang magkasama kaming dalawa. Ganda naman n'on. Magkahawak-kamay kaming dalawa habang nakatingin sa mga fireworks display sa langit.

Nang makarating kami nila Mommy at Tito James dito sa resort ay medyo malungkot ako dahil hindi kami makakapagkita ni Adrian sa Maynila bago man lang sumapit ang kapaskuhan at bagong taon. Pero look at us now, nagyayakapan habang nakangiti dahil nalaman naming iisang lugar lang pala ang pinuntahan ng parents namin.

"Kaya pala may mga gamit na sa cottage kanina."

"Nauna pala kami kaysa sa inyo."

"Oo nga, hindi halata na mga excited kayo." At nagtawanan kami.

Kung alam ko lang na dito kami pupunta nila Mommy ay sana hindi na ako nalungkot habang papunta rito. But it's okay now, kasama ko na ang taong mahal ko. And that only means one thing.

"May gusto akong gawin Adrian." Sabi ko. Ngumiti naman ng nakakaloko si Adrian kaya binatukan ko siya. Pinag-iisip ba naman kasi ng taong ito.

"Kung ano man 'yang nasa isip mo, hindi! Hinding-hindi!", sabi ko sa kaniya. Siya naman ay natatawang sapo-sapo ang ulo niya.

"Paano mo nalaman ang nasa isip ko? Siguro iniisip mo rin iyon? Umamin ka sa'kin Ysabel." Aba't ibinalik pa sa akin ang iniisip niya. Hinampas ko nga sa balikat. Nakakaasar. Akala niya siguro iniisip ko ang bagay na iyon. Psh. Slight lang.

"Ewan ko sa'yo. Hanapin na lang natin si Mommy." Sabi ko sabay hila sa kaniya pero nanatili lang siyang nakatayo. Kaya kunot-noo ko siyang tiningnan. "Bakit?", at saka niya ibinaba ang tingin niya sa aking katawan. "May mali ba sa suot ko?", tanong ko. Tiningnan ko naman ang suot kong long sleeve na hindi naka-butones kaya kitang-kita ang bra ko, ang tiyan ko at ang denim shorts ko. Dahil doon ay ang sexy ko tingnan. Aba dapat lang dahil nasa beach ako.

But deep inside, medyo nakakalungkot lang dahil kung hindi lang napuntirya ni Olivia ang tiyan ko ay baka medyo malaki na ang tiyak ko. Siguro ay three months na rin ang bata na dinadala ko ngayon sa aking tiyan. Pero sadya ngang kung hindi para sa amin, hindi talaga para sa amin. Siguro ay ganoon ang nangyari sa baby namin ni Adrian ay dahil hindi pa kami handa na dalawa. Hindi pa kami handa na maging magulang na dalawa. At sadyang nagawa lang naming dalawa ang bagay na iyon dahil sa nangyari ng araw na iyon.

Hindi ko na rin nasabi kay Mommy ang bagay na iyon kaya wala talagang alam si Mommy. Tanging kaming dalawa lang ni Adrian ang nakakaalam. Hindi ko lang alam kung alam ba ni Stanley iyon. Wala kasi siyang nababanggit sa akin.

But it's enough. It's been three months since that happened kaya dapat na lang na mag-move on. It's just that we have to move on to the things that happened kahit masakit mang tanggapin. Dahil kahit iba man ang nangyari, patuloy pa rin ang ikot ng mundo.

"Takpan mo nga yang bra mo. Baka kanina pa 'yan tinitingnan ng ibang lalaki, sasapakin ko talga." At natawa ako dahil parang naiinis si Adrian sa harap ko ngayon.

"Huwag ka mag-alala, wala yan. Takot lang nila sa leader ng Red Scorpions."

"Tss. Ipapasara ko talaga 'tong resort kapag may tumingin sa'yo."

"Oh? Resort niyo 'to?", gulat kong tanong.

"Hindi." Sagot niya kaya binatukan ko siya.

"Makapag-desisyon ka naman parang iyo 'tong resort."

"Sa kaibigan 'to ni Daddy." At tumango ako.

Isa rin sa gusto ko ang magmay-ari ng resort kaya lang hindi ko alam paano i-manage. What if mag-shift ako ng course? No! Hindi puwede 'no. Kung kailan third year na ako saka lang ako nag-shift ng course? Ang laki ko namang siraulo diba?

At saka kahit maging lawyer ako ay alam kong sa company pa rin ni Mommy at Daddy ako makakapag-trabaho. Maybe as a lawyer ng company namin. O kaya naman aasarin ko si Kuya Travis habang gumagawa ng paper works. At sa sobrang inis niya sa akin ay ihahagis niya sa akin ang papers saka siya magwa-walk out.

"Ysabel!", napatingin ako sa tumawag sa akin at nakita ko si Lacey na patakbong lumapit sa akin. Niyakap niya ako bigla kaya wala na akong nagawa kundi yakapin siya pabalik.

Nakita ko rin si Stanley na natutuwang kausap si King. Aba dapat lamg na masaya silang nag-uusap 'no. Medyo matagal ding nawala si Stanley sa mag-ina niya kaya unti-unti siyang bumabawi ngayon. Napangiti naman ako doon dahil iyong abnormal kong pinsan ay unti-unti ng nagma-mature. Good for him.

At sa pagtingin ko sa kanilang mag-ama ay may naitanong ako sa aking sarili.

Kung magkakaroin kami ng baby ni Adrian ay ganiyan din ba siya kasaya habang kinakausap ang anak namin? Dapat lang 'no! Kung hindi, matitikman niya ang sipa ni Mikey.

"Halikayo, may dala akong pichi-pichi, masarap 'yon Ysabel." Saka ako hinila ni Lacey pabalik doon sa cottage na pinaglagyan namin ng gamit.

"Hahanapin ko muna si Mommy, may sasabihin lang ako." Sabi ko. Nasa isip ko kasi kanina ay ipakilala ko na si Adrian as my boyfriend. Matino naman si Adrian kaya alam kong matutuwa si Mommy.

"May kausap si Tita, so maybe later." Sambit ni Stanley.

"Okay." Sagot ko sabay tusok ng pichi-pichi sa tinidor at humarap kay Adrian. Ibinukha naman niya ang bibig niya at ngumuya. "How was it?"

"Masarap." At ngumiti ako. Sinubuan naman ako ni Adrian ng pichi-pichi at ang sarap nga. Nakatitiyak ako na si Lacey ang gumawa nito. Ito kasi ang  ginawa ni Lacey nang minsang magpunta kami sa apartment niya.

"Hoy huwag niyo ngang ipakita sa harap ng anak ko 'yang subuan niyo!", bulyaw ni Stanley. Kaya nagtawanan kaming tatlo sa naaasar na mukha ni Stanley.

Comment