That Same Old Friends

XXV. ADRIAN


Habang yakap-yakap ko si Ysabel ay tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa. Iyong tunog na iyon, hudyat na may tuma-tawag.

Kinuha ko naman ang cellphone at nakita kong si Daddy ang tuma-tawag.

"Hi Dad." Sabi ko sabay hawak ko ng kamay ni Ysabel. Napatingin naman siya sa akin nang marinig niyang mag-salita ako. I smiled to her saying that everything will be okay. Ngumiti naman siya kaya ni-loudspeker ko ang cellphone ko.

(Nasa school ka pa ba?)

Natawa si Ysabel nang marinig iyon kay Daddy. Natawa siya sa itinanong ni Daddy, wala na kasi ako sa school kanina pa. Kaya natawa na lang ako nang makita ko siyang tumawa.

(After mo sa school, dumiretso ka dito sa bahay nila Tita Sabrina mo. Makikiramay tayo.)

"Yes Dad. Diretso na po ako diyan."

(Sige mag-iingat ka.) At kaagad na pinatay iyon ni Daddy.

Kung alam lang ni Daddy na nandito ako sa bahay nila Tita Sabrina kanina pa, kaso hindi eh. Hindi ko na din natanong kung sino ang namatay para maki-ramay kami, dahil alam kong si Tito Edwin iyon. Sinabi ni Ysabel awhile ago eh.

Hindi ko alam kung ano ang puwede kong gawin para hindi na masyadong malungkot si Ysabel after what happened today. Pero dahil ganoong bagay ang nangyari sa kaniya- sa kanila. I don't think na may magagawa ako to ease their pain. Maipa-pangako ko lang na nasa tabi lang ako palagi ni Ysabel.

"Kilala mo si Mommy?", Tanong ni Ysabel sa akin nang may kunot-noo.

"Oo?", Patanong kong sagot.

"Kailan pa?", Tanong naman niya pabalik.

"No'ng birthday ng Mommy mo." Sagot ko at tumango naman siya.

"Kaya pala nandoon ka sa birthday ni Mommy?", Tanong naman niya. "Inin-vite ka niya?"

"Sinama lang ako ni Daddy." At kaagad na lumingon sa akin si Ysabel na may kunot-noo ulit.

"Magka-kilala si Mommy at Tito David?", Tanong niya pa na animo'y gulat na gulat siya na malamang magka-kilala ang Mommy niya at si Daddy.

Ayaw niya ba niyon? Magkaka-kilala na ang nga magulanh namin? Mga in laws in the future? Hindi na ako masyadong mahihirapang ligawan sila upang hingin ang kamay ni Ysabel pag-dating ng panahon.

"Paano nangyari yon?", Kunot-noong tanong na naman ni Ysabel at animo'y nag-iisip kung paano nagka-kilala ang Mommy niya at Daddy ko.

"Ninang ko kasi ang Mommy mo." Sagot ko at bumalik ang tingin niya sa akin. "At no'ng birthday ng Mommy mo, doon ko lang nakita at nakilala ang Mommy mo." At natawa ako.

Hindi ko nga alam kung bakit ganoon eh. Ninang ko siya tapos unang beses ko pa lang siyang nakikita. Siguro nakita ko na siya noong bata pa ako. At hindi ko lang maalala.

Tuwing birthday ko naman ay laging may regalo akong natatanggap mula kay Tita Sabrina, pero regalo lang. Pero si Tita Sabrina, wala. Sabi naman ni Daddy ay busy lang ito kaya hindi nakaka-dalo sa birthday ko.

At hindi ko naman maisip na si Tita Sabrina ay Mommy pala iyon ni Ysabel. Wala naman din kasing nasabi si Ysabel about sa parents niya. Hindi ko din naman siya nata-tatanong dahil gusto kong siya mismo ang mag-open up sa bagay na iyon. Tulad ng mga ginagawa kong pagsabi sa kaniya katulad no'ng mag-divorce sila Mommy at Daddy ko.

Pero mabuti na lang at kakilala na ako ni Tita Sabrina, hindi na ako kakabahan kung ipapa-kilala ako soon ni Ysabel sa kaniya. Ayon nga lang, hindi ko na makikilala si Tito Edwin, ang Daddy niya dahil wala na ito. Haays.

"At paano ulit nangyari iyon?", Napa-balikwas ako sa pag-iisip ko nang marinig kong nag-tanong muli si Ysabel.

"I don't know. Ayaw mo n'on?" Sambit ko.

"Hindi naman sa ganoon. Nakaka-gulat lang. Wala naman kasing naba-banggit si Mommy." Sabi niya at lumaki ang mata niyang napatingin sa akin. "Hindi kaya sinabi ni Tito David na may relasyon tayong dalawa?"

"Hindi naman siguro. At saka ayaw mo n'on, magiging legal tayo sa kanila?", At napatingin sa kaniya. "Oh baka ayaw mo dahil kina-kahiya mo ako?", Pagtatampo kong tanong sa kaniya sabay pout sa kaniya. Pa-cute lang?

At kahit maga ang mata niya at mukha na siyang chinese dahil sa pag-iyak nito ay tumawa siya. At natawa ako nang makita ko ang tawang iyon sa mukha niya. Hindi na siya mukhang malungkot, pero nandoon pa din ang lungkot. Sino ba namang mawawala agad ang lungkot kung ganoon ang nangyari diba?

At ito ako ngayon, nagta-tampo sa tabi ni Ysabel. Ika-hiya ba naman daw ako sa parents niya. Hindi naman kasi siya sumagot sa tanong ko. Silence means yes diba? Kaya oo ang sagot niya.

Pero joke lang naman iyon dahil ayaw kong pangunahan ang desiyon niya. Gusto kong siya mismo ang mag-sabi niyon sa akin. Na ipapa-kilala na ako sa Mommy niya.

Tumayo siya sa harapan ko. Naka-tayo siya sa harap ko samantalang ako ay nakaupo.

"Tingin mo ba ikina-kahiya kita?", Tanong niya sabay hawak niya ng kaliwang pisngi ko.

Sasagot pa sana ako nang unti-unting lumapit ang mukha niya at hinalikan ako.

It was a soft passionate kiss that we shared.

Hanggang sa lumalim na ang halikan naming iyon. Tatayo na sana ako pero hinawakan ni Ysabel ang leeg ko. Para pigilan siguro akong tumayo. Nagpa-tuloy ang halikan namin nang maramdaman kong bumaba ang kamay ni Ysabel sa dibdib ko at mahina akong tinulak pahiga.

Nakahiga na kami nang lumayo ang mga labi ni Ysabel. Si Ysabel ang nasa itaas ko samantalang ako ang nasa ilalim niya. Habol-habol namin ang hininga naming dalawa nang mag-tama ang paningin namin.

At unti-unti ko siyang nakitang ngumiti.

"Answer me, tingin mo ikina-kahiya kita?", Hindi pa ulit ako nakaka-sagot ay hinila na naman ako ni Ysabel palapit sa kaniya at hinalikan na naman niya ang mga labi ko.

At sa halikan naming iyon ay unti-unting uminit ang pakiramdam ko. Umiinit ang sistema ko. Tipong gusto nitong lumabas at sumabog.

Maya-maya ay naramdaman ko ang mainit na pag-hinga ni Ysabel sa leeg ko. At dahil sa ginawa niyang iyon ay lalo kong naramdaman ang init sa aking katawan.

Ang init talaga eh. Malamig naman no'ng pumasok ako dito sa kuwarto ni Ysabel ah. Bakit... Biglang uminit?

"I just put a kiss mark on you." Sabi ni Ysabel at narinig kong natawa siya at saka umalis sa pagkaka-dagan sa akin.

Ayon lang yon? Aba't bini-bitin ako ng babaeng ito? Kung kailan nag-iinit na ako at gusto ko na ang ginagawa naming iyon?

Hinila ko siya pabalik at pinahiga. Natawa siya at bago pa siya maka-bangon ay pumaitaas na ako sa kaniya. At nakita ko pa din siyang tuma-tawa na akala mo nang-aasar.

"You just turned me on..." Seryosong sabi ko pero natawa lang siya.

"What did I just turned you on?", Inosente niya pang tanong at pini-pilit na huwag matawa.

Tama ako, nang-aasar nga siya.

"Ito." At hinalikan ko siya sa leeg ng sunod-sunod. Siya naman ay tuma-tawa lang at pini-pigilang sumigaw.

"Adrian. Tama na.. Nakiki-liti ako." Natatawang sabi ni Ysabel pero hindi ko siya pinansin at nagpa-tuloy lang sa pag-halik sa leeg niya.

Ang sarap kasing halikan ng leeg niya dahil amoy marshmallow at chocolate siya. Puwede ba iyon? Gangster siya, tapos amoy marshmallow at chocolate siya? Hindi ba iyon nakaka-tanggal ng angas? Diba dapat kapag gangster ka ay iyong pabango mo, matapang? Bakit kay Ysabel pang-babaeng pang-babae talaga?

"Aba't hindi ka titigil ah..." Rinig kong sabi niya pero hindi ko pa din siya pinansin. Naramdaman ko na lang na hina-haplos niya ang hita ko.

Napatigil ako sa ginawa kong pag-halik kay Ysabel sa leeg niya dahil kini-kiliti niya ako. Kini-kiliti niya ako sa hita. Alam niya kasi na may kiliti ako roon kaya ito ang ginagawa niya sa akin ngayon.

Napahiga ako sa tabi niya at parehas kaming tuma-tawa habang nakahiga dito sa kama niya. Parehas kaming natawa dahil sa pangingiliti niya sa akin.

Nakita kong bumangon siya at humarap sa akin.

"May tamang panahon doon Adrian." Ngiting sabi ni Ysabel, nang-aasar pa din. Psh.

Tama siya, may tamang panahon para sa bagay na iyon binitin niya ako.

Hindi ito ang tamang panahon para gawin iyon lalo na sa panahon na ganito lalo pa at kakamatay lang ng Daddy ni Ysabel. Nandito ako para maki-ramay hindi para gumawa ng milagro.

Si Ysabel naman kasi nilandi ako. Mabuti na lang talaga marunong ako mag-pigil. Dahil kung hindi baka dalawa na silang mamahalin ko.

"Baba muna ako. Nagugutom na ako eh." At tumayo na siya.

"Nasaan CR mo dito?", Tanong ko sabay hubad ng t-shirt kong suot-suot. Init ba naman eh. Pawis na pawis na ang katawan ko. Ang init ba naman kasi dito sa kuwarto.

"Bakit? Anong gagawin mo sa CR?", Tanong niya sabay hawak ng hintuturo niya sa dibdib ko pababa.

Hanggang ngayon ba naman inasar niya pa din ako? Hindi niya ba alam na ang hirap ng sitwasyon ko ngayon? Hirap na hirap ako mag-pigil dito oh.

"Stop that. Baka hindi ako makapag-pigil." Kunwaring galit na sabi ko.

"Bakit, anong gagawin mo?", Taas-kilay naman niyang tanong.

At hinila ko siya palapit sa akin at hinawakan ang bewang niya. Kaya iyong pag-taas ng kilay niya ay nawala. Habol-habol niya ang hininga niya na akala mo kinakabahan. Tumayo naman ako at inilipat ang mukha ko sa mukha niya.

I gave her a quick kiss at may binulong.

"Magsa-sariling sikap ako." At bigla na lang siyang natawa sa sinabi ko. Kahit naman ako ay natawa din sa sinabi ko eh. Akala mo batang nagma-maktol.

"Oh sige. I'll meet you downstairs." Ngiting sabi ni Ysabel. Natutuwa ba siyang nabitin ako?

Pagtapos ko tumungo sa CR upang mag-sariling sikap. Fin-lash ko yon ah. Ay nag-suot na agad ako ng T-shirt at saka bumaba doon sa bintana. Baka kasi kapag doon ako sa mismong pintuan ng kuwarto ni Ysabel bumaba, ay magtaka sila. Magtaka kung bakit nandoon ako.

Pagbaba ko ay naglakad ako sa gilid at tumungo doon sa gate na naka-bukas nila Tita Ysabel.

"Kaya pala kinausap ako ni Edwin na bantayan kayo ay dahil alam niyang aalis na siya." Rinig kong sabi ni Daddy kaya napahinto ako dito sa labas ng gate nila Ysabel.

"Oo nga eh. Sobrang hirap David. Hindi ko yata kakayanin na wala siya." At narinig kong umiyak si Tita Sabrina.

"Kakayanin mo Sabrina. Nandito ang mga anak mo. Nandito kami. Nandito ako. At sigurado ako na ayaw ni Edwin na malungkot ka. Umalis siyang masaya, kaya dapat maging masaya ka para sa kaniya."

"Pero kasi ang hirap tanggapin eh."

"Alam ko Sabrina. Pero matapang ka eh. Malakas ka. Kaya makakaya mo din yan. Hindi man sa ngayon, pero sa susunod, makakaya mo din. Matatanggap mo din ang lahat."

"Thank you David ah."

"Wala yon."

At dahil tuma-himik na ang paligid ay napag-desisyonan ko nang pumasok sa loob. Kanina kasi ay nag-uusap pa sila Tita Sabrina and Daddy kaya hindi ko magawang sumingit sa usapan nila.

Pumasok na ako ng dahan-dahan nang walang ginagawang ingay upang hindi ako maka-epal sa pagya-yakapan nila sa harap ko.

Napatingin naman sa akin si Tita Sabrina kaya napahinto ako sa paglalakad. At nakita kong katulad sa mga mata ni Ysabel. Mapupula na ito at mugtong-mugto na dahil sa kakaiyak.

"David." Bumitaw siya sa pagkaka-yakap kay Daddy at ngumiti sa akin. Nakita kong pinilit niya lang ang ngumiti dahil hindi man lamang ito umabot sa mga maya niya. Naiintindihan ko naman iyon. Mahirap din para sa kaniya ang mawalan ng minamahal sa buhay. At asawa pa niya iyon. Okay sana kung nag-divorce, pero hindi eh. Sadyang kinuha na ito ng Diyos kaya wala na talagang magagawa.

"Tita... Condolence po." Sabi ko.

"Salamat." At ngumiti itong muli sa akin.

Hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung Tita ba itatawag ko sa kaniya o ninang? Si Daddy kasi, ngayon lang pinakilala sa akin si Tita Sabrina

"Pasok ka na sa loob. Nandoon sila Travis." Dagdag pa ni Tita Sabrina

"Sige po mauuna na ako. Tita." At ngumiti ako kay Tita Sabrina. "Dad." Ngumiti naman si Daddy sa akin. At turn ko naman na umalis na doon sa harapan nila. Humarap naman ako sa kanila at nakita kong yakap-yakap ni Daddy si Tita Sabrina na patuloy pa din sa pag-iyak.

Daddy's right. Mag-best friend talaga sila ni Tita Sabrina.

Pagdating ko sa loob ay may mga taong nakasuot ng itim at puting damit. Naka-upo sila sa magka-bilaang gilid. Nakatingin sila doon sa isang medyo may kalakihang picture frame sa gitna. Nakangiti iyong lalaki na nasa picture. Naka-blue polo shirt ito at malaki ang ngiti. Aakalain kong si Kuya Travis iyon dahil magka-mukha sila. Pero dahil wala na si Tito Edwin, ay siya talaga iyon. Sa tabi naman ng picture frame na iyon ay isang jar na kulay brown. It might be their father na abo na lang at nilagay sa loob ng jar.

That's Ysabel's father.

Nagdire-diretso ako sa kusina  nila dahil nakita ko si Ysabel na kuma-kaway. Parang pina-papunta niya ako doon kaya naglakad ako patungo doon.

Pagdating ko naman doon ay nakita ko si Stanley, si Kuya Travis, sila Levi, iyong mga kaibigan ni Ysabel at sila Caleb na kuma-kain ng assorted biscuit na nakalagay sa isang malaking plato. Kasya naman sila doon dahil medyo mahaba naman ang mesa.

"Oh bakit ngayon ka lang? Akala ko ba didiretso ka dito pagtapos ng klase?", Tanong ni Caleb.

"At ano yang nasa leeg mo Adrian?", Tanong naman ni Henry. "Kiss mark ba yan?", At napatingin silang lahat sa akin. Tila ba tina-tanong kung saan ako galing, at kung sino ang gumawa niyon sa akin.

Hindi ba obvious na iyong babae na ngingiting-ngiti ngayon sa akin ang naglagay niyon sa akin?

May araw ka din sa'kin Ysabel. Ikaw naman ang bibitinin ko.

Evil laugh.


YSABEL


Habang nakangiti ako dahil isa-isa silang nag-tanong kung saan galing si Adrian at kung saan galing iyong kiss mark niya sa leeg.

At nagtanong pa talaga sila niyan ah? Hindi ba obvious na sa akin at ako ang gumawa niyon sa leeg ni Adrian? Puwera na lang kung alam nila na may ibang babae si Adrian.

Nawala naman ang ngiti ko nang maisip ko na may babae si Adrian at sila Caleb lang ang nakaka-alam niyon. Makausap nga mamaya sila Caleb kung may babae ba talaga si Adrian. At nang matikman ni Adrian ang sipa ni Mikey, katulad nang ginagawa ni Mikey sa Tokyo Revengers.

Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref at kumuha ng baso at uminom. Pagtapos niyon ay ibinalik ko din naman iyong pitsel na kinuha sa ref at humarap sa kanilang lahat.

"Stanley, pahinging yosi." Sabi ko at lahat sila napatingin sa akin.

Bakit? Masama na ba ngayon ang mag-yosi?

Tumayo naman si Stanley at ibinigay iyong yosi niya na nasa isang lalagyan at isang lighter. Sinindihan ko naman ang yosi na nasa labi ko at ibinalik iyon kay Stanley.

"Thank you." Sabi ko at umalis na sa harap nila.

Tumungo ako sa likod at doon bumuga ng usok.

Napatingin ako sa langit. Madilim na ang langit dahil siguro 6:30 na o baka 7 na ng gabi. Hindi ko na alam kung anong oras. Hindi ko pa din talaga nahahawakan ang cellphone ko. Sadyang madilim na talaga ang kalangitan.

Sa kakatingin ko sa madilim na kalangitan ay nakita ko ang isang bituin na sobrang ningning. Napangiti tuloy ako dahil naalala ko ang sinabi ni Loki kay Thor doon sa Infinity War. The sun will shine on us again. Tulad ngayon, hindi man araw ang nagni-ningning ngayon, alam kong magni-ningning din ang lahat sa tamang panahon. Katulad nitong bituin na namumutawi sa pag-ningning.

Magiging okay din ang lahat Ysabel. Bulong ko.

Habang nakatingin ako sa bituin sa kalangitan ay may tumabi sa akin. Pero hindi ko pinansin kung sino man iyon. Natutuwa kasi ako sa bituin na nasa kalangitan ngayon. Kagabi kasi ay wala iyon. Sabagay, umulan kaya wala.

"Bakit nagyo-yosi ka pa?", Rinig kong tanong ng katabi ko at nakita kong si Kuya Travis iyon.

"Ano naman? May nagsabi ba na bawal na mag-yosi ngayon?", Tanong ko sabay ihip sa dulo ng sigarilyo.

"Alam mo naman siguro diba na dahil sa sigarilyo namatay si Daddy." At huminga ako ng malalim at tumingin ulit sa langit.

"Tell me, saan sa mga bituing yan si Daddy?", Pag-iiba ko ng topic dahil tama siya.

Dahil siguro sa sigarilyo namatay si Daddy. Siguro noon ay mahilig din siyang mag-sigarilyo. Na nauwi sa pagkakaroon ng lung cancer. Minsan lang naman kasi ako mag-yosi, kapag stress o kaya naman ay malungkot.

At ang malakas mag-yosi? Itong katabi ko. Na-impluwensyahan ni Daddy. Ewan ko ba kay Daddy, at tinuruan pa niyang mag-yosi itong katabi ko. Pati tuloy ako nadamay.

I found cigarette can cure the sadness and pain. Kaya para sa akin, wala akong nakikitang masama doon.

"At sino namang nagsabi sa'yo na ang mga nawala na, nagiging bituin na?", Inis na naman niyang tanong.

"Anyone?", Sabay buga ng usok sa paligid. At ibinalik ang kalahating yosi na sa bibig.

"Don't be such a baby to trust that." At natawa ako kaya natawa siya. 

Napatingin naman ako sa kaniya nang mag-labas siya ng isang yosi at nilagay niya iyon sa bibig niya at sinindihan ito.

Lalo naman akong natawa sabay iling at napatingin ulit sa langit.

Akala ko ba alam niya na dito namatay si Daddy? Tapos gagaya din siya? Naku Kuya Travis.

"Nag-yosi ka din." Sabi ko.

"Hindi ko mapigilan eh." At sabay kaming napa-buga ng usok.

"Sabi sa'yo eh."

"Parehas tayo ng bracelet ah." At napatingin naman ako sa bracelet naming dalawa. Na magka-pareho nga, ang pinag-kaiba lang eh iyong pangalan namin na nasa gitna.

"Oo nga."

"Ito kasi ang nakita ko sa kama ko no'n kaya akala ako ito ang binili ni Daddy insted of PS5. Pero nang buksan ko ang cabinet ko, nandoon ang PS5, si Daddy talaga." At natawa ako sa sinabing iyon ni Kuya Travis.

Naalala ko kasi iyong chocolate ko din. Na ang akala kong hindi niya ako binilhan ay nasa ref lang pala.

At naging tahimik ang paligid namin. Kasabay niyon ay naging upos na ang sigarilyo kaya ishi-noot ko iyon sa hindi kalayuang basurahan. Na-shoot ko naman iyon. Siyempre si Ysabel to eh. Makasali nga sa basketball girls sa susunod.

"Si Adrian pala..." Paunang sabi ni Kuya Travis pero hindi ako lumingon. Nanatiling sa bituin ang paningin ko.

Hindi naman sa pagiging bata, pero si Daddy kaya ang may gawa niyon? Ng bituin na patuloy na nagni-ningning? He's telling me that everything will be okay? Na kahit umalis man siya dito sa mundo, hinding-hindi niya kami iiwan sa isip at puso.

"Nanggaling ba si Adrian sa kuwarto mo?", At napahinto ako sa pagtingin sa bituing iyon.

Paano niya nalaman na pumu-punta doon si Adrian sa kuwarto ko?

"Paano ko nalaman ba kamo?", Tanong na naman ni Kuya na nagpa-kunot noo sa akin na nakatingin sa kaniya. Pero siya natawa siya. Kaya napapaisip ako kung paano niya nalaman iyon. Kung paano niya nalaman na nagpu-punta si Adrian sa kuwarto ko.

Hindi kaya sinabi ni Adrian sa kaniya?

Pero mukhanh malabo naman iyon. Dahil alam ko h kapag nalaman iyon ni Kuya, tiyak gugulpihin niya si Adrian dahil sa pag-pasok niya sa kuwarto ko. Sana nga ay hindi alam ni Kuya Travis na gabi siya nagpu-punta doon sa kuwarto ko.

And I swear, wala kaming ginagawang masama. Walang nangyari sa amin.

Minsan ay nanonood kami ng movie sa laptop ko. Minsan naman ay nagtu-tulungan kami sa kung saan manh subject ang mayroong gagawin.

"Ako ang nag-sabi niyon kay Adrian." At sabay tapon niya din ng upos ng sigarilyo niya sa basurahan saka bumuga ng usok.

"Anong ibig mong sabihin?", Kunot-noo ko namang tanong.

"Ako ang nag-sabi na kausapin ka na niya. Dahil pinapahirapan niyo lang din ang mga sarili niyo. Ang hindi ko lang alam, eh gabi pala siya pumu-punta sa kuwarto mo." At sabay kaming natawa. Ewan ko ba sa Adrian na iyon at gabi na pumu-punta. Lalo na no'ng gabi na nagka-bati kami. Quarter to 12 na n'on nang mag-punta siya.

"Sinabi iyon ni Adrian sa akin. Gusto ko sana siyang sikmuraan n'on dahil dis-oras ng gabi, nasa kuwarto mo siya. Pero nalaman ko din sa kaniya na kayo na ulit, eh naging masaya na lang ako. After all para sa inyo din naman iyon, dahil nakikita kong nahihirapan kayo. Nagmu-mukha lang kayong tanga." At nahampas ko si Kuya Travis sa braso niya. Tinawanan lang niya ako.

Tinawag ba naman daw na tanga ang kapatid niya?

"Lakas naman ng loob mong mang-hampas? Hindi ka na lang magpa-salamat sa ginawa kong pagka-usap sa boyfriend mo."

"Ay wow. Dapat kong ipag-pasalamat ang pag-tawag mo sa aming tanga?", At natawa siya.

"Kung hindi dahil sa akin, hindi ka kakausapin n'on ni Adrian. Laki ba naman ng galit sa'yo eh. Pag-selosan ba naman daw si Stanley? Hindi ko alam kung ano ba ang nakita ni Adrian doon sa Stanley na iyon eh mas guwapo naman ako doon."

"So anong point mo? Na dapat ikaw ang pag-selosan ni Adrian ganoon?"

"What I mean is, dapat pagse-selosan niya yong katulad ko ng ka-guwapohan."

"Manahimik ka na nga Kuya, itutulak na kita diyan ta'mo." Pagbabanta ko sa kaniya.

"Ito naman hindi mabiro. Hayaan mo, naramdaman ko din yan noon." At napatingin ako sa kaniya nang may kunot-noo ulit. "Kapag nag-mahal ka kasi, pagse-selosan mo yong tao na yon kahit hindi naman dapat pag-selosan." At natawa ako sa sinabi niyang iyon.

"At ikaw..." Napatingin ako kay Kuya Travis nang mag-seryoso naman ang mukha niya. "Bakit hindi mo pa pala pinapa-kilala si Adrian kila Mommy at Daddy? Diba matagal na din kayo n'on ni Adrian?"

"Pag-tapos na lang siguro ng gulo Kuya." At tiningnan ko siya nang may pagka-lungkot sa mata. Tingin na alam niya kung ano ang tinu-tukoy konh gulo. "Ayaw ko kasi talaga siyang madamay doon eh."

At tumango-tango si Kuya.

"Naiintindihan kita, pero sayang lang at hindi siya nakilala ni Daddy bilang boyfriend mo. Nakilala lang ni Daddy si Adrian bilang kaibigan ko."

"Ipapakilala ko din siya sa tamang panahon." Nasabi ko na lang.

"Huwag mo na sanang pakawalan yong Adrian na yon ah? Sa lahat ng naging boyfriend mo, sa kaniya lang ako boto."

"Dapat lang no." At natawa kaming dalawa.

"Halika nga dito." At inakbayan ako ni Kuya. Napangiti naman na lang ako doon dahil hindi ko na matandaan kung kailan ba kami ganito kalapit. Palagi kasi kaming nag-aasaran kundi naman ay akala mo magsu-suntukan na. Pero kahit na ganoon, mahal namin ni Kuya ang isa't-isa.

At napapakita lang namin ang pagmamahal na iyon sa pamamagitan ng asaran at awayan.

"Pansin mo ang bituing iyon?", Napatingin naman ako doon sa tinuro niya. At iyong tinuro niya? Iyong bituin na kanina ko pa tini-tingnan. "Ayon si Daddy." At natawa ako sa sinabing iyon ni Kuya.

"Akala ko ba hindi ka naniniwala doon?", Natatawa kong tanong.

"Minsan lang naman." At nag-tawanan kaming dalawa doon.

"Magiging okay din ang lahat Ysabel. Itong pag-kawala ni Daddy? Isipin na lang natin na nasa isa na siyang paraiso para mag-bakasyon. At sa paraisong iyon, hindi na siya mahihirapan at masasaktan."

"Yeah, you're right." Tumango-tangong sabi ko.

"At kahit umalis na si Daddy, don't hesitate to tell me your problems o kahit malungkot ka, o nasasaktan ka. Nandito lang ako para sa'yo Ysabel, nandito kami ni Mommy para sa'yo. Si Adrian, at ang mga kaibigan mo. Nandito kami lahat para sayo." At na-touch naman ako sa sinabing iyon ni Kuya kaya turn ko naman na iyon upang mag-salita.

"Thank you Kuya. At kahit nag-aasaran man tayo palagi at lagi mo akong ini-stress eh ikaw pa din ang the best Kuya in the world. At saka Kuya, palagi mong tatandaan, nandito lang din ako para sa'yo. Kahit saang bagay, kahit ikaw pa ang mali. Susuportahan pa din kita." At nawala ang ngiti sa mga labi ni Kuya at napalitan ng kunot-noo.

"Maiiyak na sana ako sa sasabihin mo eh."

"Wag, nakaka-bakla yong ganoon." At sabay kaming natawa.

"Wag ka na din umiyak ah. Lalabas na yang mata mo sa pagkaka-maga oh."

"Oo na po."

"Good." At ginulo niya ang buhok kong magulo na nga.

"Si Mommy nga pala? Alam ko umiiyak din yon eh."

"Nag-uusap sila ni Tito David." Sagot naman ni Kuya Travis. "Halika na, pumasok na tayo. Kumain ka na din. Buong araw ka ba namang nasa kuwarto mo eh."

"Sige tara na." At ngumiti ako dahil ngayon ko lang naramdaman ang gutom. Kanina kasi ay hindi. Siguro kasi ay mas naka-focus ako sa pag-iyak. Kung hindi lang dumating si Adrian kanina, baka hanggang ngayon ay nasa kuwarto pa din ako, patuloy pa din sa pag-iyak.

"Bakit nga pala nilagyan mo ng kiss mark si Adrian?", Tanong ni Kuya Travis.

"Tingin mo ako nag-lagay n'on?", Tanong ko naman.

"Bakit? May iba pa bang maglalagay n'on?", Nagkibit-balikat ako at pini-pigilang huwag matawa.

Ano ba kasi ang pumasok sa utak ko at nilagyan siya ng kiss mark? Nang makita ko kasi ang leeg niya kanina, nakita kong ang ganda tingnan nang may ganoon siya sa leeg niya. Palatandaan ko na akin siya. Masasabi ko talagang akin siya.

"Gutom lang yan Ysabel, halika na." Rinig ko pang sabi ni Kuya Travis, inakbayan akong muli at naglakad pabalik sa loob.

Tiningnan ko pa si Adrian, at timing din na napatingin siya sa akin. Ngumiti siya kaya napangiti na din ako.

Inikot ko naman ang paningin ko sa mga nandito sa kusina.

Kuya's right.

I'm never gonna be alone, because I know I have them.


Comment