That Same Old Girl

XXXI. ASH



Tulala akong naglalakad dito sa labas ng library. Patungo ako ngayong cafeteria. 12:30 pa naman ngayon at baka nandoon pa sila Criza sa cafeteria.

Bago ko pa kasi makita ang sunod-sunod na pagluha ni Adrian ay umalis na ako. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili kong patahanin siya at yakapin at makikinig sa kung ano man ang sasabihin niya.

Kahit nararamdaman ko ang sakit ngayon dahil sa nangyari awhile ago. Nararamdaman ko din ang galit sa sistema ko. Dalawa ang nararamdaman ko towards Adrian. Pero mas pinairal ko ang galit ko kaya ko napagpasyahang iwanan siya. Baka kasi sa susunod ay may malaman muli ako sa kaniya na alam kong mas ikakagalit at ikakadurog ko. Kaya habang maaga pa, putulin ko na ang koneksyon ko sa kaniya.

Kung kami man talaga, tadhana na ang bahala.

12:30 pa lang ngayon, still lunch time at hanggang 2 ang vacant ko. So sa 2 hours na vacant ko ay hindi ko alam kung saan ako pupunta after lunch.

At dahil sa nararamdaman ko ngayon ay gusto ko na lang umuwi at magkulong sa kuwarto ko for the rest of the day. Doon ako iiyak ng sobra-sobra.

Pagdating ko naman sa pintuan ng cafeteria ay inilibot ko ang paningin ko sa loob para hanapin sila Criza. And there...

Nasa iisang table silang siyam. Mako-kompleto sana sila kung pupunta ako doon. Pero 50/50 akong pumunta doon dahil nakikita kong masaya silang naguusap. Masaya silang nagku-kuwentohan at ayoko namang sirain sa kanila iyong pagiging masaya nila. Baka kasi kapag nakagawa na kami ng plano ay hindi na nila magawang sumaya.

"Ui Ash! Dito!", Napabalikwas ako dito sa kinatatayuan ko dahil narinig kong tinawag ang pangalan ko ni Jasmine. Nakangiti silang nakatingin sa akin at ngumiti akong tumingin sa kanila saka naglakad patungo sa puwesto nila.

Pinaupo nila ako sa gitna nila Yna at Lorie. Nandito kami sa isang pang-sampong katao na table. Mabuti at mayroon n'on dito para kasya kaming sampo. Hindi naman masikip, talagang sakto lang talaga siya sa pang-sampo katao.

Napatingin naman ako sa mesa nilang wala pang pagkain. Bakit hindi pa sila nago-order?

"Oh bakit wala pang food?", Takang tanong ko dahil ayon nga, wala pa silang pagkain.

"Hinintay ka kasi namin." At talagang hinintay nila ako ah. Paano pala kung umuwi na lang ako ng biglaan. Edi hindi sila makakakain ng lunch nang dahil sa akin?

Napatingin naman ako kay Yna dito sa tabi ko siya kasi itong nagsalita. At nawala ang ngiti niya nang makita niya ang hitsura ko.

Naku, sana naman eh hindi niya napansin ang mata ko.

"Oh what happened?", Worried na tanong ni Yna sa akin. Napatingin naman silang lahat sa akin at bumuntong-hininga lamang ako sa harap nila.

"Ito ba yong sinasabi mong gagawin mo kanina?", Tanong naman ni Raiza na ikina-tango ko.

"Teka, ano bang ginawa mo?", Tanong naman ni Daniella at kumunot ang noo nilang lahat sa akin. Bumuntong-hininga naman ulit ako bago magsalita.

"I broke up with him." Mabilis na sagot ko. Gulat silang napatingin sa akin Tapos sila namang lahat ay tila ba walang imik dahil sa sinabi ko awhile ago.

Well sino naman ang hindi magugulat sa part na mahal na mahal ko ang taong iyon tapos iniwan ko lang bigla.

"Wait what?", Tanong ni Kyline.

"At kanino ka naman nakipag-break?", Tanong naman ni Nel at kunot-noo naman kaming napatingin sa kaniya.

Seryoso ba siya sa tanong niyang yan? Mukha ba akong madaming boyfriend ngayon? Ang landi ko naman kung ganoon. At saka ang ganda ko naman sobra n'on. Well maganda naman talaga ako. Duh.

"Kay Adrian kanino pa ba Nel?", Tanong naman ni Lorie.

"Malay mo may iba pa bukod kay Adrian." Depensa naman ni Nel.

"Hay naku Nel, umorder na tayong dalawa, gutom lang yan." Sabi naman ni Tony.

"Mabuti pa nga." Sabay tayo nilang dalawa ni Nel. "Same order ba?" At saka siya tumingin sa amin. At sabay kaming siyam na tumango. "Okie doki. Bayaran niyo na lang kami mamaya." Sabay alis nilang dalawa ni Tony. Natawa na lang ako sa sinabi ni Nel n'on. Akala mo tatakbuhan eh.

"So how are you feeling?", Tanong ni Lorie pero sasagot na sana ako nang biglang magsalita ulit si Lorie. "Huwag kang magsi-sinungaling."

"Ito, hindi okay. Gusto ko ng umiyak pero nasa school ako. Postpone ko na lang muna hanggang sa makauwi ng bahay." Sabay tawa ko.

"Ewan ko sa'yo Ash, hindi ko alam kung seryoso ka ba o hindi eh." Sabat naman ni Jasmine.

"Kaysa naman sa umiyak ako dito sa university diba? Nakakahiya yon." At natawa kaming lahat doon sa sinabi ko.

"Tama ka naman diyan." Sabay tango naman ni Raiza.

"Nakipag-break ka na talaga kay Adrian?", Tanong naman ni Criza na kaagad naman akong tumango. "So maybe I should break up with Henry na din." At kunot-noo naman akong napatingin sa kaniya.

"Kayo na?", Gulat na tanong ko dahil hindi ko alam ang bagay na iyon kaagad na tumango naman si Criza. "Eh kailan pa?", Dagdag kong tanong sa namumulang Criza ngayon.

Bakit naman kasi niya gagayahin iyong ginawa ko kay Adrian? Bakit niya iiwan din si Henry? Nanahimik iyong tao oh, walang ginagawa. Tapos itong si Criza eh gagayahin ang pang-iiwan ko kay Adrian. Kaya ko iniwan si Adrian dahil may rason ako. Eh si Criza ba meron para iwanan niya si Henry?

"Noong birthday lang ni Caleb, sinabi ko kasi na kapag mataas ang score niya sa Prelims sasagutin ko na siya. Eh after the exam, nakita nila agad ang mga scores nila, and luckily he got the highest score." At nangiti na lang ako sa kuwento ni Criza.

"Mga nagagawa ba naman ng pag-ibig oh. Pag-ibig nga naman, talagang nakaka-baliw." Iling-iling na sabi ni Daniella.

Tama si Daniella, nakaka-baliw talaga ang pag-ibig. Mabuti na lang at hindi ako nabaliw talaga. Dahil kapag nabaliw ako, ewan ko na lang.

"Hindi man makita sa mukha ko na masaya ako pero masaya talaga ako para sa'yo." At ngumiti ng pagkalaki-laki si Criza. "At huwag kang makikipag-break sa Henry na yon, bago nga lang kayo eh. You can work it out. Mabait namang tao si Henry, tiwala ako doon." At hinawakan ni Criza ang kamay ko. Nasa tapat ko kasi siya ngayon.

"Alam kong hindi ka talaga makaka-ngiti ngayon kaya okay lang. Pero salamat Ash, kung hindi dahil sa'yo, hindi kami magkaka-kilala." At natawa ako sa sinabi niya.

Nagkakilala kasi silang dalawa dahil sa akin. Medyo close na kami ni Henry n'on nang makilala niya si Criza. Si Henry kasi ang unang naka-close ko noon dahil sa pagdadala ng baon kay Kuya Travis. Nang minsang tamaan ako ng bola ni Henry at nabasag ang cellphone ko. Natamaan niya kasi ako kaya nabitawan ko ang cellphone kaya ayon nabasag. Kaagad naman siyang lumapit sa akin noon at humingi ng tawad. Umupo siya sa tabi ko at nang-hingi ng sorry. At sa sobrang sorry niya n'on ay gusto niyang palitan na ang cellphone ko, pero tanggi lang ako ng tanggi dahil kaya ko namang bumili ng bagong phone, no offense ah.

So dahil sa sorry niya n'on ay naging close kami. Kaya minsan kapag naghahatid ako ng baon kay Kuya Travis ay siya naman itong tumatabi sa akin para kausapin ako. And instead na mag-practice siya ay tumatabi na lang siya sa pag-upo sa akin at nagku-kuwentuhan kami. At sa pagku-kuwentohan naming iyon ay siya ang unang sinabihan ko na magkapatid kami ni Kuya Travis. Pero hindi siya nagulat doon, nakakatawa nga eh, silang lahat kasi ay akala eh girlfriend ako ni Kuya well except Levi, matagal ko ng kilala ang lalaking iyon. Kaya lalo akong natuwa n'on ng hindi niya inisip na mag-jowa kami ni Kuya.

Nagpatuloy ang pag-uusap naming iyon hanggang sa isang araw ay dinala ko si Criza sa basketball practice nila kuya Travis dahil bored daw siya. Wala naman kasi akong maisip na pagda-dalhan sa kaniya bukod doon, and besides doon din naman ang punta ko kaya sinama ko na siya.

Kaya simula n'on ay sila na ang nag-uusap. Samantalang ako kau binu-buwesit ni Adrian.

Naalala ko tuloy si Adrian. Akala ko iyon na ang pinaka-matindi naming away. Well biru-biruan lang naman iyon sa amin. Parang ano ba, parang galit na galit kami sa isa't-isa dahil sa mga asar naming dalawa. Tapos ngayon naman ay galit ako sa kaniya, dahil sa ginawa niya. Mas may iitindi pa pala iyon. At sure ako na galit din siya sa akin ngayon dahil sa pang-iiwan ko na naman ulit sa kaniya at hindi siya hinayaang mag-explain.

Ano naman kasi ang ipapaliwanag niya diba? Na trinaydor niya nga kami? Na konektado siya sa Aces? Na ginamit siyang spy sa amin ng Aces?

Sus kahit hindi niya na sabihin, alam ko na. Naulit na kasi iyon. Deja vu. Kaya hindi na ako magtatanong kung ano iyong ginawa niya.

Siguro mananatiling alaala na lang si Adrian sa akin.

May naisip ako. Iyong kuwento ni Criza at Henry ang kinu-kuwento ko diba? At bakit napunta kay Adrian aber?

Siyempre iniisip mo eh.

Oo naman. Hindi ko itatanggi yon. Nami-miss ko na nga siya eh. Gusto ko na siyang makita at yakapin at mag-sorry sa ginawa ko. Pero pipilitin kong hindi gawin iyon dahil mataas ang pride ko and still galit pa din ako sa ginawa niya. Psh.

"Here's the food guys." Rinig naming sabi ni Tony habang may dala-dalang tray na naglalaman ng mga inorder naming pagkain. Kaniya-kaniya naman silang kuha doon.

"Oh anong drama yan at bakit namumula ka Criza?", Sabay sulpot naman ni Nel sabay bigay sa pagkain naming dalawa ni Criza.

"Ah hehe. Sinagot ko na kasi si Henry last week pa." Sagot ni Criza at gulat na gulat silang dalawa ni Tony.

"Oh? Mabuti naman at sinagot mo na ang lalaking yon. Tagal-tagal niya ng nanliligaw sa'yo eh, tapos nalaman mo lang na break na sila Adrian at Ash biglang hindi mo na din siya kinausap." Sambit naman ni Tony.

"Baka naman ngayong break na sila Adrian at Ash, eh iwan mo din agad yang Henry mo. Naku, maglalaban talaga tayo sa underground sinasabi ko sa'yo." Natawa naman kami sa sinabi ni Nel. Si Nel talaga ang hilig sa away. Parang kaming lahat hindi ah? Hahaha.

"Well for your information Nel, sinabi niya na yan awhile ago. Pinigilan lang nitong si Ash." Explain naman ni Daniella.

"Naku ka talaga Criza, kapag iniwan mo pa ang lalaking kagaya ni Henry na mabait at guwapo, iiyak ka talaga." Pang-aasar naman ni Nel.

"Tama si Nel, Criza." At tumango si Criza at tiningnan kaming lahat ni Tony. "Bar tayo mamaya?"

"Hoy ano ka ba! Bar ka diyan. Kita mong malungkot si Ash ngayon tapos mag-aaya ka diyan." Sagot naman ni Kyline.

"Okay nga yon eh, para mawala sa isip niya si Adrian. Diba Ash?", Sabay baling naman ni Tony sa akin. Tony talaga puro party. Pero kahit na puro siya party, grade conscious yan. Makakita lang ng 1.75 sa grade eh maglulupasay na siya sa iyak. Alam niyo ba kung ano course niya? Education lang naman, tapos laging nasa bar.

"Maganda nga iyon. Pero hindi na muna ako sasama sa bar, wala akong gana pumarty eh."

"Ahh ganoon ba? Edi hindi na din kami paparty, kapag wala ang isa, hindi ma tuloy. Gusto mo sa bahay mo na lang tayo? Inom tayo, my treat." Ngiting tanong naman ni Tony.

"Hindi na muna, wala talaga ako sa mood. Gusto ko munang mapag-isa." Sagot ko.

"Basta huwag mo kalimutan na nandito lang kami para sa'yo ah."

"Oo ba." Ngiting sabi ko sabay lipat sa pagkain ko ang tingin ko. Kinuha ko iyong kutsara at tinidor.

Pero susubo na sana ako nang bigla kong marinig ang speaker dito sa Cafeteria. Boses ng isang babae na hindi naman pamilyar ang boses sa akin.

"Ms. Ash Ysabel Jimenez, please proceed to Dean's office. The Dean's wants to see you."

Napatingin naman silang siyam sa akin samantalang ako ay nakatingin sa speaker habang nasa tapat ko na ang isusubo kong kanin.

"Ms. Ash Ysabel Jimenez, please proceed to Dean's office. The Dean's wants to see you."

Aba't inulit pa nga. Hindi ba puwedeng kumain na muna? Nagugutom na nga ako oh. Nagugutom na nga ako, nasasaktan pa. Hindi ba puwedeng kumain na muna ako? Para naman may energy ako kahit na maglakad na lang papuntang Dean's Office.

"Ms. Ash Ysabel Jimenez, please proceed to Dean's office. The Dean's wants to see you." Rinig naming muli sa speaker but this time lalaki na ang boses niyon at pamikyar na iyon sa akin. "It's urgent..."

"Sabi ko nga hindi pa ako makakakain." Sabay tayo ko at kuha ng bag ko. Napatingin naman ako sa akin lahat ng nandito sa Cafeteria dahil doon.

"Umuwi na si Tita Ryza?", Tanong ni Raiza sabay subo ng kanin.

"I don't know. Sige mauna na ako, kainin niyo na lang yong pagkain ko." At humarap ako kay Tony. "Hindi ko na babayaran yan ah." At tumango lang si Tony ako naman ay naglakad na palabas ng Cafeteria.

Paglabas ko naman ng Cafeteria hindi ko alam pero lahat ng tao sa hallway ay nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung may dumi ba ako sa mukha o sadyang kilala nila ako at narinig nila ang pangalan ko sa speaker. O kaya naman ay iniisip nilang may ginawa akong katarantaduhan kaya pina-papunta akong Dean's Office.

Wala kaya, nanahimik ako dito oh. Nasasaktan at nagugutom na nga ako dito oh tapos ako pa ang may ginawang katarantaduhan. Tss.

Ewan ko ba at kung anong trip ni Stanley at binanggit niya ang pangalan ko sa speaker. Buong university pa naman ay may speaker. Bukod sa CR siyempre. Ano bang kailangan niya sa akin ngayon at pina-papunta niya akong Dean's Office? And the worst sa speaker pa niya talaga ako tinawag. Puwede namang sa cellphone ko na lang.

Gutom niya yata ang Stanley na iyon kaya niya nagawa iyon. Mabatukan nga yon mamaya pagdating ko doon.

Pero ano bang kailangan niya sa akin? At gusto niya akong makausap? Kakakita lang namin kaninang umaga at nakapag-usap naman kami kanina so anong kailangan niya sa akin ngayon?

At dahil wala naman ako sa mood para pansinin ang mga tao na nasa hallway na nakatingin sa akin ay isina-walang bahala ko na iyon at nagpatuloy na lang sa paglalakad patungo doon  sa Dean's Office.

Dapat lang na may pagkain talaga doon si Stanley. Alam niya na lunch eh, tatawagin niya ako bigla.

Hindi kaya alam niya na na break na kami Adrian... Ulit? At kung ganoon, paano naman niya nalaman? Malamang kay Adrian, close na sila n'on eh. Psh.

Nang makarating naman ako sa labas ng Dean's ay nag-buntong hininga ako. Wala ng katok-katok. Binuksan ko na agad ang Dean's Office.

At nakita ko doon si Stanley na nakaupo sa swivel chair na palaging inuupuan ni Tita Ryza. Si Tita Ryza kasi ang Dean ng university dito samantalang si Tito James naman ang may-ari ng university na ito.

Habang may nakaupo namang babae sa tapat ni Stanley. Hindi ko naman siya pinansin dahil ayon nga wala ako sa mood. Si Tita Ryza kasi ang Dean ng university dito samantalang si Tito James naman ang may-ari ng university na ito.

"Anong kailangan mo? Kita mong lunch eh, ginugulo mo ko. Kitang gutom na yong tao eh." Inis kong sabi sa kaniya sabay sara ng pinto at tumayo sa likod ng pinto.

Pero si Stanley, as usual. Ngiting aso ang sinagot sa akin.

"Look who found me." Ngiting aso na naman si Stanley sabay sandal sa swivel chair ni Tita Ryza. Hindi naman kaniya yan eh, lakas ng loob umupo eh hindi naman kaniya yan.

Tinaas ko ang kilay ko sabay cross arms. "At sino naman? Siguraduhin mo lang na matutuwa ako ah, pagtapos nito, bilhan mo ko ng pagkain. Gutom na gutom na ako." Inis ko pa ding sabi sa kaniya.

"Oo ba." Sabay ngiting aso naman ni Stanley.

Maya-maya naman ay tumayo iyong babae at tila ba nawala na lang bigla ang inis ko nang makita ko ang mukha ng babaeng nakaupo kanina sa tapat ni Stanley.

She's wearing an army green trousers, a black shirt na naka-tuck in sa trousers niya. At isang white Fila shoes. Na bumagay naman sa katawan niya. Mukha tuloy siyang stick sa sa suot niyang ito ngayon. Chos.

Kung payat siya, mas payat kasi ako. Mabuti na lang at hindi ako nagta-trousers o nag-pantalon ngayon. Mukha pala talaga akong stick na naglalakad kapag naka-pantalon o trousers. Tapos ni isa wala man lang nagsabi sa akin n'on. Na mukha akong stick.

Kaya simula ngayon hindi na ako magta-trousers at pantalon. Magde-dress na lang ako palagi. Palagi talaga? Paano kung may bakbakan na kami? Edi makikita yong cycling ko? Amp.

Mabuti na lang ngayon at naka-dress ako ngayon, hindi ako mukhang stick o kaya naman lumpia.

Ouch, gutom na talaga ako ngayon katawan ko ginagawa ko ng lumpia.

"Ysabel..." At napatingin naman akong muli sa mukha niya. At hindi nga ako namama-likmata. Si Lacey nga, iyong kaibigan namin mula no'ng high school. Na high school sweet heart ni Stanley.

She hasn't change at all. Iyong itim niyang hanggang balikat na buhok. Iyong mga tingin niyang isang tingin palang niya ay alam niya na ang nararamdaman mo. And lastly, iyong ngiti niya na akala mo wala siyang problema.

"Lacey..." Sabi ko at dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Ganoon din naman si Lacey, ngumiti siyang lumapit sa akin. "Glad you're here, where have you been?", Pero hindi siya sumagot. Tanging ngiti lang ang isinagot niya sa tanong ko. Itinaas naman niya ang dalawa niyang kamay kaya kaagad akong lumapit sa kaniya upang tanggapin ang yakap niya.

And in that hug, it just feels warm.

Na tipong sa sobrang lungkot at sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon ay tila ba nabawasan ang pakiramdam ko na iyon dahil kayakap ko ang isa sa taong mahalaga sa akin.

I'm glad that one of my close friends came back. Well I've been friends with Criza and the others since high school. Sadyang hindi lang sila close ni Lacey dahil medyo ayaw kausapin ni Lacey ang mga iyon. Mga mukhang mayayaman raw kasi at feeling niya eh hindi siya belong.

Pero ngayong nandito na si Lacey ulit ipapakilala ko na siya sa kanila Criza ulit. And sana this time ay magustuhan niya na sila Criza. It's been years naman na kasi.

Pero bakit nga ba nawala si Lacey? Saan siya nagpunta? Ni isa man lang sa amin ay hindi alam kung saan siya nagpunta eh. Nang umalis nga si Lacey ng walang paalam ay mabaliw-baliw na si Stanley kakahanap dito kay Lacey eh. Sa kakahanap niya, bigla na lang siyang napagod at tumigil na. Sinabi niya pa noon na 'kung para man siya sa akin, babalik siya.' At noong araw ding iyon ay huli niyang banggit sa pangalan ni Lacey. Kinalimutan niya na nga siguro si Lacey eh. Iniwan ba naman ng biglaan eh.

Kahit man hindi sabihin ni Stanley na nasasaktan siya, halata naman sa ikinikilos niya noon. Na walang kinakausap maski isa at tanging sa kuwarto lang palagi. Mabuti nga at no'ng second year kami ay sumaya-saya siya ng kaunti. Oo kaunti lang, nahalata ko kasi iyon dahil medyo mailap pa siya sa ibang tao na gustong makipag-kaibigan sa kaniya. Well except doon sa mga ka-gang niya, matagal niya ng kakilala iyon eh. Yon bang mga gustong makipag-kaibigan sa kaniya. Ni babae man ay wala siyang ibang natipuhan at niligawan.

Pero back to my question, saan nga ba nagpunta si Lacey at nawala na lang bigla? Nawala na lang for three years?

But I guess it's not important right now. What's important right now that she is here. She is already here. She came back. Madami pa namang araw para tanungin siya sa bagay na iyon.

For now, I just want to feel this hug. It's been a long time since she hugged me and hugged her. And you know what, I miss this.

I face Stanley and I mouthed 'I'm happy for you.' And then he smiled back at me. Not a smirk one but a true smile.

It seems that the love story that was interrupted before will start again. Soon...



Comment