That Same Old Reasons

XVI. ASH



"Adrian?!", Gulat kong tanong dahil nandito si Adrian sa labas ng kuwarto ko. Nasa labas ng bintana ko, at nasa harap ko...

"Anong ginagawa mo-", naputol ang itatanong ko sana nang bigla niya akong niyakap.

"This is my home..." At napa-pikit na nakangiti ako nang sabihin niya iyon. "I miss my home..." Bulong niya kaya hinayaan ko ang sarili kong yakapin siya pabalik.

Pag-tapos niyon ay bumitaw siya sa yakap at humarap siya sa akin. Kaya ako naman ay dumilat. Dahil nakakahiyang makita niyang naka-pikit ako.

Baka isipin niya pa eh gusto ko itong ginawa niyang pag-yakap sa akin. Which is totoong gusto ko naman talaga. Na-miss ko kaya ang yakap na iyon. Siyempre pati siya na-miss ko din. At siyempre di ko aaminin iyon dahil nakakahiya.

Hindi pa nga maka-get over doon sa pagsabi ko ng I love you sa kaniya noong party ni Mommy eh. Tapos another kahihiyan na naman ang ipapakita ko kay Adrian?

Aba! Hindi puwede iyon ah.

"Can I come in?", Rinig kong tanong niya na ikina-gulat ko.

Bakit? Anong gagawin niya dito sa loob? Anong gagawin namin dito sa loob ng kuwarto ko?

"Don't worry. Mag-uusap lang tayo." At natawa siya sabay pasok doon sa bintana kaya naka-pasok na siya fully sa kuwarto ko.

Pero bakit siya natawa? Nakita niya ba ang gulat sa mukha ko awhile ago? Ano na lang iisipin niya? Baka isipin niya green minded ako.

Nakaka-hiya ka talaga Ysabel!

At saka isa pa, hindi pa ako umo-o na pumasok siya diba? Pero siya itong pumasok agad. Trespassing 'to ah.

Nang maka-pasok siya sa kuwarto ko ay inilibot niya ang paningin niya sa kuwarto ko. Wala namang espesyal dito sa kuwarto ko. May queen sized bed na may katabing table na bedside table kung tawagin. Tapos sa tapat naman ng kama ko ay study table kong minsanan ko lang magamit dahil sa kama ako nagre-review hanggang sa maka-tulog. Tapos sa kaliwa naman ng kama ko ay itong bintana na pinasukan ni Adrian. Tapos sa medyo kalayuan naman ay iyong closet ko, katabi naman niyon ang CR. And lastly, iyong color maroon na wallpaper background na nagpapa-kalma minsan sa akin.

Favorite ko kasi ang maroon. Sobra.

Sinarado ko ang bintana dahil malamok. At lumapit kay Adrian.

"So anong ginagawa mo dito?", Tanong kong muli. Kaya humarap siya sa akin na nakangiti at niyakap akong muli.

Adrian was right. He miss his home. And so was I. Na-miss ko siya ng sobra-sobra. Na-miss ko siyang kayakap ko. Na-miss ko siyang kausap sa mga bagay-bagay. Tulad na lang alien kapag wala na kaming topic. At lalong-lao na, na-miss ko siyang nandito sa harapan ko. Nang ganito ako kalapit sa kaniya.

Itanggi ko man ay iyon ang nararamdaman ko ngayon towards him.

Pero anong ginagawa niya dito? At this hour? In this middle of the night?

Eh diba break na kami? So bakit pa siya nandito?

Pero sa kabila ng pag-iisip ko sa mga sagot sa mga iyon ay napa-pikit na lamang ako nang dahan-dahang umangat ang dalawang kamay ko at niyayakap siya ulit pabalik. Kaya ayon, humigpit ang mga yakap niya.

"I miss you Ysabel." Bulong lang iyon pero rinig na rinig ko iyon mula sa kaniya.

Gusto kong sabihin sa kaniya na na-miss ko din siya pero tinikom ko ang bibig ko. At ninamnam na lang ang yakap dahil baka ito na ang huli.

Ito na ang huli...

How I wish it won't last...

At humarap sa akin si Adrian nang may ngiti sa labi kaya ngumiti din akong naka-harap sa kaniya.

Tama na muna ang pag-iisip sa ibang bagay.

Gusto ko munang mag-stay duto sa isang munting panaginip kung saan nandito sa harapan ko si Adrian. Kung saan nasa harap ko ang mahal ko. Kung panaginip man ito ay ayaw ko ng magising pa.

Tama si Kuya Travis. Magiging masaya din ako. Sa panagingip nga lang.

Pero bakit ang bilis? Hindi naman sa nagre-reklamo ako, nagta-tanong lang.

Sadyang hindi lamang ako maka-paniwala dahil nandito siya sa harapan ko, nasa kuwarto ko... At this hour... In the middle of the night...

"I love you." Rinig kong sabi niya na nagpa-bilis ulit ng tibok ng puso ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ulit ang mga salitang iyon mula sa kaniya. Tila ba nagkaka-siyahan ang mga nasa loob ko nang marinig iyon ulit kay Adrian.

Pero...

"Anong ginagawa mo dito?", Seryosong tanong ko kahit deep inside ay gustong-gusto kong sumagot ng I love you too sa kaniya.

"Aren't you happy to see me?", May lungkot sa boses ni Adrian.

Masaya akong makita kang muli Adrian. That was I supposed to say but I don't want to hear him that.

"I'm asking you Adrian, what are you doing?", Tanong kong muli.

"To tell you I miss you and I love you." Kahit gusto kong ngumiti ay pinilit kong hindi ipakita sa kaniya iyon. Mamaya ko na lang ilalabas itong pagka-kilig ko kapag naka-alis na siya.

"Pero hiwalay na tayo, isang buwan na ang nakakalipas." Sagot ko.

"Ysabel hindi ko kaya." And this time lumungkot na ang mukha ni Adrian.

"Adrian..." Lungkot kong sabi. "Hindi puwedeng hindi mo kayanin." At nagulat ako nang makita ko ang sunod niyang ginawa.

Lumuhod lang naman siya sa harap ko...

"Ysabel kung may nagawa man ako kaya ka nang-iwan... Kaya mo 'ko iniwan... Patawarin mo na ako oh."

"Bumalik ka na sa'kin oh... Mahal na mahal pa din kita..."

"Adrian-" pero hindi na naipag-patuloy pa iyong sinasabi ko pero nag-salita na siya.

"Ysabel okay lang sa'kin na kayo pa din ni Stanley, basta ba sa akin ka pa din... Okay lang sa'kin kung gawin mo 'kong alipin. Okay lang sa'kin kung sa'kin mo ipapagawa ang mga school works mo. Okay lang sa'kin kapag ako ang gusto mong mag-bitbit ng mga gamit mo. Okay lang sa'kin kung sasabihin mong kailangan mo ng pagkain, magha-hatid ako sa'yo kahit anong oras. Okay lang sa'kin kung maisipan mong damitan ako ng babae..." At dito na tumulo ang luha ko. Pero sa kabila niyon ay napangiti na lang din ako sa mga sinabi niya. "Okay lang sa'kin kahit ano man ang gusto mong ipagawa Ysabel. Basta ba at the end of the day... Matatawag kitang akin. Basta ba sa'kin ka babalik... Babalik ka sa'kin..."

"Promise Ysabel gagawin ko lahat bumalik ka lang sa'kin... Oh please?"

At napatigil ako nang makita kong may tumulong luha sa mga mata niya. At dahil sa mga luha niyang iyon ay napa-luha ako lalo.

Nasasaktan ako dahil nasasaktan siya ngayon.

Hindi ito ang naisip kong kahihinatnan ng plano ko. Hindi ito yong nasa harap ko siya ngayon. Naka-luhod, nagmama-kaawa at umiiyak.

Malayong-malayong sa naiisip kong galit siya, kinamu-muhian ako at halos isumpa niya na ako. Dapat ayon ang ginagawa niya sa mga oras na ito. Hindi itong ngayon. Hindi itong nangyayari ngayon.

"Adrian... Hindi puwede... Hindi mo 'ko puwedeng mahalin..." Mahina kong sabi pero alam kong narinig niya iyon dahil napatingin siya sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?", Taka niyang tanong.

"Adrian... Hindi ko puwedeng sabihin sa'yo. Ayaw kong madamay ka..."

"Ysabel ano yon? Para aware naman ako oh. Please?", Tanong niya na nagpa-iyak lalo sa akin.

"Kapag ba sinabi ko sa'yo... Ako pa din ang gugustuhin mo? Ako pa din ba ang hihilingin mong makasama? Ako pa din ba ang... Mamahalin mo?", At napatayo na lang siya bigla at humarap sa akin. At nakita kong patuloy ang pag-tulo ng mga luha niya sa mga mata niya.

"Oo naman. Kahit ano ka pa man Ysabel, tatanggapin kita. Kahit pa alien ka na galing ka sa ibang universe. Ikaw pa din ang gusto ko... Ikaw pa din ang hihilingin ko. Ikaw pa din ang mamahalin ko..." At nakangiti akong nakatingin sa kaniya.

Pinahid ko ang mga luha na bumagsak sa pisngi niya.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Adrian ang totoo. Hindi ko alam kung ito na ba yong tamang araw at panahon para sabihin sa kaniya iyon.

At mas lalong hindi ko alam kung tatanggapin niya ba talaga ako after ko sabihin sa kaniya.

"Ysabel..." At dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin.

And the last thing I know is he's starting to kiss me...

At bago pa ako madala sa mga halik na iyon ay naitulak ko siya ng mahina at tumalikod sa kaniya, kaya naka-harap ako ngayon sa bintana. At pinunasan ang mga luha kong patuloy pa din sa pag-tulo.

And I gave a sigh.

"Gangster ako Adrian..." Panimula ko. "I enter the gang world when I was a senior in high school... No'ng una, it was okay. But I guess all things has an end. Something happened. That's why gumanti kami ni Kuya Travis sa kabilang gang... And after years nang pananahimik nila. Bumalik sila..." At saka ako humarap kay Adrian na gulat na gulat. Siguro ina-absorb niya pa ang mga sinabi ko.

"At hindi porket iniwan kita noon, hindi na kita mahal. Ayon lang kasi ang nakikita kong paraan para lumayo ka sa akin. Para... Para kamuhian mo 'ko..." At tumulo na naman ang luha ko. "In that way, hindi ka nila makikilala... In that way mapo-protektahan kita. Dahil hindi ko mapa-patawad ang sarili ko kapag may nangyari sa'yong masama..." At nakangiti akong hinawakan ang pisngi niya.

"Mahal kita eh... Sobra-sobra... And I won't let anything bad happen to you." At bigla na lang niya akong niyakap.

"Mahal din kita Ysabel. At hayaan mong mahalin ulit natin ang isa't-isa. I don't care if you're a gangster..." At humarap sa akin si Adrian. "Basta para sa akin, ikaw yong Ash Ysabel na mahal na mahal ko..." At niyakap niya ako ng mahigpit.

At humarap ulit siya sa akin.

"Ahm Adrian, si Stanley-" pero pinutol niya ang sasabihin ko.

"Shh, stop worrying. I'm here. Sasamahan kita sa lahat." At napangiti na lang ako sa sinabi niya.

Ayaw niya siguro kay Stanley.

"So, payag ka bang... Payag ka bang mag-simula tayo ulit? Kasama ako?", At natawa ako sa tanong niya.

"Siyempre naman." Sagot ko at niyakap niya ako ng mahigpit na akala mo na-miss niya ng sobra-sobra.

Na akala mo wala ng bukas...



Comment