That Same Old Place

LI. ADRIAN


Nakapanga-lumbaba ako dito sa kinauupuan ko habang nakatingin sa babaeng Prof namin na nagtuturo sa accounting.

She has a creative way of teaching para raw hindi mabored o antukin ang mga estudyante. Idagdag mo pa na ilang taon lang ang layo ng agwat ng mga edad namin kaya makikitaan mo siya na may pagka-kwela. Ka-one call away la ng mga estudyante. Major subject namin siya pero hindi siya terror gaya ng iba. Tapos dahil ilang taon lang ang agwat namin ay halos lahat ng mga kaklase naming lalaki ay may gusto doon sa Prof na iyon.

Oo maganda siya. Mabait at palangiti. Pero hindi ko siya naging type. Kahit noong nag-break kami ni Ysabel ay hindi ko pa rin siya nagustuhan.

Ganoon lang talaga siguro kapag sobrang in love na in love ka sa isang tao. Kahit nasa kaniya na ang mga magagandang katangian ay nauuwi ka pa rin sa nakasanayan mo. O kaya naman ay doon ka talaga sa mahal ng puso mo. 'Yong gangster, 'yong palaging nakasimangot at lalo na iyong hindi siya malapitan ng kahit na sino dahil kapag titingin siya, iisipin mo na parang sinasaksak ka na sa isip niya.

Sa madaling salita, uuwi at uuwi pa rin ako sa taong mahal ko. Kahit anong mangyari, kay Ash Ysabel Jimenez pa rin ako uuwim

Napatingin naman ako sa orasan ko sa pulsohan at nakita kong may kalahating oras pa bago ang dismissal namin. Siyempre wala naman akong magagawa doon kaya pinilit ko na lang talaga na ibuka ang mga mata ko. Inaantok na kasi ako mula pa kanina. Inaantok at tinatamad na ako mula pa kanina.

Siguro ay gusto ko ng umalis kaagad dito sa university at magtungo sa ospital kung saan nandoon si Ysabel. Hindi naman sa hinihiling ko na matulog pa muna si Ysabel pero sana ay tulog pa siya para paggising niya ay nasa tabi niya na ako. Gusto kong ako nasa tabi niya once na magising siya. 30 minutes na lang naman ay dismissal na namin kaya sana tulog pa si Ysabel sa mga oras na 'to. Kung hindi nga lang ito major, malamang nasa ospital na ako kanina.

"Dude, gusto mo?", bored na bored akong tumingin sa katabi kong si Stanley. Napatingin naman ako sa binibigay niya sa akin. At nakita ko na kumakain pala siya ng M&M's.

Kita mo 'tong lalaking 'to. Pati pagiging chocolate lover ni Ysabel, na-adopt na niya.

"Pampawala ba ng antok 'yan?", tanong ko sa kaniya. Para naman kapag pumunta na kami kay Ysabel ay marami akong energy. This time, babawi ako kay Ysabel. Babawi ako sa mga oras na nawala'y ako sa kaniya.

"Aayain ba kita kung hindi?", at nang-aasar pa ang isang ito. Inaantok na nga 'tong tao oh. Eh kung sapakin ko kaya 'to? Malalagot ba ako kay Ysabel kapag sinapak ko ang pinansin niya?

"Ito naman hindi mabiro, kuha ka na. Mukhang pagod na pagod ka na eh." Hindi ko siya sinagot sabay kuha ng ilang piraso ng M&M's sa kaniya.

Ngumu-nguya ako habang kunwaring nakikinig sa Prof nang may sinabi na naman sa akin si Stanley. At sa sinabi niyang iyon ay hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.

"Olivia's staring at you the whole time." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Stanley. Walang ano-ano ay tiningnan ko ang babaeng nasa harapan nakaupo katabi ng mga kaibigan niya.

She was smiling at me. The fuck?! Why is she smiling at me?! I don't want that smile. It feels like she has a plan in her mind. That's why she's smiling like that. She's evil grinning.

So what's her plan now huh?

Anong plano mo ngayon Olivia?

But who am I to ask? Malalaman ko rin naman iyon.

"Just try to smile at her. Hindi 'yong mukha kang tuod diyan." Bulong naman ni Stanley sa akin.

At bakit ko naman ngi-ngitian ang babaeng iyon? Ano siya sinu-swerte? Pumayag na nga ako na maging boyfriend niya and then she wants more? Well yeah, it's all planned pero not to the point na okay na ako sa kaniya.

Nakuha na namin ang lahat ng kailangan namin kay Olivia kaya dapat ay iwan ko na siya bago pa mahuli ang lahat. But who am I to do that kung alam ni Olivia kung sino ang alas ko? And it's Ysabel all along. Paano ko bibitawin si Olivia kung alam niya ang kahinaan ko ay si Ysabel? Mapapahamak si Ysabel once na hindu ko sundin ang gusto ni Olivia. Shit naman oh!

Tapos itong si Stanley pa, nang-aasar pa siya na ngitian ko pa si Olivia. Okay lang ba si Stanley? Ngi-ngitian ko ang babaeng gustong ipahamak si Ysabel? Ngingitian ko ang babaeng naging dahilan ng paglayo ng loob sa akin ng mahal ko.

Tsh. Maybe in her dreams I'll smile back at her.

"Ang sungit mo ngayon. Nahawa ka na kay Ysabel." Bored ko namang tiningnan pabalik si Stanley sabay dukot ulit ng M&M's sa kaniya havang nagku-kunwaring nakatingin sa Prof na nagtuturo sa harap. I should be listening to her dahil major subject ang tinuturo niya. But here I am, I'm bored.

Ilang minuto ang lumipas nang tumunog ang bell hudyat na dismissal na namin. Bigla rin namang nawala ang pagka-pagod at pagka-antok dahil lang sa bell na iyon. At napalitan ng full energy. Thanks to that M&M's. Or maybe dahil makikita ko na si Ysabel. Sana ay mahimbing pa rin siyang natutulog ngayon. At sana ay magising siya ay nandoon na ako sa tabi niya. That I was holding her hand until she finally wakes up.

"Hoy! Kanina mukha kang tuod. Ngayon naman ay mukha kang baliw sa laki ng ngiti mo." Sabay batok niya sa akin. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin dahil pinuputol niya ang pag-iisip ko kay Ysabel. Pero tumawa lang siya.

"Hindi ko alam kung bakit ka nagustuhan ni Ysabel. Paano niya natitiis 'yang kabaliwan mo. Ngumti ba naman mag-isa. Tss." Sabi niya sabay iiling-iling. "Hindi ko rin maintindihan kung anong nagustuhan sa'yo ni Ysabel eh laging galit itsura n'on."

"Alam mo tawag doon dude?", saka ako tiningnan ni Stanley habang kinukuha niya ang gamit niya sa desk. Mabuti pa ito at may naintindihan sa lesson kanina. Ako ay maski ni isa ay wala.

Pero kahit hindi siya sumagot ay sumagot pa rin.

"Totoong nagmamahalan kami." Kumunot naman ang noo niya kaya natawa ako.

"Opposite always attracts. And that's love." Ngiting sagot ko.

Maisip ko pa lang ang concept ng love ay napapangiti na ako. Love? It's all about that girl. It's all about Ash Ysabel Jimenez.

"Ang corny mo dude. Tara na nga." Sabay tayo niya at naunang naglakad. Ako naman ay tumayo at sumunod na sa kaniya.

Napahinto ako sa paglalakad nang biglang harangan ni Olivia ang dinaraanan ko. Nakangiti pa rin siya tulad ng ginawa niya kanina. Kaya itong mukha ko ngayon ay kumunot na naman ang noo.

Ano namang gagawin niya ngayon? Hindi niya ba alam na busy ako? Hindi niya ba alam na may pupuntahan pa ako na mas importante pa kaysa sa kaniya?

"What are you doing Olivia?", pigil ang inis kong tanong sa babaeng nasa harap ko ngayon. Kung wala lang siya sa harapan ko ngayon ay malamang nandoon na kami sa parking lot at ini-start ko na ang kotse ko patungo sa ospital upang makita ko na si Ysabel.

"Well... We're going on a date." Ngiti niya pang sagot na tila ba proud na proud siya sa sinabi niya.

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Kumunot ang noo na para bang magdidikit na ang dalawang kilay ko.

And why would I do that? Why would I date her? Ida-date ko ang babaeng gustong ipahamak ang taong mahal ko? No the hell way!

Sasagot na sana ako ng hindi nang bigla namang nagsalita si Stanley.

"Ang bagal mo naman Adrian. Halika na. Pinapatawag tayo sa Dean." Inis na inis itong si Stanley. Kaya ako naman ay walang ano-ano ay nilagpasan ko si Olivia.

Stanley saved me there.

"Thanks for that." Sabi ko kay Stanley.

"Anong thanks for that? Gago totoo 'yon!", sagot niya.

"Hah?", taka kong tanong. Bakit kami pina-patawag sa Dean's Office eh wala naman kaming ginagawa?

"Totoo iyon dude kaya pumunta na tayo." Sambit ni Caleb kaya nagpunta nga kami sa Dean's Office.

"What the hell happened to Ysabel yesterday?!", rinig naming sigaw ni Mr. Enriquez.

Hindi lang siya basta sigaw kundi galit na galit siya ngayon sa harap namin. Hindi ko lang alam kung kanino sa amin siya galit. Lalaking-lalaki ako pero when it comes to Mr. Enriquez's anger ay tila ba natatakot ako. Nakakatakot naman kasi talag itong si Mr. Enriquez dahil sa galit nito. Sa galit nito na puwede niyang gawin ang ano mang naisin niya.

Gwapings pa rin naman itong si Mr. Enriquez kahit nasa 40's na ito. Pero sa laki ng katawan niya, hindi siya mataba ah. It's just puro muscle ang nasa katawan niya ay matatakot ka na. Idagdag mo pa na gangster din siya noon. Hindi ko na lang alam kung hanggang ngayon pa rin ba. Lawyer pa siya ngayon. So that means madami siyang connections. Ewan ko lang kung hindi ka niya mahanap in just one snap. Para pagbayaran ang mga nagawa mong kasalanan sa kaniya.

Idagdag mo na rin na sila ang may-ari nitong university. Kaya tiyak mataas talaga siyang tao. Hindi nga ako makapaniwala na mag-ama silang dalawa ni Stanley. But no wonder, may maganda silang lahi. Kahit nasa 40's na, gwapings pa rin. Sana gwapings pa rin ako kapag nasa ganiyang edad na ako.

That's why I'm scared of him. Hindi sa bakla ako pero something in him just says, maling-mali kapag binangga mo siya.

"What happened to Ysabel yesterday, Stanley?!", sigaw pa rin ni Mr. Enriquez.

"Well Dad... Ysabel was hurt." At seryosong napatingin sa kaniya si Mr. Enriquez.

"Details Stanley." At napalunok ako sa sinabing iyon ni Mr. Enriquez.

"Well Dad... Hindi namin alam ang buong nangyari. Inabutan na lang namin si Ysabel na nakahandusay sa daan. And..."

"She's unconscious Dad. She was already lying in her own blood when we get there." Dagdag ni Stanley kaya lalong kumunot ang noo ni Mr. Enriquez.

"Already?", kunot-noong tanong ni Mr. Enriquez.

"Yes Dad because she was shot."

"She was shot at wala man lang ni isa ang tumulong sa kaniya?", at tiningnan niya kaming amin.

"I don't know Dad. Maybe they're afraid."

"But Lacey was there, Mr. Enriquez." At nilipat niya ang tingin niya sa akin. Tila ba hinihintay ako ni Mr. Enriquez na dugtongan ang sinabi ko. "Lacey was there, Mr. Enriquez. She was the one who told us about Ysabel is in trouble."

"Lacey?", saka bumalik ang ni Mr. Enriquez sa anak niya.

"I was thinking, if Lacey called you. Bakit naabutan niyo na si Ysabel na nakahiga sa sariling dugo? At bakit tinawag pa kayo ni Lacey kung nasa labas lang ng university nangyari ang insidenteng iyon? Hindi ba dapat 'yong Guard na mismo ang tinawag niya dahil iyon ang pinaka-malapit?", at nagka-tinginan kaming anim. Sa yanong na iyon ni Mr. Enriquez ay alam na namin ang sagot.

"Walang Guards na nagba-bantay kahapon Dad." At narinig ko ang boses na iyon ni Stanley na may halong galit.

Samantalang si Mr. Enriquez naman ay pinindot ang telepono niya saka nagsalita.

"Call the 5 Guards. Tell them to come here at my office right now!"

Naghintay kami doon ng ilang segundo bago namin nakita sa harapan namin ang limang Guards na dapat nagba-bantay kahapon sa gate ng university. Lumapit naman si Mr. Enriquez sa kanilang lima.

"Nasaan kayo kahapon at bakit hindi kayo nagba-bantay?!", galit na sigawpa rin ni Mr. Enriquez. Masasabi kong mas galit na galit si Mr. Enriquez ngayon.

Naghintay ulit kami ng ilang segundo pero wala kaming narinig na sagot maski isa man sa kanila.

That made me think. Paano kung kakuntsaba ng Violet Claws itong limang Guards kaya wala sila kahapon doon sa Guard house ng entrance nitong university. I know it's impossible. But it's possible right?

"You are all fired!", rinig na lang naming sigaw ni Mr. Enriquez.

"Pasensya na po Sir. Isang pagkakataon pa po. Hindi na po iyon mauulit." Sagot ng isang Guard.

"No! Kung nandoon lang kayo at nagba-bantay, hindi mapapahamak si Ysabel!"

"Sir-"

"Kung ibang tao iyon ay okay lang sa'kin. Pero si Ysabel 'yon! Pamangkin ko! Hindi niyo nga nagawang protektahan ang pamangkin ko! Ibang tao pa kaya?!"

"You are all fired!", ma-awtoridad na sabi ni Mr. Enriquez. Wala namang nagawa ang limang Guards kundi ang sundin ang sinabi ni Mr. Enriquez kaya lumabas na sila dito sa office.

Dahil sa ganitong pangyayari ay masasabi ko talagang isa siyang malakas at makapangyarihang tao.

"So alam niyo na kung sino ang may gawa nito kay Ysabel?", at saka bumalik ang tingin niya sa amin saka umupo sa kaniyang swivel chair.

"Yes Dad. We are just waiting for Ysabel to wake up. Alam kong siya mismo ang gaganti sa gumawa n'on sa kaniya." Saka tumango si Mr. Enriquez.

"If that's what you want, then it is." At tumango kaming anim. "I won't tell this to Sabrina at sana kayo rin."

"We won't tell Dad."

"Good. You may go. But Stanley..."

"Yes Dad?"

"Huwag niyong isali si Lacey sa gulong 'to. Hindi ganitong buhay ang kinalakihan niya. Hindi siya sanay sa ganitong pangyayari."

"Yes Dad. Ilalayo ko siya sa gulong 'to."

"Okay."

"Sige Dad. Aalis na kami."

"Sige, mag-iingat kayo." Saka kami umalis sa loob ng office ni Mr. Enriquez.

"Puwede ba tayong bumili ng pagkain bago tayo pumunta kay Ysabel?", tanong ni Stanley sabay kamot ng ulo niya. "Nagugutom na rin kasi ako eh." Isa na rin 'yon si Ysabel kapag nagising, maghahanap din ng pagkain 'yon kaya natawa ako.

"Drive thru na lang tayo para mas mabilis." Saka kami nagmadaling naglakad.

Tumunog din naman amg cellphone ko hudyat na may tumatawag. Tiningnan ko naman agad iyon at nakita kong si Kuya Travis. Sana naman ay tulog pa rin si Ysabel sa ospital.

"Bakit Kuya Travis?"

(Papuntang ospital na ba kayo?)

"Oo Kuya Travis. Bakit?"

Napahinto na lamang ako sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi ni Kuya Travis.

Anong ibig niyang sabihin?

Bakit nararamdaman kong may mangyayaring masama?

(Wala sa ospital si Ysabel.)

At nag-umpisang kumabog itong dibdib ko.

"What do you mean?"

(Dito na natin pag-usapan sa hide out.)

"Hideout?", at nakita kong kumunot ang noo ni Stanley na napatingin sa akin.

(Just tell that to Stanley. He knows that. Sige, I'll hang up now. Dalian niyo.)

"Papunta na kami diyan." Saka niya pinatay ang tawag. Humarap naman ako kay Stanley.

"Before you ask anything, we have to go to hide out."

"Hideout?", tumango pa si Stanley kaya tumango ako.

Dahil may kaniya-kaniya kaming kotse ay nagkaniya-kaniya kami ng sakay saka sumunod kay Stanley patungo doon sa hideout.

Where did you go Ysabel?


Comment