That Same Old Game

IV. ASH



"Gusto ko na matulog." Sabi ko sabay inom ng last shot na binigay sa akin ni Stanley.

"Ang aga pa oh." Sagot naman ni Stanley.

"Eh bakit ba? Gusto ko eh. At saka ang ingay dito."

"Tss. Minsan lang naman magpa-party si Tita Sabrina, sulitin na natin." At natawa ako.

"Oh sige na nga." Sabay balik ko sa upuan.

"Lagyan mo ulit ako niyan." At nilagyan ako ng red wine ni Stanley sa baso ko.

Birthday kasi ngayon ni Mommy. Kaya invited lahat. Mula sa family and friends dahil ang bait-bait ni Mommy kaya naging friendly siya towards to others. Tapos iyong iba naman ay hindi mga pamilyar na mukha sa akin. Parang buong city ata eh nandito na. Isama mo na din iyong mga naka-men in black na mga ka-business partners nila Mom and Dad.

Ganoon ba ka-close si Mom and Dad sa mga iyon to the point na inin-vite na ni Mommy sa birthday niya?

"I'll just get some food." Sabi ko sabay tayo. Kanina kasi ay gusto ko nang umakyat sa kuwarto para humiga. Pero hindi matutulog.

Ang ingay kasi dito. Mas malala pa sa bar ito sa sobrang lakas ng music. Tipong mismong tenga mo ay aalis na sa pagka-kabit sa gilid ng ulo mo. Ganiyan kalakas ang tugtugan dito sa bahay. Tapos malapit na mag-hatinggabi ay ni hindi man lang pinahina iyong music. Tapos ni wala man lang pulis or barangay tanod or sumugod na kapitbahay dito. Sabagay dating pulis si Mommy. Takot lang nila kay Mommy.

Nag-resign daw kasi noon si Mommy nang mabaril siya no'ng hina-habol nilang drug leader. Kaya pinilit siya ni Daddy na mag-resign at samahan na lang si Daddy doon sa business nila.

Kumuha lang ako ng chocolate cake at saka bumalik sa table nila Stanley at iba pang kasama namin.

Inilibot ko ang paningin ko sa mga tao dito sa loob, hindi ko mahanap sila Mommy and Daddy. Siguro kausap pa nila iyong ibang guest.

Grabe naman yon, magha-hatinggabi na kina-kausap pa din ang guest? Ganoon ba kadami ang guest dito sa bahay namin? Mabuti nga kasya pa dito eh. Eh nasa garden lang ang venue. Like what Stanley said, mansion na ito, hindi na basta bahay.

Bahay naman talagang matatawag ang isang 500 sqm. na bahay ah? Idagdag mo pa na iyong natirang 500 sqm. ay may swimming pool sa likod na may dalawang swing sa likod. At garden na nasa harap ng bahay kung saan pinagda-dausan nitong party ngayon.

"Ash, doon tayo sa terrace niyo. Laro tayo." Sabi ni Billie, anak ni Tito Lester, pinsan ni Mommy.

Dito sa table ay kami-kami lang ang nandito. Si Billie at Axel na magkapatid, na ayon nga anak ni Tito Lester. Si Jasper, Julian, at Iris na anak naman ni Tita Pearl. Ayon, si Iris lang ang hindi letter J ang pangalan. Sabagay siya lang ang babae sa kanilang tatlo. While si Billie naman ay babae, habang si Axel ay gay, choos. Lalaki siya. Idagdag mo pa si Stanley na oh well, anak ni Tito James.

"Anong game?", Tanong ni Jasper.

"Never have I ever. Alam niyo naman na yon diba?", Sagot naman ni Billie.

"Alam ko yan. Tara laruin natin."

Nag-sitayuan kami dahil ayon nga, maglalaro nga kami no'ng 'Never Have I Ever' doon sa roof top. Baka kasi ay kapag dito kami maglaro ay hindi kami magka-rinigan.

"Kami na kukuha ng alak. Mauna na kayo doon sa terrace." Sabi naman ni Axel.

Tumango kaming tatlong babae. Humarap naman ako kay Stanley at sinabing...

"Dala ka din pulutan at chocolate cake." Ngiting sabi ko.

"Sige ba." At saka pumasok sa bahay at nag-tungo sa third floor kung saan nandoon ang roof top. Pagdating namin doon ay kaagad na umupo kami doon sa inilapag na blanket ni Iris saka ko nilapag ang plato kong may lamang chocolate cake at napatingin sa madilim na langit.

It's been a week since our break up. At sa kaso ko ay parang hindi ako naka-move forward sa sitwasyon ko, sa break up namin.

I'm still hurting in the inside. At hindi ko alam kung paano makaka-alis sa sakit at lungkot na nararanasan at nararamdaman ko ngayon.

"Ui Ash." Tawag ni Billie kaya napatingin ako sa kaniya.

"Yes?"

"I've heard from Stanley that you and Adrian broke up." Sagot naman ni Billie na sinuklian ko ng pekeng ngiti.

"Yeah. A week ago, bago mag-start ang pasukan. I broke up with him."

"Kamusta puso mo?", Tanong naman ni Iris.

"Ito... Nami-miss siya." Sagot ko sabay tingin sa buwan na nasa itaas.

"Puwede mo naman siguro balikan siya pagtapos ng lahat."

"I don't know. Baka kapag natapos itong nangyayari ngayon, may nahanap na siya. May new girlfriend na nga siya ngayon."

"What? Ganoon kadali?!" Gulat na tanong ni Billie.

"But that's okay, as long as he's happy and safe. That's what matters the most."

"Basta kahit among mangyari. We're always here for you. Tawagan mo lang kami." At tumingin ako sa kanilang dalawa na nakangiting nakatingin sa akin.

"Salamat." Ngiting sabi ko sa kanila.

Maya-maya ay may dalang whiskey sila Jasper at Julian. Tigli-lima sila. 10 whiskey bottle in total. Tapos si Axel naman ay may dalang pulutan na hindi ko alam kung saan niya kinuha. At si Stanley na chocolate cake ang dala-dala sa dalawang plato. Tapos wala man lang tinidor na dala. Tss.

Ano gusto niya kamayin yong chocolate cake?

Tapos isa-isang nilagyan ang baso naming pito. Umupo silang apat at nilabas naman ni Billie ang cellphone niya at ti-nap ang Never Have I Ever na app at saka nag-start ang laro.

"Ubusin natin itong sampo, para masarap ang tulog." Sabi ni Axel na ikinatawa namin dito.

Tama siya, pampa-sarap ng tulog.

At ang una ay...

Never Have I Ever hooked up with someone younger than me

And with that ay nagka-tinginan kaming pito at saka nag-tawanan. Nasa kanan ko si Stanley at sa kaliwa ko naman ay si Iris.

But who would have do that?

Never Have I Ever had a crush on a teacher

At sabay-sabay kaming nag-shot. Alam na.

Never Have I Ever stayed friends with an ex

Tiningnan nila akong anim kaya nagtaka ako.

"What?", Kunot-noong tanong ko. At sabay-sabay silang nag-take ng shot. "Edi kayo na." Sabay roll eyes ko at natawa sila doon.

Aba trip ako ah.

Never Have I Ever lied to someone in this room

And I took the shot. At silang anim naman ay kunot-noong tiningnan ako. Kaya ako, tinaasan ko lang sila ng kilay.

Never Have I Ever had a clingy partner

Kaming pito ang nag-take ng shot. At kahit mapait iyong whiskey ay napangiti ako dahil naalala ko ang pagka-clingy ni Adrian sa akin noon.

He always wants us to hold hands. Lalo na kung nasa labas kami, namamasyal or naglalakad sa mall or kahit saan. Dahil gusto niyang malaman ng iba na suwerte siya dahil mayroon siyang ako. At proud siya na ako ang girlfriend niya.

Pero proud pa kaya siya kapag nalaman niyang muntikan na akong maka-patay ng tao noon?

Nag-patuloy ang paglalaro namin habang umiinom hanggang sa ang mga kasama ko ay natutulog na dito sa lapag. Ginising ko pa si Stanley, pero ang sabi 5 minutes lang Ysabel pero ayon, humilik na. Kaya dahan-dahan akong bumaba kahit medyo hilo na ako. Tinanggal ko pa ang suot-suot kong heels baka gumulong-gulong ako pababa eh.

Tanggal talaga ang pagka-hilo ko doon.

Hahanapin ko si Kuya Travis para tulungan akong buhatin ang mga nandito na natutulog sa lapag at ilipat doon sa guest room. Alangang pabayaan ko lang itong mga 'to.

Palabas na ako ng bahay kaya naririnig ko na naman ang malakas na music. At dahil fan ako ni Avril Lavigne ay sinabayan ko ang kanta niya.

I still burn for you
Like the sun burns in the sky
I still burn for you

At inilibot ko ang paningin ko sa garden at dahil matangkad si Kuya Travis ay nakita ko agad siya.

Pero wait, bakit kausap niya iyong lalaking iyon? Bakit kausap niya si Adrian?

Pero wait lang ulit, si Adrian ba iyon?

Pati ba naman siya, invited din sa party na iyon?

Aminado akong nahihilo na ako, pero alam ko ding hindi ako namamalikmata.

I still burn for you
My whole life I've been on fire
I still burn for you

Naka-upo sila doon sa bar station.

Masaya silang kumakain at nagku-kuwentuhan. Na akala mo eh matagal na silang magka-kilala.

Ano naman kayang pinag-uusapan nila?

Comment