That Same Old Call

XIV. ASH



Right after kong kumanta sa bar ay kaagad kong hinila sila Stanley palabas ng bar. Hindi ko alam kung nakita ba nila Stanley sila Adrian doon sa loob. Mabuti nga at hindi na sila nag-tanong kung bakit biglaan ko silang hinila palabas. At sa katunayan, we're heading home.

Bakit nandoon si Adrian sa bar? Eh hindi nga siya sanay sa loob ng bar eh. Hindi din siya sanay kung uminom. Kaya anong ginagawa niya doon?

Sige nandoon na tayo sa part na kasama niya iyong girlfriend niya at mga kaibigan niya. Don't tell me party goer na siya ngayon? Samantalang noong kami pa ay kahit ayain siya nila Caleb, ayaw niyang sumama. Mas gusto niyang kami ang magkasama.

Don't tell me, bad influence iyong girlfriend niya ngayon?

Pero sino kayang nauna sa aming dalawa ni Adrian mag-punta nang bar? Dahil kung ganoon...

Baka narinig niya iyong narinig sinabi ko bago ako kumanta?

Shit. Hindi puwede iyon.

Ano na lang ang sasabihin niya? Na iniwan ko siya para protektahan ko? Edi hindi niya na maiisip na nag-cheat ako sa kaniya kaya ko siya iniwan?

Si Levi kasi ang daming puwedeng i-dare, kumanta pa ako sa harap ang nais niyang ipagawa. Pero at the same time, kasalanan ko din naman dahil sinabi ko pa ang mga katagang iyon.

Wala lang, hindi ko naman kasi alam na nagba-bar na ngayon si Adrian, pangalawa na-carried away lang ako sa kanta.

Pero ano namang gagawin niya kung malaman niya iyon? Madi-dissapoint ba siya? Magagalit? Malulungkot? Magiging masaya? O baka makipag-balikan sa akin?

The last part, alam kong malabo mangyari iyon dahil may girlfriend na siya. Pangalawa alam kong mahal niya iyon. Ipakita ba naman daw na sweet sa harap ko? Susubuan na siya kanina ni Olivia eh. Tsh. At kahit poker face lang si Adrian sa tuwing nagkikita kami kasama ng bago niya, ay alam kong okay ang takbo ng love story niya.

Tapos kanina sa room nila Stanley ay nakita kong naka-kunot ang noo ni Adrian na nakatingin sa akin. I was like anong ginagawa niya dito sa loob ng room nila Stanley. Tapos nakita ko pa sila Caleb na nakatingin din sa akin kaya napa-iwas ako ng tingin sa kanila dahil sa gulat. Mabuti na lang at sinabi ni Stanley kaagad na wala ang Prof nila kanina kaya kaagad kaming lumabas doon sa room nila na iyon.

"Hoy ikaw." Tawag ko kay Stanley na nagda-drive ngayon.

"Oh?", Tiningnan niya ako saglit at kaagad na binalik ang tingin niya sa daan.

"Bakit hindi mo sinabi na mag-kaklase kayo ni Adrian?", Kunwaring inis kong tanong.

"Bakit? Nag-tanong ka ba?", Inis niya ring tanong. Aba, may gana pang mainis ang isang 'to. Kasalanan niya na nga na nagkita kami ulit ni Adrian.

"Malay ko ba!", Inis ko ding sagot. "Nakita niya tuloy ang tattoo ko."

"And so?", Tanong niya pabalik.

"Wala lang, baka isipin niya naga-adik ako." At natawa siya. "Oh tawa ka diyan? Gusto mo tulak kita diyan?", At natawa siya ulit.

"Adik ka naman talaga." At tiningnan ko siya ng masama. "Adik sa kaniya." At kinunotan ko siya ng noo. "Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig." Kanta niya pa pero hindi ko na siya pinansin at bumalik ang tingin ko sa harap. Baka hindi lang tulak ang magawa ko dito sa katabi ko ngayon.

"Pero pakialam niya ba sa tattoo mo eh break na kayo? At saka diba sabi mo may girlfriend na siya? Kaya anong pakialam niya sa'yo? Ex naman na lang niya?"

"Ang harsh mo sa'kin ah." Paninita ko sa kaniya. "Parang hindi kapamilya eh." At natawa siya kaya natawa ako.

"I was just telling the truth Ysabel. Ano naman kasing gagawin niya kung may tattoo ka?"

Tama siya. Ano namang gagawin niya kung may tattoo na ako ngayon?

"Isa pa, wala naman siyang alam kung ano ang ibig sabihin ng tattoo mo. It's just a black rose, nothing more." At tama siya ulit.

"Iisipin lang n'on, gusto mo ng tattoo. In other word, baka nagbago ka na." At napangiti ako sa sinabi ni Stanley.

Ako nagbago? Where that come from? It's the same old me. The same old me na ayaw ipaalam sa kaniya at ayaw kong malaman ni Adrian ang lahat.

Dahil alam kong kapag nalaman niya ang totoong ako ay kamuhian niya lang ako at layuan bigla dahil sa nalaman niyang gangster ako.

Mas okay na iyong kinamu-muhian niya ako na wala siyang alam kahit isa patungkol sa pagiging gangster ko.

"Eh ikaw, bakit sa right wrist mo pinalagay ang tattoo mo? Hindi ba delikado yan dahil nandiyan ang pulsohan?", Curious kong tanong.

Dahil after ng underground battle ko kay Levi no'n at pumunta kami sa isang tattoo artist. At doon kami nagpa-tattoo. Akala ko magpapa-tattoo si Stanley sa gilid ng leeg niya dahil ayon ang gusto niya noon pa lang. Tapos biglang nasa pulsohan na. Siraulo talaga.

Yong tattoo kasi namin, it symbolizes our gang. Palatandaan kumbaga. Kahit iyong iba ay nagpa-tattoo din sa kung saang parte ng katawan nila naisin.

"Ito naman, natatakot agad." And I just rolled my eyes.

Eh diba delikado iyon dahil nasa pulsohan nga, tapos kapag nagalaw iyon eh mamamatay agad?

"Siyempre hindi natamaan yon. At saka huwag ka nga matakot, nama-maril ka nga eh, tapos natatakot ka sa tattoo." At sabay kaming natawa.

"At saka pala..." Napatingin ako sa kaniya. "Kung hindi mo alam, mag-kaklase sila no'ng bago niyang girlfriend." At natahimik na lang ako bigla.

Mag-kaklase pala sila? Pero bakit hindi ko nakita si Olivia doon sa room nila? Tanging sila Adrian lang ang nakita ko? Pero kahit ganoon, naiisip kong magka-tabi sila ng upuan, magka-holding hands habang nagle-lecture ang Prof nila, nagsu-subuan tuwing lunch, sweet sila sa isa't-isa, at habang sweet sila doon sa room nila ay humi-hiyaw sa kilig ang mga kaklase nila. Psh. Ka-badtrip naman.

Ako dapat ang kasama ni Adrian sa mga ganoong pangyayari eh. Tsh.

"Don't worry hindi sila sweet. Laging naka-poker face si Adrian kapag kaharap si Olivia." At nag-peke na lang ako ng ngiti sa sinagot ni Stanley wala naman kasi akong tinanong kung sweet ba sila sa room. Baka nakakabasa na siya ng isip ngayon?

Tahimik lang kami habang nagda-drive si Stanley pauwi. Siguro kasi ay naramdaman ni Stanley na medyo nalungkot ako kapag si Adrian at Olivia iyong topic, mas okay iyon kaysa magpa-tugtog siya ulit ng isang sad song. Hindi talaga siya aabutin ng bukas.

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong bumaba dahil nag-text si Mommy na nandito daw si Daddy, naka-uwi na siya from States. At baka sa ganitong oras eh nag-pahinga na iyon sila.

"Hindi ka na ba papasok?", Tanong ko nang makababa ako sa kotse niya.

"Gabi na eh." At nakita ko sa phone kong 9:30 PM pa lang naman. Hindi pa gabi masyado.

"Oh okay. Pero may chocolates sa loob." Sabi ko at agad siyang napatingin sa akin.

"Sige, magpa-park lang ako." At natawa ako sa naging reaksyon niya.

Favorite kasi ni Stanley ang chocolate, hindi ko nga alam kung bakit eh. Hindi naman bagay sa kaniya, dahil matanda na siya, hindi na siya bata. Isa pa, akala mo walang pambili ng chocolate eh. May pambili ng kotse, walang pambili ng chocolates. Tss. Utak niya may ubo.

Bumaba na si Stanley sa kotse niya at saka naglakad palapit sa akin.

Pero habang naglalakad siya ay nakita ko sa likod iyong pigura ng isang lalaki. Medyo maliwanag ang parte na iyon dahil nandoon nakatayo sa mismong poste.

Nawala ang ngiti ko nang makita ko ang mukha ni Adrian. Makungkot na mukha ni Adrian.

Anong ginagawa niya dito? Matagal na ba siyang nandiyan? Bakit siya nandito? Anong kailangan niya?

Bigla akong inakbayan ni Stanley at saka nag-lakad na papasok ng gate.

Tumingin muli ako kay Adrian na lalong naging malungkot ang mukha saka tumalikod at naglakad palayo.

Nakaramdam tuloy ako ng guilt dahil parang dahil sa akin kaya siya malungkot. No, hindi parang. Ako talaga ang dahil kaya siya malungkot.

Pag-dating namin sa loob ay naamoy kaagad namin iyong amoy ng Chicken Curry kaya sabay kaming tumakbo ni Stanley sa kusina. Pagdating namin doon ay nagulat pa si Manang Pasing sa aming dalawa. Kaya natawa kamnming dalawa ni Stanley.

Pina-upo niya na kaming dalawa dahil ipagha-hain niya na raw kami. Kaya ayon, nang maibigay ang mga pagkain ay kaagad namin iyong kinain.

Kumain na akala mo walang kinain doon sa bar na pinanggaligan naming bar.

Chicken Curry... Heaven... Ang sarap.

Kadalasan kasi sa mga niluluto ni Manang Pasing ay gulay. Joke...

Habang kuma-kain kami ay tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa sling bag.

Isang unknown number ang tuma-tawag. Pero dahil baka importante iyon ay sinagot ko. Nang sagutin ko naman iyon ay tahimik lang ang nasa kabilang linya. Nag-hi ako at baka may mag-salita sa kabila.

Pero napatigil na lamang ako nang marinig kong...

(Oh hi Ms. Ash Ysabel...)

"What do you want?", Tanong ko sa caller at napatingin sa akin si Stanley. He mouthed 'sino yan?' pero hindi ko siya nasagot dahil baka marinig iyon ng kabila.

Tumayo ako at tiningnan si Stanley na sinasabing sumunod siya sa akin. Nag-madali kaming pumunta doon sa kuwarto at agad na inopen ang laptop ko. At may kung may kung ginawa doon si Stanley para i-trace kung nasaan ang caller.

(Tina-tanong pa ba yan Ash? Siyempre I only want you.) Sagot naman ng caller.

And that's when I realize, who the fuck is the caller.

"Puwede ba tigilan mo na ako? We're already done." Galit kong sabi sa kaniya.

(No. We're not done... Yet.) At kumunot ang noo ko.

"What do you mean not yet?", Tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niyang hindi pa kami tapos.

(The last time I called, I said I'm back.)

"It was you?", Gulat kong tanong.

(Yes Ms. Ash Ysabel Jimenez.)

"Tell me, what the fuck do you want?", Galit kong tanong at narinig ko siyang tumawa.

Tiningnan ko si Stanley na seryosong nakatingin sa laptop kaya tumalikod ako sa kaniya.

(Sa ngayon wala pa. Pero asahan mong sa susunod, mayroon.)

At natawa ako.

"At sinong tinakot mo?"

(Hindi kita tina-takot Ash. Sinasabi ko lang, dahil baka isang araw magulat ka na lang...)

At hindi ako nag-salita doon.

(One wrong move and he will die.)

Kumunot ang noo ko. "Wait, who's he?"

(See you around.) At pinatay niya ang tawag.

Humarap naman kaagad ako kay Stanley at tumabi sa kaniya sa kama.

"Did you find him?", Tanong ko sabay tingin sa screen ng laptop. Pero kaagad ko ding iniwas ang tingin ko dahil wala akong maintindihan.

"Hindi ko ma-trace iyong tawag." At napatingin ako sa kaniya na naguguluhan.

"Anong hindi mo ma-trace?", Tanong kong muli.

"I can't find it Ysabel. I don't know why, okay?!", Sabi niya na may halong pagka-inisnsa boses. "Tawagan mo ulit yong number." Sabi niya kaagad ko namang sinunod.

Pero un-attended ang number.

"Wala eh." Sabi ko.

"See. Baka hindi ko siya ma-trace kasi card lang iyon o baka tinanggal niya ang sim card niya sa cellphone niya." At bumuntong-hininga ako.

"What did he say?", Sabay shut down niya ng laptop ko at saka binalik doon sa study table ko.

"He said... One wrong move and he will die." At malungkot ko siyang tiningnan. "Hindi naman siguro si Adrian ang tinu-tukoy niya diba?"

Kinakabahan ako sa naisip ko. Hindi naman siguro si Adrian ang tinu-tukoy niya diba?

Tama, hindi niya kilala si Adrian. Hindi nila kilala si Adrian. Hindi nila kilala iyon. Hindi nila makikilala si Adrian. It'll never be.

They've been gone for over 3 years kaya malabong makilala at makita nila si Adrian.

Bakit sila bumalik? Bakit pa sila bumalik? After  years ng pananahimik nila, bumalik na sila. Hindi pa ba sapat iyong ginawa ni Kuya Travis sa kanila noon? Maghi-higante na ba sila after years? After ng ginawa ni Kuya Travis sa gang leader nila?

Pero...

Pero bakit ngayon pa? Bakit ngayong nag-aaral na ako ng mabuti? No joke ah. Third year na ako ngayon sa college, kaya dapat mag-tino na ako. Isa pa last yeat na ni Kuya Travis ngayon sa college, tapos siya pa ang ginawang team captain ng basketball team ng university. Hindi ba puwedeng pag-tapos na lang gru-maduate ni Kuya Travis saka sila gumanti?

Alam kong may mangyayaring masama. Lalo na kay Kuya Travis. At ang gagawin ko? Sasamahan at tutulungan ko si Kuya Travis sa labang iyon.

"Huwag mo na isipin 'yon. Halika na, kumain na tayo." At hinila na ako ni Stanley.

Gutom pa din ba siya? Kasi ako, oo.

Tahimik kaming kuma-kain doon sa mesa nang makita kong kakarating lang ni Kuya Travis. May bag pa kasi siyang dala, siguro galing siyang university at muntikan na akong matawa nang makita ko ang mukha niya... Mukha siyang stress.

That's what I'm talking about earlier. Stress na nga si Kuya Travis sa acads tapos dadagdag pa ang mga kaaway niya.

Umupo si Kuya Travis sa tabi ko at kaming dalawa ni Stanley at tahimik lang na kuma-kain.

"Ay susmaryosep kang bata ka! Anong nangyari sa mukha mo?!", Gulat na tanong ni Manang. Napatingin naman kaming dalawa ni Stanley kay Manang Pasing na gulat na gulat na nakatingin kay Kuya Travis.

Napatingin naman ako kay Kuya Travis at natawa ako sa itsura niya... Hindi ko na talaga mapigilan eh.

"Manang, pahinging pagkain. Nagugutom na po ako eh." Sabi ni Kuya Travis.

"Oo sige. Pero anong nangyari sa mukha mo?", Tanong naman ulit ni Manang. At ayon, natawa ako ulit.

"Na-untog lang po doon sa pader ng University. Ang dilim po kasi doon eh." Sagot naman ni Kuya Travis.

Yong university madilim? Yaman-yaman ng may-ari n'on eh, tapos walang ilaw? Alam niyo ba sino ang may-ari? Edi iyong lalaki na nasa harap ko ngayon na masayang kuma-kain ng Chicken Curry. Tapos mahilig pa sa chocolates, akala mo naman bata, matanda naman na.

Quarter to 10 na din ngayon. Tapos nasa University pa si Kuya Travis? Edi wow. Ang tanga din ng pader na iyon ah. Hindi man lang gumilid? Na-untog tuloy si Kuya Travis.

"Oh sige. Pag-tapos mong kumain, gagamutin natin yang sugat mo sa mukha. Baka makita pa yan ng Daddy mo." At lumaki ang mata niya sa gulat.

"Nandito na si Daddy?", Tanong ni Kuya Travis. Pero ngumiti na lang si Manang Pasing at umalis para kumuha ng pagkain.

"Hoy nandito na si Daddy?", Gulat pa ding tanong ni Kuya Travis.

"Oo, hindi ka ba ti-next ni Mommy?", Tanong ko.

"Hindi ko alam. Busy ako eh."

"Galit pa naman si Daddy. Gabi na raw pero hindi ka pa umuuwi. Baka ma-rape ka daw sa daan." At kunot-noong napatingin siya sa akin  kaya natawa kaming dalawa ni Stanley.

"Ano ako babae?", Kunwaring inis niyang tanong pero natawa na lang din siya.

Maya-maya dumating si Manang na may dalang pagkain at nag-simulang kumain si Kuya Travis.

Nakita ko pa si Stanley na nakatingin sa akin na sinasabi niyang sabihin ko na kay Kuya Travis ang tumawag kanina. Kumunot lang ang noo ko pero tumango lang siya.

"Ah Kuya, tumawag ulit yong tumawag last time." Sabi ko at napatingin siya sa akin.

"Ano namang sabi niya?", Inis niyang tanong.

"He said, one wrong move and he will die." At natawa siya.

"Subukan lang niya at susunod siya doon sa leader nila."

"As if naman matatalo ka nila." Sabi ko sabay subo ng kanin.

"Oo naman. Mga takot naman ang mga iyon." At natawa ako.

"So, saan ka galing?"

"Sa underground?"

"Kaya mukha kang nabugbog?"

"Oo. Ang ganda kasi ng pinusta nila."

"Oh? Anong pinusta nila?", Tanong naman ni Stanley.

"Mga baril."

"Eh may mga baril si Mommy at Daddy ah?"

"Wala lang. Ang gaganda kasi ng baril."

"Nanalo ka naman?"

"Oo naman." At natawa si Kuya Travis. "Nasa kotse ko. Maya tingnan natin." At na-excite naman ako doon.

"Sino naman naka-laban niyo?", Tanong ni Stanley.

"Sila Cedric lang." At nabilaukan ako bigla.

"Sila Cedric? Anong sabi ni Tito Angelo?"

"Ayon galit na galit, napuruhan daw ang anak niya. Eh anak niya nga nag-hamon, pinag-bigyan ko lang."

At natawa kaming tatlo doon habang kuma-kain.


Comment