That Same Old Trauma

LVIII. ADRIAN



Pumasok ako sa bahay at dumiretso sa kuwarto na kinaroroonan ni Ysabel. At nakita ko siya na nakaupo sa gilid ng kuwarto. Nanatiling naka-tuwalya pa rin siya. And she's still crying. Umiiyak pa rin siya. Umiiyak pa rin siya hanggang ngayon. Umiiyak siya na tipong nakakaramdam siya ng sobrang sakit. I couldn't blame her. Hindi man siya nasaktan physically, ay alam kong emotionally and mentally siyang nasasaktan. Wala mang masakit sa kaniya ngayon ay alam kong may nawala sa kaniya. At iyon ay dignidad niya. Ang dignidad niya na bilang babae. Wala mang ginawa sa kaniyang masama iyong mga lalaki, nananatiling parang nawalan pa rin siya ng dignidad. Ikaw ba naman ang silipin ng mga lalaking iyon. Na tipong wala ka namang ginagawa pero ikaw ang ginawan ng masama. You know what's worse? Ang akala namin ay safe na kami rito sa lugar na ito, iyon pala ay mapapahamak pa kami lalo. Na pati ang lugar na ito ay hinahabol ng gulo. Na pati sa lugar na ito ay mina-malas pa rin kami. Buong akala namin ay makakapamuhay kami ng simple, ayon pala ay hindi. Mas malala pa ito kaysa sa Maynila. At iyong pagsilip kay Ysabel habang naliligo siya, it's just below the belt. Kung sa underground ay puro pisikal na sakit lang ang matatanggap mo. Sa bagay na ito ay sobra-sobra na. Iyong pagkababae na ni Ysabel ang nakasalalay, tila ba naapakan ang dignidad ni Ysabel. Kung ako nga ay nasasaktan sa kalagayan ni Ysabel ngayon, paano pa kaya kay Ysabel mismo.

Sobra-sobrang trauma na naman ang maiiwan kay Ysabel, sobrang sakit niyon para kay Ysabel. At maski ako ay hindi ko alam kung paano iyon tatanggalin sa isipan ni Ysabel.

Hindi ko pa nga nakakalimutan iyong ginawa ni Samuel kay Ysabel eh. Tapos biglang ito na naman? Sa pangalawang araw pa na pananatili namin dito.

It's bullshit.

Lumapit ako kay Ysabel na patuloy ngayon sa pag-iyak. Sa sobrang iyak niya ay hindi niya namalayan na nasa harap ko na siya. Kung hindi ko pa siya tinawag ay hindi niya ako mapapansin sa harap na nakaupo sa harap niya.

"Ysabel..." Mahinang sabi ko sa kaniya and it's enough para marinig niya ako.

Tumingin agad sa akin si Ysabel ay nakita kong magang-maga na ang dalawa niyang mata. Sa sobrang maga ay luluwa na ang mata niya. Parang mas malala pa ito kaysa noong nakaraan. Mas malala pa ang pag-iyak ngayon kaysa noon. It's my fourth time to see her cry. Because it's her body. Katawan at dignidad niya ang natapakan. At kapag iyon ang nangyari, malulugmok ka. Lalo pa at hindi mo kilala ang mga nambastos sa iyo.

"Ysabel... I know I can't do anything to ease that pain. But I just want to let you know that I'm here. I'm here for you. That whatever happens, I will always be here for you..." Sabi ko at patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ni Ysabel. Pero nakatingin na siya sa akin. Nakatingin iyong dalawang mata niyang lumuluha sa akin.

Dahil sa mga mata niyang iyon ay sinisisi ko itong sarili ko. Pinaubaya siya sa akin ni Kuya Travis upang protektahan. Upang ilayo sa kapahamakan. Pero pinabayaan ko siya. Iniwan ko siya rito sa bahay. It's all my fault. Kung hindi ko lang iniwan si Ysabel at kung binantayan ko lang siya ay hindi mangyayari ito. Hindi siya iiyak ng sobra-sobra ngayon. Hindi ko siya makikitang umiiyak sa harapan ko ngayon. Kundi isang malaking ngiti ang makikitabki kay Ysabel at hindi itong pag-iyak niya.

It's my fault that's why it happened. Ako ang dahilan kung bakit siya umiiyak ngayon. Nang dahil na naman sa akin kaya siya umiiyak. At eto ako, I was just watching her cry. I can't do anything to ease that pain. I can't do anything but to watch her cry.

"Ysabel, I'm sorry... I'm sorry for not being there to protect you... I'm sorry that I can't do anything for you to stop crying. I'm sorry, Ysabel. It's all my fault. Kung sana ay hindi na lang ako sumama kila Stanley at binantayan na lang kita. Edi sana hindi mangyayari 'to. I'm sorry for telling you always I'm sorry..." Dahan-dahan kong sabi kay Ysabel dahil nakikita ko pa rin si Ysabel na patuloy na umiiyak.

I was just watching my girl cries in front of me. And I'm an asshole that couldn't do anything to ease that pain.

Nakaka-bakla mang aminin ay maiiyak na rin ako sa kalagayan ni Ysabel ngayon. Kung puwede ko lang agawin sa kaniya iyong masakit na nararamdaman niya ngayon ay kanina ko pa inagaw sa kaniya upang hindi na siya umiyak. Okay lang na masaktan ako, huwag lang siya.

"You're here with me..." Mahina niyang sabi pero narinig ko na iyon. "You're here with me now, Adrian... And that's enough..."

Dahan-dahang ngumiti sa akin si Ysabel at hinaplos niya ang pisngi ko.

"You're here with me, Adrian. Thank you for being here with me."

"I will always be here for you, Ysabel. I'll stay in your life. Magi-stay ako kahit magulo ang buhay mo. Magi-stay ako kahit ano pa ang mangyari."

Hindi siya sumagot sa sinabi ko sa halip nay tinanggal niya ang kamay niya sa pisngi ko at bigla na lang naging seryoso ang mukha niya. Pinunasan niya rin ang mga luha niya.

"But you can't love me, Adrian." Seryoso niyang sabi kaya napakunot ang noo ko sa kaniya. Nakatingin siya sa akin at nakita ko sa kaniya na pinipigilan niyang umiyak. Na pinipigilan niyang huwag tumulo ang mga luha niya.

Magsasalita na sana ako nang magsalita siya ulit.

"You can't love someone's dirty Adrian. Madumi na ako. Kaya hindi mo na ako puwedeng mahalin." Saka siya umiwas ng tingin.

Ako naman ay hinawakan ang kaliwa niyang pisngi at iniharap sa akin. May namumuong luha sa mata niya na pinipigilan niyang huwag tumulo.

"Huwag mong sabihin 'yan, Ysabel. Hindi ka madumi, okay? Alisin mo 'yan sa isipan mo. You're not dirty as you think. You're precious to me. Always remember that."

"Hindi mo 'ko naiintindihan, Adrian." Saka niya inilayo ang mukha niya sa pagkakahawak ko.

"Wala akong kailangang intindihin, Ysabel. I just love you and that's the truth."

"But you can't love me! Madumi na ako, Adrian! Everyone already saw my body. Ano pang maitatago ko sa kanila kung nakita na nila ang buo at hubad kong katawan?", at humagulgol na naman si Ysabel kaya hindi ko na talaga mapigilan ang mapaluha.

Napaluha na lang ako sa mga salitang tinuran ni Ysabel. Na dahil sa nangyaring iyon ay ito na pala ang nasa isip niya. Na sobra-sobra talaga ang epekto sa kaniya. Sobra-sobra siyang nasaktan dahil sa nangyari. Kung may magagawa lang sana ako para hindi na siya lumuha pa.

"At alam mo 'yong ginawa sa'kin ni Samuel?", humi-hikbing tanong ni Ysabel. "He almost raped me... Pinunit niya ang damit ko... Tanging underwear na lang amg natitira sa akin noon... Pero mabuti na lang sila Kuya... Si Levi.. Si Stanley... They saved me from that guy..."

"And even it was years ago... Nandito na pa rin sa'kin yong takot... I still have that trauma, Adrian..."

"Kaya hindi mo na ako puwedeng mahalin, Adrian. Ang dumi-dumi ko na. Ang dumi ko ng babae. Ang masama pa doon, ibang tao pa." At napatingin siya sa akin habang umiiyak. "Hindi ko man lang naibigay ang katawan ko sa'yo. Talagang ibang pa at hindi ikaw."

"You don't deserve me, Adrian. I'm not the right girl for you. Ang dumi-" Hindi pa man natatapos magsalita si Ysabel ay hinila ko siya palapit sa akin at niyakap ko siya ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit na tipong malalaman niya na hindi ko siya iiwan. Na hindi ko siya iiwan kahit na ano pang mangyari.

At dahil sa yakap na iyon ay lalong umiyak si Ysabel.

"I'm sorry... I'm sorry, Adrian..." Narinig ko mula sa kaniya habang yakap-yakap ko siya.

"Shh... Stop saying sorry, Ysabel. You didn't do anything wrong. Wala kang kasalanan." At humarap ako sa kaniya. "Hindi ka madumi, okay? At kung madumi ka man, wala akong pakialam. Wala akong pakialam kung ano ka pa. Naalala mo yong sinabi ko? Na ikaw pa rin ang gusto ko kahit alien ka pa na galing sa ibang universe..."

"Mahal kita. Mahal na mahal kita Ysabel. At walang bagay na makapagpa-bago doon. It will always be I love you and nothing else matter."

"You still love me?", maluha-luhang ganong ni Ysabel.

Dahan-dahan naman akong ngumiti sa kaniya.

"Oo naman. Walang magbabago doon."

"Kahit ganoon 'yong nangyari noon?"

"I can't change the past, Ysabel. But you're past doesn't define you. At hindi magiging dahilan ang nakaraan mo para tumigil akong mahalin ka." At saka niya pinunasan ulit ang luha niya saka siya ngumiti.

"So, can I ask you a favor?", at seryoso akong tumingin sa kaniya.

Kahit ano pa iyan, gagawin ko. Basta ba ay hindi na siya umiyak pa.

"What is it, Ysabel? Name it. Gagawin ko-" Pero tila ba nabingi ako dahil sa sinabi ni Ysabel. Tila ba umurong ang luha ko. Hindi ko inaasahan na sasabihin sa mga oras na ito ang bagay na iyon ni Ysabel. Napapaisip din kung ito ba ang gusto niyang ipagawa sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon ko. Hindi ko rin alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko dahil sa narinig kong mga salita mula kay Ysabel. Sa Girlfriend ko. Sa asawa ko.

"Then let's make love right now, Adrian."


Comment