Chapter Two

I roamed around and it was like I'm inside a forest. Naghanap agad ako ng labasan pero hindi ko mahanap dahil hindi ko naman kabisado ang lugar na 'to. Where am I?!


I started to call somebody, hoping that someone will hear my cries. I stopped when my throat hurts with all those shouting. Wala bang nakakarinig sa akin? Baka walang malapit na tao rito? Ano na mangyayari sa akin? Nawawala na ba ako? May kumidnap ba sa akin kaya andito nalang ako bigla?!


"May tao ba?" Napalingon ako sa narinig na sigaw kung saan.


"Meron! Andito po ako!" sigaw ko pabalik.


"Magsalita ka lang para makapunta kami sa 'yo!"


Nagsimula akong kumanta ng Twinkle Twinkle Little Star dahil ayon ang unang pumasok sa utak ko. Hindi ko na pinansin kung matatawa siya at mapapahiya ako dahil sa pagkanta ko. Narinig ko naman ang papalapit na yabag ng isang tao. Bigla naman akong kinabahan dahil paano kung masamang tao ang makahanap sa akin? Paano na ako makauuwi nito? Hindi ko p'wede iwanan si lolo mag-isa. Anong oras na ba? Kailangan ko na alagaan si Lolo at 'yong pinapagawa sa akin na Chapter 2.


"Iha! Paano ka napadpad dito?" Natigil ako sa pag-iisip at napaatras sa dalawang lalaki na nakahanap sa akin. Naka sando silang puti at nakasumbrero ng magsasaka. Napaatras ako lalo dahil nakita ko ang mga hawak nilang itak. "Saan ba ang bahay mo? Halika." Lumapit siya sa akin kaya napaatras ulit ako. Nagtaka siya at napatingin sa sarili. Med'yo nalungkot ang mukha pero agad din akong nginitian nang pilit. "Nako! Pasensya ka na at narumihan kase kami kapuputol ng puno at paglinis ng hardin namin."


"H-Hindi po sa gano'n!" Napailing agad ako at napataas ang kamay dahil nakuha ko ang gusto nila iparating. Hindi ako narurumihan sakanila. Ni hindi ko nga pinuna ang pagkarumi ng damit nila. Natakot lang ako sa hawak nilang itak at baka hindi na ako makauwi sa Lolo ko. Hindi ko kayang iwan ang Lolo ko, siya nalang ang meron ako. "N-Natakot po kase ako sa itak niyo," nahihiya kong sabi. Hindi naman kase ako sanay na makakita ng itak. Madalas kase mga machines na ang ginagamit. Natawa naman siya at ngumiti lang sa akin ang isang mama.


"Halika. Tutulungan ka namin makalabas." Sumama na ako sakanila dahil mukhang mabait naman sila at hindi 'yong tao na naiisip ko. Delikado kase ang mga tao ngayon, kahit gaano ka kabuti ay hindi ka nila palalagpasin para lang makuha ang mga gusto nila.


May nilapitan silang mga kahoy sa gilid at lumapit sa akin habang bitbit 'yon. Ayon siguro ang mga naputol na nila. Nakita ko naman na may natira ro'n na dalawang kalahati dahil hindi na nila kayang bitbitin. Lumapit ako ro'n at binitbit 'yon. Magaan naman sila, e.


Agad akong dinaluhan ng isang mama para pigilan. Nginitian ko siya. "Okay lang po. Kaya ko po." Wala na siyang nagawa dahil bitbit ko na. Kaysa namang bumalik pa sila rito mamaya.


We started walking. Med'yo matagal pa bago kami nakalabas. Siguro nasa liblib talaga kami kanina.


Nilapag nila ang mga kahoy sa gilid ng karinderya kaya nilapag ko na rin ang sa akin. The streets aren't familiar. The people, the road, the place are not familiar! Asan ba ako?


"Oh, 'neng. Saan ba ang bahay mo at mahatid ka," sabi ng mama kanina pagtapos ayusin ang mga kahoy.


"Sa St. Ignacio po." Kumunot ang noo niya pati na rin ang mga nakarinig. Bakit? Anong meron? Hindi ba nila alam 'yon?


"Walang St. Ignacio na sinasabi mo rito, 'neng. Naliligaw ka ata. Halika, tawagan mo mga magulang mo." Akmang aakayin niya ako sa loob ng karinderya kung saan may telepono pero agad natigilan sa sinabi ko.


"Patay na po mga magulang ko."


"Sino kasama mo sa bahay, 'neng? Sino p'wede mo contact-in?" Si lolo lang ang meron ako, kaso wala siyang cellphone. Si tita naman na tumutulong sa amin ay hindi ko kabisado ang number dahil hindi ko natanong at sila rin ang pumupunta sa amin tuwing unang linggo ng buwan.


"W-Wala na po," nauutal kong sabi dahil nawawalan na ako ng pag-asa na makauwi. Bakit ba ako napadpad dito? May nagawa ba akong mali? Hindi naman siguro 'to tungkol kay papa, alam kong mabuting tao si papa. Paano ba ako napadpad dito?


"Paano ka na niyan, 'neng?" Nagkamot ng ulo si kuya dahil hindi na rin alam ang gagawin sa akin.


"Dumito ka muna sa amin." Lumabas ang isang babae sa karinderya habang nagpupunas ng kamay sa apron niya. "Tutulungan ka namin makauwi. Maglalagay kami ng missing person sign diyan."


Nag-alangan pa ako dahil baka makaabala ako sakanila. Sila na nga ang nakahanap sa akin tapos patutuluyin pa ako sa bahay nila.


"T-Talaga po?" Tumango siya na ikinatuwa ko. Gan'to pala ang feeling na may tumutulong din sa 'yo, 'no? At sa hindi ko pa kakilala.


Tumulong ako sa pag-ayos ng kahoy at mag-ayos sa tindahan. Umuwi na kami ng alas siyete ng gabi.


Habang naglalakad pauwi napatingala ako. Kumusta kaya si lolo? Nag-aalala na siguro 'yon. Sana makauwi na ako agad.


Bilog na bilog ang buwan, unti lang din ang mga bituin na nakakalat sa langit. Bakit kaya bilog na agad 'yon? Last night it was just a half moon. Weird.


----------


Lumipas ang ilang linggo na andito pa rin ako. Tumutulong ako sa karinderya ni Aling Melinda, ang kumupkop sa akin na asawa ni Manong Bert na nakahanap sa akin.


I'm washing the dishes nang umunti ang mga kumakain. Mag-a-alas dos na at paunti na ang mga tao sa gan'tong oras. Madalas ay dinadagsa kami tuwing alas onse at alas dose ng hapon.


"Faye, iha, p'wede mo ba ipabarya 'to? Wala na tayong barya, e." Inabot sa akin ni Aling Melinda ang dalawang daan na buo.


Naghugas ako ng kamay bago abutin 'yon at nagpapalit na sa tindahan.


Med'yo malayo ang ibang tindahan. Magkakalayo ang mga tindahan dito na parang magkakaaway. Sa amin ay kapag wala sa isang tindahan ang bibilhin mo, p'wede ka kaagad makapunta sa isa dahil magkakatabi lang 'to. Pagbalik ko ay tinapos ko na ang hugasin.


Nagpunas ako ng pawis at nagpahangin saglit.


"Magpahinga ka muna ro'n." Turo ni Aling Melinda sa upuan sa gilid.


"'Wag na po. Tulungan ko na po kayo magligpit." Dumiretso agad ako sa mga lamesa para hindi na siya makaangal. Ayaw kong walang ginagawa rito dahil feeling ko kaagad pabigat ako.


We cleaned the tables when the customers left. Nagsimula na rin kami magligpit ng mga lalagyan ng ulam dahil naubos na 'yon.


Nagsara kami pagkaubos ng mga pagkain. Nang mailock ang karinderya, naglakad na kami papunta sa bahay nila Aling Melinda. Hindi gano'n kalayo 'yon, only three minutes walk from the store.


We ate at their house. Nagpalipas kami ng araw sa kaliligpit ng gamit sa bahay at manood ng T.V. na hindi flat screen. Mabuti at maayos pa 'yon at malinaw pa ang larawan.


Pinaglatag ako ni Aling Melinda habang kinukuha ko ang unan ko sa k'warto nila. They only have one room in the house kaya sa sala ako matutulog. I don't mind. I respect their privacy at hindi naman ako maarte sa hihigaan. Basta makatulog.


"Salamat po," sabi ko at humiga na. Pumasok naman na sila sa k'warto nang masiguro na maayos na ako.


Ilang minuto akong nakatitig sa kisame dahil hindi pa ako inaantok. Tumayo ako para kumuha ng tubig. Hinugasan ko na rin ang ginamit kong tubig para wala ng aalalahanin si Aling Melinda paggising dahil lagi siyang maaga nagigising.


Bumalik ako sa higaan at napatingin sa binatana. Litaw na litaw ang buwan na bilog na bilog. Marami-rami ang bituin. Napangiti ako dahil napagtanto ko na siya ang pinakamaliwanag sa langit. May nabigyan na ba ako ng liwanag? May tao kaya na sa tingin sa akin ay liwanag sa buhay niya?


I shook my head and set aside that thought. Funny how I really thought of that. That's impossible.


Hihiga na sana ako nang makita ang tatlong bituin. Matagal tagal ko ring hindi 'yon nakita. Ang huling kita ko ay nasa k'warto ko ako.


Napabuntong hininga ako, sana makauwi na ako. Hindi ko maalis sa isipan ko si lolo. Lagi akong nag-aalala sakaniya dahil mag-isa lang siya. Paano kung nakalimutan niya uminom ng gamot? Paano kung atakihin siya ng sakit niya?


Gusto ko na umuwi. Hindi na ako nakakapasok sa school. Kahit mga utos lang ang bumubungad sa akin, gusto ko pa rin mag-aral.


Nakatulog nalang ako bigla.


----------


"Apo! Faye! Faye, apo. Bangon na at anong petsa na." Rinig ko ang sigaw ni lolo galing sa sala.


"Opo, Aling Meli--" Napabangon ako bigla at gulat na gulat nang makita na andito ako sa k'warto ko.


Andito ako sa k'warto ko! Panaginip lang ba 'yon? Bakit parang totoo?


Isinawalang bahala ko na muna 'yon. Bumangon agad ako at niyakap si lolo na handa nang kumain. Nagulat naman siya pero yinakap din ako pabalik.


"May masama ka bang panaginip, apo?" tanong niya habang hinahaplos ang kamay ko. Tumango ako. Bakit parang miss na miss ko siya? At parang pagod na pagod ako.


Napatingin ako sa oras at alas dose na ng hapon?! Paano ang klase ko?


"Lo, bakit hindi niyo po ako ginising? Late na late na po ako sa klase." Nagmadali akong kumain para makapag-ayos.


"Apo, sabado ngayon. Wala kang klase ng sabado 'di ba?" Napahinto naman ako ro'n. Sabado ngayon? Pero bakit parang ang tagal-tagal kong hindi nakapasok? Feeling ko ang dami na nangyari. Ito ba ang epekto ng panaginip ko?

Comment