Chapter 16

Ilang oras akong nakatayo lang dito sa likod ng karinderya. Naabutan na ako ng araw rito, pero hindi pa ako gumagalaw. Mabuti't hindi pumupunta rito si Mang Bert o kahit sino.


I don't know what to do here. I already said that I won't go back, but I'm here. Who would I blame? I know I bought myself here. I can only blame myself.


I sighed. Naglakad ako papuntang pasukan ng karinderya. Hindi ko naman kaya na buong araw na ako ro'n. I need to face this problem to get ovet it.


I saw people eating inside. Papasok ba ako? Magpapakita pa ba ako? Huminga ako nang malalim bago naglakad papasok.


Nakita ko si Aling Melinda na nagsasandok. Hindi niya agad 'yon nahatid dahil may gusto pang bumili.


Agad akong lumapit sa pagkain na sinandok niya. Binitbit ko 'yon. Lumingon ako kay Aling Melinda na hindi ako napansin dahil busy siya.


"Aling Melinda, kanino po 'to?" Lumingon siya sa akin at nagulat nang makita ako.


"Faye! Nako, buti't nakabisita ka ulit dito," sabi niya sa akin na nakangiti. Ngumiti nalang ako. If only you knew. Itinuro niya ang lamesa sa mga grupo ng kalalakihan, mukhang mga manggagawa. Bumalik na ulit siya sa pagkukuha ng order at mayamaya magsasandok ng pagkain.


Hinatid ko na 'yon sa tinuro ni Aling Melinda. Nagpasalamat sila bago ako bumalik kay Aling Melinda.


Hindi kami nakapag-usap ni Aling Melinda nang maayos dahil dagsa ang tao ngayong hapon. Funny how I said I need to rest, but look what I'm doing, I'm working hard again. Maybe resting is not part of my life, huh?


"Faye, pahatid nito ro'n, o." Tinuro niya ang dalawang babae at isang lalaki. Tumango ako at kinuha sakaniya ang tray. Naglakad ako papunta ro'n at inabot ang pagkain. They were teenagers.


"Sabi nila, kakanta raw si Drake mamaya." Napatigil ako sa narinig. They're playing later... Hope that I can watch them, but I don't want to...


"Oo nga, e. Ang tagal na no'ng huling kanta niya, 'no? Puro magaganda boses mga nasa Universe," the other girl commented.


Hindi na ako nagtagal do'n. Hearing about them makes me wants to stay...


Umonti na ang mga tao. Dadagsa pa siguro ulit 'yan mamayang lunch time.


"Faye, tagal kitang hindi nakita, a. Kumusta?" tanong sa akin ni Aling Melinda. Kumusta nga ba ako? I'm not happy to be in my real world. I'm happy here, but the people that lives here are not happy that I'm here. It sucks to be in between. "Oh? May nangyari ba, 'neng?"


Umiling ako sakaniya at ngumiti. "Ayos lang po. Kayo po ba? Limang buwan din po, ano?"


Kumunot ang noo niya. Shit. I didn't realized we have a different timeline. Napalobo ako sa pisngi ko. Bakit ko ba sinabi 'yon? P'wede naman ako mangamusta nalang katulad niya.


"Mukhang limang buwan na nga, 'no?" Napaisip pa siya. Tila walang alam. "May balita ka ba kay Thy? Hindi na dumalaw 'yon. Nakaraang linggo ang huli."


Nagulat ako sa sinabi niya. Napakagat ako sa labi ko. Last week huli niyang punta? Akala ko simula no'ng huling kita namin, hindi na siya pupunta rito. Why did he stopped coming?


" B-Busy lang po siguro sa banda... "


"O siya, mamaya na ulit tayo mag-usap. Maglilinis ako ng lamesa." Pinigilan ako kaagad siya. Kanina pa siya nag-trabaho kaya magpahinga nalang muna siya.


"Ako na po." Nakita kong nag-alinlangan siya pero hinayan nalang ako dahil kumuha na agad ako ng basahan.


Niligpit ko ang mga pinggan at baso. Pagtapos, nilinis ko ang lamesa. Nilagay ko na sa lababo ang mga pinggan at baso. Nagprisinta akong maghugas.


Pagtapos ko linisin ang mga pinggan, pinunasan ko na 'to at binalik sa lalagayan.


"Nako, ako na. Nakakahiya." Rinig kong sabi ni Aling Melinda kung kanino. "Musta ka na pala?"


Sinilip ko kung sino 'yon. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang makita ko si Thy na nakangiti kay Aling Melinda. Katabi nito si Chryszyler. Nakita ko namang nakaupo sina Leigh, Jeruza at Drake sa upuan.


May namuong luha sa mata ko. Ang saya ko dahil nakita ko ulit sila. Kumusta na 'yong banda? Sikat na sikat na ba sila? Marami na bang may gusto sakanila? Natanggap ba ng lahat ang pagsali ni Chryszyler sa Universe? Of course, Faye. They're Universe. You can't resist to love them. I can't even resist myself.


Pero alam kong hindi ako nararapat dito. Kailangan ko na umalis dahil alam kong ayaw rin nila ako rito.


Tumalikod na ako sakanila. Hahakbang na sana ako paalis nang marinig ang sinabi ni Aling Melinda.


"Teka, tatawagin ko si Faye at matutuwa 'yong andito kayo." I literally froze! Imbes na tumakbo palayo, nagtitigan pa kami ng pader. What's wrong with my feet?!


"Faye! Andito si Thy at mga kaibigan mo," nakangiti niyang sabi. Kaibigan... Kaibigan pa kaya nila ako? "Halika." Hinili niya ako palabas ng kusina.


Bumilis ang tibok ng puso ko nang lahat sila nakatingin sa akin. Nakangiti sa akin sina Jeruza at Leigh. Ang tatlong lalaki ay walang ekspresyon na nakatingin sa akin.


Hilaw akong ngumiti at kumaway gamit ang nanginginig kong kamay. Umiwas ng tingin si Chryszyler.


"Faye! I miss you! Saan ka galing?" sunod-sunod na tanong ni Jeruza habang palapit sa akin. Nakita ko namang pumunta sina Thy at Chryszyler sa table nila.


"I-I miss you too. N-Naging busy lang..." Napalobo ako ng pisngi dahil hindi ko na alam anong gagawin. Nautal pa ako. "S-Sige na. Kumain na muna kayo."


Nakita kong gusto pa makipagkwentuhan sa akin si Jeruza pero bumalik nalang din siya sa table nila. Napabuntong hininga ako. How should I act infront of them? How should I act normal when I know to myself that I made a mistake I didn't intend to do?


Lumingon ako kay Aling Melinda na busy magsandok ng mga pagkain nila. Lumapit ako sakaniya para tulungan siya.


"Ikaw, Faye? Kumain ka na rin, sumabay ka na sakanila." Agad akong umiling. Ayoko pagsiksikan sarili ko sakanila. Hindi na niya ako napilit dahil inayos ko na ang mga pagkain sa tray.


I looked at them and they're all laughing at something that Thy said. Hindi ko naman sila matawag. Ayoko sila tawagin. Pero paano nila makukuha 'tong pagkain nila? Patuloy ang pagkwekwentuhan nila at hindi napapansin na tapos na ang pagkain nila ihain.


Tuwang-tuwa sila sa mga sinasabi ni Thy. Dinudugtungan pa ni Jeruza kaya mas lalo silang napapangiti. Even Chryszyler's smiling. I can't help but to smile. Seeing them laugh and smile like that makes me happy.


I heaved a sigh. Binitbit ko na ang tray. Dalawa 'yon dahil lima sila,' yong isa muna ako binitbit ko papunta ro'n. Naglakad na ako papunta sakanila.


Mas naging klaro ang tawanan nila. Nang mapansin ako ni Thy na palapit, natahimik siya at sumeryoso ang mukha. Napansin nila 'yon kaya napatingin din sila sa akin. Kahit si Chryszyler ay sumeryoso ang mukha.


Huminga ako nang malalim para mapigilang maluha. Hindi ko sila pinansin at tuloy-tuloy lang sa paglakad sakanila.


Ibinaba ko ang tray sa lamesa nila. Tatanggalin ko sana sa tray ang mga pinggan tulad ng ginagawa ko kapag naghahatid, pero napansin kong nanginginig ang mga kamay ko kaya hindi ko na ginawa.


"H-Hatid ko lang 'yong iba." Hindi ko na inantay ang sasabihin nila at umalis na agad ako. Hindi ko na nakita ang reaksyon nila. Kinuha ko kaagad ang isang tray. Good thing Aling Melinda's busy counting money at the kitchen.


Ihahatid ko na sana 'yong tray pero pagtalikod ko may nabangga ako kaya muntik na matapon 'yong mga pagkain.


"S-Sorry," sabi ko habang inaayos ang paglagay ng pinggan dahil baka mahulog. Tumingin ako kung sino 'yong nabangga ko. Namutla agad ako nang bumungad ang seryosong mukha ni Thy na nakatingin sa akin. "S-Sorry," ulit ko.


He sighed and shooked his head. Kinuha niya ang tray sa akin. Sa gulat ko, nabitawan ko 'yon kaya nakuha niya agad.


He didn't said anything. He just passed through me and walked to their table.


"Ate, isang order nga nito." Nawala ang tingin ko kay Thy nang may magsalita. Lumapit ako ro'n sa lalaking bumibili.


"Kain po o balot?" I asked.


"Kain. Pahatid nalang do'n." Tinuro niya ang table sa bandang kaliwa. Two tables apart from Universe's table. Inabot naman sa akin ni Kuya ang bayad niya.


Tumango ako at inayos na ang pagkain niya. Nilagay ko 'yon sa tray at naglakad na papunta sa table ni Kuya.


Nang makadaan ako sa table nila, walang nagsasalita sakanila. Lahat sila ay tutok sa kinakain. Tahimik talaga sila kapag kumakain. Hindi ko mapigilang tumawa nang mahina.


"Salamat," sabi ni Kuya nang mailapag ko ang pagkain niya. Ngumiti lang ako sakaniya at umalis.


Napansin ko naman 'yong tray na ginamit nila sa tabi nilang table kaya kinuha ko 'yon. Babalik na sana ako sa kusina nang tawagin ako ni Jeruza.


"Faye! Sabay ka sa amin." Napatingin naman ako kay Thy at Chryszyler pero nakatalikod sila sa akin.


"K-Kumain na ako," I lied.


Nakita kong hindi nakumbinsi si Jeruza.


"Ineng, nasa saan ang tubig dito?" Napatingin ako kay Kuya. Nakatayo siya ro'n malapit sa kusina at may hawak na baso.


"T-Teka lang po." Lumingon ulit ako kay Jeruza. Nakasimangot siya dahil alam niyang hindi na niya ako mapipilit. Ngumiti nalang ako sakaniya.


Binigyan ko na ng tubig si Kuya. Pumasok ako sa loob kung nasa saan si Aling Melinda. Umupo lang ako ro'n at pinanood siya.


Nagtagal ako ro'n dahil ayaw kong magpakita sakanila.


"Faye, umalis na ba ang mga kaibigan mo?" I bit my lower lip.


"H-Hindi ko po alam."


Inayos niya ang mga gamit niya. Lumingon siya sa akin.


"Magsasara ako kaagad. May kailangan kaming puntahan ni Mang Bert mo." I blow my cheeks. It's still afternoon here. Ilang oras pa ako rito.


"O-Okay lang po. Uuwi nalang po ako."


"Hindi ka sasama sa mga kaibigan mo?" Umiling ako kaagad. Kumunot ang noo niya. "May kotse ka ba rito? Ipahahatid kita kay Thy."


Nanlaki ang mata ko. Tumayo siya kaya napatayo rin ako.


"'W-Wag na po!" sigaw ko pero diretso ang lakad niya. Hinabol ko siya agad. Paglabas ko, natawag na niya si Thy. Nakangiti namang lumapit sakaniya si Thy. Bago pa magsalita si Aling Melinda, lumapit na ako sakaniya at hinawakan ang braso niya. "O-Okay lang po. 'Wag na po."


Napatingin sila sa akin. Nakakunot ang noo nilang dalawa. Bumuntong hininga si Aling Melinda.


"O, siya, sige. Tulungan mo nalang ako magsara rito." Ngumiti ako sakaniya. Tumingin naman siya kay Thy. "Salamat nalang Thy. Itong si Faye kase, ayaw magpahatid."


"Gano'n po ba." Tumawa siya. "Sige po. Alis na po kami." Tumalikod siya sa akin. Hindi man lang niya ako tinignan. Maybe I don't really mean anything to him.


"Faye!" Lumingon ako kay Jeruza nang tawagin niya ako. "Nood tayo! Wala akong kasama sumigaw!"


Napangiti ako sa sinabi niya. I saw how excited she was. Napasimangot ako. But I can't. I need to stay away from them as much as I can. I don't want to hurt them anymore.


"Ano? Tara na!"


"Sige na, Faye. Sumama ka na sa mga kabigan mo."


Lahat sila inaantay ang sagot ko. Hindi agad ako nakasagot. Lumingon kami lahat kay Thy dahil siya na ang sumagot para sa akin.


"Let's go. Maybe, Faye, don't want us around."


Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. Ako pa ang ngayon ang may kasalanan?


Walang silang nagawa dahil umalis na agad si Thy. Nag-aalalang tumingin sa akin si Jeruza. Kumaway siya at sumunod na kay Thy.


Did he hate me that much? Tumingala ako para hindi matuloy ang luha ko.


Fate really don't want me to have friends. It really wants to see me in pain. I will be happy for a moment, then I will be in pain for a half of my life.


Why am I still not used to have this kind of life? Even in another world, fate is still playing with me. Maybe in another life, fate is now on my side.

Comment