Chapter 12

"Perfect. You can go," sabi ni Leigh. Hindi ko masiyadong napanood ang tugtog nila dahil iniisip ko pa ang pinag-usapan namin ni Thy. What does he mean? What do I need to realize?


Inayos naman nila ang mga gamit. Tumulong na ako sa pag-aayos kaya tumulong na rin si Jeruza. Lutang akong nag-aayos kaya hindi ko namamalayan na mas lalong bumuhol ang chords sa speaker. Natauhan nalang ako nang may humawak sa braso ko.


"Ako na rito," sabi ni Thy at nginitian ako. I keep on saying sorry. Kahit sabihin niyang ayos lang, alam kong pagod na sila at dumagdag pa ako. Nakakainis naman. Wala ba talaga akong nagagawang tama?


"Hey, it's okay." Hinaplos niya ang buhok ko. He chuckled. "Tara." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Imbes na sagutan ako, bumaling siya kina Jeruza at Drake. "May date kayo?" tanong niya rito. Namula ang pisngi ni Jeruza pero tumango ito. Nakita kong medyo umiwas ng tingin si Drake. They're cute! "Ikaw, Leigh? Saan ka?"


"Dad," maikling sagot niya. Napatingin naman silang lahat. "And yes, tuturuan kayo bukas." Nanlalaki ang mata nila at halatang gustong tumutol pero walang nagreklamo sakanila.


"B-Buong araw?" Tumango si Leigh na kinabagsak ng balikat nila. Why? What's wrong? Ayaw ba nila sa papa ni Leigh? Natawa si Leigh sa mga reaksyon nila.


"Don't laugh at us. Mahigpit ka na nga, gusto mo pang may magturo sa aming mas mahigpit," Drake said. Natawa si Leigh ulit.


"Oh, come on! Dad isn't that bad." Tumawa ulit siya, nang-aasar. Halatang alam niyang takot sila sa papa niya. Mas strict pala ang papa niya, no wonder she got this strict attitude. Not that strict teacher that will drag you down and think that you can rise up again after he/she insult you. Mas nakakawalang gana ang gano'n. Buti ay gan'to ang ugali ni Leigh. Mahigpit lang tuwing trabaho.


"Yeah, because it's your Dad," sabi ni Drake. Lumapit siya kay Jeruza at humawak sa bewang. He waved his hand saying goodbye.


Lumabas na sila ng studio. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ano pa ang gagawin ko rito? Kailangan ko na umuwi pero ang aga pa. Hapon palang ata rito. Hindi ko nga alam paano bumalik kay Aling Melinda. Napalunok ako nang maalala si Thy. He knows that I don't live there. I don't know if I will ask for his help, but it's risky.


Naramdaman kong inakbayan niya ako. Nakangisi na siya nang lumingon ako.


"Tara, date rin tayo," sabi niya na ikinagulat ko. Ano raw? Date? We're going on a date?! He chuckled when he saw my reaction. "Date. Sa mall, if you wanna. Kahit saan, name it." Tinitigan ko siya nang matagal. Seryoso siya?


"Alis na ako," sabi ni Leigh habang nagtitipa sa cellphone. Lumabas na rin siya ng studio. Bumalik ang tingin ko kay Thy na nakatingin sa akin. Ngumisi siya nang makita akong nakatingin. Nilahad niya ang palad sa harap ko, nagtataka ko lang 'yong tinignan.


"Let's go." Siya na mismo ang kumuha sa kamay ko para hawakan. Hindi ko pa nasisink-in ang ginawa niya kaya nahila niya ako palabas. "Where should our first date will be at?" he asked. Hila-hila pa rin ako.


"Can you..." Lumingon siya sa akin nang hindi ko tinuloy ang pagsasalita. Gusto ko malibot ang lugar na 'to. Wala akong kabisadong lugar dito, ni isang lugar nga ata na pupuntahan, hindi ko alam paano pumunta. "Libot-libot lang?"


Nagulat siya sa sinabi ko pero ngumisi rin. Bakit ba ang hilig ngumisi nito? Pero bakit ang g'wapo pa rin?


"I won't let my first date be 'libot-libot lang'," he said, copied my tone, mocking me. Umiling nalang ako sakaniya kaya natawa siya. Pero hindi ko rin maiwasan na mapaisip sa sinabi niya. First date? Ako ang first date niya?


"First date?" I asked. Tumingin siya sa akin nang mariin. Naningkit ang mga mata ko. He's curious eyes are back! Nakakailang na ang mata na 'yon. Parang gusto makita ang buong pagkatao ko sa tingin na 'yon. Why is he so curious?! He chuckled. Tumingin siya sa akin, wala na ang kuryosidad sa mata.


"First date with you. First date with Faye Maravilla." I was taken a back. Sa pagkakasabi niya no'n parang sobrang special ko. Like I'm the most special and unique girl she ever met. I can't help but to stare at him. Tumawa siya na parang walang sinabing nakakalambot ng puso. Mas lalong tumalon ang puso ko nang hawakan niya ulit ang kamay ko at hilahin.


"What do you want to do?" Hindi pa ako nakakapagsalita, may dinugtong agad siya. "On second thought, I'll surprise you. Dapat thrilling." I heard him chuckled again. I can't see his reaction dahil nasa likod niya ako. Hila-hila. Alam kong sanay ako na utus-utusan. Sanay akong ibaliwala. Sanay ako laging hilahin kung saan para utusan, pero bakit pagdating sakaniya, okay lang? Bakit pagdating sakaniya hindi ko iniisip ang pagsisisi?


Ipinilig ko ang ulo ko na parang nawawala lahat ng inisip ko tungkol sakaniya kanina. I need to focus. I know to myself that I won't be here forever. I can't be in my fantasies forever, there's a reality waiting for me even though I know it's messed up, but that's the real world, that's what really made me feel real.


"Pasok na." Napatingin ako kay Thy nang magsalita siya. Nakahawak siya sa pinto ng taxi. He's waiting for me to get in the car.


"Sorry," I muttered before getting in. Umusog ako sa dulo para makapasok na siya at hindi na umikot. Nakita naman niya ang ginawa ko kaya pumasok na rin siya at sinara ang pinto.


"Ambiguous Palace po," sabi ni Thy sa driver. Nagsimula na kaming umandar agad. What's that place? A Palace? May lugar pala rito na para sa mga royalties and such?


"Ano meron do'n?" I asked. Para kahit papaano naman ay may pag-uusapan kami. Nakatingin lang siya sa labas. Parang walang narinig. Hangin ba ako? "Thy." May pagbabanta sa boses ko. Lumingon siya sa akin na nakataas ang kilay.


"Anong meron do'n, sabi." Ginaya ko siya sa pagtaas ng kilay. Natawa siya nang mapansin ang ginawa ko. Lahat ba napapansin nito?


"Hindi ko rin alam," sabi niya at nagkibit balikat. Anong hindi niya alam? Paano niya nalaman 'yong lugar na 'yon?


Nakita niya ang pagtataka sa mukha ko. Sumandal siya lalo. Natawa na rin sa naisip.


"It's weird, right? Pero first time ko rin pupunta ro'n. I can't wait. Lalo na ngayon, kasama kita, e." Dumausdos siya sa sandalan. Lumingon siya sa labas. "Weird how I can do something I want to do."


I heard that! Loud and clear! What does he mean? Is it connected to what he said that I need to realize?


"Anong ibig mong sabihin, Thy?" I asked. Napalingon siya sa akin na nakakunot ang noo. "You said it's weird, na nagagawa mo ang gusto mo."


Napatigil siya saglit. Iniisip niya siguro na napalakas ang pagkakasabi niya. He tilted his head. Biglang sumeryoso siya. He tilted his head again, bigla nalang siya ngumiti! What's wrong with this guy?


"Wala akong sinasabi," sabi niya at tumawa. Gusto kong sabihin na meron. Narinig ko 'yon. Hindi ko guni-guni 'yon. Bumalik ang tingin niya sa labas kaya hindi ko na siya pinilit. If he wants to tell me, he'll tell me.


"Here we are!" sabi niya at itinuro ang pader. May mga vines 'yon sa paligid, halatang luma na 'to. Pero bakit pader lang 'to lahat? Hindi mo makikita ang loob dahil mataas ang mga pader.


Nakita ko ang isang pasukan do'n dahil ang ibang tao rin ay roon pumapasok. Onti lang ang tao rito. Maraming puno ang nakakalat kaya maaliwalas ang paligid.


Hinila niya ako palapit sa entrance. Nakita ko ang maliit na sign sa gilid nito.


Unambiguously Maze!
Find your way out and ring the bell!


Remember:


Follow your instinct. Follow your heart. Don't follow people or you might fail like them. Trust yourself. Goodluck!


A maze?


"First one to ring the bell wins!" he said. Nakangisi na siya ngayon. "Manlilibre ang talo."


Manlilibre? Wala nga akong kapera pera!


"H-Hindi tayo magsasama?" Natawa siya. Ngumisi siya at umiling. Baka kase maligaw ako tapos ma-stuck ako rito. Well, I can go home to my real world, pero baka hanapin ako ng may-ari nito tapos mag missing pa ako rito sa lugar nila. Napalobo ako ng pisngi sa naisip.


"We can be together later," sabi niyang nakangisi. Tumango ako. Hinila na niya ako papasok.


Bago kami magsimula talaga, may isang tao ro'n na nagbibigay ng lobo. Para makita siguro kung may tao pa sa loob? Wala namang bubong 'yong maze. Kulay white ang lobo na inabot sa amin.


"Cute niyo pong dalawa. Ilang taon na po kayong magkasama?" Nagulat ako sa tanong ng lalaking nagbigay ng lobo.


Napatingin ako kay Thy na tumawa lang at ngumisi sa lalaki. Napatingin ako sa damit namin. We're like wearing couple shirts!


Nginitian ko nalang si kuya. Nauna na akong naglakad kay Thy. Napatingin ako sakaniya nang akbayan niya ako. Nakangisi pa rin siya. Iba na tuloy ang iniisip ko kapag close kami.


Huminto ako kaya huminto rin siya. Nakangisi pa rin niya akong tinignan. Tuwang tuwa siya sa narinig kanina.


"Akala ko ba paunahan?" Tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko. Natawa siya at lumayo nang kaunti.


"Kanina gusto mo magkasama tayo." He chuckled. Umiling nalang ako. Masiyado niya ata sineryoso ang sinabi ni Kuya kanina. "Dito na ako."


Lumiko na siya. Inantay ko muna siyang makalayo bago maglakad sa kabilang daan. Ngayong naglalakad ako, hindi ko alam kung tama ba 'to.


Napadpad ako sa dalawa ang lilikuan. May nakasabay ako at huminto siya saglit para mag-isip. Kumanan siya. Gusto ko sana siya sundan kaso naalala ko ang nakalagay sa sign kanina. Don't follow people or you might fail like them.


Huminga ako nang malalim at kumaliwa. Nagpatuloy ako sa paglakad at sinunod ang sarili ko.


Paliko-liko ako. Bakit feeling ko pabalik-balik lang ako?! Saan na kaya si Thy? Naunahan na niya kaya ako? Hindi p'wede. Kailangan ko manalo dahil wala akong pera pang libre sakaniya.


Lumiko at naglakad nang kaunti. Napatigil ako nang dead end ang nadatnan ko. Gusto ko nalang lumipad! Ilang liko ang ginawa ko. Madalas ako mapunta sa dead end.


Gusto ko nalang lumabas. P'wede nalang ba lumabas? Kakainis naman 'tong maze na 'to.


Lumiko ako at napatigil dahil nakita ko si Thy na nakatigil at iniisip kung saan liliko. Tumalikod ako at umiwas sakaniya. Baka sundan niya ako!


Lumiko ako sa kanan. Diretso ang lakad ko. May mga nakakasalubong akong tao pero hindi ko nalang sila pinapansin.


Bumilis ang paglalakad ko nang may makitang gate. Paglapit ko ro'n may nakalagay na exit! Nakalabas na ako!


Pumasok ako ro'n. Nanlumo ako nang nakita ko si Thy, nakasandal siya sa pader sa gilid ng bell. Ngumisi siya nang makita ako. Lumapit ako sakaniya. Kaming dalawa lang ang tao rito.


"Congrats," nanlulumo kong sinabi. Natawa siya at umayos ng tayo. Pinisil niya ang pisngi ko. Ngumiwi ako.


"I haven't ring it." Napatingin ako sakaniya nang sabihin niya 'yon. Napaisip ako. Wala nga akong narinig na bell kanina!


Natawa siya at hinila ako palapit sa bell. Nilagay niya ang kamay ko sa tela ng bell. Nakangiti akong lumingon sakaniya. Ngumisi siya at tumango.


Pinagmasdan niya akong nakangiti habang pinapatunog ang bell. Nanalo ako! Well, not really fair and square dahil alam kong pinagbigyan niya lang ako. But this is the first time I did something that I didn't base on people's opinion! This is the first time I did that I really trust myself. I'm so happy!


"Congrats," sabi niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko kaya nayakap ko siya. I froze. I heard him chuckled before hugging me back.


"Thank you," I muttered. Kumalas siya sa pagkakayakap at hinaplos ang buhok ko. Ngumisi siya at natatawang umiling.


"We should go. This is dangerous for me." Kahit hindi ko naintindihan ang sinabi niya ay tumango nalang ako.


Kumain muna kami. Libre niya. He's a man of his words. Pagabi na nang matapos kami. Inaya ko na siyang umuwi.


"Hatid na kita," sabi niya na kinalaki ng mata ko. I almost forgot that he knows I don't live in Aling Melinda's! Bigla akong kinabahan. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko?


"S-Sa karinderya nalang." Naginhawaan ako dahil tumango lang siya. Sumakay na kami ng taxi. Mabilis ang byahe namin.


"Thank you," sabi ko sakaniya nang maihatid ako sa karinderya. Bukas pa 'yon. Siguro nagliligpit na si Aling Melinda. Buti ay hindi nagtatanong si Thy.


Ngumiti siya. Ngumiti siya at hindi lang ngumisi. He pinched my cheeks.


"Thank you for being with me." Ngumiti ako sakaniya at kumaway na. Pumasok ulit siya sa taxi. Ibinaba niya ang binatana at kumaway sa akin.


Umandar na sila. Bago ako bumalik, inantay ko muna siyang makalayo. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko papasok sa karinderya.

Comment