Chapter 18

"Universe! Universe!" They chant. Scratch that. We chant.


Nagtawanan kami ni Jeruza. Hindi pa lumalabas ang Universe pero sobrang ingay na namin. Well, even if we're friends with them, we can't help but to feel excited.


Nasa loob kami ni Arena. Parang concert ng Universe ito, pero ang totoo, guest lang sila. I feel proud. The power they hold. They're now on the top. I don't know why they don't want to play at their own concert. Maybe they're really contented with this?


Mas lalong lumakas ang hiyawan nang marinig namin ang tugtog ni Drake sa gitara. Napasigaw na rin ako, lalo na si Jeruza. Napansin ko na lahat sila ay may mic. They're going to sing together?


"Lagi nalang umuulan
Parang walang katapusan
Tulad ng paghihirap ko ngayon
Parang walang humpay
Sa kabila ng lahat ng aking pagsisikap
Na limutin ka ay di pa rin magawa~"


Chryszyler started. I know I was gone for five months, but his voice improved!


Naghiyawan lahat nang sabay-sabay silang kumanta sa chorus. Napatalon talon pa si Jeruza sa tabi ko. Nagkatinginan kami at natawa. Sabay kaming sumigaw. I missed this. I miss having fun.


"Thank you! 'Till next comets!" sabay-sabay nilang sabi nang matapos kumanta. They called their gigs or every time they play, comets, because they said that they were so good that they can crush a planet, which is true. The crowd complained. Wala na silang nagawa nang magsara ang kurtina at nakitang nag-bow ang tatlo.


Hinila ako ni Jeruza papuntang backstage. Ipinakita namin ang backstage pass namin sa guard.


"Ang galing galing niyo!" tili ni Jeruza. Natawa si Drake sakaniya at lumapit dito. Agad pinulupot ni Drake ang kamay sa bewang ni Jeruza.


Nakita ko namang inaayos ni Leigh ang mga ginamit nila.


"Did we crushed this planet?" natatawang sabi ni Thy. Tumingin siya sa akin.


"Oo! Ang galing niyo! You didn't just crushed it, you literally made it into ashes!" sabi ni Jeruza. Natawa sakaniya si Drake dahil sa ka-hyper-an. "You were perfect there, baby."


Napangisi si Drake. Umiwas ako ng tingin dahil hinalikan ni Drake sa noo si Jeruza. PDA!


"Did we made this planet into ashes?" Lumingon ako kay Thy. Nakalapit na pala siya sa akin.


"You made it disappear." Tumawa ako. They were so good.


Napangiti siya ro'n. Uminom siya ng tubig. Nakita ko naman si Chryszyler na kumuha rin ng tubig pero ando'n lang sa gilid. I want to congratulate him. This is my first time watching him perform.


"Do you want to talk to him?" Nagulat ako nang binulungan ako ni Thy. Hindi ako lumingon sakaniya dahil ang lapit ng mukha niya sa akin.


"Congratulations," I said. Nagulat siya sa sinabi ko pero nagtaka rin. "I want to congratulate you first." Tumingin ako sakaniya. Nakita ko kung gaano siya kagulat. Natawa ako. I've been watching him perform for how many times already, but I can't remember if I already said those words to him.


"T-Thank you." Natawa ako nang mautal siya. Nakita kong napalunok siya at umiwas ng tingin.


"Thyron's stuttering..." I teased. I just missed him. I missed how he always smile and laugh.


"Stop," natatawa niyang sabi pero hindi pa rin makatingin sa akin. "Congratulate him before I still let you." Tumawa siya. Winagayway niya pa ang kamay niya kaya natatawa akong lumapit kay Chryszyler.


My smiled fade when I heard him hissed. He's annoyed again? Nakatayo nga lang siya rito.


"Hi," sabi ko. Nakatingin lang siya sa malayo. Nakalapit na ako sakaniya pero hindi pa rin niya ako nililingon. "Chryszyler, hello?"


Inis siyang tumingin sa akin. Tinignan lang niya ako at tumingin na naman sa kawalan. Kumunot ang noo ko. Problema na naman nito? Ayaw niya ba ako rito?


Aalis na sana ako nang hawakan niya ako sa braso. Kumunot lalo ang noo ko. Ngayon pipigilan niya ako?


"Where are you going? You're going to leave again?" Napalunok siya. Parang may gusto pa siya sabihin pero pinigilan ang sarili. He hissed. "S-Stay."


Stay? I'm not a dog. Kinalas niya ang hawak sa braso ko.


"Please." I bit my lower lip when I heard that. He's not looking at me. I can't see his expression.


Bumalik ako sa tabi niya. Tahimik lang kami ro'n. Nagpapakiramdaman.


"Congrats pala..." I mutter. Nakita kong ngumisi siya. "Sorry. W-Wala ako no'ng unang tugtog mo."


He looked at me. Mapupungay ang mga mata niya. Kitang kita ko ang pagtaas baba ng dibdib niya sa paghinga, at hindi normal ang paghinga niya. Nahihirapan ba siya huminga? Is he okay?


"Because you left..." nahihirapan niyang sabi. I bit my lower lip. Yumuko ako.


"Because you gave me a reason to leave," mahina kong sabi pero sapat lang para marinig niya.


"Fuck," he frustratingly said. Hinawakan niya ang baba ko at pinatingin sakaniya. "Sorry. Really."


His eyes is full of sincerity and regrets.


"Shit. I damn messed up. I'm sorry." Napunta ang kamay niya sa pisngi ko. Umiwas ako ng tingin. I don't want him to see my emotions. I don't want him to see how hurt I am.


I shook my head. Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko.


"N-No. I'm sorry. Iniwan kita..."


"And you're not going to leave again."


---------------------


"Lo, punta na ako k'warto," paalam ko kay Lolo nang makauwi ako. Hindi na ako kumain. Hindi na ako nagdalawang isip nang makakita ako ng tatlong bituin sa langit kanina habang pauwi ako.


Pagdilat ko, andito ako sa studio kung saan ako tumambay. May spare key kaming lahat para rito.


Wala akong magawa kaya nag-ayos na muna ako ng mga gamit do'n at naglinis.


Pinunasan ko ang pawis ko nang maayos na ang buhol na chords sa speakers. Pinunasan ko rin ang mga instruments dito.


Ilang oras pa ang tinagal ko rito bago sila nagsidatingan.


"Faye?" nagtatakang tanong ni Leigh nang makita ako. Agad dumungaw ang iba sa labas nang marinig 'yon.


"Faye!" sigaw ni Jeruza at dali-daling lumapit sa akin. Natatawa ko siyang sinalubong.


"Parang hindi nagkita kahapon, a?" biro ni Thy. "Okay lang. I missed Faye, too."


Lumapit siya sa amin at hinaplos ang buhok ko. Ginulo naman niya ang buhok ni Jeruza. Jeruza groaned.


Natatawang umalis si Thy. Sinalubong naman siya ni Drake at binatukan 'to. Natatawang hinimas ni Thy ang batok niya. Hinawi niya ang buhok.


"Aga mo," sabi ni Jeruza.


"Wala kase magulang ko paggising ko, kaya pumunta na agad ako rito." Yes, I lied. I lied at them so many times now. I know if they knew all of these, they will forgive me.


"Start." Inorasan agad sila ni Leigh pagkahawak ng instruments nila. Here goes another practice.


Pagtapos na pagtapos nila mag-practice, may gig daw sila mamaya. It's in a bar. Last time I went there, it was traumatic. I hope I can endure it later. I want to support them everywhere they play.


-------------


"Faye, tara na." Napalunok ako nang makita ang labas ng bar. Kita ko ang nakakahilong ilaw sa loob. Rinig ko na rin ang tugtog. Huminga ako nang malalim at sumunod sakanila.


"ID?" Nanlaki ang mata ko nang marinig 'yon sa bouncer. Wala akong ID dito!


Lahat sila ay naglalabas ng ID at ipinapakita sa bouncer. Nang ako na ang nasa harap, kinabahan na ako nang todo. Lahat sila inaantay ako.


"N-Nakalimutan ko, e..."


"Bawa--" Naputol ang sasabihin ng bouncer nang magsalita si Leigh.


"Kuya, may tugtog sila rito mamaya." May ipinakita si Leigh na papel sa bouncer. Naningkit ang mata ng bouncer para mabasa 'yong nasa papel.


I sighed in relief when the bouncer let me in. Thank you so much, Leigh!


Pumasok kami sa loob. Nahilo ako sa likot ng ilaw. Onti pa lang ang tao dahil maliwanag pa nang onti.


Dikit na dikit ako kay Jeruza habang naglalakad sa loob. Todo iwas ako sa mga tao ro'n lalo na sa mga lalaki. Alam kong sa labas ako inatake ng lalaki na 'yon, pero sobrang nakakatakot na.


Napasiksik ako kay Jeruza nang makita ko ang isang lalaki sa stool na madaraanan namin na malagkit ang tingin at nakangisi.


"Okay ka lang ba?" tanong ni Jeruza. Napahinto siya at tinignan ako. Sinundan niya ang tingin ko at kumunot ang noo. "Drake?" tawag niya kay Drake pero matalas pa rin ang tingin sa lalaki. Hindi siya napapansin ng lalaki kase nakatingin lang 'to sa akin. Kinilabutan ako nang kindatan niya ako. Jeez! I heard Jeruza scoffed.


Napansin kong lumipat sa tabi ko si Drake. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Nasa unahan ang tatlo, hindi napansin na huminto kami.


Pagdaan namin sa lalaki, nakita kong binangga ni Drake ang balikat nito.


"Ano ba?!" Nagulat ako nang sumigaw ang lalaki at napatayo. Inis na inis 'yong mukha niya. Nakita kong napalingon na rin ang iba sa amin. "Hindi mo bang nakita na may tao?!"


"Sorry. Tao ka pala? You don't act like one." Susuntukin na sana ng lalaki si Drake pero hinarangan na siya ni Thy.


"Dude, easy. Alam kong truth hurts pero kailangan mo kumalma." Natawa pa si Thy pero agad sumeryoso ang mukha. Nanlaki ang mata ko dahil siya na mismo ang sumuntok dito.


"Thy!" sigaw ko. Lumingon siya sa akin.


"Are you okay? Nahawakan ka ba?" Nag-aalala ang mukha niya pero kita ko pa rin ang galit sa mata niya.


Teka, paano niya nalaman kung anong nangyayari? At paano naman niya nasabi na ako nga 'yon?


Hindi pa rin niya binibitawan 'yong lalaki. Pilit inaalis ng lalaki 'yong kamay ni Thy sa kwelyo niya.


"Thy, let him go." Inawat siya ni Chryszyler. "You don't want to beat him. Come on, let him go."


Padabog na binitawan ni Thy 'yong lalaki. Hingal na hingal siya. Tumingin siya kay Leigh.


"I don't want it here too," sabi ni Leigh. Kumunot ang noo ko. Walang nagrereklamo sakanila. "Let's call it a day. Nag practice na rin tayo kanina. Safety is our priority."


Ngumiti siya sa akin. Hindi ako makangiti pabalik. I feel I'm a burden. Kung wala ako rito, hindi mangyayari 'to. Naglakad na kami palabas.


"Paano tugtog niyo?" tanong ko. Tumingin naman sila sa akin.


"You're much important than playing in that shitty bar," inis na sabi ni Chryszyler. Nakita kong tumango sila kaya hindi na ako kumibo.


They really cared. Kahit sino naman siguro na i-gano'n, ipagtatanggol din nila.


--------------


Lumipas ang ilang buwan. Tuloy-tuloy pa rin ang pagpunta ko ro'n sa kabilang mundo. I'm happy with them.


Pag-uwi ko ng bahay, agad akong pupunta sa k'warto. Minsan kapag wala 'yong tatlong stars, sila pa rin naiisip ko. Naik'wento ko na nga sila kay Lolo.


"Masaya ba silang kasama, Apo?"


"Masayang-masaya po, Lo." Ngumiti ako sakaniya. "Buti nga po hindi sumasakit lalamunan ko tuwing nanonood ako sakanila."


Nagtawanan kami ni Lolo. Ngayon lang ako nagk'wento tungkol sa kaibigan, dahil ngayon lang ako nagkaroon ng totoong kaibigan.


"Faye, p'wede pagawa ng--" Hindi ko na pinatapos si Charrieze.


"Sorry. May kailangan akong gawin, e." Nagmadali na akong lumabas. Nakita ko kase ang tatlong bituin kaya kailangan ko makauwi.


"Nandito na po ako, Lo." Nagmano ako sakaniya. Pupunta na sana ako ng k'warto pero nagsalita siya.


"Kumain ka muna, Apo. Madalas ka na nalilipasan sa gabi." Hindi ko rin alam kung bakit ayaw ko kumain. Kumakain kase ako ro'n sa kabilang mundo kaya hindi ako nagugutom.


"Busog pa ako, Lo. Kayo na po muna." Pumunta na ako ng k'warto at nilapag ang bag.


Pumikit ako. Naramdaman kong nakapunta na ako ro'n. Napadilat ako at andito ako sa studio. Ito na ang tambayan ko tuwing gabi. Walang tao at siguradong walang makakakita sa akin.


Tinginan ko ang paligid. Wala naman masiyadong lilinisin do'n kaya nagpunas nalang ako ng instruments.


Katulad dati, nag-antay ako ro'n hangga't sa dumating sila.


"Pustahan!" Narinig ko na ang boses ni Jeruza.


Narinig kong binubuksan nila ang pinto kaya pumunta ako sa likod nito. Nabuksan na nila 'yon.


"Wala pa si Faye?" Halata ang gulat sa boses ni Jeruza. Sanay na kase silang naabutan ako rito lagi. "Hoy, Thy! Bakit alam mong wala si Faye?"


Natawa ako kay Jeruza. Siguro nakipagpustahan 'to. Mas nauna siguro sabihin ni Jeruza na andito ako kaya napilitan nalang sa isa si Thy.


"Wala akong alam diyan," natatawang sabi niya. Nakita ko ang anino nila na papasok na sila. Unang pumasok si Leigh, sunod si Jeruza, Drake, Thy at Chryszyler.


Nang makalayo sila kaonti sa pinto. Isinara ko 'yon kaya napalingon sila ro'n. Nanlaki ang mata ni Jeruza.


"Faye! Yey!" Yinakap ako ni Jeruza. "Ang aga mo ulit! May pera ako kay Thy!"


Natawa ako sakaniya. Kumalas siya ng yakap. Napailing ako nang hingan niya agad si Thy ng pera. Ngumisi si Thy.


"Wala akong pera." Natawa siya nang mainis si Jeruza. Umiling nalang si Jeruza at nagsumbong kay Drake. "Lugi. I don't have a girlfriend to complain with."


"Si Faye!" Nagulat ako sa sinabi ni Jeruza. Kahit si Thy ay natigilan. "Girl friend mo naman din, e. With space."


Natawa siya at tinapik ang braso ni Thy. Hinampas ni Chryszyler 'yong drums kaya napatingin kami sakaniya.


"Let's start." Bumalik na naman ang bored look niya. May problema na naman sa mundo.


"No, no. That's your part Drake," sabi ni Leigh. They're practicing.


"Do I really need to sing?" Drake asked.


"Yes. Mas lumakas ang impact niyo nang kumanta kayong tatlo. Don't worry. Hindi naman lagi." Nagpatuloy sila sa pagtugtog.


"Tatlo ulit kayo sa bridge." Tumango sa ulit. Tututog ulit sana sila pero may tumunog na cellphone.


We all look for the phone. Whose phone is that? Lumapit si Chryszyler sa table at sinagot ang tawag. He's phone. I wonder who's that.


Ibinaba niya ang cellphone niya. Gulat na gulat siya sa narinig. Umigting ang panga niya.


"What's wrong?" Thy asked. Doon natauhan si Chryszyler. Dali-dali siyang lumapit sa pinto.


"I need to go."


"Where are you going?"


Nagtataka kaming lahat. Why is he in a hurry? What happened? Sinundan agad siya ni Thy.


"Chryszyler!" Pinigilan siya ni Thy na makalayo. Lahat kami nakatingin sa labas.


"My parents in the fucking hospital, okay?!" sigaw niya. "Again. They're in that damn hospital again."

Comment