Chapter 21

Nanginginig ang kamay ko habang nag-aantay ng taxi papuntang hospital. Thinking that Chryszyler's parents just passed away, made me really nervous. What if...


I shook my head at that thought. I don't want to think about it. I don't want to think any negative thoughts. I just need to get to the hospital, and when I get there, everything will be okay. I need to be positive.


"Faye! Nako kang bata ka, saan ka ba galing? Hindi ba sabi ko sa 'yo alagaan mo ang Lolo mo? Bakit wala ka sa bahay?" sunod-sunod na tanong ni Tita nang makapasok ako sa room ni Lolo. Yumuko nalang ako dahil alam kong may kasalanan din ako.


Tinignan ko si Lolo na nasa kama, maraming nakakabit sakaniya na kung ano. Memories of Chryszyler's parents lying on the bed hunt me. And what the result is...


I shook my head and my eyes became watery. I looked away. A flashback of my dad's suffering came back to my mind.  The pain hit me.


Imbes na mag-stay sa k'warto, nagpaalam ako kay Tita na lumabas. Dumiretso ko sa simbahan sa loob ng hospital. Good thing they have this. Kahit saan naman p'wede ka magdasal, pero mas ramdam mo kase ang presensya niya tuwing andito ka sa loob.


I started praying for my Lolo's health, up to Chryszyler's, the Universe, until I prayed for the safety and happiness of the whole world. I put all my hearts in it. I surrender it all to Him. I know things are not going well, but I will trust Him.


Bumalik na ako sa room ni Lolo, ando'n pa rin si tita. Alam kong galit siya sa akin. Kasalanan ko. Hindi ko na naaalagaan si Lolo. Puro ako alis.


Somehow, I regret that I always go to the place where I could rest. Kung mapapagod ako araw-araw, 'wag lang mawala si Lolo, tatanggapin ko lahat ng pagod.


I blowed my cheeks. This is what I hate about myself. I can sacrifice and suffer for the people. Even if I'm the one who's hanging on the cliff, I would always choose to save the one who's just sitting on the edge.


"Magpahinga na po kayo, 'ta. Hindi ko na po iiwan si Lolo. Pasensya ka na po." Hindi ako makatingin kay Tita. Alam ko sa sarili kong may kasalanan ako.


Narinig ko siyang bumuntong hininga. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko.


"Bantayan mo ang Lolo mo, ha. Babalik din agad ako. Please. Don't go anywhere. Kung may importante kang pupuntahan, call me."


Tumingin ako sakaniya. Wala akong narinig kahit anong galit sa boses niya kanina. Puro pag-aalala lang 'yon. Ngumiti siya sa akin at hinimas ang balikat ko.


"May pagkain ka na riyan. Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka, a?" Tumango ako sakaniya. Pagtapos no'n ay umalis na siya.


Tinitigan ko ang container sa lamesa. Wala akong ganang kumain, pero alam kong pagagalitan ako ni Tita kapag hindi ko kinain 'yon. Umupo na ako sa upuan at kumain.


-----------------


Every 3 hours, they will check Lolo's condition. Tuwing umaga at gabi nama'y bumibisita si Tita.


Bawat pag-check sakaniya ay kinakabahan ako. Ayoko marinig ang sasabihin ng Doctor o Nurse kung hindi 'yon good news. I'm so scared. I'm scared to lose someone again. I'm too afraid to know that he will also leave me behind. I can't bear it.


"Hindi pa ba siya nagigising?" tanong ni Tita sa akin kinaumagahan. Umiling ako. She sighed. Inabot niya sa akin ang pagkain. Every week din nagbibigay ng fruit of basket si Tita para kay Lolo at sa akin.


Umalis na si Tita pagtapos niya mag-check sa amin. I saw her asked the doctors and nurses before leaving.


"A-Apo." Nagulat ako nang marinig ang nahihirapang boses ni Lolo. Gising na siya? Lahat ng kaba at tuwa ay naramdaman ko.


Lumapit agad ako sakaniya. Hinawakan ko ang kamay niya at dinikit sa pisngi ko.


"Lolo..." I muttered, then I cry there. I cry my whole heart. All of my anxiety went away when I saw him looked at me. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko nang mahigpit pero hindi niya magawa dahil nanghihina pa siya. "T-Tatawag po ako ng doctor."


I immediately ran outside and call the closest doctor in my sight. Nagmadali rin naman siya makapunta sa room ni Lolo.


They checked Lolo's condition. May tinurok sakaniya at may sinabing mga paaalala. When the doctor left, I immediately went to Lolo.


"L-Lo..." Hinawakan ko ang kamay niya. Ngumiti siya sa akin. Halatang nahihirapan siya. Gusto ko alisin 'yon, gusto ko mawala paghihirap niya.


Gusto niya magsalita pero walang lumalabas sa bibig niya sa sobrang panghihina. Umiling ako.


"Ayos lang po. Magpahinga muna kayo. Andito lang po ako." Naiyak ako nang makita ko siyang ngumiti sa akin.


---------------


"Ayos na po kayo rito?" tanong ko kay Lolo.


Inaalalayan ko siyang umupo sa kama niya. Halos isang buwan din siya sa hospital. Isang buwan din akong hindi pumasok dahil natatakot na naman akong iwan siya. At isang buwan na akong hindi nakakabalik kay Chryszyler.


Bawat araw inaalala ko kung ano na ginagawa niya. Kung ano na nangyari sakaniya. Maayos na ba siya? Wala naman siyang ginagawang mapanganib, 'di ba?


Thinking that he's in pain makes me go back so bad. His parents died at the same time. Who would be okay?


I want to be there for him, but I need to choose myself this time. I don't want to risk the only one I have. The only one who's been there for me.


Tumingin ako kay Lolo na nagbabasa ng newspaper. Ang hilig niya riyan. Kahit gabi na, may hawak pa rin siyang newspaper para magbasa o sagutan ang mga wordcross doon.


Nagpaalam akong magluluto muna ng nakakain namin. Ayon ang ginawa ko. Tinulungan ko siyang kumain at uminom ng gamot bago ako matulog.


Bago ako pumasok ng school, hinanda ko muna ang gamot ni Lolo AT pinaalalahanan ko siya kung kailan ang inom no'n habang nasa school ako.


Umupo ako sa upuan ko. Inaantay ang teacher namin. Napansin kong lahat sila ay napatingin sa akin, ang iba ay nagbulungan pa. Isang buwan nga naman akong wala, sinong hindi magugulat na bigla nalang ako papasok?


Hindi ko sila pinansin. Iniisip ko kung ayos lang ba si lolo kahit kaaalis ko lang sa bahay.


My mind is preoccupied. Dumagdag pa sa isipan ko si Chryszyler at ang Universe. Nakasama ba ulit nila si Chryszyler sa gigs? Pumapasok ba siya sa school? Sina Jeruza kaya? Kumusta na sila?


I stopped midway when our teacher walked in. Nagsimula agad siya. Walang gana akong makinig sakaniya. Nagpagawa siya ng Activity para sa Attendance namin. I already turned in my excuse letter last week. Ayon 'yong time na sinamahan ni tita si lolo para makapunta ako ng school. I already did my task and activities that I missed. Kaya wala na akong problema sa school.


Someone wants to ask for my help in the activity, but they we're hesitating whether to approach me or not. Hindi ko nalang sila pinapansin. Bukod sa wala akong gana, pagod ako para ma tulungan sila. I doubt if I could really help them with this state.


Kapag may nagpapatulong naman, I say sorry. Wala talaga akong lakas para tulungan sila. Kahit gusto ko, baka lalo lang ako hindi makatulong.


When our teacher end the class, I immediately went home. I checked lolo, if he's okay. Fortunately, he is.


I heaved a sigh. This day is tiring. Kahit wala naman ako masiyadong ginawa. Nakakapagod mag-isip.


Pinakain ko muna si lolo pagtapos ko magluto. Hindi na ako kumain dahil wala akong gana. Nagsinungaling na lang ako kay lolo na kumain na ako sa labas kasama mga kaibigan ko.


Pabagsak akong humiga sa kama. Kanina ramdam ko ang pagod, ngayon parang mas dumoble. Ramdam na ramdam ko lahat. Ang sakit ng katawan ko. Ni hindi ko nga alam kung bakit gan'to ako kapagod. Kahit siguro ang pagtulog ay nakakapagod.


Paano ba talaga magpahinga? Do I deserve to rest?


This world is really a cycle, but why is it an unfair cycle? You will be tired for so long, but you can only rest a bit. Can't we be tired and rest fairly?

Comment