Chapter Six

"Tagal naman," sabi ko at pinalobo ang pisngi ko.


Andito kami sa kotse ni Chryszyler. We're on the way to Universe's gig. Kanina pa ako atat na atat na makapunta ro'n. I miss watching them play! I didn't even heard them play the one I requested, which is Ignorance by Paramore. Bumalik kaagad ako sa world ko!


"Ang tagal." Humalukipkip ako at pabagsak na sumandal sa upuan.


I heard him hissed. He increased the speed of his car. Nakita ko na ang dami ng tao sa labas. I don't know where's the venue. Basta may ipinakita sa akin si Chryszyler na dalawang ticket at niyaya na akong umalis. His parents are working at their company. Wala sila no'ng... bumalik ako rito sa mundo nila.


He parked his car near the venue. Tinitigan ko ang mga taong handa na manuod. May mga banners sila na hawak hawak, pati mga headbands na may ulo nina Drake at Thy sa magkabilaan.


Lumabas kami ng sasakyan niya at sumunod lang ako. Para akong buntot niya. Nakasunod lang talaga ako, hindi nagsasalita. Nasa likod niya lang ako ro'n.


Nagpalinga linga ako sa paligid. Andito na kaya sila? Nakapila na kami ni Chryszyler. They started to let the people in. Inside, there's a T stage. May mga upuan sa mga gilid pero sa unahan ay wala, mas malawak ang space ng nasa unahan.


Luckily, nasa gilid kami ng stage kung saan may upuan. Thanks to Chryszyler. Buti nga ay hindi ako nawala sa likod niya, paminsan minsan ay titignan niya kung ando'n pa ako. Maiinis siya at hihilahin ako palapit kapag med'yo malayo na ako sakaniya.


12 PM palang at 1:30 PM pa ang simula. Chryszyler said that we'll go when it's 11 AM, but I'm really really really excited to meet them again. Buti nga at napapayag ko siya.


Habang inaantay sila, naghanap ako ng p'wede makabili ng tubig, malamang ay sasakit ang lalamunan ko nito. May nakita naman akong maliit na stand sa bandang entrance.


I stand up. I was about to go when I realized I have no money with me.


"Where are you going?" I looked at Chryszyler when he asked that.


"Bibili sana ako, kaso wala pala akong pera." Umupo ulit ako at yumuko. I played with my feet. Wala akong magagawa, iba ba 'yong pera rito? Sayang. Maghanap na rin kaya ako ng trabaho rito? Para hindi ako laging umaasa sa mga tao. Nakakahiya na. Lagi nalang nila akong tinutulungan.


Napatingin ako kay Chryszyler nang tumayo siya. He looked at me with a bored look. Tinaasan ko siya ng kilay.


"Save my seat." Umalis siya ro'n habang nakalagay ang mga kamay sa loob ng bulsa niya. Pinagmasdan ko siya hanggang sa pumunta siya sa stall. Hindi ko na napigilan ang ngiti ko nang makita siyang pabalik na may hawak na dalawang tubig.


"Salamat," I said, still smiling. He hand me the water bottle while looking at me. Napalunok siya at umiwas ng tingin bago bumalik sa upuan.


"Good afternoon, folks!" Naghiyawan ang mga tao nang lumabas ang Emcee. "We have a special guest with us!" Muling naghiyawan ang mga tao. Mas malakas ang sigawan nila dahil hindi 'to open space katulad nang nasa field kami.


"Okay. Calm down, everyone," natatawang sabi ng emcee. "Who are you waiting for?"


"Universe! Universe!" The crowd chants. Gan'to na pala sila kasikat, bakit hanggang ngayon, mga gig lang sila? P'wede na sila mag concert nito.


Unang nag perform ang isang babae. Kumanta siya ngunit hindi pamilyar ang kanta sa akin. Sumunod ang lalaki at babae, duet.


Uminom ako ng tubig. Ang tagal naman nila. Lumingon ako kay Chryszyler na tahimik lang. Nakapanghalumbaba siya at kitang kita sa itsura nito na buryong-buryo na siya.


Natapos kumanta 'yong dalawa. The emcee walks at the center of the stage again.


"Are you ready to hear Universe?" The crowd cheered. Kahit ako ay gusto ko na sumigaw. Kaso wala naman akong kasabayan, wala ba rito si Jeruza? Tinignan ko si Chryszyler na nakaayos na ng upo. He's obviously excited, too.


"And to all you've been waiting for..." Pinabitin niya talaga ang sasabihin niya. Gumilid siya ng stage. "Universe!" Mas lalong umingay ang mga tao at ang iba ay napatayo na sa mga upuan.


The curtains opened upward and there, I saw Drake and Thy. Thy is wearing his black leather jacket with a white shirt underneath. His hair is messy, his joyful smile is nowhere to be found, he's serious face makes him more hotter while he's holding his guitar. Drake has his usual poker face. Naging mas seryoso lang 'yon. Naka black polo shirt naman 'to at hawak ang drum sticks. They all look so cool! They're perfect!


They started to play. Umingay ang mga tao ro'n. Nang magsimula kumanta si Thy, napatayo na ako, nakita ko ring napatayo siya. Tumingin ako sakaniya na nakataas ang kilay, nang maramdaman na nakatingin ako, tumingin din siya. He's half smiling, kaya napangiti nalang din ako. I know he loves music. I'll do whatever I can to make him continue to love it. Sisigaw na sana ako nang maalala si Chryszyler sa tabi ko kaya napatingin ako sakaniya. Nakangiti na siya habang nanonood kina Thy. Ngumiti nalang din ako at tahimik na nanood.


They look so professional and skilled! Lalo na si Thy, ang galing niya iba ibahin ang mga ekspresyon niya habang kumakanta. The smirk, the smile, the pout, everything!


They finished their first song. Humirit ang mga tao na gusto pa nila. Ako rin, gusto ko pa.


"Who wants more?" Thy asked and point the mic to us. Napasigaw naman ako at napataas pa ang kamay kaya napatingin sa gawi ko si Thy. He smirked when he saw me.


"Alright," he said, still looking at me. Nagtataka ko siyang tinignan. "This is for a friend, she requested this on our last gig. Pero umalis siya kaagad, that's why she didn't had the chance to hear it," he said and smiled at me. Napangiti ako. Ako 'yon! Ako ang tinutukoy niyang friend!


He put his acoustic guitar on the side. Nakita ko namang inabot ni Leigh ang electric guitar niya at kinabitan siya ng mic. He know how to play electric guitar, too? They're so talented!


They started playing. Napahiyaw ako nang tinutugtog nila ang Ignorance ng Paramore. Yes! Maririnig ko na rin!


"If I'm a bad person, you don't like me
Well, I guess I'll make my own way
It's a circle, a mean cycle
I can't excite you anymore~"


Hindi ko alam kung dahil ba sa excitement pero habang kinakanta 'yon ni Thy ay nakatingin lang siya sa akin.


He continued singing. Ang ibang tao ay nakikisabay sakaniya at 'yong iba tumatalon talon pa. Sumasabay ako sa isip ko.


Papalapit siya sa akin habang kumakanta. Palawak nang palawak ang ngiti niya habang papalapit. Kita ko ang pagtataka ng ibang nanonood.


"Long time no see," sabi niya nang magkatiyempo. Narinig naman 'yon ng mga tao kaya nagulat sila. Thy just smirked at me before he continue to sing.


Ramdam kong uminit ang pisngi ko nang makita ang mga taong nakatingin sa akin na nakanganga.


"You're really friends with them." Napatingin ako kay Chryszyler nang magsalita siya. Oo nga pala, kasama ko pala 'to.


I saw how he swallowed the lamp on his throat before looking at me with his serious face.


"I told you, we're..." Huminto ako saglit dahil lumakas ang tugtog nila Thy. "We're friends," sigaw ko sakaniya para marinig.


I heard him hissed. Simula no'n, buong kanta ng Universe ay nakasimangot na siya.


"Faye! Hindi ko alam nanonood ka pala. Dapat pinuntahan kita," sabi ni Jeruza nang magkita kami malapit sa stage. Palabas kase kami ni Chryszyler pero siya papuntang backstage. Para siguro puntahan sina Drake.


"Biglaan din, e," sabi ko. Niyaya naman niya kaming sumama sakaniya sa backstage. Tumingin ako kay Chryszyler with his usual bored look, nakapasok pa ang mga kamay sa bulsa ng pantalon niya. Parang hindi nag-enjoy kanina, ngumingiti rin naman.


"You can go," he boredly said.


"You can... uhm... go home. Ayos na ako rito." Inis siyang napatingin sa akin kaya kumunot ang noo ko. Ano na namang problema niya?


"I'll drive you home." Napakurap-kurap ako ro'n. He'll drive me home? Okay naman na ako. P'wede na ako magpahatid kina Thy. Atsaka baka sobra sobra na ang ginagawa ng pamilya niya sa akin. Kahit masungit siya, nagpasalamat pa rin ako.


"Hindi na, magpapaha--" I stopped when I heard him hissed. He looked at me. I saw how frustrate he is. Naaabala ko ba siya masiyado?


"You're my responsibility. I'll drive you home," sabi niya na parang hindi na dapat magreklamo at sundin nalang. Halatang buong buo na ang desisyon.


Tumikhim si Jeruza sa gilid namin. I smiled at her awkwardly. Siguro nailang siya kanina sa usapan namin.


"Tara," aya niya at pumunta na kaming backstage.


Nakita ko naman si Leigh na may kinakausap. Nagliligpit naman sina Drake at Thy ng mga instrument nila.


"Hi!" bati ni Jeruza.


Ngumiti naman si Drake sakaniya at sinenyasan na lumapit kaya lumapit siya ro'n. Tinanguan lang siya ni Thy at dumiretso sa direksyon ko.


"Faye!" bati ni Thy habang nakangisi. Narinig naman siya ni Drake at Leigh kaya napatingin sila sa akin.


Jeruza whispered something to him. Tinanguan ako ni Drake at bumalik din agad ang tingin kay Jeruza na may sinasabi. I saw how his lips rose while listening to Jeruza's story. Kita kong interesadong interesado siyang nakikinig.


"Nanonood ka pala." Napatingin ako kay Thy nang sabihin niya 'yon.


"Oo, biglaan din." Hinawi niya ang magulo niyang buhok dahil umaabot na 'to sa mata niya. Napatulala nalang ako. He's handsome and cool. Gan'to talaga ang mga pormahan ng mga nasa banda 'no?


"Bakit ka pala umalis agad? Pumunta ako sa karinderya niyo, but you weren't there." Pumunta siya? Ano kaya ang reaksyon ni Aling Melinda? Hindi pa naman ako nakauwi sakanila dahil bumalik kaagad ako.


Napatingin naman siya kay Chryszyler sa likod ko. Oo nga pala! Sinabi ko palang i-aapply ko siya bilang vocalist nila. Tumatanggap kaya sila?


"Thy..." He looked at me with his brows shot up. Lumapit ako sakaniya para ibulong. "Tumatanggap ba kayo ng vocalist?"


Natawa siya nang bahagya. I heard Chryszyler hissed. Tumingin naman ako sakaniya. Nakasandal 'to sa pader at halatang gusto na umalis. Bakit pa kase siya sumama? Ayaw naman pala niya rito.


"Leigh!" tawag ni Thy kay Leigh na may binabasa. Tumingin naman si Leigh kay Thy. "P'wede ba raw maging vocalist si Faye?" Nanlaki ang mata ko at napatingin agad kay Chryszyler na nakangisi.


"Hindi ako!" tanggi ko kaagad. Tinuro ko si Chryszyler. "Siya. Si Chryszyler..." Anong apilyedo nito?


Tumaas ang kilay niya at sumimangot. Lumapit siya sa amin.


"Chryszyler Dizon." Naglahad siya ng kamay kay Leigh pero si Thy ang tumanggap. I saw how Chryszyler pursed his lips before letting go of Thy's hand.


"Drake," tawag ni Leigh. Lumapit naman si Drake at Jeruza. "Chryszyler here want to be Universe's vocalist." Humalukipkip si Drake nang marinig 'yon. Napangiti naman si Jeruza sa narinig.


"Thyron," sabi ni Leigh. Tumango si Thy kahit wala naman siyang sinasabi. Kinuha ni Thy ang gitara niya at umupo sa gilid. Sinenyasan naman niya akong umupo sa tabi niya kaya umupo ako ro'n. I felt Chryszyler's stare at me kaya hindi ko siya tinignan.


"Thyron will play random rhythms or sound," ani ni Leigh. Humalukipkip na rin 'to. "You just have to sing na sakto sa tunog."


Tumango si Chryszyler. Sumulyap siya kay Thy at sa akin, pero iniwas din ang tingin. Tumikhim siya bago senyasan si Thy na magsimula.


He started strumming. Nag-antay pa saglit si Chryszyler bago kumanta. I'm not familiar with the song, pero nakakabilib na nakahanap agad siya ng kanta na gano'n ang tunog.


I crossed my legs at naghalumbaba. I slightly smiled when I heard him sing. His voice is soothing, para kang hinihele. Napatingin siya sa akin nang maramdaman pinapanood ko siya, ay, halos lahat pala kami pinapanood siya. Hindi naalis ang titig namin sa isa't isa. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maiwas ang paningin ko sakaniya. It's like he's drowning me with those stares and persuading me to look at him with his singing voice.


Bigla naman binago ni Thy ang tunog kaya napaiwas na ako ng tingin. Nag-antay naman ulit siya ng tiyempo para maipasok ang naisip na kanta. Nakalimang lipat ata sila ng tunog bago tumigil.


I unconsciously clap. Sumunod naman si Jeruza sa akin kaya nagpasalamat ako sakaniya sa isip ko.


Nagkumpol naman sila para makapagdesisyon. Pati si Jeruza ay sinama nila. Katabi ko ngayon si Chryszyler. Tinignan ko siya at nakayuko lang siya ro'n, hindi ko makita ang ekspresyon niya.


"Matatanggap ka nila for sure," sabi ko kaya napatingin siya sa akin. I smiled at him. I saw that he really cares of what results will come out.


He smiled at me. Napapilig pa ako ng ulo at tinignan ulit siya na nakakunot na ang noo.


"Did you..." Hindi ko matuloy. At hindi ko na itutuloy dahil hindi naman siguro big deal 'yon.


"What?" inis niyang tanong.


"Wala." Napaatras ako nang nilapit niya ang mukha niya sa akin. Problema nito? Tinusok ko ang noo niya ang nilayo 'yong mukha sa akin.


"Yes." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Yes, I smiled," he said then chuckled. Natawa nalang din ako nang mahina.


Sabay kaming napatingin ni Chryszyler nang lumapit na sila sa amin.


Naglahad ng kamay si Leigh kay Chryszyler kaya kumunot ang noo nito, maski, ako.


"Welcome to Universe," sabi ni Leigh na kinagulat ni Chryszyler. Agad naman siya nakipagshake hands kay Leigh. Sumunod naman si Thy at Drake na nakipag hand shake.


"Okay. We'll give you the schedule, where to meet, where's the venue and everything," sabi ni Leigh. Pumalakpak siya. "Let's go."


"Hatid ka na namin, Faye," sabi ni Thy at inakbayan ako. Naramdaman ko namang hinawakan ako ni Chryszyler sa braso.


"I'll drive her home," matigas na sabi ni Chryszyler. Inalis naman ni Thy ang braso niya sa pagkaakbay at itinaas ang kamay.


"Okay, bro. Pupunta rin kami dahil kakain kami ro'n," sabi niya at inaya na sina Leigh, Drake at Jeruza.


"Nasa likod niyo lang kami," sabi ko kay Thy. Kumaway sa akin si Jeruza at pumasok na sila sa van.


"Alam mo ba bahay ko?" I asked. I'm referring to Aling Melinda's house. Ayon lang naman ang p'wede kong sabihin na bahay ko.


He put his seatbelt on before answering. "Nope." I glare at him. Ang lakas na sabihin na ihahatid ako, hindi naman pala alam kung saan bahay ko. "Look, I just want to see you go home safe and sound. Baka pagalitan pa ako ni Dad," he said and started the engine. I just let him be. Tumingin nalang ako sa labas. Padilim na, hindi katulad kanina na tirik na tirik ang araw.


"Faye." I looked at him. That was the first time he called me by my name. "Thank you," he genuinely said. He glanced at me pero bumalik din ang tingin sa kalsada.


I smiled a bit. Parang lahat ng mga nagawa ko sa buhay ay nabigyan na ng hustisya sa isang thank you. I was satisfied with his thank you that I don't need everybody to thank me for  what I did for them, his thank you is enough for me.

Comment