Chapter 15

"Group 2, who's your leader?" All of my groupmates turned to me, even my other classmates. Itinuro nila ako.


"Maravilla, leader of group 2." Tumango ako sa teacher namin. I'm not even surprise. I'm used to it.


Pinaupo na niya kami at tinawag ang susunod na grupo. Nanghalumbaba ako habang sinusulat ang mga pangngalan ng mga ka-group ko.


I think, it's been five months since that night. Hindi na ako pumupunta pa ro'n sa kabilang mundo. Andito pa rin ang sakit, lalo na kapag naalala ko ang itsura ni Chryszyler nang gabi na 'yon. Kung paano siya tumalikod sa akin. It pains me to see him hurt like that and I'm the reason why.


Huminga ako nang malalim para hindi matuloy kumawala ang luha sa mata ko.


"Okay, class. You can start doing it, now." Nagsitayuan ang mga kaklase ko para pumunta sa kaniya-kaniyang grupo. Magrereport kami bukas. Kami ang pipili ng topic basta connected sa feelings dahil Personal Development ang subject namin.


Hindi ako tumayo. Wala akong lakas para tumayo. These past months, parang nawalan ako ng gana sa lahat. Tinatamad ako kumilos, parang lahat nalang ng ginagawa ko walang kahulugan.


It's like after what happened, after I lost the peole I love, nothing makes sense anymore. All of a sudden, I felt really tired. Like the world had drained me for everything I had.


"Faye! Pahingi papel," sabi ni Christopher na nasa kabilang grupo. Kinuha ko ang papel ko sa bag. Sa totoo lang, hindi ko sana ilalabas 'yon at manghihingi nalang sa ka-group ko.


Inabutan ko siya ng papel. Naging sunod-sunod na ang paghingi nila sa akin ng papel.


I tried to make my life back to normal. I tried to forget what happened and what have I experienced there. I tried to pull myself together by doing what I normally do, but I can't. How could I forget the things that made me happy? For the first time in my life, someone really cared, someone really appreciated me, but what did I do? I just messed their lives, I just hurt them. Maybe I don't really deserve to have a wonderful life. Maybe I don't really deserve to be happy.


"Faye, ikaw gagawa PowerPoint?" Napatingin ako sa mga ka-group ko. Nag-uusap na pala sila tungkol sa gagawin. And I'm here, thinking about them.


Tumango ako sakanila. Tinanong ko sila kung anong topic namin dahil hindi ako nakinig. Nagkatinginan sila pero sumagot din.


"Happiness." Natigilan ako sa narinig. How irony. We're going to tacle about happiness, but I don't even know how it feels like. Napansin nila ang pagkatahimik ko. "Ayon kase ang napili namin, sumang-ayon na lahat. Ikaw ba? Napili na kase 'yong love. Buti nga at naunahan natin sila sa happiness."


"How about happiness and sadness?" Lumingon kami sa isang nagsalita sa ka-group. Bakit ba gan'to ang usapan namin? Is this a coincidence? Nananadya ata 'tong tadhana. "Hindi ba, kapag masaya tayo biglang may kapalit agad na lungkot? And vice versa?"


Tumango-tango sila sa sinabi.


"Isn't it a common situation?" I asked. Lahat naman sila napatingin sa akin. "Paano mo mapapalawak ang report na' yan? By giving examples? Lahat naman ng tao alam 'yan. They already experienced that."


Napaisip sila sa sinabi ko. They argue that we should just do happiness, but others said that we should atleast have a second topic. Happiness... One word, but why does it so hard to achieve?


"Happiness and pain!" Lumingon na naman kami sa nag-suggest. Okay, this isn't a coincidence, fate is really playing with me. "Kase 'di ba, you will feel happy with that people, but at the same time you will feel pain. You can't control happiness and pain."


Sumang-ayon nalang ako agad. Ayaw ko na pahabain pa 'yong usapan. Baka hindi ko mapigilan at umiyak pa ako sa harap nila. I'm already weak in their eyes.


"Okay, class. Prepare for your reporting tomorrow. Group 1 will be first." Umangal naman agad ang group 1 pero hindi na' yon pinansin ng teacher namin at lumabas na.


"Faye, p'wede patulong kami kung paano namin irereport?" Ayan ang narinig ko buong hapon at hanggang mag-uwian. Lahat sila ay sinasang-ayunan ko. Nililibang ko ang sarili ko sa pagsunod sa mga utos nila. Ito naman ang madalas kong ginagawa, 'di ba?


"Faye, p'wede ka ba mamaya? Bukas na kase kami." Tumango nalang ako.


Pagtapos ng klase agad nila ako pinaalalahanan na tulungan sila.


"Faye, tara," aya sa akin ni Veronica. Pupunta kami sa bahay nila para gumawa ng report nila.


"Uuwi muna ako. Susunod nalang ako." Kailangan ko muna magpaalam kay Lolo at baka mag-alala siya.


"Hatid ka na namin, para sabay-sabay na rin." Tumango nalang ako. Hindi ko alam kung ilang beses na ako tumatango at sumasang-ayon sakanila. Wala akong lakas pa para makipag-argumento sakanila.


Hinatid nga nila ako sa bahay. Nagpaalam naman ako kay Lolo, pumayag naman siya. Nagbihis muna ako bago lumabas.


Hindi ko na sila pinapasok dahil mabilis lang naman ako. Isa pa, ayaw ko silang makilala ni Lolo dahil magtatanong lang si Lolo tungkol sakanila at akalain ko pang kaibigan ko sila, kahit hindi naman talaga.


"Ano topic niyo?" tanong ko sakanila pagkarating namin sa condo ni Veronica. Siya lang ang mag-isa. Hindi gano'n kalaki ang condo niya dahil mag-isa lang siya rito, pero kasiya naman kami.


"Anxiety." Sinimulan namin. We searched a bit of information to make our knowledge wide.


"Ibahin mo font. Hindi masiyadong mabasa," sabi ko sa gumagawa ng PowerPoint nila. Ginawa naman nito ang sinabi ko.


"Anxiety... as we all know, it's a response of our body. When we feel scared..." Hindi natuloy ng isa ang kaniyang sasabihin. Tumingin ako sa ginagawa niya at nakita kong binabasa niya ang papel na hawak niya. "Anxiety... as we all kno--" I stopped her.


"Huwag mong kabisaduhin." Yumuko siya nakita kong pinalaruan niya ang papel sa kamay niya. Did I offend her? "Kapag nagreport ka, baka ma-blanko ka kapag kinabisado mo. Just understand para may maadlib ka kung sakali."


Ngumiti siya sa akin at tumango. Binasa niya ulit 'yon at naghanap na rin ng ibang impormasyon sa internet.


"Ito, Faye?" Lumingon ako kay Jerry na gumagawa ng PowerPoint. Tumango ako sakaniya.


"Ah, Faye?" Lumingon naman ako kay Veronica nang tawagin niya ako. "Sabi ni Krystel mag-on ka raw."


Kumunot ang noo ko pero nag-on pa rin ako. Krystel is one of my groupmates. Inantay ko muna mag load ang messenger dahil mabagal ang data ko.


Sunod-sunod na ang pag-vibrate ng cellphone ko. Puro si Krystel, tadtad ang messages niya ro'n.


Krystel Mendoza:


Faye?


Krystel Mendoza:


Nakagawa ka na PowerPoint?


Krystel Mendoza:


Faye??


Krystel Mendoza:


Faye, gumagawa ka na ba?


Krystel Mendoza:


Pagtapos ng group 1 tayo na sunod.


You:
Sorry late reply. Tinutulugan ko kase 'yong group 1. Gagawa nalang din ako rito.


Agad niyang na-seen 'yon. Kanina pa niya siguro ako inaantay. Dapat pala sinabihan ko sila.


Krystel Mendoza:


Okay. Kapag may tanong ka, chat ka lang sa akin.


You:


Sige. Send ko nalang sa 'yo 'yong file. P'wede ikaw na maglagay sa Flashdrive?




I received a like from her. Iniwan ko nalang nakabukas ang data ko.




"P'wede pagamit ng laptop?" tanong ko kay Jerry habang nagtytype sa laptop. Lumingon siya sa akin.


"Tapusin ko lang PPT namin." Tumango ako sakaniya. Tinutulugan ko na siya sa lahat para matapos agad.


Ibinigay niya sa akin ang laptop. Katulad ng ginawa ng group 1, nag-search na rin ako ng mga impormasyon tungkol sa topic namin.


Paputol-putol ang paggawa ko ng PPT namin dahil nagtatanong ang group 1 sa akin. Minsan ay nablablanko ako dahil ang topic ng group 1 ang pumapasok sa utak ko.


"Thank you, Faye!" sabi nila sa akin. Ngumiti ako sakanila at nagpasalamat din.


Tapos na kami sa paggawa ng reports. Na-send ko na rin kay Krystel ang file at nabigyan na sila ng kaniya-kaniyang parts.


Nag-jeep na ako pauwi. They insisted to drive me home pero gabi na masiyado at baka kailangan na nilang umuwi.


Pagdating ko sa bahay tulog na si Lolo. Dumiretso ako sa k'warto. Hindi agad ako natulog dahil i-rereview ko pa ang report namin.


____________


"Thank you." Tinawag ko ang mga ka-group ko na bumalik sa harapan. Tapos na kami magreport.


"Good job, group 2." Tumayo si Ma'am Castro. Sinenyasan kaming bumalik na sa upuan. Inayos na niya ang projector bago bumalik sa harapan. "Group 3, be ready tomorrow."


Nagpatulong siya magbitbit ng mga gamit niya papunta sa kabilang section. Pagkaupo ko ng upuan ko, lumapit sa akin si Bea.


"Faye, natulungan mo raw group 1..." Tumango ako sakaniya. Alam ko na kung saan 'to papunta.


"Sige. Uuwi muna ako para magpaalam." Ngumiti siya nang malawak. Sa sobrang tuwa niya naisigaw niya na pumayag ako na tutulungan sila kaya dinumog na ako ng dalawang grupo na natira. I didn't have a choice but to agree. Baka magalit sila sa akin dahil tinulungan ko ang isa, tapos sila hindi.


Sa linggo na 'yon, wala akong ginawa kung hindi tulungan sila sa mga reports nila. Hindi na nga ako nakakakain ng hapunan dahil lagi akong dumidiretso sa mga bahay nila. I don't complain, though. Kasalanan ko rin naman.


"Faye, thank you talaga, a!" Ayan ang narinig ko bago ako nagpaalam pauwi.


Tulog na ulit si Lolo pag-uwi ko. Hindi ko na siya masiyadong nababantayan. Umiinom kaya siya ng gamot niya sa tamang oras?


Pabagsak na humiga ako sa kama. Doon ko lang naramdaman lahat ng pagod. Imbes na magkaroon ako ng free time, binubuhos ko lahat 'yon para tulungan sila. Napabuntong hininga ako.


Inayos ko na ang higa ko para makatulog. Sobrang sakit ng likod ko kaya kailangan ko ng maayos na higa.


Bawal ba talagang magpahinga? Bakit ba hinahayaan ko ang sarili kong mapagod nang ganito? I don't want to think that one day, I'm too tired to even live my life.


Nakatulog na ako. Naalimpungatan ako dahil hindi na ako kumportable sa higa ko. Bumangon ko para lang magulat.


I'm in the other world!

Comment