Chapter Four

"Kain na, apo." Kanina pa ako nakatulala rito sa k'warto. Hindi ko alam ang gagawin ko. Lolo saw me at the kitchen earlier. Ang sabi ko ay matutulog ulit ako pero hindi na ako nakatulog ulit no'n. Kanina ko pa kase iniisip ang mga nangyari.


Tumayo na ako at inalalayan na si lolo sa hapagkainan. Nagluto muna ako saglit at kumain na kami.


"May problema ba, apo?" Napatingin ako kay lolo na nag-aalalang nakatingin sa akin.


Nginitian ko siya. "Wala po, Lo. Ayos lang ako." Ngumiti ulit ako sakaniya pero hindi siya kumbinsido.


"Tumatanda ang mukha mo, Apo. Baka maunahan mo pa akong kumulubot ang mukha, kaya 'wag ka na sumimangot." Napangiti ako sa kaniya. Naging magaan na ang loob ko. I'm really thankful for having him.


The truth is, what's happening right now, I still can't fully sink it in. I still can't believe that I could world travel. Who would have thought? Kahit sino ay hindi ako paniniwalaan.


Mabilis lumipas ang linggo at lunes na. I was expecting that I'll go back to that world, but unfortunately, hindi ako napunta ro'n.


I can't figure out how will I go back. Ang alam ko, tuwing humihiling ako ay napupunta ako ro'n. I tried last night, I wished that I could see the guys again, but it didn't came true.


Bagsak ang balikat na pumasok ako sa eskwelahan. When I entered the room, I just walked straight at my chair.


Nakatulala ako ro'n hangga't sa marinig ang bell hudyat na magsisimula na ang first period, which is Statistic and Probability.


I tried to focus on the topic. Tinitignan ko lang ang teacher namin na nag-explain pero walang pumapasok sa utak ko.


Nagulat nalang ako nagsitayuan ang mga kaklase ko at inayos ang mga upuan nila para mag one seat apart. One seat apart?! That means we have a quiz?! Hindi ako nakinig!


I scan the whiteboard, ando'n ang mga examples at equations na ginamit. Mabilis ko na binasa at inintindi 'yon. Nanlumo naman ako nang burahan na agad 'yon ng teacher namin. Anong maisasagot ko rito?!


Pinakuha kami ng calculator at ng papel para ro'n magsagot. Nanghingi naman sa akin ang mga kaklase ko kaya binigyan ko kaagad sila dahil iniisip ko pa kung paano ako makakasagot.


Bakit kung kailan hindi ako nakikinig may quiz?! Nakikinig naman ako araw-araw pero hindi siya nagpa-quiz!


Kinuha ko ang test questionnaire na inaabot ng nasa harap ko. Kinuha ko 'yon at inabot sa taong nasa likod ko. Tinitigan ko ang 1-5 questions at agad nahilo. Jusmiyo!


"You can start now. 10 minutes only, para makapagcheck tayo," sabi ng teacher namin at nag-ikot ikot sa silid para mabantayan kami.


Naginhawaan ako nang makita na multiple choice ang quiz. P'wede manghula, hindi naman mahahalata na wala akong alam no'n, 'no?


Nagsimula akong magsagot sa abot ng aking makakaya. Kung ano ang natatandaan kong nakalagay kanina sa whiteboard. Hinulaan ko nalang ang formula ng iba at kung ano ang malapit na sagot. Hayaan mo na! Quiz lang naman 'yon, babawi nalang ako sa susunod.


"Ehem." Napatingin ako sa katabi ko na umubo... nang peke. Nginuso niya ang papel ko, telling me that I should let him copy my answers. Nakita niya atang tapos na ako, o baka inaabangan niya akong matapos? Bumuntong hininga ako at sinenyas sakaniya ang mga sagot. Ayaw ko siya pakopyahin dahil alam kong hindi ako sigurado sa mga sagot ko. Hayaan mo na, mapilit siya, e. Sinulyapan ko ang teacher namin habang pinapakopya ko ang isa. Mahirap na baka mahuli, hindi pa naman ako nakinig kanina.


Pinasa na namin 'yon at naghalumbaba ako. I miss Drake and Thy singing on stage. That was my first time attending a gig. Naging maayos pa dahil kasama ko si Jeruza. Hindi niya ako hinayaan na hindi ako nag-enjoy no'ng gabing 'yon. Pinalobo ko ang pisngi ko dahil naalala ko na naiwan ko pala siya ro'n kagabi. Hindi ako nakapagpaalam sakanila. Sinama nila ako pero iniwan ko sila ro'n bigla.


"Uy, Faye!" Napatingin ako sa tumawag sa akin. Inaabot niya ang mga papel para macheck-an namin.


"Sorry." Inabot ko na 'yon at pinasa sa likod nang hindi lumilingon. Iwinagayway ko pa 'yon para mapansin nang nasa likod ko.


Lumingon ako nang hindi 'yon kinuha. Nakita ko naman si Ashlyn na tinitignan ang kuko na bagong linis at may kulay black na cutics.


"Ashlyn," tawag ko sakaniya para makuha ang papel.


Tinaasan niya ako ng kilay. "Ikaw na mag-check. Dalawa naman kamay mo, baka marumihan kuko ko, e." Bumalik ang tingin niya sa mga kuko.


Kinuha ko ang apat na papel na natira. Anong akala niya? I'm an
Ambidextrous?


"Number one." Nakinig na ako sa teacher namin. Binanggit niya naman ang mga sagot. Two points daw kapag may solution. Nagkagulo saglit dahil magkahiwalay ang solution nila sa papel.


Our teacher is recording our score. Todo ang focus ko dahil lima ang hawak kong papel.


"Maravilla?"


"8 po." Napatingin ako sa nag-check ng papel ko. Totoo? Naka 8 pa ako no'n?


Natapos ang pagbilang ng score at binanggit na kung sino ang highest score.


"Ocampo and Varilla got the highest score." Nakita ko namang ngumiti nang malapad si Charrieze at ineentertain ang pumupuri sakaniya. Feel na feel naman niya, kumopya lang naman ata siya kay Varilla dahil magkatabi sila. Si Varilla naman ay tahimik lang at ngumingiti lang sakanila. Varilla is also smart and kind, pero may pagkamasungit din.


Inayos na namin ang upuan. Kalalabas lang ng teacher namin ay parang naging zoo na ulit ang classroom sa sobrang ingay at gulo.


"Bakit 8 ka lang?" tanong ni Aaron, 'yong kaninang kumopya sa akin.


"H-Hindi ako nakinig, e." Why am I stuttering? Kaya ako nagagan'to. Ang tingin nila sa akin ay easy lang.


"8 lang din tuloy ako." Napanganga ako sa sinabi niya. Ako talaga ang sisisihin niya? Kung nakinig siya at hindi kumopya, e 'di sana may natututunan siya at hindi umaasa sa iba!


"Sorry," sabi ko sakaniya. Nagkibit balikat naman siya na parang sinisisi na kasalanan ko talaga lahat. Bakit ba ako nag sorry sakaniya? He doesn't deserve my sorry.


Na-miss ko tuloy sina Jeruza. Even in the simplest reason, they will still appreciate everything.


Naging mabilis ang oras at uwian na kaya dali-dali akong lumabas. Mahirap na baka bigla akong utusan, mga tamad pa naman ang cleaners ngayon.


Pag-uwi ko, naabutan ko si tita at lolo na nag-uusap sa sala. Napalingon sila sa akin. Nagmano naman ako sakanila.


"Magbibihis lang po ako." Pumunta ako sa k'warto at nagbihis agad ng pang bahay na damit. Inalala ko muna kung may gagawin pa ako tungkol sa school. Magbabasa nalang ako mamaya dahil lutang ako buong araw. I don't want to add a burden to tita, ito lang ang kaya kong itulong, ang mag-aral nang mabuti.


Pumunta ako sa sala, nag-uusap pa rin sina tita at lolo. Ngayon ko lang napansin ang mga paperbags at basket na puno ng prutas. Dala ata ni tita para sa amin.


"How's school? Ayos ka lang ba ro'n?" tanong ni tita pagkaupo ko sa tabi ni lolo.


"Ayos lang po, 'ta." Ngumiti siya sa akin.


Pinakita naman niya ang mga laman ng paperbags. Halos lahat 'yon ay damit namin ni lolo.


"Alagaan mo ang lolo mo, ha? Oh siya, aalis na ako at may kailangan akong gawin." Tumayo na siya at nagmano kay Lolo.


Hinatid ko siya sa labas ng bahay. Nakita ko naman ang black na kotse ni tita na nakapark sa gilid.


"Baka may gusto ka bilhin para sa sarili mo," sabi niya at inabutan ako ng five hundred pesos.


"Ayos na po ako. May mga na damit po kayong ibinigay kanina." Ngumiti ako sakaniya para hindi na niya ipilit. Si tita, ayaw niyang tinatanggihan siya. Pero kilala na niya ako, ayaw ko ring lagi akong binibigyan. At isa pa, hindi ako sanay.


Bumuntong hininga siya bago ibalik ang pera sa wallet. "Basta kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako, ha?" Tumango ako at kumaway na sakaniya.


I stayed there until she left my vision. Huminga ako nang malalim, feeling the cold breeze at night. Tumingala ako at nakita na naman ang tatlong stars. I reached for it and lined my fingers at the three stars.


Nakayuko akong pumasok sa bahay. Ando'n pa rin si lolo sa sala at nililigpit ang mga dala ni tita.


"Ako na po, magpahinga na po kayo sa k'warto," sabi ko sakaniya at inalalayan papasok ng k'warto.


Nagligpit na ako at nilagay sa labahan ang mga damit na bagong bili ni tita. Nilagay ko na rin sa refrigerator ang basket na puno ng prutas.


Pabagsak akong humiga sa kama. Nakakapagood. I sighed. I want to go to that world again.


Umayos ako ng upo. I'm going to try again. Baka sakaling gumana na ngayon.


Pumikit muna ako at pinagdikit ang mga palad. "I wished I'll go back to that world," I whispered to myself.


Maya-maya, naramdaman ko ang pagbabago ng inuupuan ko, nagiging madamo na. Naramdaman ko ang init sa balat ko at nakita ko ang liwanag na nanggagaling sa araw. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Bumungad sa akin ang Nuke field na walang tao. Ando'n pa rin ang stage at mga kalat ng tao na nagpunta sa gig.


Tumayo ako at naghanap kung saan p'wede makauwi. Hindi ko kabisado ang lugar na 'to! I don't even know where Aling Melinda is living! Wala akong number nila! Paano ako makakabalik sa bahay nila?


Tumawid ako dahil mas maraming tao ro'n. Malawak ang field at malayo pa ang lalakarin para makalabas do'n. Malawak ang kalsada ro'n, pero may pedestrian lane naman.


I walked when the lights turned red. May kasabayan ako sa pagtawid kaya hindi ako gano'n kinabahan.


Napatingin kami sa kotse na busina nang busina at mabilis ang pagtakbo. Para akong binuhasan ng malamig na tubig nang tumama ang hita ko sa hood ng sasakyan na mabilis ang pagtakbo. Na out of balance ako kaya napaupo ako sa kalsada. Agad naman akong dinaluhan ng mga taong malapit sa akin.


"Ayos ka lang ba, iha?" Rinig kong mga tanong nila sa akin.


Lumabas naman ang isang matandang lalaki at babae sa sasakyan. Dinaluhan nila ako at halata ang pag-aalala sa mukha. Nakita ko namang sumilip ang parang ka-edad kong lalaki sa binatana ng sasakyan nila na nakakunot ang noo. Parang ayaw pa paalisin ang mga magulang sa sasakyan.


"P-Pasensya na," naiiyak na sabi ng babae at lumapit sa akin. Tinulungan nila akong makatayo.


"Dalhin natin siya sa ospital, Hon," sabi ng babae sa lalaki. Mag-asawa pala sila, kung gano'n, anak nila ang nasa sasakyan.


"Halika, papatingin ka namin." Umiling ako at tumayo nang tuwid.


"Ayos lang po ako. Nagulat lang po ako at nawalan ng balanse." Hindi pa rin ako binibitawan ng babae. Parang buo na ang desisyon na ipatingin ako sa ospital kahit kaya ko naman.


I saw their son walk out of their car. Maayos ang pagkakaayos ng buhok niya na akala mo ay bagong gupit. He's wearing a black polo, ang tatlong butones niya ay nabukas, kaya kita mo ang white shirt underneath, nakatupi naman ang sleeves nito hanggang siko. May nakasukbit namang shades do'n sa white shirt niya. Nakablack pants din siya at naka tucked in ang polo ro'n.


He walked towards us, kita ko ang iritasyon sa mukha niya. "Ma, tara na." Nakakunot ang noo nito at kinamot ang ulo sa iritasyon. Problema nito? Tumingin siya sa akin. He scanned me from head-to-foot. "Mukhang maayos naman siya. Tara na."


Nakita ko namang nainis ang mama at papa niya sakaniya. "She's our responsibility, Chryszyler. Akayin mo siya sa kotse." Mas lalong kumunot ang noo niya ro'n. He heaved a sigh and pursed his lips, restraining himself to argue with his father.


Maglalakad sana ako nang mag-isa papuntang sasakyan nila dahil parang pilit na pilit 'tong Chryszyler na tulungan ako. Napadaing ako nang mahina nang maramdaman na kumirot ang paa ko pagkaapak ko. Hindi naman 'yon masakit kanina, a?!


I bit my lower lip, thinking that it will ease the pain. Nagulat ako nang pinaakbay ako ni Chryszyler sakaniya at hinawakan ako sa bewang para alalayan. Napalingon ako sakaniya at napakurap-kurap nang sobrang lapit namin. Hindi ako sanay na gan'to kalapit sa tao! Lalo na sa lalaki!


"Eyes straight, lady." Napaiwas ako nang sabihin niya 'yon. I heard him tsked, before guiding me to their car. Pagsara niya ng pinto ay umikot siya at doon umupo sa kabila. Nakita ko namang pabalik na ang magulang niya sa kotse at nag-aalisan na rin ang mga tao.


"Pasensya ka na talaga, iha," sabi ng mama ni Chryszyler pagkapasok ng kotse.


"Ayos lang po ako. Sprained lang naman po 'to."


"Kahit na, kailangan natin ipatingin 'yan."


I heard Chryszyler hissed. His father drove me to the nearest hospital. The nurse checked me and cover my sprained ankle with something. Pagtapos ay nagbilin siya ng kung anong dapat gawin para hindi lumala.


"Saan ka pala nakatira para maihatid ka namin." Napatigil ako ro'n. Last time someone asked me that, my house street doesn't exist here. Ano ba ang dapat kong sabihin? Na hindi ko alam bahay ko? Ang weird naman no'n 'di ba? Pero anong isasagot ko?!


"H-Hindi ko po alam, e. Bagong lipat po kase kami rito." Napakagat ako sa labi nang magsinungaling ako. Nag-alala naman agad sila.


"Anong number ng mama mo? Tatawagan ko." Napatingin-tingin ako kung saan. Ano ba ang sasagutin ko rito?


"Hindi ko rin po kabisado number nila, e." Napakamot ako sa ulo ko. "Nalimutan ko po cellphone ko sa bahay namin."


Mas lalo silang nag-alala sa akin. Nagkatinginan muna sila bago ngumiti sa akin. Napataas ang kilay ko.


"Doon ka muna sa amin."


"P-Po?"


"What?!"


Napatingin kami ni Chryszyler sa isa't isa nang sabay kaming magsalita. He avoided my gaze and hissed. I just rolled my eyes. Napakasungit naman nito.


"Doon ka muna habang hinahanap namin magulang mo." Tumango ako.


Napayuko ako at napatingin sa paa kong may benda. Madadala ko ba 'to sa totoong mundo ko? Napabuntong hininga ako. My first day here and I got a sprained ankle. And met this family who has a ill-tempered son.

Comment