Chapter 24

I can't contain my excitement when I saw their van again. Lumingon ako sakanila, they're happily talking. Nauuna ako dahil hindi ko rin alam kung bakit, masiyado ata talaga akong excited. Huminto ako sa tapat ng van habang inaantay silang lumapit.


Tinignan nila ako nang nakangisi at nakakunot ang noo. Why? Did I do something wrong?


"How did you know this is our van?" Drake asked. Hindi agad ako nakasagot. Bukod sa hindi ko alam paano mag-explain, Drake's intimidating.


"I-I saw you guys used this three times. Kaya inisip ko na van niyo," I explained. Jeez. Dapat pala mag-iisip na ako ng sandamakmak na paliwanag at kasinungalingan.


They looked convinced kaya pumasok na kami. As usual, Drake's driving, Jeruza's at the passenger seat, Thy and Leigh are on my side at the back.


We drove to Nukefield. Marami na ang tao ro'n. Pumasok na agad kami at inayos na nila ang mga gamit. I was waiting for Thy to ask me if I have a song request like what I remember. Mababago na kaya 'yon? Last time, Thy asked me to come, pero ngayon, ako 'yong kusang sumama. Is it going to change?


"What music?" Thy asked Leigh habang tinotono niya ang gitara. Leigh looked up, thinking.


"Ignorance?" I said. I need to make the story flow like what it happened last time. I realized that the scenes and situations are the same. Parang naulit lang siya, I don't know why, but it's really repeating. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari kung magbago man ang pangyayari, natatakot ako, kaya hangga't maaari, hindi ko iibahin ang pangyayari hangga't wala pa akong matinong plano.


I need to confront them about this, pero baka hindi sila maniwala sa akin at lumayo pa. I'm already weird in their eyes when I knew their full names and they'll think I'm crazy kapag sinabi ko sakanila ang nangyayari.


Sumang-ayon naman sila ro'n. Pumunta na kami ni Jeruza sa upuan kung saan malapit kami sa stage, habang sina Thy at Drake ay nasa stage, si Leigh naman nasa gilid ng stage.


Tinawag silang dalawa at naghiyawan ang mga tao, this time, hindi na ako narindi. I looked at Jeruza, she's smiling and wants to scream with the croud but hesitating because of me.


Sumigaw ako at natawa. Lumingon ako sakaniya at natawa na rin siya. It reverse. Nakaraan, ako 'yong naiilang at hindi sanay, ngayon siya naman. Is this a bad sign?


Buong kanta, nagpalakasan lang kami ng sigaw ni Jeruza at tatawa sa isa't isa.


"Alam mo," sigaw niya sa akin dahil hindi namin maririnig ang isa't isa sa normal na boses. "Ang weird mo," sabi niya at natawa. "Pero I'm happy to meet you!" She smiled and shouted, "I'm happy!"


Natawa ako at niyakap siya. I feel her body stiffened but still hugged me back. Gusto kong umiyak do'n pero pinigilan ko. I'm happy, too.


Tapos na nila kantahin 'yong Only Exception. Ito 'yong time na bibili si Jeruza ng tubig tapos bigla akong mababalik sa mundo ko.


"Bibili lang akong tubig. Sumakit lalamunan ko." Natahimik ako pero agad din ngumiti at tumango. Ramdam ko na rin ang sakit ng lalamunan ko.


Dumilim na nang lubusan. Pinagmasdan kong umalis si Jeruza sa tabi ko. Bumalik ang tingin ko dahil may nagsalita sa stage. Naghahanda na akong makabalik. Hindi ako kumurap o lumingon man lang. Biglang umikot ang paningin ko hangga't sa mabalik ako sa k'warto ko.


I need to think of a plan. When I get back to their world and meet Chryszyler, I'm going to confront him.


I just went to school and do the usual. Bumagal ang oras sa school dahil tambak ang gawain namin. Good thing I'm flexible and can manage my time.


I'm at the cafeteria to buy food. I was looking at the menu at our cafeteria. Gano'n pa rin ang mga tinda nila. Should I eat rice? Or just snacks?


Nag-iisip pa ako ng bibilhin ko nang may kumalabit sa akin. Lumingon ako ro'n at nakita ko sina Victoria, Wanda, at Aaliyah.


"Hi, F-Faye!" Aaliyah said. I just laugh when she mocked me.


Kumaway ako sakanila. Ngumiti silang tatlo at tinuro ang bakanteng mesa.


"Sabay tayo kain!" Victoria said. Tumingin naman sila sa akin na parang gusto nila akong um-oo at 'wag sila tanggihan.


Tinignan ko naman ang hawak nilang styrofoam. Ulam at kanin ang laman no'n. I'll order rice na lang din.


"Okay. Order lang ako." Tumango silang tatlo.


"Gusto mo samahan kita?" Victoria asked. Ngumiti ako at umiling.


Umupo na sila sa tinuro nila kanina. Pumunta naman ako sa counter para bumili. I could feel their stares. Lumingon ako sakanila at pinagmamasdan nga nila ako na parang bigla akong mawawala.


Pagkuha ko ng pagkain ko, pumunta na ako sa table nila. Umupo ako. I awkwardly smiled at them.


"Ano ulam mo?" Victoria asked me. Katabi ko kase siya, nasa left side siya, ako sa right. Katapat niya si Wanda at katapat ko naman si Aaliyah.


I opened my styrofoam. Porkchop ang ulam na binili ko at dalawang kanin. Binuksan naman din nila ang kanila. Pareho kami ni Wanda ng ulam at pareho naman sina Victoria at Aaliyah na chicken ang ulam.


"Anong year mo na pala, Faye?" Wanda asked me. Nagsimula na kami kumain.


"Grade 11," I answered.


"Oh! Kami rin!" Aaliyah said. We're on the same year? Hindi halata, mas mukha kase silang matanda sa akin.


"Daming pinapagawa, 'no?" Victoria asked. Tumango ako.


Unang natapos si Wanda, sunod si Victoria, sunod ako, at nahuli si Aaliyah. Kaya nilibre niya kami ng drinks. Hindi raw sila madalas gano'n, pero dahil daw andito ako, nagpustahan sila.


"Thanks," I said when Aaliyah handed me a strawberry shake.


"Anong oras next class mo?" tanong sa akin ni Wanda habang hinahalo niya 'yong chocolate shake niya.


"1:45." Tumango sila. Victoria is busy getting the sago in her mango shake. Si Aaliyah naman ay busy rin humigop ng chocolate shake habang nag-cellphone.


"1:45 din next class namin." Tumango ako dahil may lamang shake ang bibig ko. Gusto ko tanungin strand nila kaso malapit na rin mag time kaya kailangan na namin bumalik sa mga room namin.


"Bye, Faye!" paalam ni Aaliyah. Buti na lang at hindi na niya ako inasar sa pagkabulol ko.


"See you around!" sabi ni Victoria.


Tumango lang sa akin si Wanda. I notice that she only talk when necessary or wants to know something.


Kumaway ako sakanila bago bumalik sa room ko. Magkaiba kami ng building. Hiwalay kase ang building ng mga strands. Base sa building na pinuntahan nila, STEM students sila, ako naman, ABM.


I arrived on my next class 5 minutes earlier. Nag-antay lang ako ro'n na pumasok ang teacher namin para magturo.


"Class dismissed." Nagligpit na agad ako ng gamit ko. I looked at the window, padilim pa lang. I need to get back to the other world to confront Chryszyler. He was the one who I last and first met before and after this happened. Maybe he knows what's happening... or he's the reason why this is happening?


I got home. Sinilip ko si Lolo at nasa kwarto siya, nagbabasa na naman ng newspaper. Gabi na, a? O baka sinasagutan niya ang word cross.


Nagbihis na ako ng pangbahay. Pumunta akong kusina para magluto ng makakain namin. Tinawag ko si Lolo para makakain na kami. Nagligpit na rin ako. Aligaga ako dahil natatakot ako mamaya. The what ifs are there again.


"Apo, kanina mo pa sinasabunan 'yang platito." Nagulat ako at tinignan ang hawak ko. Kanina ko pa nga siya hawak at para na siyang kumikintab kasasabon ko.


Tinapos ko na agad 'yon at nagpaalam kay Lolo.


"Ayos ka lang ba, Apo?" tanong niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinimas 'yon. Nag-aalala siya sa akin kaya nginitian ko siya.


"Malakas po Apo niyo," I joked. Tumawa kami pareho.


Pumunta na ako sa k'warto ko. Tumingin ako sa bintana. I saw the three stars aligned. It's called, "Orion's belt or The Belt of Orion."


I looked at it for a moment. I'm still tantalize by its beauty. How it shined, how they're aligned. It's just perfect...


I closed my eyes. I feel a little dizzy. When I opened my eyes again, I'm in their world. Should I call this world? Should I name their world? Universe's world?


I'm at Nukefield. I looked around, may bakas pa rin ng mga kalat at halata na may nag concert.


Lumabas ako ro'n at inisip kung ano ba ang nangyari sa akin no'n. Naalala ko na rito kami unang nagkita ni Chryszyler. Hindi ko lang maalala kung paano.


Tumawid ako kasabay ng mga tao sa daan. Bigla akong napahinto sa gitna nang maalala. Dapat pala ay masasagasaan ako ng kotse nila. Lumingon ako sa paligid, I didn't see their car. Baka mamaya pa? O tapos na?


"Oy! Dalian mo naman maglakad!" Bumalik ako sa ulirat nang may tumawag sa akin at bumisina. Dali dali akong tumawid.


Hindi agad ako umalis do'n kahit pinagtitinginan na ako ng mga tao dahil sa paghinto ko kanina. Bahala na kung isipin nilang baliw ako, basta makita ko ulit si Chryszyler.


My eyes widen when I saw their car. Nataranta ako at hind ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung tatawid na ba agad ako o mag-aantay ako nang ilang minuto.


Pumikit ako at tumawid, bahala na. I heard them shouting and some of them were cursing me because of what I did.


Mahabang busina ang narinig ko bago ko naramdaman ang hood ng kotse na tumama sa akin. But it was different... The car slammed at me really hard causing me to fall and hit my head on the ground.


My vision became blurry. Hindi ko naririnig ang mga tao. Para akong nabingi bigla habang nararamdaman ang sakit ng ulo ko. Before I lost my consciousness, I saw Chryszyler go to me with anger and worried eyes.

Comment