Chapter Ten

"M-Mang Bert..." Kanina pa kami nagtitigan dito. Hindi namin alam kung anong salita ang bibigkasin.


"A-Andiyan ka pala, Mang Bert?" tanong ko. Gagana ba 'to? Kunware wala akong alam.


Napakurap-kurap naman siya bago ilapag ang punong-kahoy sa tabi. Pinagmamasdan ko ang bawat kilos niya. Kinakabahan na ako!


"P'wede mo ba ako tulungan dito, Faye, iha." I tilted my head to the side. Still processing what he said. Wait. Hindi niya nahalata?


I heaved a sigh before helping him. Naginhawaan ako! Pagtapos ko siyang tulungan ilagay ang mga punong-kahoy sa tabi ng karinderya, tinanong ko kung nasa saan si Aling Melinda.


"Nasa kusina, nagluluto." Tinitigan ko muna siya magputol do'n bago pumunta sa loob.


Naginhawaan ako na hindi niya nakita. Kailangan ko na talaga mag-ingat. Nakita ko naman ang araw na papaakyat na. Bumuntong hininga pa ako bago pumasok sa loob ng karinderya


"Aling Melinda?" pagtawag ko. Dumiretso ako sa kusina kung saan nagluluto si Aling Melinda. Parang narinig ko naman na may kausap siya kaya dinalian ko ang pagpasok.


"Baka mamaya pa 'yon si Faye. Salamat sa pagtulong, iho." Rinig kong sabi ni Aling Melinda. Sino kausap niya? Bakit hinahanap ako?


"Ayos lang po, Aling Melinda! Malayo po ba bahay niya rito?" I froze when I heard Thy's voice. Hindi ko maapak ang paa ko ulit. Lalong natigilan ako nang marinig ang huling sinabi niya. He knows that I don't live here. Paano kapag nagtanong siya? Paano kung sabihin niyang ihahatid niya ako?


Tatalikod na sana ako nang makita ako ni Thy. Shemay naman.


"Faye! Andito ka na pala!" Tumingin ako sakaniya at nginitian siya. Magulo ang mahabang buhok niya. Naka dark green t shirt siya at pantalon. He's smiling widely.


"Nagkaabutan na rin kayo!" sabi ni Aling Melinda habang naghahalo. "Araw-araw 'yan dito si Thyron! Inaantay ka. Siya lagi tumutulong sa akin, 'di ba, iho?" Natawa naman si Thyron sa sinabi ni Aling Melinda. Tumango ito at nginitian si Aling Melinda bago lumapit sa akin.


"Good morning," I greeted. Ngumiti siya sa akin at binati ako pabalik. Come to think of it, madalas na nga sila rito kumakain, pero hindi ko naman inaasahan na andito lagi si Thy.


"Makanonood ka ba mamaya?" he asked. Iginaya ko na muna siya sa upuan para makaupo. May gig ulit sila?


"First gig with Chryszyler?" I asked. Nalungkot naman ang mukha niya pero ibinalik din ang ngiti. Umiling siya at tinukod ang siko sa lamesa.


"Still in the hospital," tipid niyang sagot. Sabagay, hindi naman niya agad-agad maiiwan ang magulang niya ro'n. Hindi pa nga ata gising ang mama niya.


"Anong oras gig niyo?" He looked at his wrist watch. Lumingon siya sa pasukan ng karinderya at nagpalinga-linga, parang may hinahanap.


"They should be here by now." Tumingin siya sa akin at ngumiti. Kahit nagtataka ay nginitian ko nalang din.


Naalala kong nagluluto pala si Aling Melinda. I want to help her. Napalobo ako sa pisngi ko, hindi ko naman p'wede iwan si Thy rito. Thy saw it and chuckled. Tinigil ko naman agad ang paglobo. What's wrong with blowing my cheeks? Pinuna na rin 'yon ni Chryszyler. I can't help it.


"What's wrong?" he asked. I saw how concern he is. Hindi ako makaisip ng sagot sa tanong niya dahil hindi ko naman alam kung bakit siya nagtatanong. Nakita niya siguro ang pagtataka ko. "You do that when you don't know what to do," he said that made me stop. Parang narinig ko na 'yon, a?


He chuckled when I didn't answer. Suddenly, his joyful eyes became curious. Hindi siya nagsalita, tinitigan lang niya ako with those curious eyes. Umiwas ako ng tingin dahil naiilang ako.


"Saan ka nakatira?" Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko siya matignan dahil hindi ko alam ang sagot. Bakit kase wala akong alam na lugar dito?


Hinuli niya ang tingin ko, pero todo iwas ako. Narinig ko ang tawa niya kaya napatingin na ako sakaniya.


"Strict parents mo?" he asked and chuckled. Nangpahalumbaba siya. Hindi ako nilubayan ng tingin niyang mausisa. Nakitawa na rin ako dahil hindi ko alam anong irereact. "What's your surname?" he asked. Titig na titig siya sa akin. Parang sinasabi na kailangan ko sagutin 'yon dahil hindi niya ako lulubayan.


"Maravilla," tipid kong sagot at umiwas ng tingin. Hindi ko matagalan ang tingin niya dahil parang binabasa niya ang buong pagkatao ko sa tingin niya palang.


"Faye Maravilla," he said. Amusement filled his eyes. Biglang nagtaka siya at pinaulit-ulit ang pangalan ko na parang gusto niyang maalala kung sino 'yon.


I'm going to ask why, but he waved his hands to someone. Lumingon ako ro'n at nakita ko sina Jeruza, Drake at Leigh.


Kita kong nagkakamot pa ng mata si Jeruza, halatang naistorbo ang pagtulog dahil sobrang aga pa. Nakasuot 'to ng kulay white na shirt, may nakasulat do'n pero hindi ko mabasa dahil nakaharang ang kamay niya. Katabi niya si Drake na parehong nakaputi. S'yempre, ando'n ang walang pakialam na mukha niya. Naka white shirt din si Leigh at cargo pants. Nakasabit ang specs niya sa damit sa bandang dibdib. Nakita ko ang nakasulat sa shirt niya. 'Universe' may mga stars ding nakakalat pero may dalawang malaking stars sa upper right, katabi ng E. Si Leigh at Jeruza ay parehong may hawak na white shirt din.


Pinagmasdan ko silang tatlo, pare-pareho pala ang mga suot nilang damit. Tinignan ko si Thy na nakangisi habang inaantay silang makalapit. Naka dark green shirt siya, hindi katulad nila.


"Ang aga naman kase!" reklamo ni Jeruza habang palapit. Humikab pa siya bago umupo sa tabi ko. Yumuko siya na animo'y matutulog ulit.


"Mas maaga ka ngayon, what's up?" Drake asked. Tumabi siya kay Jeruza, napapagitnaan na namin siya.


Tumawa lang siya sa sinabi nila. Hinagisan siya ng white shirt ni Leigh, katulad sakanila. Napaiwas ako ng tingin dahil walang ano-ano, naghubad siya! Jeez, kaharap ko pa siya. Sinuot niya ang white shirt at nilapag sa table ang hinubad na damit.


Nakita ako ni Leigh. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti na rin ako. Umupo siya sa tabi ni Thy dahil ayon nalang ang pwesto. Sa totoo lang, I feel out of place. Wala akong alam sa banda, sumasama lang ako dahil sinasama nila ako, ayaw kong ako mismo ang mag volunteer na sumama. Baka sabihin nila, nakikibelong ako.


Umayos ng upo si Jeruza. Tumingin siya sa loob ng kusina at bumalik ang tingin kay Thy.


"Wala ulit si Faye?" Nahimigan ko ang lungkot sa boses niya. Lahat sila nagtatakang tumingin sakaniya. Nagpabalik-balik ang tingin nila kay Jeruza at sa akin. Nakita kong nagpipigil sila ng tawa, kahit ako ay kanina ko pa siyang gusto tawanan. Paano ba naman kase, magkatabi lang naman kami.


Lumingon siya sa akin dahil napansin niya ang pabalik-balik na tingin nila. Nanlaki ang mata niya nang makita ako.


"Faye!" gulat na sabi niya at bigla akong niyakap. Natawa na sila nang makita ang gulat na ekspresyon ni Jeruza. Kahit si Drake ay tumawa na rin. "Ito, o!" Inabot niya sa akin ang white shirt na hawak kanina. Tinignan ko 'to, pareho ng kanila.


Lahat sila nakatingin kaya kinuha ko sa kamay ni Jeruza ang damit. Para sa akin? Bibigyan nila ako?


"May name 'yan sa likod!" excited na sabi niya at tumalikod sa akin. Nakita ko agad ang name niya sa upper center dahil naka ponytail ang buhok niya.


Tinignan ko ang akin, pareho ang design sakanila. Tinignan ko ang likod at hindi maiwasan na mapangiti nang makita ang pangalan ko ro'n. They really see me as a friend.


"Thank you," sabi ko sakanila. Nginitian nila ako. Niyakap ako ni Jeruza at pinasuot sa akin.


Nakangiti akong pumutang banyo. Nakita ko pa si Aling Melinda na nagluluto. Binati ko siya bago nagbihis sa banyo. Paglabas ko, nakita agad ako ni Aling Melinda. Nakangiti siyang lumapit sa akin. Inayos niya ang manggas ko dahil natupi 'yon.


"Sakto sa 'yo," sabi niya na ikinangiti ko. Saktong-sakto nga sa akin. Parang kilala nila ako na nakuha nila ang sukat ng damit ko. Kahit mukhang maliit na bagay lang 'yon, big deal sa akin dahil ngayon ko lang 'to nararanasan.


Pinabalik na ako ni Aling Melinda sa labas. Tapos na raw siya magluto at magsasalin nalang sa containers. I was going to help her, but she refused because she said to be with my friends.


"Bagay sa 'yo!" Ayan ang bungad sa akin ni Jeruza. Nahiya pa ako dahil nakaabang talaga sila sa paglabas ko.


"Galing ko, 'di ba?" sabi ni Thy. Tumango sila. Ang galing saan?


"Si Thy nagsabi ng size mo, akala namin masiyadong maliit dahil may katangkaran ka, sakto lang pala," paliwanag ni Leigh.


Napangiti ako kay Thy, ngumisi lang siya sa akin. Taas noo akong tinignan, parang nagwagi. Natawa ako sakanila. Nagpasalamat ulit ako.


"Wala lang 'yan, mag kaibigan naman tayo, e!" sabi ni Jeruza. Ngumiti sila sa sinabi ni Jeruza. Hindi na ako nakapagreact dahil tinawag ako ni Aling Melinda.


"Faye, iha!" Pumunta agad ako ro'n. Nakita ko siyang may hawak na container na may lamang ulam. "Pasuyo naman." Kinuha ko ang container at dali-dali na inilagay sa warmer. Ang init no'n, a.


Napansin naman nila ako kaya sinenyasan ng mga babae ang dalawang lalaki na tulungan ako. Wala silang reklamo na tumayo at lumapit sa akin.


"Tulungan ka na namin," sabi ni Thy at ngumisi. Si Drake ay dumiretso na agad sa kusina. Tinulungan nila kami na ilagay ang mga containers sa warmer. Nakatunganga lang ako dahil pinilit nila na sila nalang daw ang magbubuhat.


"Oh, kumain na kayo," sabi ni Aling Melinda. I was going to serve them, but they all looked at me like I did something wrong.


"B-Bakit?" tanong ko na nakakunot ang noo. Anong ginawa ko? May nasabi ba ako?


Natawa agad sila sa reaksyon ko. Binigyan ako ni Jeruza ng plato, kahit nagtataka ay kinuha ko pa rin 'yon. Inabutan naman siya ng bagong plato ni Drake.


Sila na mismo ang nagsandok ng mga kanin at ulam nila. Nagulat pa ako nang hinayaan sila ni Aling Melinda. Pinagmasdan ko sila at nakita kong sakto lang ang mga kinukuha nila.


Kinuha ni Thy ang plato ko, sinandukan niya ako ng kanin at ulam. Hindi niya binalik sa akin 'yon dahil siya na mismo ang nagbitbit sa papuntang lamesa. Tinawag niya ako kaya lumapit ako at umupo sa tapat niya dahil ando'n ang plato ko.


Nakita ko namang binigyan kami ni Drake ng tubig isa-isa. They prayed before eating. Tinignan nila kung kumpleto ang lahat, nagsimula na silang kumain. Sinenyasan naman ako ni Leigh na kumain na kaya kumain na rin ako. Wala akong narinig kung hindi ang mga kutsara't tinidor na tumatama sa plato. Parang magkagalit talaga sila sa isa't isa tuwing kumakain, 'no?


"I cancelled the M industry's offer." Nalaglag ang mga panga nila sa sinabi ni Leigh. Lahat sila napatigil sa pagkain, kahit ako. I don't even know what she's talking about.


"Bakit?" Nahalata ko ang inis ni Thy. Napatingin siya kay Leigh na patuloy ang pagkain. "Malaking offer 'yon! Lalo na para kay Chryszyler!"


Kumunot ang noo ko. Bakit magiging malaki ang offer para kay Chryszyler?


"Yeah, Leigh. Mas makikilala agad si Chryszyler if we accept the company's offer," sabi ni Drake.


"Bakit, Leigh? Anong problema sa company?" tanong ni Jeruza.


Bumuntong hininga si Leigh. Tinignan niya sila. Bumuntong hininga ulit siya bago magsalita. Lahat naman sila ay inaabangan ang sasabihin niya, kahit ako dahil malaki nga raw ang offer at mas makikilala sila kung sakali. Hindi 'yong lagi silang nag gig. They're settling for less. Don't settle for less, because we deserve the best. Ano pa't binibigay mo lahat ng best mo pero ayaw mo pala makuha ang best?


"They'll use us. Kapag nakilala sila ng marami, ibabasura nila tayo." Hindi nila tinantanan ng nagtatakang tingin si Leigh. "I know someone. They accept that company's offer. Okay naman raw sa simula, but after three months, nang dumami ang gusto sa kumpanya nila, parang hindi na sila kilala. They even stole their songs."


Hindi sila nakapagsalita. Gulat pa rin sila at parang hindi tanggap na gano'n ang rason ng kumpanya.


"They're all nice and friendly. Galing nila mag-acting," Thy said sarcastically. Umiling siya. "Buti nalang mas magaling si Manager Leigh!" natatawang sabi ni Thy.


Leigh rolled her eyes and shook her head before continuing eating.


"Ang linis ng kumpanya nila. I wonder how many bands and artists they used? And why didn't they say anything about it?" tanong ni Drake.


"Maybe binalaan sila ng kumpanya," sabi ni Jeruza at nagkibit balikat. Nagpatuloy sila sa pagkain kahit alam kong nanlumo sila sa nalaman. Hindi ko rin maiwasan na malungkot. It's like you're one step to your goal, but you suddenly fell because you step into the wrong steps.


"Salamat po ulit, Aling Melinda!" sabi nila pagtapos.


"Balik kayo, a!" Nagpaalam na sila. Inaya nila akong sumama, bibisitahin daw namin magulang ni Chryszyler. Sumakay ulit kami sa van.


"Saan ba room nila?" tanong ni Jeruza. Papasok na kami sa hospital.


"We'll ask them," sabi ni Drake sakaniya.


They're about to ask the nurse at the desk when I said that I know their room. Sinundan lang nila ako hangga't sa makarating kami sa Private room 03. Nakita namin ang name ng parents ni Chryszyler sa dingding sa gilid ng pinto.


They knocked first before entering. Nakita namin si Chryszyler na katatayo palang sa sofa. Gumulo ang buhok niya which is bago sa paningin ko. Halatang kagigising lang niya.


Tinignan niya kami isa-isa. Nagtama ang paningin namin, hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba 'yon pero nakita kong kumislap ang mata niya nang makita ako. Inaya naman niya kaming pumasok. Nakita ko namang tulog ang magulang niya.


"Here." Inabot ni Thy ang Universe shirt kay Chryszyler. Kinuha niya 'to kahit nakakunot ang noo.


Umupo kami sa sofa. Nagulat pa ako dahil nagkasiya kaming lima.


"You'll play later?" Chryszyler asked. Nagtaka ako nang sabay-sabay silang umiling. Kasasabi lang ni Thy kanina na tutugtog sila, a?


"We cancelled it." Right. Inayawan pala nila ang offer dahil nalaman nila ang totoong intention ng kumpanya. Why do people always like to use others? Is it really satisfying to bring other people down just so they could go on top? Wala akong makitang rason para gawin 'yon.


"Why?" Chryszyler asked. Nakatayo siya ngayon dahil wala na siyang mauupuan. Inayos na rin niya ang buhok niya. It doesn't even matter. Kahit anong ayos at itsura niya, parang ang ayos pa rin niyang tignan.


"Ayaw pa namin mawala ang banda," pabirong sabi ni Thy. Nakuha agad 'yon ni Chryszyler kaya tumango nalang siya.


"Hindi pa nagigising mama mo?" I asked. Tinignan ko pa kung ayos lang ba dahil baka hindi pa siya nakakahinga.


Umiling siya. "Maybe next week," sabi niya na parang siguradong-sigurado. "But it's early this time..." May binulong siya pero hindi namin naintindihan. I saw confusion in his eyes. Natulala siya ro'n, nag-iisip nang malalim, nakakunot pa ang noo.


"It's new, right?" Thy asked. Seryoso ang mukha niyang nakatingin kay Chryszyler. Naguguluhan ako sa sinasabi nila. Kahit sina Leigh, Jeruza at Drake.


Nagulat si Chryszyler pero bored ding tumingin kay Thy. Ngumisi si Thy. Makahulugang ngisi. What are they talking about?

Comment