Chapter Nine

"Hindi ka ba pagagalitan sa school?" I asked. Hindi siya nakapagpaalam no'n. The school might give him a suspension or worst, he'll get expelled. Hindi naman siguro, 'no? Valid naman ang reason niya.


He shook his head. He rest his head at his hand that's above the arm rest. I sighed. Inaantok ako. Hindi pa ako nakakatulog. I yawned. Napansin naman ni Chryszyler 'yon.


"You sleepy?" he asked. He's curious eyes looked at me. I shook my head.


Nakakahiya kung matutulog ako rito. Kung matutulog man ako, wala siyang pwesto. Isa lang ang sofa rito at masasakop ko 'yon lahat.


Nagulat ako nang ipatong niya ang ulo ko sa balikat niya. Hinaplos niya ang buhok ko. I was stunned.


"Look at the stars
Look how they shine for you
And everything you do
Yeah they were all yellow~"


I totally froze when I heard him sing. Patuloy pa rin ang haplos niya sa buhok ko.


"Sleep," he said.


Hindi ko makita ang reaksyon niya dahil nakasandal ako sakaniya. Hindi ko rin maangat ang ulo ko dahil hawak niya 'to at hinahaplos.


Paano ako makatutulog sa gan'tong pwesto namin?! Parang nawala lahat ng antok ko at napalitan nalang 'yon ng kaba. I don't know what to do. Matutulog ba ako? Gan'to 'yong pwesto namin?


Bumalik ang antok ko nang marinig ko siyang ipagpatuloy ang pagkanta. His voice is soothing and relaxing that you want to hear him finish singing, but at the same time you want to doze off to sleep.


"Sleep well." That was the last words I heard before I dozed off.


-----------


Nagising ako nang nakahiga na ako sa sofa. Wala si Chryszyler doon. I saw Kuya Raven's awake.


"Okay na po ba kayo?" I asked.


Lumingon siya sa akin at ngumiti. Inalalayan ko siyang umupo.


"Maayos ba ang tulog mo?" tanong niya habang tinutulungan ko siyang umupo.


"Opo," sabi ko at tumingin kung anong oras na.


Nanlaki ang mata ko dahil 10 PM na rito! Malapit na mag-umaga sa mundo ko! Anong gagawin ko? Hindi naman nila ako p'wede makitang mawala bigla.


"Bumili si Chryszyler ng pagkain." Hindi ko napansin ang sinabi ni Kuya Raven dahil natataranta ako.


"U-Uwi na po ako. Baka hinahanap na po ako, e." Tumingin siya sa orasan.


"Nako, madilim na. Ipapahatid kita kay Chryszyler." Napakagat ako sa ibabang labi ko. Paano ba 'to?


"Kaya ko na po. Kailangan niyo po ata siya rito para alagaa--" Naputol ang sasabihin ko dahil may nagsalita sa likod ko.


"I'll drive you home." Lumingon ako kay Chryszyler na inaayos na ang mga plastic na dala niya. Inabutan niya ng pagkain si Kuya Raven. Inasikaso niya muna 'to.


I tapped my left foot on the ground. Hindi ko talaga alam paano makakatakas dito. Sabihin ko kayang mag CR muna ako? Kaso baka antayin niya ako makalabas. Ano gagawin ko?!


"Let's go." Natigil ang pag-iisip ko dahil nasa tapat ko na si Chryszyler. Nauna na siyang maglakad kaya wala akong nagawa kung hindi sumunod.


"Balik ka na ro'n, kaya ko naman umuwi." Hindi siya tumigil sa paglalakad, kahit ay harapin ako ay hindi niya ginawa. "Chryszyler."


He stopped walking. He looked at me with his annoyed look. Napayuko naman ako. Bakit ba gan'to makatingin 'to? Parang ayaw na ayaw ginugulo ng mundo, e.


Nakita ko namang naglakad ulit siya kaya sumunod ako. Anong oras na ba? Ilang oras nalang ba bago mag-umaga sa amin?


Sa pag-iisip ko, nabangga tuloy ako sa likod niya. Bakit ba 'to humihinto bigla? Umangat ang tingin ko. Andito na pala kami sa tapat ng kotse niya.


"S-Sorry." Tumingin ako sakaniya. He pursed his lips. Pinagbuksan naman niya ako ng pinto ng kotse niya, kaya pumasok ako.


Pinaglalaruan ko ang kamay ko habang inaantay siyang mag-drive. Nagsuot siya ng seatbelt niya at nagsuot na rin ako.


"P'wede dalian natin? B-Baka kase pagalitan ako," sabi ko sakaniya. Kumunot naman ang noo niya.


"Is that what you're worrying about?" Kumunot ang noo ko sakaniya. Nahalata niya pa? Halata ba ako masiyado?


He started the engine when I didn't answer. He started driving. Palinga-linga ako sa paligid. Malapit na ba kami? Andito na ba kami? Hindi ko maiwasan kabahan! Paano kung malaman niyang hindi ako taga rito?


"P'wede dalian pa natin?" I requested. Kinakabahan na talaga ako. Nakita kong 11:35 PM na.


Binilisan naman niya ang takbo niya. Tinitigan ko ang orasan sa kotse niya para bumagal 'yon. Gano'n 'yon, 'di ba? The more you wait for the time, the more it gets slower.


Huminto siya sa tapat ng karinderya ni Aling Melinda. Buti nalang alam niyang dito.


"Salamat. Ingat. Bye!" tuloy-tuloy kong sabi. Dali-dali ko namang tinanggal ang seatbelt ko at lumabas ng kotse. Narinig ko pa ang tawag niya pero binilisan ko ang pag punta sa likod ng karinderya.


Pagkaupo ko sa sahig, bumungad na sa akin ang k'warto ko. Napabuga ako ng malalim na hininga. That was close!


Narinig ko ang pagtilaok ng mga manok. Napahikab ako at nag-unat. Buti nalang nakatulog ako ro'n.


Pumunta ako sa kusina para magluto ng makakain namin. May pasok pa ako mamaya.


Naghahain ako ng pagkain nang maisip ko si Chryszyler. Magagalit kaya 'yon? Kaya na ba niya mag-isa ro'n? Nasa hospital ang magulang niya. Hindi ba siya mapapagod?


"Ang aga mo ulit, a." Ngumiti ako kay Lolo. Sinandukan ko siya ng pagkain. Pagtapos namin kumain, nagligpit na ako at naghugas ng pinggan.


Nagpaalam ako kay Lolo na mag-aayos na ako para sa pagpasok. Pagbalik ko sa sala, nakita ko siyang nagbabasa ng dyaryo.


"Lo, pasok na po ako." Kumaway siya sa akin kaya lumabas na ako at sumakay papuntang school.


"Uy, Faye!" Napabuntong hininga ako nang mahina. Hindi pa nga ako nakakaupo, nakita na agad ako ni Charrieze. I smiled at her, a fake one, of course. Dire-diretso ako sa upuan ko habang nagsasalita siya.


"P'wede pagawa nito? Para sa boyfriend ko." Bumingisngis pa siya bago i-abot ang papel.


Inabot ko 'yon at umupo sa upuan. Umalis naman siya at nag cellphone. Kinuha ko ang ballpen ko sa bag.


Sinimulan kong sagutan lahat 'yon. Ang dali lang nito. Kung nag-aaral 'yong magaling niyang boyfriend nang mabuti, masasagot niya 'to at hindi aasa kay Charrieze— na i-aasa niya rin sa akin.


Tumayo ako at ibinigay ko kay Charrieze ang papel. Ngumiti naman siya nang malapad. She typed something on her phone before walking towards the door.


Nag-antay siya nang ilang minuto ro'n. Bigla namang may kumalabit sakaniyang lalaki. Hinalikan niya 'to sa pisngi. Umiwas na ako ng tingin at bumalik sa upuan ko. Boyfriend niya 'yon? Kumusta naman 'yong isang lalaki na taga higher section? Hindi na niya magamit?


I shook my head. I need to mind my own business. Buhay niya 'yan kaya bahala siya. Basta ako tahimik akong namumuhay rito, maliban sa pagpunta ko sa ibang world.


"Galing mo naman, sweetie," I heard the guy said. Hindi ko gusto marinig, okay? Ang lakas kase ng boses niya at malapit ako sa pinto.


"S'yempre, sweetie. Basta ikaw, gagawin ko lahat." I scoff.


Really? She will took all the credits from me? I mean, it's not a big deal, pero paano kung maniwala talaga siya at ipagawa lahat ng assignment kay Charrieze? E 'di, kawawa ako? As for Charrieze, she will live with lies. Everyone will believe her. Time will come that you will regret saying those lies about yourself, because people will believe you and trust you, what if they found out that you're lying? They will be disappointed and not trust you anymore. Ang iba ay sisiraan ka pa dahil hindi ka na nila mapapakinabangan dahil sa nalaman. Ayon ang mga nakakainis, ang mga makikitid ang utak.


Umalis na sila ro'n sa pinto dahil dumating na ang teacher namin. Tuloy-tuloy ang lesson at quizzes kaya todo focus ako.


"Good bye, class. See you next week," paalam ng last subject teacher namin. Nagligpit na ako ng mga gamit ko. Excited na ako sa weekend! Marami akong time papunta sa ibang mundo.


Namataan ko naman si Charrieze na papunta sa akin kaya tumakbo na ako palabas. Narinig ko pa ang sigaw niya pero hindi ko na pinansin 'yon. Minsan lang naman, e. Hayaan mo na muna akong lumaya.


"Hi, Lo!" Naabutan ko si Lolo na nanonood ng balita.


"Andiyan ka na pala, Apo." Nagmano ako sakaniya at nakinood.


Philippines, number one na sa cases ng COVID 19!


"Nako talaga. Pati sa corruption number one ang Pilipinas," sabi ni Lolo na umiiling. Sumimangot ako. Ganiyan naman ang mga politiko. Hindi ko alam kung bakit lagi nilang nilalagay ang salitang 'Para sa bayan' pero sila mismo ang nagpapalubog sa bayan.


Umakyat na ako para magbihis. Tinignan ko ang langit ngunit maliwanag pa kaya wala pang bituin.


Lumabas ulit ako ng k'warto at tinignan kung may pagkain na ba. May kanin pa ro'n ngunit walang ulam, nagluto na ako para hindi na mahirapan si Lolo.


Narinig ko galing sa sala na may tumutugtog. Naalala ko ang Universe. May gig kaya sila ngayong araw? Kahapon, wala. Kailan kaya ang unang tugtog ni Chryszyler? I can't wait to watch him singing with all those people rooting for him.


"Kain na tayo, Lo." Pinatay ni Lolo ang T.V. at umupo. Naunahan niya akong magsandok kaya hinayaan ko na.


"Kumusta ang pag-aaral, Apo?" tanong ni Lolo habang nagsasandok.


"Okay lang naman po." Nagsandok na rin ako ng pagkain ko.


"Hindi ka ba nahihirapan?" Umiling ako. "Hindi ba mahirap makihalubilo?" Napatigil ako sa tanong ni Lolo. Ngayon lang siya nagtanong tungkol sa mga kaklase ko at paano ako makihalubilo sakanila.


Umiling nalang ako. Ayaw ko siyang mag-alala. "Ayos lang po. Maayos naman po." Sana.


Pinatulog ko na si Lolo at dumiretso sa k'warto ko. Pagdating ko, tumingin agad ako sa bintana at hinanap ang tatlong bituin. Binuksan ko pa ang bintana at dumungaw ro'n para makita sa kabilang gilid ang bituin. Nang mamataan ko, pumikit ako at humiling na bumalik ako sa kabilang mundo.


Mas lalo lumamig ang simoy ng hangin na tumatama sa balat ko. Mas nag-amoy puno ang paligiran. Dumilat ako at nakita kong andito ako sa likod ng karinderya ni Aling Melinda. Pupunta sana ako sa harap para mag-ikot dahil maaga pa.


"Faye?" I froze when I heard Mang Bert's voice. Lumingon ako sakaniya at nanlalaki ang mata niya habang may bitbit na punong-kahoy. Hindi ako nakagalaw ro'n. Nakita niya ba ako? Anong gagawin ko?!

Comment