Chapter 11

"What do you mean?" Chryszyler asked. Nagkibit balikat si Thy. He yawned and looked at us, looked at me.


"Nothing." He chuckled. I know it's not nothing. What does he know? He leaned at the sofa. Mariin ang tingin ni Chryszyler kay Thy.


"Sayang naman ang shirts natin, hindi pala kayo makakatugtog," sabi ni Jeruza at nakatingin sa shirt. Nawala ang tingin ko kay Thy.


"Well, we need to practice," sabi ni Leigh. "Just text us. Kapag okay na lahat, we'll wait," sabi ni Leigh kay Chryszyler.


Tumango si Chryszyler. Tumayo sila kaya napatayo ako. Chryszyler looked at me. May gusto siyang sabihin pero parang ayaw niya.


"Tara, Faye!" aya ni Jeruza. Inangkla niya ang braso niya sa braso ko. Hinila na niya ako palabas. Hindi ko na napansin si Chryszyler.


Sinusundan lang namin sila. Nasa bandang likuran kami ni Jeruza at Drake. Ayaw maghiwalay ng dalawa, hinila pa ako ni Jeruza. Mukha tuloy akong thirdwheel.


"Studio o bahay?" tanong ni Thy. Nag-isip pa sila habang pabalik sa van. May sarili silang studio? Kaninong bahay ginagamit nila?


"Studio muna, masiyadong maaga para mag-ingay sa bahay," sabi ni Leigh pagkapasok namin sa van. Tumango naman silang lahat. So, bahay niya?


"Baka pagalitan tayo ng kapit-bahay. Hindi kase soundproof ang bahay, e," sabi ni Thy na natatawa. Wait, bahay niya? Bahay nila?


"We should make it soundproof," dugtong ni Drake. Bahay niya rin?


"May ipon naman na tayo para i-renovate ang bahay natin," sabi ni Jeruza. Bahay nila? Iisa lang ang bahay nila?!


"Yeah. Tingin mo Leigh? Let's make the house soundproof?" sabi ni Drake at nagsimula mag drive. Lahat sila sumang-ayon do'n.


"It won't matter, anyway." Napalingon ako kay Thy sa binulong niya. Hindi niya ata alam na narinig ko dahil parang wala siyang sinabi. Did he said it unconsciously?


Bahay nga nila. Iisa ang bahay nila, kaya pala lagi silang magkasama. Siguro, ang van na 'to, sakanilang apat din. I feel envy. How can I find a friendship like theirs in my real world? Funny how I thought of that. Ni isang kaibigan nga wala ako.


Nakarating kami sa studio. Malawak 'yon. May malaking salamin sa harapan. Ando'n ang instruments nila pero hindi 'yon ang mismong ginagamit nila pag tumutugtog. They have a back up instruments.


"We'll lie low. Habang wala pa si Chryszyler." Tumango sila sa sinabi ni Leigh. Wala talaga silang reklamo, 'no? Alam nilang lahat na ang desisyon ni Leigh ay makabubuti sakanila. Siguro magrereklamo lang sila kapag hindi nila maisip ang dahilan sa desisyon ni Leigh.


I think they're mature enough to understand each other. Dinadaan nila sa usapan. They can control their emotion. Siguro kaya naging matatag samahan nila.


"Faye, 'lika. Judges tayo ngayon!" sabi ni Jeruza sa akin. Kahit nagtataka ako ay lumapit ako sakaniya. Umupo naman kami sa sahig, ang salamin ang sandalan namin.


Nag-aayos sila ng instruments. Tumagal sila ro'n dahil nagbuhol ang mga cable para sa speaker. Si Leigh ay tinitignan lang sila, naniningkit ang mata habang pinagmamasdan ang dalawa. Tumingin siya sa cellphone niya.


"Delay in 2 minutes," she said. Bumagsak ang balikat nila sa sinabi ni Leigh. "Maiinip ang audience niyo. You're slow at preparing. Paano kung bigla akong nagka emergency, no one will help you, but yourself."


I heard the two sighed. Alam kong seryoso si Leigh bilang manager nila pero hindi ko alam na gan'to siya kahigpit. It's good, though. She just want them to be prepared. Hindi ko rin alam na nagsisimula na agad sila sa pag practice. Kapapasok lang namin sa studio, e.


Inorasan ulit sila ni Leigh. Nakita kong natataranta sila dahil hindi nila alam ang uunahin. Bago pa ulit makapagsalita si Leigh, nakaayos na silang dalawa.


Tumugtog sila. Walang kumakanta. They keep on playing but I don't hear anyone singing.


"Off tune, verse 2," Leigh said pero patuloy ang pagtugtog ng dalawa. Inayos ni Leigh ang nasa tainga niya. Doon ko napansin ang earpiece na nakakabit. Siguro roon nila naririnig ang kumakanta?


Kung sila lang pala ang nakakarinig, bakit sabi ni Jeruza na kami ang judge? Napatingin ako kay Jeruza na seryoso na ring nakikinig. Napansin niya ang titig ko kaya lumingon siya. Biglang nanlaki ang mata niya at natawa. Kumunot ang noo ko.


"Nakalimutan ko," sabi niya at tumayo. May kinuha siya sa drawer at inabot sa akin ang earpiece. Natatawa pa rin siya. "Hindi ka nagsasalita, akala ko meron ka na rin."


Natawa na rin ako. Kanina pa siya lutang. Kinuha ko ang earpiece sakaniya at kinabit 'yon. Narinig ko na ang kanta. Ours by Taylor Swift.


Vocal lang 'yon. Walang tugtog na maririnig kung hindi ang boses ni Taylor Swift. Napansin kong hindi sumakto ang tono ng gitara ni Thy.


"Off tune," bulong ko sa sarili ko. Lumingon sa akin si Jeruza.


"Off tune, bridge," sabi niya. Nakangiti siya sa akin. "Sige lang, kung may mali, sabihin mo para maayos nila." Tumango ako sakaniya.


Pinakinggan kong mabuti. Nakikisabay na rin ako sa kanta sa isip ko.


"Off tune, before chorus," sabi ko. Ngumiti naman sina Jeruza at Leigh sa akin. Ngumisi si Thy sa akin. Hindi ko alam kung hindi ba nila napapansin o sinasadya nilang hindi sabihin.


"Break." Ibinaba nila ang instruments at umupo na rin sa lapag. "Two more with no mistakes. P'wede na kayo umuwi o umalis. May pupuntahan din ako," sabi ni Leigh. She removed her earpiece and typed something on her cellphone. Walang reklamo ang dalawa.


Tinanggal nila ang earpiece, nakita ko ring gano'n ang ginawa ni Jeruza kaya tinanggal ko na rin ang akin. Tatayo na sana sila para ibalik sa drawer pero nilahad ko ang palad ko sakanila.


"Ako na magbabalik." Ngumiti lang sa akin si Thy. Ibibigay sana sa akin ni Drake pero si Thy na ang kumuha no'n.


"Ako na," sabi niya at ngumiti. Tumayo siya at kinuha ang earpiece sa akin. Binalik niya 'yon sa drawer.


"Salamat," sabi ko. Kumunot ang noo niya pero natawa na rin at umiling. Kahit nagtataka ay bumalik ako sa tabi ni Jeruza.


"Ang bait mo, 'no?" Napalingon ako kay Jeruza sa sinabi. "Sometimes, let other people help you, too. They will take you for granted if you're too kind like that." Tinapik pa niya ang kamay ko.


They already took me for granted, they already did. Gusto ko sabihin 'yon pero alam ko sa sarili ko na kasalanan ko rin. I allowed them to see me unworthy that's why they took me for granted. I allowed them to be this mean to me. I allowed them to be their slave. I allowed them to make me suffer. I don't know if that time will come when I can fully say what I want, to do what I want. Bakit kase lagi akong naka-base sa opinyon ng ibang tao?


"Bili lang ako tubig." Narinig kong sabi ni Thy. Tumayo siya kaya tumayo rin ako.


"Sama ako," sabi ko. Gusto kong lumabas para mawala ang naiisip ko. Gusto ko rin malaman kung ano ang pinag-uusapan nila kanina ni Chryszyler.


Lumapit siya sa akin, atsaka ako sinabayan maglakad. Lumabas kaming dalawa. Naghanap muna siyang tindahan sa malapit pero walang nakita. Masiyado kase tago 'yong studio nila. Like they don't want anyone to see them. Irony. Pumupunta sila sa ibang lugar pero ayaw nila magpakita.


Bumalik si Thy palapit sa akin dahil nauuna na siyang maglakad. P'wede naman siyang mauna, mabagal talaga ako maglakad lalo na pag may iniisip.


Tinignan ko siya nang hawiin niya ang mahaba't magulong buhok. Hinahangin 'yon kaya tumatama sa mata niya. Napansin niyang nakatingin ako sakaniya, hinawi muna niya ang buhok atsaka tumingin sa akin. Ngumisi siya.


I want to know what he knows. What they know. I can feel that it's connected to me. Hindi nalang ako umimik. We walked further until we saw a sari sari store.


Bumili siya ng limang tubig. Pinalagay niya 'yon sa plastic. Siya nalang tuloy ang may bitbit. Pabalik na kami sa studio.


Tinitigan ko siya. Gusto ko na magtanong. Hindi ko lang alam paano. Didiretsuhin ko ba siya o magpapaligoy muna ako?


"What do you want to ask?" tanong niya na ikinagulat ko. Nakataas ang kilay niya pero ando'n ang ngisi. Paano niya nalaman? "Kanina ka pa sumusulyap." He chuckled again.


"Anong ibig sabihin sa sinabi mo kay Chryszyler?" Saglit siyang natigilan. Bigla nalang siya naglakad kaya sinabayan ko siya. Sumeryoso na ang mukha niya. Lumingon siya sa akin. I can clearly see his curious eyes, like he wanted me to see it.


"You know it yourself, Faye," he said. Naglakad na ulit siya. Ilang segundo pa akong nakatayo ro'n bago matauhan. Hinabol ko siya. Humarang ako sa harap niya kaya napatigil siya. Ando'n na ang makahulugang ngisi niya.


Mas lalo kong gusto malaman ang ibig niyang sabihin. Gusto ko siya pilitin pero ayaw ng bibig kong magsalita.


"Faye," panimula niya. Kinabahan ako nang todo. Sasabihin na ba niya? Lumapit siya sa akin at nag squat para magpantay kami. "You need to realize it yourself. I don't know if you're pretending, but you need to realize it yourself." Seryoso at buo ang boses niya. Hindi ko narinig ang halakhak niya. Wala na rin ang ngisi niya.


Umayos siya ng tayo at nilagpasan ako at nauna na maglakad. I can't process it. Akala ko sasabihin na niya. Deep inside I know it's really connected to me. I don't want to interfere anymore, but what if I already did?

Comment