Chapter 13

"Class dismiss."


Nagmadali akong nagligpit ng gamit ko. Inaantay ko nalang makalabas ang teacher namin sa last period.


I was going to go home when someone called me. Napatingin ako sakaniya.


"Bakit?" I asked. Lumapit sa akin si Charrieze.


"Wait." Ayan ang sinabi niya at lumabas ng classroom. Gusto ko na umuwi! Gusto ko na bumalik sa kabilang mundo. Ano na naman ba gusto ipagawa nito ni Charrieze? At bakit nga ba kase ako sunod nang sunod?


Nagpalinga-linga siya paligid at animo'y nag-aantay. Mayamaya ay nagpakita ang boyfriend niya. I almost rolled my eyes when they kissed. So, she just called and let me wait to watch their cringy romance scene?


Charrieze looked at me. Nakangiti siya nang todo. Ipinakilala niya sa akin ang boyfriend niya. The guy named Lerry.


I just nod. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa ako ipakilala. I know they need something from me, why don't they just say it so I can go?


Naglahad ng palad si Charrieze kay Lerry. Agad nakuha 'yon ni Lerry at may kinuha sa bag. It's a folder. Now I know what I'm doing here.


Inabot 'yon ni Charrieze. Tinignan ko ang laman no'n, puro exams and quizzes. Anong gagawin ko rito? May mga sagot at scores na 'to, e.


"Room 403. 3:30 PM. Pakipasa for Lerry. May date kami bukas, e." Gusto ko silang pangaralanan. They will cut class to date? How childish.


Tumango nalang ako dahil wala naman akong magagawa. Umalis na sila pagtapos. Inalagay ko na sa bag 'yong folder at umuwi na agad.


Nagmano ako kay Lolo. Nakita kong may pagkain na kaya inaya ko siyang kumain.


Pagtapos namin kumain, nagpaalam na ako sakaniyang pupunta akong k'warto. Tumango naman siya.


Pagkabihis ko ng pangbahay. Agad akong dumungaw sa bintana. Napangiti ako nang makita ang tatlong bituin.


I hurriedly wished to go there. Unti-unti kong nararamdaman na nakakapunta na ako ro'n. Pagkadilat ko ng mata. Andito na ako sa karinderya. Nagpalinga-linga pa ako, baka may nakakita sa akin. Buti nalang at wala.


Dahil maaga pa, napagpasiyahan kong mag jogging ulit. Paikot-ikot lang ako ro'n.


Huminto muna ako saglit sa hingal. Gusto ko ng tubig. Wala ba talagang paraan para makakuha ako ng pera rito?


Bigla kong naalala si Chryszyler dahil nagkita kami habang nag-jogging ako. Kumusta na kaya siya?


Ilang oras din ako naglibot doon bago bumalik sa karinderya. Sakto namang nakita ko sina Aling Melinda at Mang Bert na naglalakad. May bitbit silang mga kasangkapan. Lalapit na sana ako para tulungan sila pero may nauna sa akin. Anong ginagawa na naman nito rito?


"Ako na Aling Melinda!" masiglang sabi niya. Tinanguan naman siya ni Aling Melinda at ibinigay ang dala-dala.


Lumapit na ako sakanila at bumati. Nagulat pa sila nang makita ako nang ganito kaaga.


"You're early. Excited kang makita ako?" Natawa ako sa sinabi niya pati ang dalawang kasama namin.


Umiling nalang ako at naglakad na papuntang karinderya. Habang inaayos 'yong mga gamit kinausap ko si Thy.


"Ang dalas mo na rito, a." Humarap ako sakaniya pagtapos ko ibaba ang kaldero. Nakangisi na siya. Na naman.


"Ang dalas mo na ring dumarating nang ganito kaaga, a." Tumaas baba ang kaniyang kilay. Umiling nalang ako at pinagpatuloy ang pag-aayos.


Pagdating ng hapon, sinama niya ako sa practice nila. Ando'n na raw ulit sila sa studio.


"Hi, Faye!" bati ni Jeruza. Kumaway naman ako sakaniya.


The guys are setting up their instruments. Hindi agad sila nakapagsimula mag practice dahil inaantay raw nila ang papa ni Leigh.


Natatawa ako sakanila dahil halatang kabado sila habang papalapit ang oras. 3 PM daw kase ang dating at 2:35 na.


Bumukas ang pinto ng studio. We all looked at it. I'm expecting to see a guy who looks like Leigh, but I saw a guy who has a clean cut hair. Nasa bulsa ang kamay. And still got his usual bored look on his face.


"Chryszyler!" Thy greeted. Tumango lang 'to sakaniya at lumapit. Pinagmasdan ko kung paano niya kami tignan isa-isa. Walang nagbabago sa reaksyon niya. Hindi ko alam bakit ako kinakabahan. Isang araw ko lang siya hindi nakita.


My heart skipped a beat when he looked at me. Bigla akong nanlumo dahil katulad nila, wala rin reaksyon ang mukha niya nang tignan ako. Why am I expecting something?


"Hey," tawag niya kay Thy. Tumingin naman si Thy na nakataas ang kilay. "Can I have a minute?" tanong niya at itinuro ang labas. Kahit nagtataka si Thy, sumunod nalang 'to.


Nakakunot ang noo kong pinagmasdan silang lumabas ng studio. When did that two get that close?


Pabalik-balik ang tingin ko sa pinto. Inaantay silang dalawa na bumalik.


"Baka malusaw 'yong pinto," sabi ni Jeruza sa tabi ko at tumawa. Nakitawa nalang din ako sakaniya. Why am I waiting for them? Babalik naman 'yong dalawang 'yon.


And as if on cue, the door opened and three guys walked in. Nanibago ako dahil seryoso ang mukha ng dalawa habang nasa likod naman nila ang isang matangkad na lalaki. Naka eye glass 'to at naka suit pa. Nakangisi siya pero ramdam mo ang lakas ng dating.


"Dad!" Leigh excitedly said. Kaya ba gano'n itsura ng dalawa dahil naabutan sila ng Papa ni Leigh sa labas? I remember them talking about Leigh's dad, he's stricter than Leigh.


"Hello, Mr. Duque." Tumayo si Jeruza kaya napatayo rin ako. Nakipagbeso siya kay Mr. Duque. Nakita kong tumayo na rin si Drake at nakipagkamayan kay Mr. Duque.


Dumapo ang tingin niya sa akin. He examined me from head-to-foot. It made me uncomfortable. I force a smile.


"H-Hello po, Mr. Duque." He smiled and offer a hand. We shook hands.


"New recruit?" he asked. Tumingin siya kay Leigh. Agad namang umiling si Leigh.


"New friend," she said and smiled. Hindi ko na talaga napigilan ang ngiti ko. Friend. So, this is how it feels like to have a genuine friend. True feelings, no hidden intention.


Nginitian ako ni Mr. Duque. Lumingon siya kay Thy at Chryszyler. He scanned them from head-to-foot, like he did to me. What's with scanning us like that?


"How 'bout this fella right here?" Turo niya kay Chryszyler. Chryszyler introduced himself. "New vocalist..." Tumango si Chryszyler.


Pumalakpak si Mr. Duque, senyales na magsisimula na sila. Umupo namin ulit kami ni Jeruza sa lapag.


Pumwesto sila sa kaniya-kaniyang p'westo. Nakakapanibago dahil si Chryszyler ang may hawak ng mic at hindi si Thy.


He stood there and hold the mic like he's used to it. I looked at them and they were so cool and professional.


Pumalakpak ulit si Mr. Duque at nagsimula na silang tumugtog.


"I can see the pain living in your eyes
And I know how hard you try~"


Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang marinig ko ang pagkanta niya. His voice is so soothing. I can feel the emotion from his voice. Lalo na't nakapikit siya. Narinig ko na siya kumanta nang ilang beses pero hindi ko alam bakit ganito pa rin ang epekto ng boses niya sa akin.


"I can feel your heart and I sympathize
And I'll never criticize all you've ever meant to my life~"


My heart skipped a beat when our eyes met when he opened his eyes. And now, it beats rapidly. Is this normal? May sakit ba ako?


Hindi ko napigilan humawak sa dibdib ko nang pumikit ulit siya. I looked around and they were so busy watching them.


Mr. Duque stopped them. Lahat kami napatingin sakaniya dahil hindi niya man lang pinaabot sa chorus.


"Your stand is not eye catching. Your poise is not interesting." Nalaglag ang panga namin sa sinabi niya, maliban kay Leigh. "Maybe think that this isn't a practice. Para kayong statwa."


This is what they're talking about. How strict.


Pumalakpak ulit siya at nagsimula ulit silang tumugtog. Sinunod naman nila ang sinabi ni Mr. Duque. Wala silang natapos na kanta dahil laging may napupuna si Mr. Duque. No one complained, though. They all know that it's for their own good.


I like all of them. They accept their mistakes and willingly wants to make it right. Not all people are like them. You're the one who wants them to grow and improve by correcting their mistakes, but they'll misinterpret it and makes you look like you're the bad guy. Humans, so annoying.


"Break." Lahat sila naginhawaan nang sabihin 'yon ni Leigh. Pumalakpak naman si Jeruza. "Dad, take it easy."


Tumawa lang si Mr. Duque kay Leigh. Ginulo nito ang buhok niya.


"You're really good at this job. You're really my daughter." Ginulo nito ulit ang buhok ni Leigh, natatawa lang si Leigh habang pinipigilan ang Papa niya.


Hindi ko maiwasan malungkot. Hindi kami gano'n ka-close ni Papa, pero hindi ko maiwasan na ma-miss siya. He's my father and my mother at the same time. I'm proud of having him, but I didn't have him that longer.


"Next week, tutugtog ka na with them," sabi ni Jeruza kay Chryszyler. Nakita kong napatingin si Thy kay Chryszyler.


Thy coughed, or more like a fake cough. Hindi nagbago ang reaksyon ni Chryszyler. Bumaling siya kay Jeruza.


"How 'bout next month?" Nagulat kami sa sinabi niya. Napatingin na rin sina Leigh, Mr. Duque at Drake sa amin. Kumunot ang noo ko nang hindi man lang nagulat si Thy. He knew?


"What do you mean next month? We already delayed your debut for a week. Bakit?" tanong ni Leigh. Lahat kami inaantay ang sagot niya. Hindi nagbabago ang ekspresyon niya.


Ano bang iniisip niya? Dahil ba sa magulang niya? Hindi pa ba sila okay? I can't help but to wonder why he said that.


"I'm not yet ready," he casually said. Umiling si Leigh.


"If you're not ready now, when will you be ready?" tanong ni Leigh. Nagkibit balikat si Chryszyler.


"That's why you're here in the studio, boy. To be ready, to be prepared," sabi ni Mr. Duque. Hindi na niya napigilang hindi sumali.


Umiling lang si Chryszyler at ipinilit na next month nalang. Walang silang nagawa kung hindi pumayag.


Inakbayan ako ni Thy kaya napatingin ako sakaniya. Nakita kong napatingin sa direksyon namin si Chryszyler.


"Bili ulit tayo tubig." Tumango ako. Gusto ko rin tanungin kung anong pinag-usapan nila kanina. I heard Chryszyler hissed, but I didn't mind him. He's annoyed again.


Pag labas namin ng studio, tinanong ko na kaagad siya.


"Bakit next month pa si Chryszyler? Ayon ba pinag-usapan niyo kanina?" Ilang segundo siyang hindi nagsalita kaya lumingon na ako. Nahirapan pa ako dahil nakaakbay siya sa akin.


Napalobo ako ng pisngi dahil nakita ko siyang seryoso na nakatingin sa dinaraanan namin. Hindi nalang ako nagsalita dahil mukhang ayaw niya naman sabihin.


I shouldn't have asked. Why am I curious anyway? I'm just going to respect Chryszyler's decision.


Nakarating kami sa tindahan. Tumigil siya at lumingon sa akin, seryoso pa rin ang mukha.


"To fix the time."

Comment