Chapter 26

Nag-away saglit sina Tita Marife at Chryszyler dahil sa inasal nito. It's really weird to witness it all. Considering that I saw Chryszyler broke down when...


"A-Ayos lang po talaga ako. 'Wag niyo na po siya pilitin kung ayaw," I said. They stopped midway when I interrupted them. Chryszyler pursed his lips. Kanina pa niya pinipigilan ang sarili na sumagot pero pinipilit talaga siya ni Tita Marife.


He really don't want me around to the point that he really fight with his mom. I get it. Let's just stop pushing ourselves into people who doesn't want us.


"Mag-isa ka lang dito. Sino mag-aasikaso sa 'yo?" nag-aalala niyang tanong.


"Ayos lang po talaga. Ako lang naman po talaga nag-aalaga sa sarili ko. Kase po..." wala na magulang ko. Nagtalo pa kami nang onti pero pumayag na rin silang iwan ako rito.


Nagpaalam na sila sa aking uuwi na at nagbilin pa. Binigay pa ang number nila kahit wala naman akong cellphone, kinuha ko na lang din. Hindi na ako umasa na pati number ni Chryszyler ay ibibigay sa akin.


"Dadalaw ulit kami, iha, a." Tumango ako at ngumiti. Nauna na lumabas si Chryszyler kaya nagmadali na ang magulang niya.


I sighed. I looked at the wall clock inside my room. It's already 11 PM. I should go back, right? Tumayo ako at sumilip sa bintana. I looked for the Orion's belt. I thought of staying here and just wait a little to go back, but when I saw the Orion's Belt, I just want to go back.


I sat on my hospital bed. I closed my eyes and feel my surroundings changing. Una kong hinawakan ang ulo ko. Wala 'yong benda, pinakiramdaman ko 'yon at hindi naman na masakit. Sana hindi ko nga nadala.


I sleep after that. Pagod 'yong katawan ko, siguro dahil sa nangyari. Paggising ko kinabukasan, kahit tinatamad, bumangon pa rin ako para pumasok sa school.


Buong oras na paghanda at pagdating ko sa school, para akong nahihilo.


"Faye, tapos ka na sa Accounting?" I looked at my classmate, Clary. Tumango ako pero agad din pinagsisihan dahil nahilo ulit ako.


"P'wedeng patingin?" Kinuha ko ang papel ko at binigay sakaniya. Nagpasalamat siya bago bumalik sa upuan. Dumating na ang teacher namin kaya umayos na kami at nakinig.


Buong maghapon, nahilo lang ako at sumakit lalo ang ulo. Maybe this is the effect of the accident? Hanggang kailan ko 'to mararanasan?


Gano'n ang nangyari buong linggo. My head will ache, mahihilo ako. Ininda ko na lang dahil hindi ko rin naman alam gagawin ko. Should I go to the doctor? Sa susunod na lang.


Napahawak ako sa upuan pagkatayo ko dahil nahilo ako bigla. Katatapos lang kase namin kumain at papasok na ako sa school. Napahawak ako sa ulo ko at napapikit. Nang maramdaman na nawala na ang hilo ko, tumayo ako nang tuwid.


Hindi ko pinansin si Lolo kahit kanina pa niya ako pinagmamasdan. Ayaw ko muna siya pag-alalahanin. Alam ko kung bakit ako nahihilo at bakit sumasakit ulo ko. Baka pag nagpacheck up ako, wala sila makitang problema dahil nga sa kabilang mundo ko 'to nakuha.


"Pasok na po ako," paalam ko pagtapos ko mag-ayos dito sa bahay.


"Ingat ka, Apo. Tawagan mo 'ko 'pag may problema ka," sabi niya. Inalalayan ko muna siya makabalik sa k'warto niya bago ako umalis.


Pagdating ko sa school, marami pa ring ginagawa. Hindi ko na namamalayan ang oras dahil tutok kami sa activities pare-pareho, hindi na nga ako nakakain dahil sa rami ng activities.


Last subject na namin at naabutan kami ng teacher namin na hindi nakaayos at may kaniya-kaniyang ginagawa. Nang mapansin namin siya, agad kami nag-ayos at nagligpit ng mga gamit.


We greeted her before sitting down. Mukha namang wala lang sakaniya 'yong kanina kaya hindi kami gano'n kinabahan.


"You can do your other activities, I'll give you my class time to do it." Naghiyawan ang mga kaklase ko at nagpasalamat sakaniya.


Gumawa na lang din ako. Tumigil ako saglit dahil nahilo ako at bigla na lang sumakit ulo ko. Napahawak ako rito at napapikit nang mariin. Napadaing na rin ako nang mahina sa sobrang sakit no'n. This isn't normal anymore. It hurts so bad! I want it to stop! Please, stop!


Mas lalo kong diniinan ang hawak ko sa ulo ko. Naririnig kong may tumatawag at tinatanong ako kung ano nangyayari pero hindi ko sila masagot dahil ang sakit talaga ng ulo ko.


Hinihingal kong binaba ang kamay ko nang unti-unting nawala ang sakit. Pumikit ako at dumilat agad. Sobrang sakit na niya ngayon, katulad no'ng nasa Hospital ako.


"Okay ka lang ba, Faye?" tanong ng isa kong kaklase. Tumango ako nang hindi siya tinitignan.


"Maravilla, do you want to go to the clinic? Are you sick?" Hindi ako sumagot at pinakiramdaman ang sarili. Umiikot ang paningin ko mayamaya at sasakit naman ang ulo mayamaya. What the heck is wrong with me? Parang grabe na 'yong nararamdaman ko. There's something wrong, I can feel it.


"Faye, hatid ka raw namin sa clinic," sabi ni Zed. Kasama niya si Cyrus. Inalalayan nila akong tumayo. Tumayo na lang din ako kahit ayaw ko pumunta sa clinic.


"Maravilla, you should go to the clinic." Tumango ako at sumama sa kaklase ko papuntang clinic. Siguro nga mas okay na pumunta ro'n para makapagpahinga ako.


Hindi pa kami nakakalabas sa room, bigla na ulit ako nahilo kaya napahinto ako at napahinto rin ang dalawa kong kasama. Napahawak ako sa ulo ko at sa pader for support.


"Faye, okay ka lang?"


Tumayo ako nang tuwid kahit nahihilo pa ako. Nahihiya na ako sa mga kaklase ko at kay Ma'am dahil masiyado na ako nakakakuha ng atensyon.


Hindi pa ako nakakahakbang bigla na ulit ako nahilo at nawalan ng malay.


---------


I woke up, still dizzy. Hindi ko maidilat ang mata ko dahil nakita kong bukas ang ilaw at masisilaw ako. Wait, where am I?


Napadilat ako nang ma-realized ko 'yon. I only saw white walls, white ceiling, and white corner. I'm in the school's clinic?


Kinapa ko ang ulo ko, may benda na 'yon. Binaba ko ang kamay ko at napansin na mabigat 'yon. Napabangon ako at nanlaki ang mata nang may nakakabit do'n. Napahawak ako sa ulo ko ulit at may benda ako!


Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang fruits na binigay sa akin kagabi. Bumukas ang pinto at pumasok doon ang Nurse.


"Sumakit pa ba ulo mo?" Kahit gulat sa nangyayari, tumango ako. "Gaano kasakit? From 1-10, 1 is the lowest and 10 is the highest."


"8." Naalarma siya saglit.


"Ininom mo ba gamot mo kagabi?" Lumingon pa siya sa side table ko. Inisip ko kung nakainom ba ako. Anong oras ba ang sinasabi niya sa gabi? "Pagtapos mo kumain, uminom ka ng gamot. Oobserbahan pa ulit natin, okay?" Tumango ako. Hindi na niya ako hinayaan sumagot sa unang tanong niya dahil mukhang alam na niya ang sagot.


Lumabas siya ng room ko. Mayamaya ay nahatid na ang pagkain ko at gamot kaya kumain na agad ako at ininom ang gamot ko.


Inisip ko kung bakit ako napadpad bigla rito. Ang naalala ko lang ay nasa school ako at nawalan ng malay. What happened? Did I wished to come here? Pero hindi, I was focused on my head that really hurt. Matagal ba ako nawalan ng malay kaya paggising ko, andito na ako?


Naputol ang iniisip ko nang bumukas ang pinto. Nagulat ako nang pumasok sila at lumapit sa akin. They're all worried. How did they know I'm here? Did Chryszyler told them? Impossible. Hindi pa sila magkakilala ngayon.


"Faye!" Jeruza shouted. Tumakbo siya sa akin at niyakap ako. "Ano nangyari sa 'yo?"


I saw Leigh put a paperbag on my side table. Umupo si Jeruza sa tabi ko. I saw Drake sat on the couch at the corner, sumunod si Leigh sakaniya. Nakita kong lumapit din si Thy sa akin. Dalawa lang ang kasiya sa couch dahil maliit lang 'yon.


"Ano nangyari sa 'yo?" tanong ni Jeruza.


"Nasagasaan," mahinang sabi ko. At kasalanan ko 'yon. Why did I even risk my life? Paano nga kung hindi ako nakaligtas at namatay ako rito? Anong mangyayari? "Paano niyo nalaman na andito ako?"


"Pumunta kami sa karinderya niyo, bigla ka nawala, e," sabi ni Jeruza. I can hear a hint of sadness in her voice. Teka, sa karinderya? Paano naman nalaman ni Aling Melinda na andito ako?


"Sorry, bigla kase akong pinauwi." Lies. Nakakailang sinungaling na ba ako? Pati sarili ko, lagi ko na lang niloloko.


"Saan 'yong sumagasa sa 'yo? Tinakasan ka ba?" I heard Leigh asked, I heard determination in her voice, parang ready sumugod kung sakali nga na tinakasan ako. Umiling agad ako.


"Sila nagbabayad ng bills ko rito."


"Wow! Parang gusto ko na lang din magpasagasa sakanila," Thy joked. We shooked our heads and face palm. This guy. "Pero okay ka lang ba? Masakit ba ulo mo?" He turned to me and try to touch my head.


"Minsan lang," I answered. I don't want them to worry.


"Halika, dagdagan natin," Thy said while smirking. Natatawa na lang akong umiling.


"Kumain ka na?" Jeruza asked.


Tumango ako dahil tapos na ako kumain. Hindi pa raw sila kumakain dahil balak nila ako sabayan, kaso tapos na nga ako kaya kumain na lang sila rito sa loob.


Natawa ako sa sarili ko habang nanonood sakanila. Magkakagalit talaga sila kapag kumakain, 'no? Walang kibuan.


Natapos silang kumain at nagkwentuhan lang sila tungkol sa susunod na gig. Nagkukulitan sila at nagbibiruan. Natatawa na lang ako habang pinapakinggan at pinapanood sila. I wish we can stay like this forever. What if I stay here? Leave my real world behind? Is that possible? But I don't want to leave my Lolo, he was the only one who stayed, I don't want to leave him.


I was smiling from ear to ear. Watching them smiling and laughing makes me feel full.


Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman na kumirot 'yon. Pumikit ako nang mariin. I tried to lay down, but it wasn't enough to ease the pain.


I groaned. I want to make it go away! Please let the pain go. Naramdaman kong pinipiga at kinikirot ulit 'yon. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. I know it's Jeruza.


Mayamaya, I heard nurses and doctors mutters. I can't quite understand what they are saying.


I feel something they injected in my arm that made me sleepy. Mayamaya nawala ang sakit ng ulo ko at nakatulog na lang ako bigla.

Comment