Chapter 20

"You're early." He smiled at me.


I smiled back. Umupo ako sa sofa dahil sinenyasan niya ako. Gulo-gulo pa ang buhok niya dahil bagong gising. Sa sofa lang siya natutulog. Hindi talaga niya iniiwan ang magulang niya rito sa hospital.


Pagkauwi ko, lagi na akong dumidiretso rito. It's been two weeks, but his parents are still unconscious.


Sinasamahan ko siya buong araw. Umaalis ako ng 10 PM. Hindi na siya nagpumilit maghatid dahil sinasabi ko na sinusundo ako ng driver namin.


Bumili siya saglit ng pagkain namin pagtapos niya maghilamos. I was left here at the hospital room. Wala akong magawa kaya tinignan ko nalang ang mga nakakabit na kung ano sa magulang niya.


Kailan kaya sila magigising? The doctors always say that they're stable and we just need to wait. It's been two weeks, we're still waiting. Are they really okay?


I'm worried. I don't want him to lose his parents, because I know what it feels to not have someone to call "Mom" and "Dad".


"Hey," tawag ni Chryszyler pagkapasok niya ng k'warto. Lumingon ako sakaniya at may bitbit na siyang mga paper bag. "Lets eat."


Inihain niya ang pagkain. Ang sofa rin ang ginagamit naming lamesa. Mayroon namang lamesa, pero puno na 'yon ng fruits and equipments para sa magulang niya.


"Ano sabi ng doctor?" I asked. Kung stable na kase sila, bakit hindi pa sila nagigising?


Tumigil siya saglit at umiling. Inubos muna niya ang pagkain sa bibig. "Still the same..." Dahan-dahan siyang yumuko. Tinitigan niya ang pagkain. "But not the same time." I heard him whispered something, but I didn't quite heard it.


I just shrugged it off. Maybe he's thinking too much because of his parents situation. Ipinagpatuloy ko nalang din ang pag-kain ko.


-----------


"Thank you. Take care, okay?" paalala niya. Tumango ako sakaniya bago lumabas ng k'warto.


Pinilit ko siyang manatili nalang do'n at baka magising bigla ang magulang niya. Hindi na siya nakapagreklamo. I know he wants to be there when his parents waken.


Nagtago ako sa isang k'warto na may tubo at wires. Electrical room ata 'to ng hospital. Madalas ako rito dahil wala masiyadong tao ang pumupunta rito maliban nalang kung may kailangan ayusin.


I hide at the darkest corner of the room. I still need to be careful. Mahirap na kung mahuhuli ako.


Hours passed and I suddenly felt that I'm back at the real world. Humiga ako sa kama ko.


I feel so tired. I feel so drained. Going back and forth is exhausting but kinda comforting. I don't know anymore. I don't know what I really feel, I just know that I'm existing and still surviving. I know it's not a normal thing to feel, but still, I can feel something.


It's Sunday. Walang pasok. Hindi pa lumilitaw ang araw. Umayos ako ng higa. Naramdaman ko ang sobrang pagod kaya inantok ako.


Halos wala pala akong tulog. Pag-uwi ko, diretso ako sa kabilang mundo. Pagbalik ko rito, diretso ako pasok sa school o kaya gumawa ng assignments. I don't even rest. I know I have a lot time to rest when I don't go to the other world, but I just can't help it. Even now that Chryszyler needs me.


Ginamit ko na ang oportunidad na 'yon para makatulog at makapagpahinga kahit papaano.


--------------


Nagising ako. Naramdaman ko ang gutom kaya pumunta ako sa kusina. Hindi ko nakita si Lolo sa sala. Baka nasa k'warto.


Nagluto muna ako ng makakain namin. 2 PM na pala. Gano'n ako kahaba natulog. Kahit papaano, naibsan ang pagod ko.


Pagtapos ko magluto, tinawag ko na si Lolo sa k'warto niya.


"Kain na po." Tumayo na siya. Inalalayan ko siya papuntang kainan.


Naglinis lang ako ng bahay dahil ayaw ko na maabala pa si Lolo roon. Gabi na ako natapos. Nagpahinga ako saglit bago maligo.


Gusto ko nalang sana matulog at makapagpahinga pero iniisip ko rin si Chryszyler. I promised I'll stay with him until everything is okay.


And with that, nakabalik na ako sa mundo nila. Agad akong pumunta sa room ng parents niya. Kumatok ako pero walang nagbukas kaya ako na mismo ang nagbukas no'n.


Nakita ko siya sa sofa, mahimbing na natutulog. Lumapit ako at umupo sa lapag, katapat ng mukha niya.


Inayos ko ang buhok niya. Nagdahan-dahan ako dahil ayaw ko siyang magising dahil sa akin.


Seeing him sleeping like this, makes me assured that he's still okay and handle what's happening.


Sinandal ko ang ulo ko sa natitirang space sa sofa. Inaantok pa talaga ako. Pumikit ako. I'll sleep for 5 minutes. Tulog pa naman siya.


-------------


Naalimpungatan ako nang naramdaman kong may bumubuhat sa akin. Naramdaman kong inilapag ako sa malambot na higaan. Idinilat ko ang isa kong mata. I saw Chryszyler's sleepy eyes looked at me. He smiled.


"Goodmorning. Sorry. Hindi ako nag-ingat, nagising tuloy kita." He slightly chuckled. Nakita kong ako na 'yong nakahiga sa sofa. Nagkamot siya ng mata. Alam kong inaantok pa siya.


"Okay lang ako. Ikaw na matulog." Nakatulog naman na ako sa mundo ko. Baka napuyat siya kababantay sa magulang niya.


"It's okay. I'm awake. Matutulog ka ba? You can sleep. I'll buy us breakfast." Nag-ayos na siya ng sarili bago lumabas ng k'warto. Umidlip muna ako dahil ramdam ko pa rin ang antok.


Ginising niya ako para kumain. Buong maghapon ando'n lang kami at binabantayan ang magulang niya. Palagi siyang nag-aalala tuwing i-checheck ng mga Doctor ang magulang niya.


"They're okay."


"You said that a thousand times, but still, they're not awake." Chryszyler's calm, but his voice somewhat in rage.


"We're checking them from time to time and we don't find any conflict. We'll update you. Don't worry. You're parents strong."


Pagtapos nila mag-check, lumabas na agad sila ro'n. Nanatili ako sa tabi ni Chryszyler hangga't sa kumalma siya.


--------------


"Faye, may gagawi--" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Charrieze.


"Oo, e. May kailangan akong puntahan." Tumayo ako at dumiretso sa labas para makauwi.


Pag-uwi ko, hindi ko naabutan si Lolo sa sala. Sinilip ko siya sa k'warto niya ay nakitang natutulog siya. Hindi ko na siya ginising at pumunta na sa k'warto ko.


Bumalik ako sa mundo ni Chryszyler. Naglakad na ako papuntang room ng magulang niya. Bigla akong kinabahan dahil nakita ko ang tuloy-tuloy na pasok ng Nurses doon at parang natataranta sila. Tumakbo ako papasok.


I saw them reviving both his parents. Maingay ang tunog ng EKG machine sa gilid. Lalo na't magkasabay ang machine ng dalawa kaya rinig na rinig mo 'to.


Lumapit ako kay Chryszyler na nasa gilid at halatang nag-aalala. I hold his hands. Lumingon siya sa akin. I saw tears in his eyes that made my heart ached. Yumakap siya sa akin. Narinig ko ang iyak niya. Naramdaman kong nabasa ang leeg ko sa mga luha niya. Rinig ko ang hikbi niya. I bit my lower lip. Hinagod ko ang likod niya. Tumingin ako sa taas nang lumabo na rin ang mata ko dahil sa luha.


I don't want to see anyone suffering in pain. I hate it. I hate how they feel sad. I hate the thought of it. I hate being sad and in pain so much that it envelopes me and swallow me. Maybe that's why I'm a pushover, maybe that's why I can't say no to anyone.


Isang nakabibinging tunog ang narinig namin. Kasunod no'n ang katahimikan. Kumalas sa akin si Chryszyler sa pagkakayakap. He's still crying. So am I...


"I'm sorry." Nalaglag ang panga ni Chryszyler sa sinabi ng Doctor.


"No. No, no, no..." paulit-ulit niyang sabi. Umiling iling siya. Lumapit ako sakaniya at niyakap siya. He kept whispering something.


"Marife Dizon, time of death 4:28 AM. Raven Dizon, time of death 4:28 AM." The doctors and nurses looked down. Nanghina ako sa narinig.


Napaiyak na rin ako. Tinuring ko rin silang mga magulang ko. Isa sila sa tumulong sa akin. They're important to Chryszyler. They're his life...


Dumausdos siya at umupo sa lapag. Hindi niya ininda ang mga nakikinig sa mga iyak siya. He cried there like a child, he cried loudly.


Umalis na ang mga doctors and nurses. Hinahagod ko ang likod ni Chryszyler.


Mayamaya, tumigil na siya sa pag-iyak. He stopped crying, but I know the pain is still there.


"Andito lang ako, okay?" I said. Kanina ko pa sinasabi sakaniya 'yan. I don't want him to feel alone.


"Chryszyler, Faye..." I looked at the door when someone called. They're here.


Lumapit si Thy kay Chryszyler at tinapik ito. Gano'n din ang ginawa ni Drake. Lumapit naman sa akin si Jeruza at Leigh.


"I'm sorry..." they said. The boys comforting Chryszyler.


Walang masiyadong nagsasalita sa amin. I'm thankful that they're here. I don't how did they know, but I'm still grateful.


We let Chryszyler said his last goodbye to his parents. Andito kami sa labas habang ando'n siya sa loob kung nasa saan ang magulang niya.


"Kumain na ba kayo, Faye?" tanong ni Jeruza. Umiling lang ako nang hindi lumilingon. Inaantay kong lumabas si Chryszyler.


Napalingon ako kay Thy nang may iniabot siyang paper bag. Seryoso siyang nakatingin sa akin. I smiled at him at inabot ang paper bag.


Sinilip ko 'yon at napansin na isang meal at isang kape lang 'yon. Tumingin siya sa akin. Nakatingin pa rin siya sa akin at pinagmamasdan ako.


"Binilhan mo rin si Chryszyler?" I asked. Umiwas siya ng tingin. Tumango siya at itinuro ang paper bag na hawak ni Leigh. Ngumiti ako.


"Salamat."


Pinaupo nila ako para makakakain. Inantay ko muna si Chryszyler dahil baka hindi siya kumain mamaya.


"Kakain tayo," pagpupumilit ko sakaniya. Tinitigan niya lang kase ang paperbag kanina.


"If you want you eat, then eat. I'm not in a mood." Sumimangot ako at napalobo ng pisngi.


"You don't want it?" tanong ni Thy. Ngumisi siya pero kita kong pagod ang mata niya. "Ako nalang kakain. Sabay tayo, Faye."


Tumango ako at ngumiti sakaniya. Ayaw naman ni Chryszyler, masasayang ang pagkain. Baka hindi pa rin kumakain si Thy. I tapped the chair beside me. Nakuha naman ni Thy 'yon kaya lumapit siya sa akin.


Uupo na sana siya nang hawakan siya ni Chryszyler sa braso. I saw Thy's grin widened. He chuckled. Itinaas niya ang dalawang kamay na parang sumusuko.


"Okay, jelous boy." Tumawa siya at lumayo. "CR lang ako." Umalis na siya. I don't know but I'm kinda worried about Thy. I saw how tired his eyes are. I saw black circles around them like he didn't have enough sleep.


Napatingin ako kay Chryszyler nang siya na mismo ang nagbukas ng pagkain ko. Tahimik kaming kumain do'n. Pati sina Jeruza, Leigh at Drake. Inalok ko sila pero kumain na raw sila bago pumunta rito.


---------------


Inaasikaso ni Chryszyler ang mga papeles at bayarin. I know his tired and still in pain about his parents death, but he still made sure that everything is in place.


"Can you stay with me tonight?" he asked. Andito kami sa kotse niya. Papunta kami sa bahay nila. Napalobo ako sa pisngi ko. I want to stay, but how? "You can't, huh?"


"I'm sorry. I want to, but I can't..." I saw he tightened his grip on the steering wheel.


"Why can't you do something you want to do? It's your life." Yumuko ako. I don't know, too. Why can't I do the things I want to do? I heard him sighed. "I'll drive you home."


Nanlaki ang mata ko. "O-Okay lang. Kaya k--"


"I'll drive you home." His jaw tightened. Tinitigan niya ako nang matalim. Umiwas ako ng tingin. For a second, I got scared of him. I heard him sighed again. "I-I'm sorry."


"Okay lang." Ngumiti ako sakaniya. Yumuko ako at inantay nalang makarating kung saan.


Huminto siya sa tapat ng karinderya na kinakunot ng noo ko. Napalobo ako ng pisngi nang maalala na hindi pala niya alam. Alam ni Thy, hindi ba niya sinabi?


"Thank you for the time and for being there..." Ngumiti ako sakaniya. He smiled, too. "See you tomorrow?"


Tumitig ako sakaniya. Kita kong ayaw niya ako paalisin pero alam niyang hindi niya dapat ako pilitin.


Tumingin ako sa kalsada. Umayos ako ng upo at inayos ang seatbelt ko. I'll stay for a bit. Kahit saglit lang. Gusto ko lang masiguro na magiging maayos siya pagkauwi.


"You can go home, if you want..." Lumingon ako sakaniya. Umiling ako na ikinakunot ng noo niya. "If you won't get out in 5 seconds, I won't let you go home."


Tinitigan niya ako, ibinalik ko ang tingin ko sakaniya. Pinapakita na sigurado ako sa desisyon kong manatili.


Napangisi siya at umiwas ng tingin. Umayos siya ng upo.


"All right, you're coming home with me."


Nagmaneho na siya papuntang bahay nila. Buong byahe iniisip ko kung paano makakatakas mamaya sakaniya. When he's asleep, I'm going back.


Nakapasok na kami sa bahay nila. Napahinto pa siya sa sala. Lumibot ang paningin niya at yumuko.


"It feels empty again," he whispered. Lumapit ako sakaniya at yumakap sa likod.


Inalis niya ang kamay kong nakayakap sakaniya. Humarap siya sa akin. Nagulat ako nang halikan niya ang noo ko.


He chuckled. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok sa k'warto niya. Nanlaki ang mata ko.


"H-Hoy, bakit tayo papasok diyan?" Natawa siya. Lalong nanlaki ang mata ko dahil yinakap niya ako at itinumba niya kaming dalawa sa kama niya.


"Let's sleep. I'm tired." Umayos siya ng higa kaya umayos na rin ako. Naglagay na siya ng unan sa gitna namin. Napangiti ako.


Nakapikit na siya. Hindi ko alam kung tulog na ba siya pero sana. I glanced at the clock. 11:56 PM na. We took so long to fix and handle everything. Buti nalang at tinulungan siya nina Thy at Drake kanina.


"Tulog ka na?" Hindi siya sumagot kaya siguro tulog na. Umupo ako dahil mayamaya ay babalik na ako. Pumikit ako. Mayamaya, naramdaman kong pabalik na ako.


"Aren't you going to sle--" Naputol ang sasabihin ni Chryszyler.


Napadilat ako nang marinig 'yon. Lumingon ako sakaniya pero k'warto ko na ang nakita ko! Nakita niya akong nawala?!


Bumangon ako. Tinignan ko kung anong oras na. Baka sakaling makabalik pa ako.


Kumunot ang noo ko nang makita ang sunod-sunod na texts at missed call ni tita. Ang unang tawag niya ay kagabi, 11 PM. Nasa kabilang mundo ata ako nito.


Tinignan ko 'yon. Hinahanap niya ako. Bakit? Hindi naman niya ako madalas hanapin. Pumunta kaya siya rito nang gan'tong oras? Nalaman niya kayang wala ako? Naramdaman ko ang kabog ng dibdib ko. Nanghina ako nang makita ang isang texts ni Tita.


From: Tita


Faye! Nasa saan ka ba?! Umuwi ka na. Ang Lolo mo nasa hospital!


My world is already broken, but it feels like it's still falling apart. Wala na bang magandang mangyayari sa buhay ko?



Comment