Chapter 25

Unti-unti kong minulat ang mata ko. The white room of the hospital welcomed me. Naramdaman ko rin na may benda ako sa ulo at may nakatusok sa kamay ko.


Dahan-dahan akong umupo. Tinignan ko ang k'warto, no one is around. Una kong hinanap si Chryszyler pero wala siya. Napalobo ako sa pisngi ko. Kahit nasa hospital na ako, wala pa rin nandiyan para sa akin. I scoff. Why am I disappointed?


Bumukas ang pinto at napalingon agad ako. Hindi ko alam kung bakit ako nalungkot nang makita na nurse lang 'yon. It's really a bad thing when you expect, huh? It will just lead to disappointment. You're lucky enough if it turned out what you want or expected.


"Is your head still hurting?" No, but my heart is. Tumango na lang ako sakaniya. She checked on me, run a test at kung ano ano pa. "Is your arm numb?" No, but I hope I am. Jeez. Why am I thinking this way? Epekto ba 'to ng pagkabangga?


Umiling ako. "H-Hindi naman masiyado," I said in a husky voice. Parang natuyot ang lalamunan ko.


"Babalikan na lang ulit kita mamaya. Someone will serve your food and medicine. Kapag sumakit ang ulo mo, tumawag ka kaagad ng malapit na nurse o doctor. Rest for awhile." Sunod-sunod ang pagsasalita niya. Kaya tumango tango na lang din ako.


Lumabas siya ng room ko. Gaya nga ng sinabi niya, may naghatid ng pagkain at gamot ko sa akin. May papasok din na nurse o doctor para i-check ulit ako.


Sa akin nila sinasabi lahat ng nangyari, mangyayari at mga dapat iwasan at kung ano ano pa. Sumasakit na nga ang ulo ko, ang dami pa ring paalala. But I know it's for my own sake.


I was alone in my room. Does Jeruza think of me? Does Thy think of me? Same as Drake and Leigh? I hope so. Para kahit papaano, naiisip ko lang na naiisip nila ako, gagaan pakiramdam ko.


Hindi ko alam kung ano ang p'wede gawin. Gusto ko sana maglibot libot sa hospital kaso baka may mangyari pa sa akin. And then a thought cross my mind, what will happen if I get back to my real world? This room will be empty, baka akalain nila, tumakas ako. My head is injured, madadala ko kaya 'to sa kabila?


Napahawak ako sa ulo ko dahil bigla 'tong sumakit. Kumikirot siya at parang pinipiga. Masama ba sa akin mag-overthink? Humiga ako sa kama, nakahawak pa rin sa ulo ko, baka mabawasan ang sakit kapag humiga ako.


Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko. Narinig ko rin na may tumutunog sa gilid ko.


Pagtingin ko, may dalawang nurse ang nag-aasikaso sa akin. Tinanong nila agad ako kung ano nararamdaman ko kaya sinabi ko sakanila ang totoo.


They run a test again and made me drink my medicines. Nag double check sila at tinanong ulit ako kung okay na ba ako. Pinakiramdaman ko ang ulo ko. Hindi na siya gano'n kasakit.


"Okay na po." Nakita kong nakahinga sila nang maluwag. Nurses really cared for their patients, huh? Gano'n ba ang pag-aalala nila sa mga pasyente nila na alam agad nila na sumasakit ulo ko? I looked around the room, every corner of it, I check if there was a cctv, but it doesn't. How did they know I'm hurting?


"Call us if you need help or your head hurts. You can push this button." Tinuro niya ang kulay blue na button sa gilid ng kama ko. Hindi ko napansin 'yon, a.


Tumango ako sakanila at napatingin sa pinto dahil lalabas na sila. May nakita akong tao kanina na nakasilip sa maliit na bintana sa pinto pero agad din umalis do'n. Napadaan lang ba 'yon? Pero alam ko nakasilip talaga siya, e. Namalikmata lang ba ako?


Umalis na ang mga nurse. As usual, may maghahatid ng pagkain ko at gamot ko. Nang maggabi na, inisip ko na agad kung paano ako makakabalik sa mundo ko.


I just wasted my time here laying in bed, overthinking, and thinking where is Chryszyler. Siya ba ang nagdala sa akin dito? Buhay kaya... 'yong mga magulang niya ulit? Dahil umuulit ang nangyayari... hindi kaya... nabuhay ulit sila?


Kinilabutan agad ako sa naisip. It will be so weird if I will see them alive again! I was there when the doctors pronounced their time of death, I was there when their bodies was buried.


Thinking I should go to the restroom to hide because I might get back to my world anytime, the door of my room opened.


I was shocked and nervous at the same time. I'm also glad and... terrified.


"Iha, ayos ka na ba? Buti at naabutan ka naming gising." Nakailang kurap na ako, hoping that this isn't true. They're here... Naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko nang lumapit sila sa akin.


Chryszyler's parents... they're alive! Wait, what? How come? Is this even possible? Okay, calm down. Greet them! Pretend you don't know them!


"H-Hello po." Napalobo ako sa pisngi ko. What am I supposed to do?!


"Faye." Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses na 'yon... ang boses niya... Lumingon ako sakaniya, hindi ko na naitago ang gulat ko. Nakita ko ang pagkabalisa niya. "What?"


"Paano mo nalaman pangalan ko?" I heard him hissed. That hissed. I didn't know it will be a music to my ears.


"It's say at your door. There's name of patients every room, lady." I didn't know what to say next. I just stared at his face. That bored look. That perfect face. I miss that.


"Iha, kumusta ka raw? Pasensya ka na, a? Hindi kase na-preno agad ng asawa ko." I heard Chryszyler hissed.


"Tawid tawid kase hindi naman naka green light ang walk," he muttered.


Hindi ko napigilan ang ngiti ko nang marinig 'yon. Same old Chryszyler.


Inabot sa akin ni Tita Marife ang fruit of baskets. Bakit kaya ito madalas ibigay sa nasa hospital?


"'Wag ka mag-alala, sagot namin ang bill mo. Alam na ba ng mga magulang mo? Andito ba sila? Kakausapin namin para magpasensya na rin." Napakagat ako sa labi ko. Actually po, kasama niyo na po sana sila ngayon.


"P-Patay na po magulang ko..." Hindi ko alam kung bakit kailangan ayon ang sabihin tuwing may nagtatanong. Paano ba ipaliwanag 'yon in a way that can lessen the pain?


I saw their worried face turned into a sorry face. Hindi ko na tinignan ang reaksyon ni Chryszyler. Yumuko ako at pinaglaruan ang daliri ko.


"Salamat po pala. Kayo pa po nagbayad ng bayarin ko rito."... Kase po wala akong pera pangbayad. I want to say that too. But I'm too afraid of judgments.


"Kasalanan naman namin. Pasensya ka na rin dahil ngayon lang kami nakadalaw. Kagagaling lang kase namin sa trabaho."


Umiling ako. "Ayos lang po. Ano nga po ulit pangalan niyo?" I carefully said. Palihim kong tinignan ang reaksyon ni Chryszyler. I saw his brows furrowed. Malayo ang tingin niya kaya hindi ko rin alam kung nakikinig ba siya sa usapan namin.


"Tawagin mo na lang akong Tita Marife, ang asawa ko naman ay Tito Raven." Tumango ako. Inosente akong tumingin kay Chryszyler. "Ah, siya ang nag-iisa naming anak. Si Chryszyler."


I heard him hissed and looked away. Even this time, he didn't introduced his seld properly.


"Gusto mo bantayan ka niya?" Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Tita Marife. Dahandahan akong lumingon kay Chryszyler at matalim na siyang nakatinginan sa akin. Napaiwas ako ng tingin. Woah, bakit parang kasalanan ko? Ako ba nagtanong?


"H-Hindi na po. Ayos lang naman po ako. H-Hindi naman na po m-masakit ulo ko." Yes, I lied. Kahit gusto ko bumalik kami sa rati, mukhang hindi pa ako handa. At baka masama pa sa akin if I will confront him tonight.


"I don't want to be with a stranger." Napayuko ako. Stranger? After all those time? Alam kong hindi niya ako naalala, but how could he be so harsh?


"I-I'm Faye... Faye Maravilla." Tumingin ako sa mata niya. Pinakita ko na determinado ako pero napaiwas agad ako ng tingin sa sinabi niya.


"And I don't care."


Why could he be so harsh? I'm on a hospital bed for Pete's sake! Can he be considerate considering my situation?


From his words, I don't know anymore if I would push through with my plans. I don't know anymore if I would try again.


I'm so done being in pain. I'm so done feeling hurt. Don't I deserve even just a little bit of happiness?

Comment