Finale

Akira's PoV:


Pag ka rating namin ni Roy ng academy ay agad kaming bumaba. Tama nga ang hinala ko mas marami ang Darkins na naririto.


Nakita ko ring dumating na sina Faye at ang ibang S-List Member. Mukang nanalo rin sila sa mga kalaban nila kaya naririto na sila.


Agad kaming pumunta sa loob ng academy at nakita namin ang mga estudyanteng lumalaban nakita ko rin sina Mist at Brix na lumalaban at si Lexi na tumutulong sa mga healer.


"Kami nang bahala rito mag si atras kayong lahat!" Utos ko sa mga estudyante at agad naman itong sumunod.


"I'm Prince/Princess Akira Scoldfer of Luxianna Kingdom. I summon you Dragon Luxia!" Summon ko sa Dragon ko.


"I'm Princess Faye Frosbeck of Waterons Kingdom. I summon you Dragon Fara!" Summon naman ni Faye sa Dragon niya.


"I'm Princess Sanya Broksber of Thunderhenz Kingdom. I summon you Dragon Sanara!" Summon ni Sanya aa Dragon niya.


"I'm Prince Gray Archters of Earthorn Kingdom. I summon you Dragon Greya!" Summon ni Gray sa Dragon niya.


"I'm Prince Renz Drenker of Airhonzer Kingdom. I summon you Dragon Renor!" Summon naman ni Renz sa Dragon niya.


"I'm Prince Acer Zachary of Firestern Kingdom. I summon you Dragon Draco!" Summon naman ni Acer sa Dragon niya.


Nakita naming namamangha tumingin saamin ang mga estudyante at nakita ko rin sina Brix,Mist,Lexi,Roy at Headmaster na naka ngiti samin.


Agad kaming sumugod sa mga kalaban nakita kong gulat ang mga ito. Umatake ako ng umatake sa mga nakaka laban ko.


Ice Crushed!


Bigkas ko at tinamaan ang lahat ng kalaban ko. Bumaba naman ang Reyna nila at humarap ito  sakin.


"Gaya ng inaasahan sa itinakda!" Saad nito.


Bigla naman akong umatake sakanya. Na ikinagulat niya pero agad naman itong nasalag. Sinuntok ako nito dahilan para tumilapon ako.


"Argghh! Shit!" Daing ko.


"Mahina naman pala!" Asar nito.


Umatake ulit ito sakin. Pero naiwasan ko ito. Pero bigla ako nito sinipa at pinaulanan ng Dark Ball. Marami ito kaya di ko naiwasan ang iba.


"Ikaw naba ang itinakda? Tila ang hina mo ata?" Tanong nito.


"Wala kang pake kung ako nga o hindi ang itinakda." Sagot ko rito.


Nag paulan ito ng Dark Ball pero naiwasan ko ito nag lagay din ako ng Ice Barrier. Pero diko inasahan ang pag sulpot nito sa likuran ko dahilan para masaksak ako nito.


"AKIRAAA!!!" Sigaw nilang lahat bago tuluyan dumilim ang paningin ko.



Acer's PoV:


Nakikilag laban ako ngayon sa alagad ng Reyna ng mga Darkins. Habang nakikipag laban ako napansin kong bugbog si Akira sa kalaban niya.


Pinipilit parin nitong lumaban sa Reyna ng mga Darkins. Nakita ko kung paano ito tumilapon. Pero ang ikinagulat ko ng masaksak ito ng Reyna ng mga Darkins.


"AKIRAAA!!!" Sigaw naming lahat nakita namin kung paano bumagsak ito sa sahig.


Shit! Shit! Shit!


Mura ko sa isipan ko. Gusto ko itong tulungan pero hindi ko magawa dahil kaharap ko ang kalaban ko. Sumugod ulit sakin ang kalaban ko inilagan ko naman ito.


"Mukang kami ang nanalo sa digmaang ito" Natutuwang saad ng kalaban ko.


Agad ko itong sinuntok at nakita kong tumilapon ito. Umatake ulit ako bago pa ito maka bangon ulit. At agad naman itong namatay.


Gustong bumagsak ng luha ko ng makita kong duguan ako pinaka mamahal ko. Yes! Mahal ko siya. Since nung una palang naming kita mahal kona siya. Pero wala na siya! Anong silbe ng pag mamahal kong ito kung hindi ko man lang siya nailigtas!


Nagulat ako ng biglang lumiwanag si Akira at lumutang ang katawan nito. Lahat ng estudyante ay nagulat pati narin ang mga kaibigan namin kasama ang mga Darkins pati ang Reyna ng mga ito.


Anong nanyayare?


Nakita kong nsg mulat ito nsng mata ang ganda ng mata nito kulay gold at pati narin ang buhol nito ay gold narin. Napakalakas ng aura nito ngayon.


Nagulat kami ng biglang nasa harapan na agad ito ng Reyna ng mga Darkins. Ang bilis nito agad nitong sinuntok ang kalaban nito at tumilapon nakita kong tinulungan ito ni Sheena.


Nag pakawala ng maraming Dark Ball si Sheena at ang reyna nila pero may barrier si Akira. Kaya baliwala ang mga atake nila rito.


Pinag tulungan nila si Akira. Lalapit na sana para tulunngan ito. Pero pinigilan ako ni Headmaster. At umiling pa ito hudyat na wag ako maki alam.


Kaya pinanuod na lang namin ito para itong nakikipag sayaw sa dalawa. Inaatake nila si Akira pero nakaka ilag lang ito. Umatake si Akira sa kanila at nag pakawala ng isang Ice Crushed at Ice Flakes dahilan para tumilapon ang dalawa.


Sumugod uli ito at sinipa ang dalawa. Ramdam namin ang sakit ng mga ito ng makita namin kung paano ito dumaing sa mga ata ni Akira.


Pinipilit pa sana nitong mag si tayo. Pero agad lumapit si Akira rito at sinakal sila. Nakita namin kung gaano nahihirapan ang dalawa. Sinipa niya ito at tumilapon ulit.


Shit! Papahirapan niya ba talaga ang mga ito?


Mabilis na lumapit rito si Akira at sinakal uli ang mga ito. Ngayon nakikita namin kung paano ang mga ito mawalan ng hininga at agad namatay. Humarap saamin si Akira sa seryosong tumingin sa lahat.


"Darkins ay mawawala, Mundong ito ay muling papayapa. Wala nang digmaang magaganap, wala ng buhay ang mawawala, wala nang muling mag sasakripsyo." Bigkas nito at muling bumalik ang lahatvsa dati na tila walang nanyare. Pag tapos nun ay nawalan na ito ng malay.


Agad agad namin itong pinuntahan at tinulungan. Dinala rin namin ito sa Infirmary para magamot. Andito narin ang lahat pati ang mga Queens at Kings pati narin sina Mist,Lexi at Brix pati narin si Roy at ang mga S-List Member.


Please Akira! Lumaban ka! Hihintayin kita! Hihintayin ka namin!













Itutuloy.....

Comment