Chapter 21: Queen Elizabeth





Akira's PoV:



Andito ako ngayon sa tapat ng isang lake. Napaka linis ng lake na ito at napaka ganda. May isang diwata na nag babantay dito. Ito daw ang taga pangalaga ng lake na ito.


Habang andito ako may naramdaman akong parang may nag mamasid sakin. Kaya nilibot ko ang paningin ko pero wala naman akong nakita.  Kaya binaling ko ulit ang paningin ko sa lake.


Nakatingin ako sa lake may lumapit na babae sakin. Pero hindi ko naman ito pinansin dahil baka titingin lang din ito sa lake.


"Alam mo bang matagal na iyan dito." Bigla na lang itong nag salita kaya napa tingin ako rito. Pero diko masyado makita ang mukha nito dahil naka hood ito. "Wala pa man ang Academy na ito. Andito na itong lake na ito." Dagdag pa niya. Di naman ako nag salita bagkus na fefeel kong napagaan ng loob ko rito.


"Kung anong ayos niya. Dati ay gantong ganto parin ito. Na tila walang pinagdaanan." Dagdag uli nito.


"Kayo ho ba ang diwata na taga pangalaga nito?" Diko maiwasan itanong sakanya. Dahil sa sinabi niya.


"Hindi. Talaga lang na importante ito saakin. Dahil madalas rin ako rito dati." Sagot naman ng babae sa tanong ko.


"Ah ganun po ba. Paano nyo naman po nasabing importante ito sainyo." Tanong ko rito. Pero hindi naman ito nag salita kaya nag salita muli ako. "A-ahmm ayos lang ho kung hindi nyo sasagutin dahil masyado na itong personal." Dagdag ko na lang. Pero tumawa ito kaya napatingin ako rito at katulad kanina naka tingin lang ito sa lake.


"Noon kase dito din ako pumupunta kapag may problema ako." Panimula nya saakin. "Ito ang kadalasan kong pinupuntahan nung bata ako. Minsan nga ay. Tumatakas pa ako sa bahay namin para lang maka punta ako sa lugar na ito. Dahil sa tuwing pumupunta ako rito. Nawawala ang mga problema ko." Kwento naman ng babae saakin.


"Oo nga po napaka aliwalas ng lugar na ito. Tanging huni lang ng mga hayop at lagasgas ng tubig ako maririnig mo. At napaka sarap naman nito sa pansinig." Pag saad ko rito. " A-ah eh pasensya na ho kayo. Nagiging madaldal na ho ako." Pag hingi ko ng tawad sa babaeng katabi ko.


"Ayos lang nakaka tuwa nga na may iba rin pala pumupunta rito." Sagot nito saakin. "Maaring ko bang malaman ang pangalan mo ija?" Tanong nito saakin. Medyo nahiya naman ako dahil sa pag tawag nitong ija saakin.


"Ahmmm! Akira ho ang ngalan ko. Akira Santivaños po." Pag bigay ko naman ng pangalan ko. "At isa pa po hindi po ako babae. Pusong babae lang po." Nahihiyang sagot ko naman rito.


"Ay ganun ba. Pang babae kase ang wangis mo ija este ijo kaya napag kamalan pa kita." Pag papaliwanag at hingi ng pasensya nito.


"Ayos lang ho. Ganun naman po lagi ang naririnig ko. Kaya naka sanayan ko narin po." May kunting tawa kong sagot rito at humarap rito.


Gosshghh!!!!


Ganun na lang pag ka bigla ko ng humarap ako dahil naka tingin rin pala ito saakin.


"Q-queen Elizabeth of Luxianna Kingdom." Pag bati ko rito at nag bow pa ako. Kaloka ka Akira! Ang daldal mopa naman! "P-pasensya na h-ho kayo. Hindi kopo alam na kayo iyan mahal na Reyna." Pag hingi ko ng paumanhin sakanya.


"Hahaha! Ayos lang nakaka tuwa ka namang kausap." Natatawang sagot nito saakin. Na lalo kong ikinahiya. "Mauna na ako ijo at baka hinahanap narin ako sa palasyo." Pag papaalam naman nito saakin. Kaya napatango na lang ako. At na una na itong mag lakad papalayo saakin at ako naman naiwang tulala.





Queen Elizabeth PoV:


Nakaka tuwang bata. Ramdam kong isang mabait na tao ito at napaka laki at naalagaan ito ng maayos ng kanyang mga magulang. At naramdaman ko rin ang malakas na aura nito. Na gusto kumawala sakanya. Napaka gaan ng loob ko sa batang iyon. At talaga namang nakaka wili itong kausap dahil madaldal ito.


Isa itong mabuting studyante. Pero napansin kong merong bakas bg lungkot ang mga mata ito nito. Na parang bang meron itong malaking pinag daanan sa buhay.


"Mahal na Reyna! Kanina pa po kayo hinahanap ng Mahal na Hari." Saad ng gwardya ng palasyo ng makita ako nitong papasok ng pslasyo.


Kaya dumiretso agad ako sa silid naming mag asawa at nakita ko naman ito. At naka kunot pang nuo ng tignan ako nito.


"Siguro pumunta ka nanaman duon sa laging mong tinatambayan nuon." Saad ng asawa ko saakin ng maka upo ako sa kama namin.


"Dinalaw ko lang naman iyon. At saka hindi mo naman mapipigilan" Sagot ko rito na sinabayan kopa ng pag irap.


"Paano kung may maka kita sayong Darkins?" Pag aalala nito saakin.


"Nag iingat naman ako. At saka hindi naman nasayang ang pag punta ko duon." Totoong saad ko rito. Na dahilan para mangunot uli ang nuo nito saakin. "Dahil may nakilala akong isang napaka buting studyante. At isa pa alam kong malakas ito ngunit. Hindi pa niya alam kung paano niya ito gagamitin" Pag papaliwanag ko sa asawa ko. At napa tango naman ito.


Hihintayin kita. Napaka interesting mong bata.


At nahiga na kami ng asawa ko. Para makapag pahinga narin. Dahil nakaka pagod din ang ginawa ko ngayon.











Itutuloy.....

Comment