Chapter 3: Alone



Akira's PoV:



"Akira!! Anak!! Bumaba kana rito! Naka hain na yung almusal mo!" Sigaw ni Nana Rosa mula sa sala. Kaya ginawa ko na yung morning ritual ko.


"Pababa napo ako Nana Rosa!!" Sigaw ko mula sa kwarto.


After ko suoting ang uniform ko dumiretso na ako sa sala para mag almusal


"Anak!! Lagi mong tatandaan mahal na mahal ka ni Nana ah! Lagi kang mag ingat kung saan ka man pupunta. Lagi mong tatandaan andito lang si Nana para gabayan ka." Mahabang saad ni Nana Rosa sakin. Ewan ko parang iba paki ramdam ko sa bawat letrang binabangit ni Nana Rosa sakin.


"Weird mo naman Nana eh." Tugon ko kay Nana Rosa. Pero tinignan ko muli si Nana at seryoso lang itong naka tingin sakin. Ano bang meron? Parang ang weird ni Nana ngayon.


"Oo napo Nana Rosa lagi kopong tatandaan yun" dagdag ko sa sinabi ko.


"Oh sya kumain na tayo baka lumamig pa itong inihain ko saiyo. At baka ma late kapa sa klase mo." Saad naman ni Nana Rosa sakin.


Bago ako umalis ng bahay may naramdaman akong kakaiba. Para bang may hinde magandang mang yayari ngayon. Pero diko na lamang iyon pinansin at dumiretso nako sa sakayan ng jeep. Para maka rating na ng school na pinapasukan ko.






Nana Rosa's PoV:



Masaya akong lumaking mabuting bata si Akira. Isang masunurin,mabait at matulungin na bata. Siguro nga hindi pa nya natutuklasan ang kanyang katotohan. Katotohanang naka ukit na sa kanyang kapalaran. Isang mahalaga at importanteng katauhan niya. Pinag masdan ko ulit ang bigay na kwintas ng Mahal na Reyna sa kanyang anak (Akira). Isang maganda at mahalagang kwintas. Nararapat lamang para sa itinakda.


"Ako na ang iyong tumayong pangalawang ina sa mundong ito. Saakin ka ipinahawak at pina alagaan. Para sa iyong kaligtasan natutuwa ako't napa laki kitang maayos at alam kong isa kangmatapang na tao." Saad ko sa isip isip ko habang pinag mamasdan ang papalayong si Akira. Na tinuring ko na ring anak.












Akira's PoV:




Andito ako sa school nang bigla akong naka ramdam ng papanakit sa aking puso. Na parang bang may nawala sa akin. Isang mahalaga bagay o tao. Hindi ko na lamang pinansin ang bagay na iyon at nag focus na lang sa aming pinag aaralan.


"Akira! Akira!" Tawag sakin ni Faye at Sanya.


"Ohh? Bakit?" Tugon ko.


"You're spacing out. Kanina kapa namin tinatawag pero hinde mo naman kame pinapansin." Reklamo naman ni Faye.


"Sorry diko alam." Pag hingi ko naman ng tawad


"Ano bayang iniisip mo? Baka lalaki yan ah?" Pabirong saad naman ni Sanya sakin.


"Hinde noh!! Wala pa sa isip ko yang mga lalaki nayan sakit lang sa ulo yan." Sagot ko naman kay Sanya.


After ng klase namin dumiretso na agad pasakay ng jeep. Hinde na nga ako naka pag paalam kila faye dahil kanina pa masama ang paki ramdam ko. Kaya dali dali akong sumakay at umuwi. Habang palapit ako ng palapit ss bahay. Pasama naman ng pasama paki ramdam ko. Weird?


Pag bukas ko ng pintuan ng bahay isa isa nang nag bagsakan ang mga luha ko dahil. Sa nakita ko nakita na.......




Naka higa si Nana Rosa sa sahig at puro dugo ang kanyang katawan dali dali ko itong nilapitan.


"Nana? Nana Rosa?" Umiiyak kong sabi at ginagalaw galaw kopa ang katawan ng aking Nana Rosa.


"Nana? Hinde magandang biro ito Nana Rosa wag kang mag biro ng ganto." Pilit kong tawa.


"Nana? Gising napo. Nana andito napo ako. Gumising napo kayo dyaan." Naiiyak kong saad diko mapigilan ang luhang umaagos saking dalawang mata.


Sana biro lang to. Sana panaginip lang to! Sana hinde to totoo! Bakit? Bakit si Nana pa? Bakit ang Nana Rosa kopa? Mga hayop!!.............













Andito parin ako sa kwarto dalawang araw na simula nung nanyare sa bahay. Diko parin matangap na iniwan ako ng Nana ko. Diko na alam ang gagawin ko. Diko na alam kung anong manyayare saakin. Si Nana ang nag alaga sakin simula nung bata ako kahit hinde nya ako tunay na anak. Inalagaan nya ako at pinalaki na isang mabuting tao.


*Flashback*




"Akira! Anak! Halika rito may sasabihin ako." Tawag sakin ni Nana Rosa


"Bakit po Nana?" Tugon ko at sinimulang lumapit kay Nana Rosa.


"Akira! Anak! Alam mo bang hinde kita tunay na anak?" Panimula ni Nana Rosa sakin.


"Ahhh??? Ehhh?? Nag bibiro po ata kayo Nana Rosa eh?" Patawa kong tugon kay Nana Rosa.


"Anak! Hinde ako nag bibiro totoo ang sinasabi ko saiyo. Akira! Anak!" Seryosong tugon ni Nana Rosa sakin.


"Kung ganun po. Sino po ang tunay kong mga magulang?" Banggit ko kay Nana Rosa.


"Sa tamang panahon Anak malalaman mo kung sino ang tunay mong magulang. Pero sa ngayon anak alam mo na. Pero ni minsan hinde ko naisip na hinde kita tunay na anak. Kahit na hinde ka sakin nag mula itinuring na kitang isang tunay na anak ko." Sagot naman sakin ni Nana Rosa.


"Salamat Nana. Wala po akong paki elam kung hinde moko tunay na anak ikaw parin ang Nana Rosa ko." Naka ngiting tugon ko kay Nana Rosa



*End of flashback*



Diko mapigilang hindi mapa iyak dahil sa mga ala alang iniwan sakin ni Nana Rosa.




Itutuloy.....

Comment