Chapter 45:



Akira's PoV:


Dahil nasagutan namin ang mga nakaka bobo nilang riddles na payagan kaming pumasok sa village nila. Maganda rito at napaka elegante nakikita namim ang ibang mga witch.


Hindi ito katulad ng mga napapanood ko sa pelikula iba ang mga witches na naririto napaka aamo ng mga mukha nila. Napaka babait pa.


Nakarating kami sa magarbong bahay. Sa labas palang ay malalaman mo nang maganda ito. Well? Ano pa nga bang aasahan sa mga witch?


"Magandang araw po." Bati namin ng maka rating kami sa pinaka matandang witch dito sa Anarthia siya rin ang pinuno.


"Kyaahh! Ang ganda nya!" Sigaw bigla ni Faye ng humarap ang babae. As in Wow! Hindi namin inaasahan na ang bata nito tignan.


"Anong mapag lilingkod namin sainyo?" Tanong ng babae.


"Naririto po kami dahil nasira po ang Barrier ng Academy namin at kailangan namin agad itong maayos" Mahabang sagot ni Sanya.


Lumapit ang babae sakin na ipinag taka naman naming lahat. Dahil sa mga titig pa nito saakin na tila may alam ito. Sana naman mali ang akala ko. Nagulat ako ng nag bigay galang ito.


Patay na!


"Magandang araw Prince/Princess Akira

Comment