Chapter 28: Forester Village





Akira's PoV:


Nakarating na kami ng Forester Village. Gaya ng sabi nina Faye maganda itong village na ito. Napaka payapa nito tignan. At nakaka relax rito lalo't na ang mga huni ng mga ibat ibang hayop na naririto.


Naglalakad na kami pa puntang Head ng village naito. Para malaman ang buong detalye ng nanyayare sa village na ito. Habang papunta kami ng sa head ng village diko maiwasang ilibot ang paningin ko.


Natutuwa akong nakikita ko ang mga fairies na sa mga fairytale ko lang nababasa at mga picture lang ng mga libro ko lang nakikita. Iba ang pakiramdam ngayon dahil talagang nakikita ito ng dalawa kong mga mata.


"Mukang natutuwa ka ah" Nakangiting saad sakin ni Faye.


"Nakaka tuwa kaseng talagang nakikita ko ang mga fairies. Na nababasa ko lang sa mga libro." Totoong saad ko rito.


"Hahaha! Edi masaya pala ang unang misyon mo?" Tanong naman ni Sanya.


"Sa totoo lang masaya naman nako. Dahil kasama ako sa misyon na ito" Totoong sagot ko dito. Dahil masays nakong sila ang kasama ko sa misyon na ito.


Nakarating na kami sa Office na Head nila dito. Ms. Vallerie Forester. Yan ang nabasa ko sa harap ng pinto ng office. Kumatok muna si Acer. Bago ito pumasok at sumunod naman kami.


"Magandang umaga po. Kami po pala ang pinadala ng Academy rito." Pag bati ni Acer.


"Ah ganun ba mga iho at iha. Sige maupo muna kayo bago ko sabihin ang lahat." Pag aalok nito saamin. Umupo naman kaming anim. "Ano ba ang gusto niyo pang malaman?" Sunod na tanong naman nito.


"Maari po ba namin malaman kung bakit kinukuha ng mga bandit ang mga pananim ninyo?" Panimulang tanong ni Faye.


"Ganto kase yun. Dati may kasunduan kami ng pinuno ng mga bandit rito. Hahatian namin sila ng sa mga aanihin namin. Kapalit nung pag tulong nila saamin sa pag ligtas ng bayan namin sa mga lobo." Paliwanag ni Ms. Vallerie. "Pero nung namatay na ang pinuno ng mga ito. Mayroong pumalit na bago sa pinuno nila ito ang kaanak ng pinuno nila. Ayos lang naman saamin iyon. Pero nag bago ang lahat ng naging gamahan ang mga ito. Kinukuha nila halos lahat ng pananim namin rito. At hindi na ksmi tinutulungan sa mga lobo." Mahabang paliwanag saamin ni Ms. Vallerie


"Bakit hindi niyo po sila labanan?" Takang tanong ko. Dahilan para tumingin saakin ang lahat na ipinagtaka ko naman.


"Mukang hindi ka taga rito sa mundong ito iha? Tama ba?" Tanong nito. Nahiya naman ako sa pag tawag nito ng iha saakin.


"Ahhhmm oho hindi po ako rito lumaki. Dahil duon ako sa mundo ng mga mortal at saka isa pa po hindi po ako babae para maging iha." Nahihiya kong sagot rito. Halatang nagulat ito sa pag amin kong hindi ako babae.


"Ay! Ganun ba? Pasensya na napaka ganda ng iyong wangis kaya napag kamalan pa kita." Pag hingi naman ng paumanhin nito.


"Ayos lang po iyon. Nasanay narin po ako" Natatawang sagot ko sakanya.


"Ganto kase yun Akira. Hindi magaling sa pakiki pag laban ang mga Fairies dito sa Forester. Pero magaling ang mga ito sa pag gawa ng mga potion." Paliwanag naman saakin ni Renz. Kaya napatango ako sakanya.


"Maari po ba naming malaman kung anong oras sumasalakay ang mga ito?" Tanong naman ni Gray.


"Bukas pa ito sasalakay. Ang mga lobo ay tanghali at ang mga bandit ay hapon." Sagot nito saamin.


"Hindi kaya mag ka panig ang dalawang grupo?" Bigla ko nasabi sa mga ito. Dahilan para tumingin ang lahat sakin.


"Papaano mo naman iyon nasabi iha este iho?" Takang tanong sakin ni Ms. Vallerie.


"Naisip ko lang naman po iyon." Sagot ko rito.


"Imposibleng yang naisip mo. Dahil matagal ng mag ka away ang bandit at mga lobo." Naka ngunot noo na sagot namsn ni Acer saakin.


"Walang imposible sa panahon ngayon. Dahil iba ang noon sa ngayon hindi ba?" Buong sagot ko rito na. At nakipag titigan pa ito saakin.


"Hindi namin alam kung tama ka iho." Sagot ni Ms. Vallerie na nakapag putol sa titigan namin. "Sa ngayon mag pahinga muna kayo. Dahil alam kong pagod kayo sa pag lalakbay niyo papunta rito. May mga naka handa ng silid para sainyo." Dagdag pa nito. Kaya nag paalsm at umalis na kami sa loob ng office.


"Gusto mo bang mag libot libot muna Akira?" Tanong sakin ni Faye.


"S-sige gusto ko yan." Natutuwang pag sang ayon ko naman rito.


"Tara na para makapag simula na tayo at masulit na natin ang mga oras" Pag aya saamin ni Sanya. Kaya tumango naman kami.


"Sige!" Sabay na sang ayon namin ni Faye.


"Sasama ba kayo?" Tanong ko sa mga lalaking nasa likuran namin.


"Hindi na. Saka girls bonding iyan. Hindi kami pwedeng makisalo sainyo." Pabirong sagot naman ni Gray.


"Mag pspahinga na lang muna kaming tatlo dahil napagod din kami sa pag lalakbay." Dagdag na sagot naman ni Renz.


"Sige mauna na kami" Sagot namin sa mga ito. Tumango naman ang dalawa. At seryoso namang naka tingin saakin si Acer. Mukang nainis ata ito saakin.


Nag simula na kaming msg ikot sa buong forester nakaka tuwa kase sobrang dami naming nakikitang magandang tanawin. At napaka bait pa ng mga tao rito sa lugar na ito.


Pag tapos namin mag libot. Dimiretso na kami sa mga kwarto naming lahat para Makapsg pahinga na para bukas.














Itutuloy.....

Comment