Chapter 22: Levelling




Akira's PoV


Ito na ang hinihintay nang lahat. Dahil ngayon gaganapin ang sinasabi nilang levelling. Kung saan ipapakita mo kung gaano ka kalakas.


Depende rin sa score mo kung makaka lipat ng class mo dahil kung mataas ang makukuha mo tiyak na malilipat ka ng class.


Isa isa nang nag si datingan ang mga studyante rito sa Gymnasium. Doble ang laki ng gymnasium nila rito. Kumpara sa morltal world.


Meron na ding mga healer na naririto kung sakalin man na mapuruhan kung sino man ang sasalang sa entabldo meron ding malaking screen ko saan makikita mo nang mas malapit ang nanyayare sa entablado.


Madali lang ang mechanics ng levelling na ito. Kailangan mo lang patayin ang mga makaka harap mo gaya ng Wolf,Dragon,Liogle,Fox at iba pa. Kata mapapatay mong kalaban may equivalent itong score.


Kaya kung maari kailangan mong maka patay ng marami. As much as you can kumbaga. Mag isa ka lang sa loob ng entablado. Kaya wala kang aasahan kundi ang sarili mo.


Isa isa nang nag si datingan ang mga Queens and Kings ng bawat kingdom. Manonood ang mga ito. Hindi lang dahil may anak sila rito. Kundi ito ang kailangan. Dahil para makita nila ang determenasyos ng bawat studyante dito.


Naka upo ang mga ito sa may harap ng entablado. Nakita kong para may hinahanap si Queen Elizabeth dahil palingon lingon ito. At tumigil lang ito nang maka rating ang mata nito  saakin.


Hinahanap nya ba ako? Kung tama nga. Bakit naman nya ako hahanapin? Baka assuming lang talaga ako. Hay nako self!


Nakita ko rin malapit sa unahan sina Faye at ang iba pa dahil unang class sila. Nakita koring kumaway kaway pa ito saakin. Nang makita ako nito kaya napangiti na lang ako at kumaway rin ako sakanya. Napansin ko rin sina Mist at Lexi sa di kalayuan at kumaway rin ito saakin kaya ganun din ang ginawa ko.


"Ngayong narito na ang lahat! Maari na nating simulan ang pag susulit na ito!" Salita ng emcee hudyat na mag sisimula na ang Levelling.


Unang sumalang ang mga Class Gold kung saan nandum sina Mist at Lexi. Nakita naming kung gaano nahirapan ang mga sumasalang sa entablado.


Dahil makikita mo rito ang hirap nila sa loob. Malakas ang mga kalaban nila kahit na dummy lang ito. Katumbas parin ang lakas nito sa totoong uri nito.


Kaya hindi basta basta ang mang yayare saiyo sa loob. Dahil sadysng mahihirapan ka talaga. Marami rin ang mga binibitawan nilang kalaban.


Sa una ay paisa isa. Pero pag nag tagal na ito sunod sunod na ang pag labas ng mga makaka laban mo. Pero ang isa sa pinaka mahirap kapag naka abot ka sa final chapter ng laban.


Kung saan makaka kaban mo ang dragon ito ang pinaka huli kong maka lagpas ka man sa iba. Pero wala pang nakaka abot sa puntong iyon.


Dahil karamihan sa mga studyante ng Class Gold ay kaunti lang din ang malalakas. Natutuwa naman akong nag improve sng dalawa kong kaibigan dahil pareho silang umabot sa ikatlong yugto. Kung saan kapag natapos mo ito duon ka na sa huling yugto.


Natapos na ang lahat ng mga studyanteng galing sa Class Gold at ang susunod naman ay ang Class Diamond. Kung nasan ang malalakas at kung nasan din sina Faye at ang iba pa.


Isa isa nang sumalang ang mga istudyante ng classc diamond talaga namang mapapa hanga sa mga studyante na ito. Dahil talagang malalakas ito. Ano pa nga bang aasahan mo sa una at pinaka malakas na Class hindi ba?


Karamihan sa mga ito naka abot sa dragon. Dahil sa lakas ng mga ito talagang mapapa hanga ka. Dahil narin sa mga diskarteng meron sila.


Ang next na sumala ay si Brix. Yah! Nakaka gulat! Dahil kabilang pala ang Brix na ito sa Class Diamond di man lang sinabi saakin. Well di rin naman ako kasi ako nag tanong sakanya.


Sumalang na si Brix sa loob at kampante lang itong naka tayo. Isa isa nang nag si labasan ang mga makaka laban pero hindi pa sya sumusugod sa mga ito.


Tila pinapakiramdaman nya ang mga ito. Dali dali namang sumugod sakanya ang wolf at ang liogle. Pero dahil mabilis si Brix madali nya lang naiwasan ang mga ito. At siya naman ang umatake sa mga ito.


Habang patagal ng patagal napapansin ko rin lalong bumibilis si Brix. At ginagamit na niya ang magic niya.


Ash Shuriken!


Ash Lion!


Ash Fox!


Ash Eagle!


Ilan lang iyan sa mga sinummon niya at atake niyang ginawa. Nakrating na si Brix. Sa huling chapter kung saan kakalabanin na niya ang Dragon.


Ngayon kaharap na niya ang dragon. Parehas ito hindi pa umaatake pero nauna nang umatake ang Dragon. Nag buga ito ng Apoy. Pero mabilis din niya itong nailagan.


Nag patuloy sa pag lalaban ang dalawa hanggang sa matalo na ni Brix. Ang dragon pag tapos ng laban marami ring natamo si Brix na sugat. Marami nag palakan kasama na ang mga Queens and Kings. Madami ring tumayo pa habang pumapalakpak.


"And now! Ang pinaka hihintay nang lahat! Ang Princes at Princess of Every Kingdom" Sigaw ng emcee at sinabayan naman ng hiyawan ng mga studyan sa loob ng gymnasium.









Itutuloy.....

Comment