Chapter 26: First Mission?



Akira's PoV:



Nasa headmaster office kami ngayon kasama ko sila Faye. Diko alam kung bakit pati ako pinapa punta dito ni Tito este Headmaster.


Its been a week since nung nagising ako sa napaka haba kong tulog. Sabi saakin nila Lexi nasobrahan daw ako sa nilabas kong magic. At hindi na ito nakayanan ng katawan.


*Flashback*


"Kaloka ka gurl! Akala namin hindi kana gigising e" Saad sakin ni Lexi


"Ang haba rin bg beauty rest mo ah." Biro naman ni Mist.


"Miss kana nga namin Akira e." Sabi naman ni Sanya.


"Alam mo bang nag alala kami sayo nun. At humanga rin that time." Faye naman.


"May tinatago ka palang ganun." Sabi sakin ni Renz.


"Ang lakas mo nga nun e Akalain mo yun. Nakapag palabas ka ng ganun." Pahangang saad naman ni Gray.


"Sa totoo lang hindi ko rin alam kung paano ko iyon nagawa." Totoo kong sagot. "Hindi naman ako malakas. Di katulad niyong lima." Natatawa kong saad.


"Tara na. Ngayong nagising na sya. Wala na tayo dapat alalahanin." Aya sa kanila ni Acer. Tsk! Kahit kelan talaga napaka seryoso neto.


*Flashback*


"Ngayong andito na kayo. Meron ang ipapagawa sainyo. Nakarating saamin na merong nangugulo sa Forester Village." Panimula ni Headmaster. "Kinukuha ng mga bandit ang mga pagkain ng mga taga Forester Village." Dagdag pa nito.


"T-teka Tito este Headmaster a-ano pong ginagawa ko rito?" Nag tatakang tanong ko kay Headmaster.


"Kasama ka sa kanila Akira. Malaki rin ang maitutulong mo." Paliwanag nito.


"H-ho? Hindi kopa naman po kayang gamitin ng maayos ang magic ko." Sagot ko rito natawa namsn ito saakin nag pinag taka ko.


"Silly. Consider this as you first mission Akira." Sagot nito sakin.


"Pero headmaster. Hindi bat baka mapa bigat pa ang mission namin?" Singit naman ni Acer. Napayuko ako sa sinabi nito. Dahil totoo naman baka mag pa bigat lang ako dito.


"Headmaster. Baka mapahamak lang po si Akira. Dahil hindi po namin masisiguradong mabababtayan namin siya duon." Paliwanag naman ni Faye.


"Alam kong kaya nyong bantayan si Akira. Mas maigi kong kasama niyo sya lagi." Paliwanag naman ni Headmaster. Na ipinagtaka ko naman.


"Headmaster hindi na lang po ako sasama? Baka mapahamak kopa ang lahat kapag sumama ako." Sagot ko kay Headmaster. Umiling pa ito at nag salita.


"Yun lang ang paraan. Kaya sasama ka Akira." Pinal na sabi nito.


"Wala naman kami magagawa e. Sana lang wag niya kami ipahamak at wag rin siya mag pa bigat samin." Sagot ni Acer. Kaya muli ako napa yuko. Bakit parang gusto nang bumagsak ang luha ko sa mga sinabi nito sakin.


"Acer!" Suway sakanya ni Sanya.


"What? Im just telling the truth." Sagot nito.


"You're so mean Acer!" Sagot rin ni Gray.


"A-ayos lang t-totoo naman na baka ipahamak ko lang kayong lahat. Pero iiwasan ko na lang iyon mang yari." Paliwanag ko sa mga ito. Pinipilit kong pagaanin ang boses ko kahit na gusto bumagsak ng luha ko.


"Mabuti naman kung ganun." Cold na saad ni Acer sakin. "At wag karin kikilos basta basta." Dagdag pa nito.


Tumayo na ako. At dali daling umalis duon. Dahil alam kong di ko na kayang pigilan ang luha ko. Parang tinutusok ng tinutusok ang dibdib ko dahil sa mga sinabi niya.


Bakit pag sya ang sakit?







Faye's PoV:


Andito kami ngayon sa Dorm naming lima. Alam naming nasaktan si Akira sa mga sinabi ni Acer sakanya. Bwisit din kasi tong lalaking to e.


"Hindi mo kailangan sabihin sakanya iyon Acer." Inis kong saad dito.


"Bakit hindi? Iyon naman ang totoo." Sagot nito sakin. "Saka ngayon lang sya sasabak sa mission sa tingin mo ano ang iisipin ko?" Sarcastic na dagdag pa nito.


"Alam naman namin iyon. Pero sana naman hindi mo na iyon sinabi." Sabat ni Sanya sa usapan namin.


"Par masakit para sakanya iyon" Dagdag naman ni Renz.


"Tapos nayan. Hindi niyo na mapapawi ang sakit na naramdaman niya ngayon. Walang mitutulong iyang sumbatan niyo." Pag papatigil ni Gray saamin. Kaya napatahimik naman kaming apat.


"Asikasuhin niyo na lang ang mga gagamitin niyo. Para sa misyon" Utos ni Acer saamin.


Kaya dali dali na kaming nag si puntahan sa kanya kanya naming kwarto para asikasuhin ang mga gagamitin namin.






Akira's PoV:


Andito ako ngayon sa kwarto ng dorm namin dahil aasikasuhin ko ang mga gagamitin ko. Dahil mamaya na ang alis namin. Bumaba muna ako kitchen para mag luto ng babaonin ko mamaya. Pag baba ko naabutan ko sina Lexi at Mist na naka upo sa sofa.


"Balita namin kasama ka sa misyon ng mga Prinsipe at Prinsesa?" Saad ni Mist saakin kaya  tumango naman ako.


"Ayaw ko ngang sumama dahil baka mag pabigat lang ako sa mga ito." Totoong sagot ko. Diko parin makalimutan ang mga sinabi ni Acer sakin.


"Ha? Baliw kaba bakla? Alam mo bang madaming nangangarap sa kinalalagyan mo?" Saad naman ni Lexi. Wala naman nakong sinabi at pinagpatuloy na ang ginagawa ko.


Papunta nako kung saan kami mag kikita kitang anim. Sigurado akong nag hihintay na ang mga ito saakin. Di naman ako nag ka mali nakita ko na nga ang mga ito. At kumakaway pa si Faye saakin.


"Lets go!" Saad nito ng makarating ako kung nasaan sila. Kaya tumango na lang ako at nag simula na kaming mag lakbay.



Sana maging maayos tong first mission ko kasama sila.















Itutuloy.....

Comment