Chapter 29: Bandit And Wolf




Akira's PoV:


Naka handa na kaming lima. Nag hahantay na lang kami mag tanghali dahil sabi ni Ms Vallerie tanghali daw susugod ngayon ang mga lobo.


Ilang oras na lang susugod na ang mga ito. Kaya nsg handa narin kami para mamayang tanghali. Buti na lang nakapag pahinga ako ng mabuti para may lakas ako ngayon.


Nag hintay kami sa pag sugod saamin ng mga lobo. Pero nag tataka kami kung bakit wala ang mga ito. Nanatiling tahimik ang buong paligid ng Forester Village.


"Akala ko ba tanghali susugod ang mga lobo?" Tanong ni Renz.


"Hindi bat yun ang sabi ni Head? Baka nahuli lang ang mga ito?" Sagot naman ni Gray.


"Wag kayong mag pakampante. Hindi natin alam kung kasama ito sa plano nila." Cold na saad naman ni Acer.


Habang nag uusap kami naka rinig kami ng pag sabog sa di kalayuan kaya nag tinginan kami at baka ito na iyon. Kaya dali dali kaming pumunta kung nasaan ito. Palapit pa lang kami naka rinig ulit kami ng pag sabog.


Boggsshh!!!!


Pag ka rating namin duon. Nakita naming andun ang mga lobo pero may kasama itong ibang nilalang.


"Bandit?" Sagot ni Faye.


So tama nga akong mag ka sabwatan ang dalawang panig. Marami ang mga bandit at marami rin ang mga lobong ito alam siguro nilang naririto kami. Kaya ipinadala na ang buong angkan nila.


"Umalis na kayo rito. At wag nyo nang muli guguluhin ang mga nakarita sa Village na ito." Matapang na pag babanta ni Sanya.


"At sino kayo para utusan kami? Sa mga pinuno lang namin kami sumusunod at wala ng iba pa." Paninindigang sagot ng isa sa mga bandit.


"Hindi kami natatakot sainyo. Dahil mas marami kami sainyo." Sagot ng isang lobo.


Nag simula ng mag si sugod ang mga ito saamin. Kaya nag hiwa hiwalay kaming anim. Sumugod saakin ang mga lobo at bandit inilagan ko naman ang mga tira at kalmot ng mga ito.


Ice Fox!


Ice Sword!


Bigkas ko kaya nagulat ang mga ito. Pero dali dali naman itong sumugod uli sa gawi ko. Todo ilag lang ako marami ang mga ito tila hindi ata ito nababawasan.


Nakita ko naman ang iba kong kasamahan na nakikipag laban din. Dahil sa rami nila. Kaya ramdam ko na ang pagod ko. Pero parang sa kanila wala man lang nababawas.


Nag pakawala ulit ako ng Ice fox at liogle para tulungan ako. Dali dali rin naman itong sumugod sa kalaban namin.


Ahh! Hindi ba sila nauubos?


Inis na sambit ko sa isip ko. Mukang hindi kami mananalo sa lagay na ito. Ayaw ko man subukan pero gagawin ko ulit ang ginawa ko noong levelling.


Nag focus akong mabuti at hinawakan ko ang kwintas ko at nararamdaman ko na ang malakas na magic. Na kumakawala sa loob ng katawan ko.


Double Headed Ice Wolf!


Bigkas ko lumabas naman ang isang malaking wolf na dalawa ang ulo. Napa tukod ako ng maramdaman kong nahina ako sa ginawa ko. Nakita ko namang marami nabawas sa kalaban namin.


And Everything went black.










Acer's PoV:



Habang nakikipag laban ako naramdaman ko ulit yung malakas na aura gaya nung sa levelling. Kaya hinanap ko agad si Akira. Dahil alam kong sakanya galing yun.


Shit! Nag basta basta ka nanaman Akira!


Sigaw ko sa isip ko. Nakita ko agad si Akira na nang hihina na at nakita ko rin ang na summon nito ang Double Headed Ice Wolf. Pag tapos ng pag summon niya rito nawalan na ito ng malay.


Dali dali akong pumunta sa gawi niya. Nag lagay rin ako ng barrier para hindi kami masaktan ng mga kalaban.


"Ano nanaman bang iniisip mo." Saad ko rito habang hawak ko ito. Mukang nawala na ang ba summon ni Akira na Wolf kaya nag summon narin muna ako.


Fire Lion!


Fire Fox!


Fire Wolf!


At lumabas naman ang mga ito at umatake sa mga kalaban naming bandit at lobo. Nakita kong paunti unti na lang mga ito at tuluyan ng natalo ang mga ito. Pumunta naman sina Renz sa gawi namin.


"Tell this to your boss! Dont ever disturb this peaceful village." Saad ko sa natitirang mga bandit at lobo. Halata namang natakot ang mga ito at umalis na.


Pag karating namin sa Office ng Head ng village. Binigyan niya kami ng Healing Potion. Binigay naman namin ito at pinainum kay Akira. Kailangan na lang niyang mag pahinga muna.


Pag tapos namin mag pahinga dumiretso na kami umuwi at agad naman kaming dumiretsong lima sa Headmaster Office. Nakita namin itong nsg pipirma ng ibang papeles.


"Mukang natapos niyo na an misyon niyo. Teka? Nasaan ba si Akira hindi niyo ata kasama?" Takang tanong ni Headmaster samin.


"Napagod po siya Headmaster. At nag papahinga napo." Si Gray na ang sumagot.


"Ganun ba? Oh sya salamat naman buti ayos lang sya. Hindi naman sya nag pa bigat hindi ba?" Tanong nito. Pero naka tingin lang ito saakin. Alam ko kung anong ibig sabihin nito.


"Sa totoo nga po malaki ang natulong niya samin" Totoong sagot ni Faye. Aaminin kong malaki ang natulong nito saamin.


"Oh sya! Alam kong pagod kayo mag pahinga muna kayo at sa susunod na araw may importante akong sasabihin sainyong lima kasama na si Akira." Paliwanag nito saamin nag taka man kami dahil kailangan pang kasama si Akira ay ipina walang bahala na lang namin.


"Sige po mauna na kami" Sagot naming lahat tumango naman ito saamin at nag pasalamat.
















Itutuloy.....

Comment