Chapter 32: New Member?



Akira's PoV:


Dinilat ko ang mata ko ng makaramdam ako ng presensya ng isang tao. At nakita ko si Lexi na natutulog sa tabi ng kama ko mukang pagod ito sa pag bantay sakin.


Napangiting na lang ako ng napait nang maalala ko ang huling nanyare sa laban namin ng mga S-List. Mukang hindi talaga ako karapat dapst maging isang S-List.


Ganun ba talaga ako kahina? Binigo ko si Queen Elizabeth. Pati narin si Brix na tumulong saakin sa pag eensayo ko at sina Mist at Lexi na umagapay saakin.


Arrgggg!!!!


Galit na sigaw ka sa isipan ko. Napaka hina ko ang hina hina ko. Ayaw kong hunarap sa kanila dahil sa nanyare. Nahihiya ako sa kanilang lahat.


"Oh sis! Buti naman gising kana. May masakit ba sayo? Nagugutom kaba?" Sunod sunod na tanong niya saakin na may halong pag aalala.


"Ayos lang ako lexi. Salamat sa pag aalala" Pag papasalamat ko rito.


"Ano kaba! Ayos lang yun ano pa at naging kaibigan mo kami diba?" Totoong sagot nito sakin. Napaka swerte ko talaga sa mga ito e. "Sandali lang tatawagin ko ang iba mukang matutuwa ang mga iyon." Saad nito saakin. Aamba na sana ito ng pigilan ko ito. Kaya napatingin ito saakin.


"Wag na muna Lexi. Nais ko muna makapag isa ngayon. Nahihiya pakong humarap sa kanilang lahat." Pigil ko rito.


"Maiintindihan ka naman namin e. Pero kung yun ang gusto mo sige." Pag sang ayon namsn nito saakin kaya napa ngiti naman ako.


"Salamat" Pag papasalamat ko rito. "Mag papahangin lang muna ako sa labas" Dagdag kopa tumango naman ito sakin.


Nag paalam nako sakanya. At sinsbing niyang matutulog muna siya. Dahil napagod daw itong mag bantay saakin. Pumayag naman ako dahil ramdam ko ang pagod niya.


Pumunta ako sa paborito kong puntahan. Walang iba kundi sa Lake. Pinag masdan ko ulit kung gaano ka payapa ito at ang mga huni ng ibon na masarap sa pandinig.


"Mukang napapadalas ka ata ang pag punta mo rito" Salita ng isang tinig kilala ko ang tinig na iyon. Kaya hinarap ko ito. At tama nga akong siya ito.


"A-ah o-opo nakakawala po kase nang problema ang lake na ito." Sagot ko kay Queen Elizabeth.


"Bakit? May problema kaba?" Tanong nito saakin.


"P-pasensya napo binigo ko kayo. Hindi ko natalo ang S-List" Pag hingi ng tawad ko rito.


"Mali ka. Napabilib mo ako sa ginawa mo napahanga mo ang lahat sa ginawa mo." Naka ngiting saad nito sakin. "Bihira lang ang nakaka sabay sa mga S-List member. Pero nagawa mong makipag sabayan sa mga ito." Dagdag pa nito.


"Pero hindi parin po mababago na natalo ako" Totoo kong saad rito.


"Gaya ng sabi ko ayos lang iyon. Dahil nakita ko na ang dapat ko makita." Sagot naman nito sakin na para bang may ibang ipinapahiwatig ito.


Pag tapos namin mag usap. Nag paalam na ito saakin dahil baka hinahanap na ito sa palasyo. Dahil pinag babawalan siya ng Mahal na Hari pumunta rito.


Pauwi nako ng makita ko si Faye na kasama ang iba pa. Dali dali ako lumihis ng daan at dahil dun may naka bunguan ako isang tao. At matumba ako.


Shit!! Sakit nun ah!


Tinignan ko kung sino ito. Kaya napa yuko na lang ako ng si Brix ang naka bungguan ko. Kainis! Kung sino pa ang ayaw kong makita sila pa talaga ang nakikita ko.


"Mabuti gising kana? Ayos kana ba?" Nag aalalang tanong nito. Tumango naman ako sakanya.


"Ayos nako salamat." Pag sagot ko at pasasalamat ko rito.


"Mukang may tinataguan ka ata? Sino ba? " Takang tanong nito.


"Ah wala naman napadaan lang ako rito." Sagot ko rito at dumiretso nakong umalis nako.


"Akira! Pinapatawag ka pala ni Headmaster sa Office niya." Sigaw nito baago pako makalayo.


Dumiretso nako sa Office ni Tito. Dahil gusto kong malaman kung anong gustong sabihin nito. At kung bakit ako pinapatawag.


"Pinapatawag mo raw ako Tito este Headmaster?" Tanong ko rito ng maka pasok ako ng Office niya. Tumigil naman ito sa ginagawa niya.


"Maupo ka muna." Utos nito saakin na agad ko namang sinunod.


"Ano po bang dahilan bakit niyo ako pinatawag?" Tanong ko rito ng maka upo ako.


"Napa hanga mo ako sa ginawa mo. Hindi lang ako kundi rin ang iba." Sagot nito saakin. Pero alam kong hindi ito ang totoong sasabihin nito. Alam kong may iba pa.


"Pwede ba Tito? Sabihin niyo ang dapat niyong sabihin?" May pag ka inis kong tanong rito.


"Oh sya! Sige sige gusto ko lang sabihin sayo na wel-" Hindi na natapos ni Tito ang sasabihin niya ng may nsg salita bigla.


"Welcome to S-List" Saad nito ng ikina gulat ko. Tama ba ang narinig ko?


"ANOOOO??" Gulat na saad ko rito.


"Nabingi kana rin ba dahil sa laban mo?" Sarcastic na sagot nito.


"Akira! Part ka na ng S-List" Sagot naman sakin ni Faye.


"Welcome Akira!" Panabay na sagot naman ni Gray at Renz.


"We're happy that you're part of the S-List from now on" Naka ngiting saad naman ni Sanya.


"You're deserved to be part of the S-List. Because you have a fighting spirit that we look for." Proud na saad naman saakin ni Tito kaya napa ngiti ako at tumango rito.


"Welcome to S-List Akira" Sabay sabay nilang pag welcome saakin. Pero si Acer ay seryoso lang na naka tingin sakin.


"Thank you!" Pag papasalamat ko naman sa kanila.


I did it! I am Part if the S-List now!









Itutuloy.

Comment