Chapter: 40 Im Home.

Akira's PoV:


Narito ako sa hardin ng palasyo dahil kakatapos lang namin mag ensayo ni Dad. Siya ang nag tetraining saakin. Para mas maging malakas daw ako.


"Anak. Tapos na ba kayo mag ensayo ng Dad mo?" Tanong sakin ni Mom.


"Opo kakatapos ko lang po saka na practice ko na rin ang ibang kapang yarihan ko." Sagot ko rito.


Sabi saakin ni Mom. Meron pa daw akong ibang elements na kayang gawin dahil namana ko ang kapangyarihan ni Mom. Dalawa na ang kaya kong controlin ang Ice at Water.


"Mabuti naman kung ganun? Kelan kaba babalik ng academy?" Tanong sakin ni Mom.


"Kapag natapos napo ako sa tinuturo nyo sakin Mom." Saad ko rito. Ngumiti at tumango naman ito sakin.


Tinuturo sakin ni Mom ang iba pang element pero ang tangi ko lang gamay. Ay ang Ice at Water. Dahil medyo hirap pako sa ibang element.


"Alam kong makakaya mo rin gamitin ang mga iyon anak." Saad nito sakin.


"Opo magaling ata mag turo ang Mom ko." Proud na sagot ko rito.


"Bakit ang Mom mo lang? Hindi ba ako magaling Anak?" Nagtatampo namang saad ni Dad. Nang makita kami nito kaya natawa naman kami ni Mom.


"Syempre magaling rin ang Dad ko. Kaya nga po malakas nako Magically and Physically eh." Sagot ko rito.


"Kailangan mo na rin maka balik ng Academy anak ng maaga. Alam mong sobrang alala na ng mga kaibigan mo duon." Sabi sakin ni Dad.


"Oo nga po Dad e. Kaso hindi kopa na papractice lahat ng element Dad." Sagot ko rito.


"Pwede mo namang ma practice iyon sa loob ng academy sweety." Saad naman saakim ni Mom.


"Sige po. Pero hindi ko naman po ipapahalata iyon." Saad ko rito. "Saka kung pwede Mom and Dad? Pwede po bang tayo muna ang nakaka alam sa totoo kong pag ka tao?" Pagkukumbinsi ko sa kanila.


"Pwede naman. Pero tandaan mo walang sikretong hindi nabubunyag sweety." Sagot ni Dad.


"Opo alam kopo iyon. Pero sa ngayon ay ililihim ko muna. Dahil ayaw ko muna ma issue Mom,Dad* Paliwanag ko sa kanila. Tumango naman sila saakin.


"Sige kung kailangan mo ng tulong andito lang kami ng Mom mo" Saad sakin ni Dad na ikinatuwa ko naman.


"Opo Dad! Dadalawin ko naman kayo rito ni Mom." Sagot ko rito.


"Sige na mag handa kana ng mga gamit mo at sarili mo at ipapahatid kana namin sa Royal Guard." Saad sakin ni Mom. Agad naman akong kumilos para ayusin ang gamit ko.


Pag tapos ko mag ayos ng sarili ko at gamit ko ay dumiretso nako sa sala kung nasaan sina Dad at Mom Para makapag paalam na ako sa kanila.


"Mom! Dad! Paalam po at salamat dadalaw na lang po ako rito." Pag papaalam ko rito.


"Sweety. Meron kaming gusto naming isama mo." Saad sakin Mom. "Gusto namin isama monang isa sa mga magagaling sa Royal Guard. Si Roy." Dagdag naman nito.


"Para iyan sa kaligtasan mo anak siya ang magiging personal assistant mo roon." Sagot naman ni Dad.


"Sige po." Pag payag ko naman


Tinawag ni Mom at Dad ang isang Royal Guard. Mukang kaedad ko lang ito. May katangkaran din at medyo maputi kulay Gray. Ang mata at buhok nito. At based sa sinabi saakin ni Dad Ice ang magic nito.


"Magandang tanghali mahal na Prinsesa." Pormal na pag bati nito at nag bigay galang pa.


"Magandang tanghali rin. Pwedeng bang Akira na lang?" Saad ko rito. Nagulat naman ito at tumango na lang.


"S-sige po Pri- Akira." Sagot nito at napa kamot pa ng ulo. Wahh!! Ang cute niya.


"Sige na Dad! Mom! Mauna napo kami." Pag papaalam ko kina Dad at Mom at yumakap pa rito bago kami umalis.


Naka dating na kami ng Academy at dumiretso agad kami sa Headmaster Office. Nakita namin si Tito na may ginagawa pero ng maramdaman ang pesensya ko ay umangat ito ng ulo.


"Hello Tito! Magandang hapon." Pag bati ko rito. Nagulat man ito agad din itong naka bawi.


"Maligayang pag babalik. Akira o tamang tawaging. Prince/Princess Akira Scoldfer of Luxianna Kingdom" Pormal na saad nito saakin.


"Pwede ba Tito wag moko tawagin sa ganyan dahil ayaw ko muna ipaalam ito." Sagot ko rito.


"Oh sya tapos ko narin lahat ng papeles para sa pag tranfer ng kasama mo" Sagot nito saakin.


"Sige mauna na kami Tito. Salamat ulit." Pag papaalam ko rito. "Halika na Roy alam kong pagod kana rin duon kana muna sa Dorm namin may sobra pang kwarto duon." Pag aya ko naman kay Roy at tumango naman ito.


Pag dating namin ng dorm ay kinakabahan ako sa magiging reaksyon nila Mist at Lexi. Dahil baka magalit ang mga ito saakin dahil matagal nakong hindi nag pakita.


"May problema po ba Prin- Akira?" Tanong sakin ni Roy.


"Wala naman tara na pumasok na tayo." Aya ko rito.


Pag pasok namin ng dorm ay agad kong nakita si Mist at Lexi sa sala na naka upo. Nagulat ang mga ito ng mapansin nila ako sa likod nila.


"Akira?" Gulat na sagot nilang dalawa.



"Im home!!"









Itutuloy.....

Comment