Chapter 41: Scared

Akira's PoV:


"Im home!" Saad ko sa mga ito.


"Kyaahhhh!!! Ikaw nga yan Akira!" Sigaw nilang dalawa. Nakaka tuwang makita ko ulit tong dalawang ito.


"Buti naman ayos ka lang! Alam mo bang nag alala kami sayo? Saan kaba galing ha?" Maluha luhang saad ni Lexi.


"Oo nga naman. Ni hindi ka nag paramdam samin alam mo bang araw araw ka namin hinahanap?" Sang ayon naman ni Mist.


"Mahabang kwento mga bakla! Pwede bang mag pahinga muna kami?" Sagot ko sa dalawang bruhang ito. Nakita ko namang nagulat sila sa kasama ko kaya natawa na lang ako.


"Roy. Sila ang dalawa kong kaibigan sina Mist at Lexi" pag papakilala ko kila Mist at Lexi. "Mist at Lexi si Roy kaibigan ko. At mag aaral narin rito sa Academy." Pag papakilala ko naman kay Roy.


"Ikinagagalak ko kayong makilala" Pag pakikipag kilala naman ni Roy.


"Keme ren ekenegegelek ren nemwn ekew ma kilewlew" Pabebeng saad naman ng dalawa. Natawa na lang ako sa mga ito.


"Baka naman matunaw si Roy niyan? Dahil sa mga titig niyo sakanya?" Natatawang saad ko sa mga ito.


"Kaloka ka naman sis! Umalis ka lang pag balik mo may kasama kanang gwapong binata? Yung totoo? Nag tanan kayo no?" Pabirong sabi sakin ni Lexi.


"Hayst! Ewan ko sainyo. Mag papahinga muna kami. Bukas na lang ulit." Pag sagot ko sa mga ito. "Roy yung vacant na room na katabi ko duon ang room mo." Saad ko rito. Tumango naman ito saakin.


Pag akyat ko ng room ko natutuwa akong makita ulit to wala naman itong pinagbago kahit na nawala ako ng isang buwan.


"Tomorrow is the start of my game." Saad ko sa sarili ko bago matulog.


Kinabukasan umaga akong nagising nakita ko namang hinihintay ako ni Roy sa baba. Nakita ko rin na nakapag luto na ito agad.


"Ang aga mo namang nagising" Saad ko rito ng makita ko ito sa sala.


"Ginagawa ko lang ang tungkulin ko Prin- Akira" Sagot nito. Mukang hindi pa ito sanay na tawagin akong Akira.


"Hindi mo naman kailangan gawin yan e" Sabi ko rito.


"Ayos lang Akira nasanay narin kase ako." Sagot nito.


"Naayos mo naba ang gamit mo? Simabay kana sakin mamaya pumasok. Dahil mag kaklase naman tayo." Aya ko rito. Mag classmate kami dahil iyon ang utos nila Mom at Dad kay Tito.


"Sige Akira tapos ko namam nang ihanda ang mga gamit ko." Sagot nito sakin.


Pag tapos namin kumain ay nag handa na kami ng sarili namin. Para maka pasok na. Habang nag lalakad kami sa pasilyo ng school marami ang nagulat ng makita ulit nila ako. Well matagal din akong nawala.


"Mukang sikat ka rito Akira." Pabulong na sabi sakin.


"Tigilan moko Roy. Ang totoo nga nyan ikaw ang pinag titinginan sating dalawa." Totoong sagot ko rito. Dahil talaga naman na pinag titinginan ito dahil gwalo ito.


Nakarating na kami classroom namin at sakto namang dating ng Prof namin kasabay lang namin at halatang nagulat ito sa pag ka kita sakin.


"Good morning Prof." Naka ngiti kong bati rito.


"Oww!! Goodmorning too Akira." Pag bati naman nito sakin. "So? Siya ba ang tinutukoy ni Headmaster na bagong transferee?" Tanong nito sa kasama ko.


"Yes po Prof." Sagot ko rito.


Pumasok na kami at nakita ko namang nagulat ang lahat ng classmate ko pati narin sina Faye at ang iba pa. Ganun din si Bruha halatang nagulat ito at natakot


Scared huh?


"Hi! Goodmorning" Pag bati ko sa mga ito at ngumiti pako.


"Goodmorning I'm Roy Santiago an Ice Elementalist" Pag papakilala naman ni Roy. Humarap ako rito at ngumiti dumiretso na kami sa upuan namin at mag katabi kami.



Faye's PoV:


Nagulat kami ng makita namin si Akira ng pumasok sa loob ng classroom. As in lahat kami nagulat dahil matagal din itong nawala. Halos isang buwan din iyon.


"Hi! Goodmorning" Bati ni Akira. At ngumiti ito. Pero iba ang Akirang kaharap namin dahil malakas ang aura nito.


"Goodmorning I'm Roy Santiago an Ice Elementalist" Pag papakilala namsn nung lalaki na Roy daw. Nagulat rin kami ng same sila ni Akira ng magic.


Yung totoo? Anong nanyayare? Pag tapos nilang mag pa kilala ay dumiretso na itong umupo. Nag tuloy tuloy naman ang klase namin hanggang sa mag break time.


Lumapit kami kay Akira para kamustahin ito. Kasama namin si Acer at ang Bruhang si Sheena. Na naka lingkis pa sa braso ni Acer. Napansin naman ni Akira at Roy ang pag lapit namin.


"Hi Akira! Kamusta ka?" Pangangamusta ni Gray.


"Ang tagal mong nawala nag alala kami." Si Renz naman.


"Akala namin kung ano nanyare sayo ayos ka lang ba?" Saad naman ni Sanya.


"I miss you Akira!" Saad ko rito at yumakap.


"I miss you rin guys. Ayos na ayos lang ako at mas better pa." Sagot nito samin. "Right? Sheena?" Dagdag nito pero may halong pangbabanta nakita ko namang natakot si Sheena sa ginawa ni Akira.


"Ahh o-oo K-kamusta kana p-ala?" Pag uulit nito.


"Okay na okay thankful pa nga e" Sarcastic na sagot nito. Shit! Nakaka takot siya.


"Akira. Lets go" Aya ni Roy sakanya. Tumango naman si Akira.


"Mauna na kami may gagawin pa kami ni Roy." Pag papaalam nito saamin at umalis na naiawan namam kaming lahat at kita pa kay Sheena ang takot nito kay Akira.


Ano ba talaga ang nanyare? Dahil ibang iba si Akira ngayon di na tulad ng dating Akira. Mas lumakas pa ito.






Itutuloy.....

Comment